CHIZ: KALUSIN ANG RED TAPE PARA MAIBIGAY AGAD ANG AYUDA SA MSMES

 

Para agad na magamit ang hindi nagagalaw na ilang bilyong pisong COVID-19 assistance fund para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs), pinakakalos ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa pamahalaan ang red tape sa pamamahagi ng tulong sa MSMEs.

Sinabi ni Escudero, na nagbabalik-Senado, na ang MSMEs, na patuloy na nahihirapan ang MSMEs dahil sa mga epektong dulot pandemya, ay hindi dapat matengga nang ilang buwan habang pinuproseso ang kanilang mga aplikasyon hanggang sa maibigay sa kanila ang ayuda.

“Fighting red tape is the perpetual revolution. Cut, cut, cut. It is like a marathon. No record is static. It has to be broken. Hindi puwede ang 33 days to start a business and 120 days to deal with construction permits, per a World Bank study,” aniya.

Iniulat ng Commission on Audit (COA) na Php4.09 bilyon o 45% lang ng alokasyong Php9.08 bilyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) Program ang nailalabas, base na rin sa pinakahuling record noong Hunyo 30, 2021. Ang pondo ay ibinibigay nang walang collateral at walang interes sa MSMEs na naapektuhan ng pandemya.

Ayon sa COA, nasa 28,222 MSMEs pa lang ang nakauutang sa ilalim ng CARES at may P5 bilyon pang hindi nagagalaw rito. Sinabi naman ng Small Business Corp., na siyang nagpapatakbo ng programa, nasa Php2.03 bilyon na lang ang natitirang pondo, base sa pinakahuling tala nito noong Enero 2022.

“Not all problems can be solved with peso signs. There is a limit to checkbook solutions. Sa experience ko, bilang gobernador na nakalapat ang paa sa lupa, who starts his day by buying coffee from local brewhouse and ends it by shopping o nabudol ng mga anik-anik sa mga artisanal shops, isang problema ang ease of doing business ng mga maliliit na negosyante,” ani Escudero.

“Three Rs ang kailangan ng MSME—Recovery, Resources, Red Tape. The two involve administrative streamlining. In this age, ICT and internet should help lighten the load, not turn people into digital slaves. Bawasan natin ang papel, ang proseso, ang pagrepaso,” aniya.

Nilalaman din ng ulat ng COA na 48,010 MSMEs lang ang nag-apply para makautang mula sa CARES subalit kinansela ng 4,378 o 9.12% dito ang kanilang mga aplikasyon dahil na rin sa tagal ng proseso at kakulangan ng updates sa estado ng kanilang loan application.

Sinabi Escudero, ang nag-iisang kasalukuyang gobernador na kumakandidato bilang senador, na kailangang makahanap ng paraan ng gobyerno upang masigurado na makararating ang ayuda sa MSMEs dahil kung hindi, aniya, ay malabong mangyari ang pagbangon ng ekonomiya.

Base sa isang survey ng Department of Trade and Industry survey noong Hunyo 2021, 10% na sa MSMEs ang nagsara, 46% dito’y manaka-naka ang operasyon, at nasa 44% lang ang may full operation dahil na rin sa pandemya.