DREW NACINO (DN): Kumusta naman ho ang pagiikot po ninyo at kung maiko-compare ninyo itong kampanya ngayong panahon sa mga nakaraang kampanya dahil tayo ngayon ay may pandemya? Ano ba ang pinagkaiba, mga malalaking pagkakaiba, Senator?
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Well, kahapon nanggaling din kami sa Leyte at sa Samar, partikular sa Tacloban at Catbalogan. May malaking pagkakaiba, iyan ay kawalan ng mga rally, kawalan ng pagtitipon ng mga maraming bilang na mga tao, Drew. Pero para sa akin, mula’t mula naman, hindi ako kumbinsido sa mga rally at motorcade at mas pinipili kong mag-ikot sa iba’t ibang media outlet, radyo man, telebisyon o vlogger para maipahayag ang aking mga prinsipyo, paniniwala at gagawin at gagawa kung saka-sakaling makakabalik sa Senado.
DN: OK, Senator, ngayon po, actually, nanonood ako ngayon kung siguro nanonood kayo ng TV, nakatutok po ang mundo ngayon doon ho sa sitwasyon ngayon sa Ukraine, between Russia and Ukraine. Meron ho tayong mga kababayan doon, Senator, na almost 400 ang mga OFW, mga Pinoy, nandon ho sa Ukraine. Meron na ho ba kayong balita kung may nangyari na ho doon sa panawagan ninyo noon na last week pa ho iyon kung hindi ako nagkakamali, na mag-arrange nga ito ng evacuation flights doon ho sa ating pamahalaan at para sa kanila. Actually, wala na daw flights sabi ni Sec. Bebot wala na ng mga airport doon dahil ‘yun ang tinatarget ng mga Russian forces.
CHIZ: Tulad ng dati, Drew, nahuli na naman ang Pilipinas. Mahigit isa’t kalahating linggo ko na hinihiling at pinanawagan ‘yan, bago pa nga noon sana nagplano na ang DFA at ang Department of Labor at ang OWWA. Ngayon binomba na ng Russia ang iba’t ibang paliparan at airport, binobomba na ng Russia ngayon ang iba’t ibang communication towers ng Ukraine. Mahihirapan na tayong mahanap at matunton ang mga nagsisilikas na ating mga kababayan mula sa iba’t ibang siyudad sa Ukraine. Baka mahirapan na rin tayong makontak sila dahil nga sinisira na rin ng Russia ang iba’t ibang cell sites at ang mga communication towers sa Ukraine. Kung nauna na lang sana nating nagawa ito, hindi tayo mahihirapan sa saka-sakali ngayon, pero na mahirap na gawin iyan wag sanang tantanan, huwag sanang sumuko ang OWWA at DFA, huli man daw at magaling ika nga, dapat gawin pa rin po sana nila.
DN: OK, at speaking of kaguluhan syempre meron economic effects ho ‘yan dahil ho diyan sa Europa umaabot na ho, Senator, $100, $105 per barrel po ang presyo ho ng krudo, ‘yung Brent oil samantalang sa Dubai, ‘yung Dubai crude ho ay $92 per barrel. Inaasahan ho natin na lalo pa ho ‘yan tataas sa mga susunod pa hong linggo, syempre apektado po tayo, ang bansa ho natin. Sa inyong pananaw, ano po ba ‘yung urgent o immediate na aksyon na dapat ho nating gawin ay ang sinusulong suspensyon ng excise tax sa langis. Anu-ano ho ba ang dapat aksyon?
CHIZ: Tama ka, suspensyon ng excise tax at pagpapababa ng value added tax sa langis. Dahil ang nakukuha ng gobyerno sa mataas na presyo ng langis ay mas malaki kaysa tinataya niyang makukuha sana. Halimbawa Drew, kung ang presyo ng gasolina ay kuwarenta pesos at sampung porsiyento buwis merong makukuha ang gobyerno na Php6. ‘Pag tumaas ang presyo ng Php60 ang makukuha ng gobyerno biglang tataas mula apat na piso magiging anim na piso bigla. Php2 mas mataas. Bakit magdadagdag pa ang gobyerno na pasanin ng ordinaryong Pilipino may kapangyarihan ang BIR nilagay naming sa batas ‘yan noong ako’y nasa Senado pa na babaan ang rate na ‘yan para makolekta nila ay ‘yung tama lamang na tinatayang buwis na talaga naman target nilang makolekta. Hindi ‘yung nakiki-ambush, nakikidagdag pa sila sa pabigat sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
DN: Tax na rin lang pinag-uusapan natin senator dahil ang Department of Finance merong kung narinig niyo na ito—itong nirerekomenda ng Department of Finance para sa susunod na administrasyon magkaroon ulit ng pagtaas sa buwis para daw mabayaran itong mga utang natin—yung mga inutang natin para ho sa COVID-19 response. Umaabot na kasi Php11.7T ‘yung utang para mapondohan ‘yung proyekto nito. Ano po masasabi niyo rito,Senator?
CHIZ: Alam mo, parang ugali ng masamang ama ‘yan. Drew, pasensiya na dahil ‘yung tatay ang umutang ewan natin kung saan ginastos tapos ipapasa sa saling-lahi ang paraan para bayaran ‘yung napakalaking utang. Hindi man lang nila mismo ginawan ng paraan. Kung kailangan talaga ‘yan sana ginawa nan g Department of Finance. Sana sinulong na nila dahil malaki naman ang mayorya nila sa Kamara man o sa Senado.
Para sa akin, ang pagtataas ng buwis ang huling dapat gawin ng gobyerno sa isang pandemya habang bumabangon tayo sa pandemya. Ipinapangako ko sa inyo Drew, kung ako’y makakabalik sa Senado, isa ‘yan sa titiyakin ko sa inyo hindi ko papayagan anumang pagdagdag ng buwis para po dagdagan pa ang pasanin at pabigat at kalbaryo ng ating mga kababayan.
Kung talagang naghahanap tayo ng pantustus hindi lamang pambayad sa utang pero sa proyekto ng gobyerno. Ilan sa mga ito ang puwede nilang gawin. Una, magbenta ng ari-arian nang hindi na po kailangan na ginagamit ng gobyerno. Pangalawa, itulak, buksan ang PPP at DOT para magamit ang pondo ng pribadong sektor sa pagpapapagawa ng maraming mga infrastructure projects na kailangan po nating magawa kabilang na diyan halimbawa ang pinakamahabang tulay na ginagawa sa bansa sa Cebu. Privately-funded po ‘yan, PPP ‘yan. Ang EDSA elevated highway, hindi naman po gobyerno ang nagpagawa niyan- pribadong sektor po ang nagpagawa niyan. So, maari pang magawa iyan sa iba’t-ibang infrastructure projects sa bansa pabilisan lang nila, padaliin lang nila ang insentiba ng bagong administrasyon para pumasok ang private sector dito. At pangatlo, habulin ang tiwali. Bawasan ang corruption sa bansa.
Ayon sa Ombudsman, anim na bilyon ang nawawala sa corruption. Ayon sa World Bank, umaabot ito ng Php1-T kapag isinama mo ang lagay sa customs, BIR, lagay sa pagbibigay ng permit. Lagay sa pagbibigay ng licensee. Lagay sa mabilis na pagprocess ng dokumento. Kalahati lang noon ang mabawi natin. Kalahati lang ang mapigilan natin, dagdag na Php300-B hanggang Php500-B. Hindi na natin kailangang mangutang. Hindi na natin kailangang magtaas ng buwis. Hindi na natin kailangang magbenta ng ari-arian. Iyan lamang, mahabol lang natin ang kalahati, sapat at sobra na pambayad sa utang at para sa serbisyo publiko.
DN: Mabalik tayo, Senator sa usapin na OFW. Lumalala nga po iyong COVID-19 sa Hong Kong. Mayroon hong surge diyan, Omicron. Marami na po sa mga kababayan natin, kung napakinggan ninyo kay Sec. Bebot kanina sa panayam natin. Lalo na po iyong mga domestic helper. Mayroon na pong na-infect. Mahigit 100 na po. May mga ulat po na hindi sila ma-accommodate though mayroon naman sa mga ilang lugar. Sa mga hospital. Iyong iba basta na lamang pinapaalis ng amo. Ano po ba ang puwedeng gawin ng pamahalaan para ho sa mga OFW para ho?
CHIZ: Alam ninyo, sinabi ko na rin iyan noong nakaraang linggo. Hindi pa rin tila ginagawa ng gobyerno at tila kulang sa malasakit ang pamahalaan sa ngayon. Kumuha ng hotel, kumuha ng dormitoryo para may masilungan man lamang ang ating mga kababayan sa Hong Kong na pinalayas ng kanilang mga amo. Pangalawa, kausapin ang Hong Kong authority, kagaya ng bansang China. Mag-allocate ng mga kama para sa ating mga kababayan o kung hindi man, kumuha ang ating pamahalaan ng pribadong ospital kung saan puwede silang mailagay ng libre at wala silang binabayaran at sagot ng pamahalaan. Pangatlo, sampahan ng kaso iyong mga walang pusong amo na nagpalayas na lang basta-basta ng ating kababayan mula sa kanilang tahanan na ni walang binibigyan na tirahan matapos nilang palayasin nang magtanda at huwag ng gawin sa mga kababayan nating naninirahan at nagtatrabaho sa Hong Kong.
DN: OK, marami pong salamat, senator sa inyo pong oras. Magandang umaga po.
CHIZ: Drew, maraming salamat muli sa ating mga kababayan at listeners. Karangalan ko po makapiling at makausap kayo sa umagang ito. Mag-ingat po sana kayong lahat. Thank you at good morning, Drew.
DN: Salamat po, Governor. Si Sorsogon Governor at dating senador Chiz Escudero.