KIM BERNARDO-LOKIN (KBL): Magandang araw po, ako si Kim Bernardo-Lokin at ito ang Diretsong Pananaw. Ang ating panauhin po ngayong araw na ito ay isang dating senador, dating congressman. Obviously, kaibigan ko ito kaya kilalang-kilala ko ho siya and presently he is the governor of Sorsogon. And obviously now he wants to run again as senator. So welcome to the show, Governor Chiz Escudero.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Kim, magandang gabi sa iyo, sa lahat ng televiewers at tagasubaybay ninyo sa Diretsong Pananaw. Taos-pusong pagbati karangalan ko maging bahagi ng inyong programa. Kumusta ka na? Long time, no see.
KBL: I know. Napakatagal na pero alam mo, Governor Chiz, you’re looking more and more like a celebrity each time. So
CHIZ: Parang hindi ko naman nararamdaman ‘yun.
KBL: Oo nga, ‘di hindi mo lang. Sinasabi mo lang ‘yun. Anyway, so you are now in the heart of the campaign at the same time you are still the incumbent governor of Sorsogon. So medyo mahirap dahil kailangan mo mag-stay diyan tapos malapit na rin ang start ng local campaign period. So how do you manage your time these days, Governor Chiz?
CHIZ: Unlike other candidates that can campaign 24/7, 7 days a week I get to campaign only 2-3 days a week. Because as you said I have to stay in Sorsogon and perform my functions and duties as governor of Sorsogon. Plus, may mga bisita pa kaming nagpupunta dito, mga kandidato na nangangampanya na mga kaibigan din natin na kailangan kong asikasuhin para tiyakin na ‘yung kanilang stay dito ay ligtas at gayundin na makabuluhan ang pagbisita nila sa aming lalawigan.
KBL: Oo nga. Balita ko nga halos lahat ng presidential, vice presidential candidates and their team, nagpupunta diyan sa inyo. So, syempre may kanya kanyang paglo-lobby diyan pero balita ko wala ka pang ine-endorso para sa team whether presidential or vice presidential and their team, Governor Chiz?
CHIZ: Wala pa, Kim. Iba ‘yung tinutulungan ko lahat, ina-assist ko lahat bilang host sa aming lalawigan so ine-endorso ko lahat na medyo nalilito ‘yung iba doon. Wala pa akong ine-endorso sa simpleng dahilan, bilang ama ng lalawigan ako lang yata ang tumatakbong senador na nakaupong gobernador. Trabaho ko na tiyakin na ligtas yung kanilang pagbisita at gusto kong makilala ng aming mga kababayan ang lahat ng tumatakbo para sa gayon ay magkaroon sila ng basehan kung sino ang pipiliin nila na walang pressure na galing sa akin o galing kanino man. Pero marahil bago dumating ang halalan, magpapahayag ako ng aking ie-endorso o hindi man, iboboto ko na ‘yung kursonada ko talaga.
KBL: OK. So syempre alam natin, kanya-kanya tayo, meron tayong napupusuan kung sino talaga ang gusto natin hindi ba? So, sa inyo pong estado ngayon Governor Chiz, in a pandemic tapos incumbent pa po kayo ngayon na governor, papaano po ba ang style na ginagawa ninyo to campaign because all others, we see them, mga kaibigan natin umiikot na sa buong Pilipinas. Although kayo ang advantage niyo dahil kilala na kayo dati pa but what are the strategies that you are doing now because it is harder to campaign in these conditions?
CHIZ: Hindi naman ako mahilig sa rally Kim kahit noon pa man. Sa rally kung hindi ka magsasayaw, kakanta o magpapatawa wala namang papansin sayo. Hindi naman ako marunong magsayaw at kumanta. Sa motorcade naman o sa caravan na tinatawag ngayon, hindi naman conversion medium yung pagkaway sa ating mga kababayan. Tulad ng dati mas minamabuti ko gamitin ang iba’t ibang klaseng media, social media man o traditional media. radyo, telebisyon, dyaryo, presscon para maparating ang akin paniniwala at adbokasiya sa ating mga kababayan. Nakakaikot ako, Kim, ng 2-3 probinsya ‘pag may mahihirap na masasakyan sa aking paglilibot. Halimbawa, noong nagdaang linggo tatlong araw akong nakapaglibot. Nakapunta kami sa Kidapawan City, Davao City, Gen San, Cotabato City, Bacolod tsaka Iloilo. So, sa loob ng tatlong araw, naka-anim na probinsya kaming pag-iikot. Pero solo lang akong nag-iikot, Kim.
KBL: Oo ‘yun na nga ang itatanong ko kasi alam mo, Governor, tatlo yata ang team na kasama ka sa kanilang listahan ng senatorial slate and that’s very good. It looks like you’re very favored but at the same time, ang mahirap po diyan ay kanino po kayong team sasama kapag umiikot kayo kaya ang lumalabas nagso-solo kayo ngayon, ‘di po ba?
CHIZ: Kim kahit noon ay isa lang, iisang grupo lang ang nag-adopt sa akin, hindi rin ako sumasama sa pangangampanya. Gaya ng sabi ko, rally usually ang kampanyang ginagawa nila at pangalawa nagpupunta sila sa mga lugar kung saan kailangang magpunta noong presidential candidate. Iba naman yata ‘yung lugar minsan na kailangan kong puntahan dahil iba naman ‘yung numero ng presidential candidate sa numero ko sa survey o sa dapat naming puntahang mga lugar.
KBL: Oo nga naman. OK. So, speaking of surveys, you’re looking at your own surveys. Where do you think is your strength? Obviously, apart from Bicol region is your strength, and where do you think that you need to focus on more?
CHIZ: It’s almost all around and so far, strengths are concerned, Kim. May lumalaylay lang ng kaunti, ilang lalawigan sa Central at Northern Luzon below national average pero pasok pa rin sa top 6 kung titignan mo ‘yung numero nang mga tinatawag nating “below national average”. So sisikapin lang naming iangat lang ‘yun ng kaunti para pumantay sa national average na inilalagay ako sa number 2-4 na sana manatali at ma-maintain ‘yun d’on hangang araw ng eleksyon.
KBL: Oo, Governor. Actually, hindi naman I think, like I said, ‘yung advantage ninyo, dati na po kayong senador at kayo po ay national figure din so kilala na po kayo ng mga tao. Hindi niyo na kailangan magpakilala. Siguro ang kailangan, magpaalala, hindi po ba? Kasi parang 64 yata ngayon ang tumatakbong senators. So medyo masikip ang laban ngayon.
CHIZ: Tama ka Kim, 64. Kasi naalala ko si Senator Migz, siya ‘yung huli palagi, number 64 nga yata siya sa balota.
KBL: Oo nga. That’s right. OK, so Sen, tignan mo mas sanay akong tawagin kang “Senator Chiz”. Baka mamaya sabihin ng ibang mga kasama namin na masyado akong pumapabor but you have been a senator and you’re now governor. So, Governor, tungkol naman sa mga issues, what are the issues that you are pushing right now and what are you most concerned about?
CHIZ: Madami. Hindi ko lang alam kung saan magsisimula. Hayaan mo’t simulan natin sa pinakamahalagang dapat ipasang batas ng Kongreso, Senado man o Kamara at ‘yan ay ang taunang budget. Ang tawag ko diyan ay “recovery budget” dahil ‘yan ang magbibigay sa atin ng tulay at daan para makalampas sa pandemyang ito. Ika nga sa isang depenisyon, Kim, “Governance is about one thing only, governance is about allocating scarce resources. If you are able to allocate scarce resources then you have governed properly as well”.
Dagdag pa sa National Budget na nais kong tutukan, nais kong bigyang pansin din ang stratehiya sa pagbangon muli ng ating ekonomiya. Para sa akin ang stratehiyong iyan ay dapat mag-focus sa tatlong bagay lamang. Una, MSMEs na bumubuo ng 98 percent ng ating ekonomiya. Mabuhay nating muli ‘yan, mabuhay ang 98 percent ng ating ekonomiya pati na rin 98 percent ng mga trabahong nawala. Pangalawa ay agrikultura, pangatlo ay turismo. Itong tatlong bagay na ito ang magdadala sa atin lampas sa kinalalagyan natin mula sa pandemyang ito upang sa gayon muling mabuhay ang medyo naghihingalo at naghihikahos na ekonomiya ng atin bansa sa ngayon.
Pangatlo ay ang pagpapalakas sa mga LGUs. Naranasan ko kung paano maging isang local chief executive bilang gobernador pero halos pareho lang ang dinaranas ng mga mayor, mga mayor ng city, mayor ng munisipyo kung saan hindi naman namin nararamdaman ‘yung tunay na awtonomiya na inilagay sa konstitusyon at sa local government code. Halimbawa na lang, Kim, ang budget ng probinsya kailangan pa aprubahan ng DBM. May gusto kaming i-create na item kailangan aprubahan ng DBM at Civil Service. May gusto kaming bilhin kailangan aprubahan ng BLGF. Aba’y nasaan ‘yung awtonomiya doon? Mas malayong mas alam naman namin kung ano ang kailangan at dapat gawin sa aming lugar kaysa sinumang kalihim o director na nasa Maynila lang naman. Dagdag pa IRA namin ito, locally-generated revenue namin ito, wala dapat pakialam ang National Government. Kung ito ay grant o subsidy mula National Government tulad ng local government support fund, ‘di sige susunod kami sa menu, ‘di sige gagawin naming kung ano ang gusto niyong klase ng paggastos ng pondong ‘yun. Pero ‘yung pondong amin, wala dapat pakialam ang National Government kabilang na marahil ang kapangyarihang mag-determina ng mga alert level at dapat gawin sa aming mga lugar. Halimbawa, Kim, alam mo ba ang Sorsogon ay nasa Alert Level 2 pa rin.
KBL: Hanggang = ngayon?
CHIZ: (Ang Metro Manila) nasa Alert Level 1. Ang populasyon naming ay 1.1 million, ang active cases namin sa Sorsogon ay lima. Hindi ko maintindahan at maunawaan kung bakit kami nasa Alert Level 2 pa hangang ngayon. Ulitin ko, mas alam namin kung ano ang dapat at kailangang gawin sa aming lugar kaysa sila sa Maynila.
KBL: Oo nga, ‘no. Napakaganda niyang pinoint out mo na ‘yan ano, Governor Chiz. Actually, what you’re saying is actually on the path to federalism, am I correct? ‘Yan ba ay parang ganun ang gustong mangyari?
CHIZ: Autonomy. Kasi ang paniniwala ko, Kim, hindi pa tayo puwede mag-federalism dahil hindi pa tayo handa. Let me expound a bit. Dalawa lang ang pinakamalapit nating eksperimento sa federalismo, ang CAR at ang BARMM. Ang BARMM hanggang ngayon dating ARMM pinag-eeksperimentuhan at piniperpekto pa rin natin. The Congress just postponed the elections in BARMM. So hindi pa regular at normal ang pang go-gobyerno nun hanggang ngayon. After 35 years hindi pa rin regular at normal. Ang CAR naman tatlong beses ng natalo sa plebisito at after 35 years, hindi pa napapatupad.
‘Yan lang ang dalawang rehiyon sa bansa na sinabing dapat magkaroon tayo ng autonomous region. Dalawang rehiyon nga lang hindi pa natin maayos-ayos at maperpekto. Bakit natin gagawin sa buong bansa? Ayusin muna natin ‘yung dalawang pinakamalapit na eksperimento natin sa federalismo sa pamamagitan ng autonomous regions; ‘pag napatunayan nating umuubra na, maayos at maganda, doon natin gawin sa buong bansa.
KBL: I see, OK. You have a very good point there, Governor Chiz. So, at this point ang isa sa mga isusulong niyo siguro ‘pag nakabalik kayo sa Senado, I’m sure makakabalik kayo. Actually, ‘yung number lang ang hinahabol natin ‘di ba, Governor, Senator. Actually, ang sinasabi po ninyo is that you will help in pushing for greater autonomy for the local government, is that it?
CHIZ: Definitely, definitely Kim. Hindi lang ‘yon. Padadaliin ko ang trabaho. As governor, alam mo, dalawang pulgada ang pinipirmahan kong dokumento kada araw. Mga dokumento na hindi naman na kailangang pirmahan. Ni-require lamang ng DILG, ng COA at ng Civil Service na sa totoo lang legally should not be signed by the governor, the mayor anymore, so the mayor can go out, the governor can go out and visit the different barangays and municipalities under his jurisdiction and able to see the people, meet the people and talk to people. And finally, realize and find out exactly what they do need at a particular point in time.
KBL: Alam mo, that’s true. I notice that, bilang gobernadora, parang anytime you’re in local government, people need to see you actually and you need to address the concerns of your constituents with you most of the time. Obviously, kailangan nila physically present kayo except in a pandemic. So, yes, I understand I’ve seen that. I’m from the North so sa Pangasinan po ako ay ganoon din po ang style doon at napapansin ko po na mas effective kung kayo mismo ang nakikita ng tao, ‘di ba.
CHIZ: Actually, ang problema lang sa Pangasinan, Kim para marating mo ‘yung magkabilang dulo ng Pangasinan aabutin ka yata ng halos kulang-kulang isang araw sa laki ng inyong lalawigan.
KBL: Actually, three hours lang naman ngayon Governor Chiz.
CHIZ: Dahil may Skyway.
KBL: Oo. Hindi pero ‘yung sa loob ng Pangasinan, from the western side where I come from, aabutin ka ng tatlong oras pa rin papunta doon sa eastern. Ganoon kalaki ang Pangasinan. Pero kung pupunta ka ng Manila, three hours din from Pangasinan to Manila. So anyway, that’s something you’ll have to figure out soon.
So, Governor Chiz you also mentioned economy yung tulong natin sa mga maliit na mga negosyante, maliliit na mga businesses. But at this time, even as we speak, we are trying to recover from a pandemic, we have trillion-trillions in debts. Wala tayong bagong mga trabaho pa at this time and we’re trying to figure it out. And now we have the war in Ukraine as waged by Russia. So, the oil prices and everything else logistical problems, kumbaga nandito na tayo lahat-lahat na. So, papaano po sa inyong palagay bilang incoming senator, what will you try to focus on to help revive the economy and probably try to cushion a little bit of the impact to help us na kahit papaano hindi na natin masyadong maramdaman ‘yung gasolina ngayon magkano na, ‘di ba?
CHIZ: Lahat ‘yan, Kim, sabay-sabay hindi puwedeng isa-isa. ‘Pag ganito kalaki ang problema ng bansa hindi puwedeng para tayong kabayong nakapiring, kabayong pangarerang nakapiring ‘yung mata at iisang direksyon lang ang pinupuntahan. Sabay-sabay natin dapat harapin ang mga problemang nag-uusbong at hanapan ng solusyon.
Nabanggit mo ang gasolina. Apat na bagay para sa akin ang puwedeng gawin para maresolusyunan at maresolba ito ng agaran at may pang matagalan. Agaran, amyendahan ang batas para bigyan ng kapangyarihan ang DOF na babaan ang buwis kapag ka tumataas ang presyo ng langis. Excise tax man o VAT ang kayang ibaba ng presyo kung bibigyan sila ng ganyang kapangyarihan ay Php3 hanggang Php8 piso kada litro. So ‘yung impact ng one-time big time noong nakaraang ilang araw lang ang lumilipas kayang mabura ‘yon. ‘Pag bumaba na ulit ‘yung presyo ng langis, may kapangyarihan din dapat ang DOF na iangat ‘yan.
Pangalawa bilang pangmatagalang solusyon, itatag na natin muli ‘yung OPSF (Oil Price Stabilization Fund). ‘Yan ay pondong itinatag noong panahon ni dating Pangulong Marcos kung saan gagamitin ‘yung pera pang subsidiya sa mga kompanya ng langis ‘pag tumataas ‘yung presyo para huwag na muna nilang taasan ‘yung presyo babayaran sila ng gobyerno. Ang problema kasi, ‘pag tumataas ang presyo ng gasolina tulad ng nakita natin ngayon, tataas ang presyo ng bilihin, tataas ang pamasahe at gustong magtaas ng suweldo. Inflationary, ika nga, ‘yan. ‘Pag binalik natin ang OPSF, mapapanatili nating mababa ang presyo ng langis sa Pilipinas at parang insulated tayo sa anumang pagbabago sa world market o pandaigdigang presyo ng produktong petrolyo.
Pangatlo ay pagtatatag ng strategic petroleum reserve. Maraming bansang may ganito na. Hindi natin kailangan imbentuhin ito. Mangongopya lang tayo sa kanila. Ito’y imbak, stockpile ng langis diesel man o gasolina na bibilhin natin kapag ka mababa ‘yung presyo sa world market. Itatago lang natin at kapag ka tumaas ang presyo sa world market, ilalabas natin at ibebenta sa halos parehong kuha natin na mas mababa kaysa sa mataas na presyo. Cycle ulit ‘yan ‘pag bumaba ulit ‘yung presyo, bibili na naman ulit tayo.
Ang pang-apat ay ang pag-review ng Oil Deregulation Law. Lahat ng ito puwedeng isaksak sa Oil Deregulation Law. Puwede rin namang reviewhin natin ng hiwalay ang Oil Deregulation Law. Maliwanag na hindi tumugon, hindi na-deliver, hindi tumupad sa pangako ang Oil Deregulation Law patungkol sa pagpapababa ng presyo ng produktong petrolyo dito sa ating bansa.
KBL: Actually, Governor Chiz napakaganda pong pakinggan ‘yan at kaya lang ‘yung pag-amyenda, pag-revisit ng batas this will all take time. And ‘yung OPSF medyo mahaba-habang debate ‘yan kasi there are those that are pro and those that are anti. How about renewables, Governor Chiz? What is your take on that?
CHIZ: Pabor ako sa renewables. Sino ang tatanggi? Ang problema medyo mataas pa ang presyo maliban sa hydro. Mataas pa ang presyo ng solar. Mataas ang presyo ng wind kumpara sa coal, kumpara sa hydro. Wala pa tayo sa posisyon. Tumaas ang presyo ng langis para laan ng kuryente para lang magmalinis. Nandoon pa lang tayo sa problema, Kim, ng kulang ang suplay ng kuryente renewable man, fossil fuel-based man. Ang isyu sa akin ay kulang ‘yung suplay ng kuryente natin. Sa katunayan, by June-July magkakaroon na tayo ng rotating brownouts at ang malungkot dito, binanggit mo nga nagre-recover tayo sa pandemya. Maraming negosyong nagsara. Tumaas ang presyo ng gasolina at krudo. Dagdag problema, Kim, kulang ang kuryente, mahal ang kuryente. Paano naman tayo babangon mula diyan? Pinagpatong-patong pero mas magandang tignan natin ito bilang hamon. Hamon sa atin ng tadhana na dapat harapin at hanapan ng solusyon. ‘Pag ito malampasan natin, wala na tayong ibang puwedeng masabing hindi natin kakayanin bilang isang bansa at bilang isang lahi.
KBL: Wow! Napakagandang pakinggan, Governor Chiz. And, actually, I’m very positive that we will overcome, ‘di ba kasi wala naman tayong magagawa. Kailangan natin talagang to face it on. So, mayroon pa po kayong mga ibang suhestiyon noon na nakita namin katulad ng batikos niyo sa importation naman kasi you talked about agriculture earlier as one of the priorities that you’re looking at. And binabatikos niyo ‘yung importation ng isda. Ano po ba ang inyong suhestiyon ngayon? Bakit po ganito tayo ngayon? Bakit tayo umabot sa ganito at ano po ang inyong suggestion or solution para dito?
CHIZ: Kasi hindi natin ginastusan ang agrikultura, Kim. Ang budget ng Agriculture Department sa taong 2022 ay Php80-B lamang. Sinasabi kong lamang ‘yung Php80-B dahil kung ikukumpara mo ‘yon sa budget ng DPWH, ang budget ng DPWH for 2022 is Php840-B. Wala pang 10% ng budget ng Department of Public Works ang budget ng agriculture. And yet we’re an agriculture-based economy. And yet ‘yung pinakamahihirap nating kababayan ay mangingisda, magniyoniyog, magsasaka, nagtatanim ng gulay. Huwag na tayong magulat kung bakit tayo ang pinakamalaking nag-iimport ng kanin ay dahil hindi naman tayo nag-invest talaga para ma-modernize ang ating agrikultura. The average age of the Filipino farmer and fisherman is at 58-years-old according to a study I read. In two years time, senior citizen na ang mga magsasaka natin at mangingisda. At huwag natin silang sisihin kung mangarap sila na yung mga anak nila ay maging pulis, sundalo, abogado, teacher, inhinyero, nurse, doktor, sa sobrang hirap ng buhay ng pagiging mangingisda, magniniyog at magsasaka. Kailangan natin pakitain at patunayan na maganda ang kita ng mga sektor na ‘yan.
Sa ibang bansa, sa Europa o sa Amerika, hindi mahirap ang magsasaka at farmer, Kim. Dito lamang sa Asya at sa Pilipinas naghihirap sila. Hindi pa nga naaani, ipinangutang na. Umani nga, kapag binili lugi pa sa inputs dahil kulang ang suporta. Actually, isa sa mga dahilan kung bakit wala pa akong ini-endorso na presidente ay hinihintay ko na magsalita sila kaugnay ng kanilang mga plataporma kabilang na lahat ng pinag-usapan natin, so far, tungkol sa presyo ng langis. Tungkol sa mga kailangang baguhin para sa pandemya. Tungkol sa kung paano mabuhay ang ekonomiya muli. At ito, specifically din kung sino ang maglalagay ng Php4-B para sa agrikultura sa kanyang unang taon. 2023 Budget, ika nga, ng susunod na pangulo.
Nais kong makita na lagyan niya iyan ng Php400-B, at least at sabihin niya na bago matapos ang kanyang termino gagawin niyang Php800-B iyan bago ang 6 years ng kanyang term. Diyan lamang natin tunay na makikita na titigil ang importation. Kikita ang magsasaka at gaganda ang ekonomiya natin mula sa agrikultura. One last example, in 1966, when my father was secretary of Agriculture noong Marcos’ time, ang irrigated natin lupain na tinatamnan ng palay ay 1.3 million hectares. Out population that time was 37 million. Ang Thailand at Vietnam, less than 1 million ang tinatamnan ng palay na irrigated. Today, 35 years after ang ating irrigated na lupain na tinatamnan ng palay ay 1.6 million hectares. Nadagdagan lamang ng 300,000 hectares. Ang populasyon natin, mahigit 100 milyon na. A little less than three times. Ang Thailand from less than 1 million to 9 million hectares. Ang Vietnam, from less than a million 35 years ago to 11 million hectares. Kaya huwag tayong magtaka kung bakit tayo ang number 1 importer ng kanin sa buong mundo at ang Thailand at Vietnam ang number 2 at number 1 na exporter ng kanin sa buong mundo.
KBL: Oo, napakasakit ano? Pero, alam mo Governor Chiz, itong mga bagay na ito mayroon nga akong nainterview na isang kandidato. Ang sabi niya dapat daw ay mayroon tayong bagong department, Department of Importation. Kasi, lahat daw ngayon ini-import na- bigas, isda, gulay. Lahat na dapat na mayroon naman tayong sarili. Hindi ba?
CHIZ: Tama ka pero ang dahilan nga niyan ay kulang suporta, kulang ang tulong, kulang ang ayuda sa ating mga magsasaka na nagtatanim ng gulay. Magniniyog at mangingisda. Iyan ang dahilan kung bakit tayo kinakailangan na mag-import mula sa ibang bansa.
KBL: That is true pero ‘yung mga tatlong grupo ng mga kandidato na pumunta sa inyo recently at hinost ninyo wala po kayong narinig sa kanila. Ako naman kahit papaano ay may narinig naman ako sa one of them. Iyong isa na interview ko talk lengthy about agriculture and very similar to what you want to see and what you want to happens.
CHIZ: Usually, Kim, ang mga kandidato ay sumasagot kapag tinatanong sila o kapag nag-attend ng debate at forum pero wala pa akong nakita na nagsalita sa isang rally, speech o press con kaugnay nito na nagmumula talaga sa kanila bilang bahagi ng plataporma nila. Iyon ang binabanggit ko sa iyo kanina. Sa rally kapag hindi ka nagpatawa, kumanta o magsabi ng isang magandang pakinggan na talumpati, hindi naman maisingit doon minsan iyong plataporma. Mas magandang mailatag ang plataporma sa mga forum katulad nito
KBL: I understand. Kailangan din nating i-elevate din iyan, ano. We need to address that. Maybe for another time. Not now, Governor Chiz. Hindi natin kayang dalawa iyan. Medyo mahihirap tayo if we go against the tide now at this point.
CHIZ: Ngayon talaga ang nangyayari, padamihan na lang ng tao sa rally.
KBL: Oo nga. Pero, that alone.
CHIZ: Kesyo, peke. Kesyo, close-up view. Kaysa walang drone. Bawat election ay iba talaga, Kim.
KBL: Oo nga pero nakita mo naman ngayon na kahit pandemic mukhang mararami din lumalabas diyan sa Sorsogon para sa mga rallies, ha. Sino ang pinakamalaking rally na nakita mo. Ay, huwag mo na sagutin baka maipit ka.
CHIZ: Sa social media ko lang nakikita.
KBL: Hindi mo nakita?
CHIZ: Depende rin kung may drone shot ba, may close up shot ba? Minsan, akala mo ang dami kapag may drone bilang hindi na. Iyon ang pinakakaaliwan ng marami marahil sa atin ng mga kababayan ngayon para matira, ma-bash iyong mga kaibigan nilang sumusuporta sa kandidatong hindi kandidato nila.
KBL: Ibig sabihin nun ang mga nakikita natin sa social media, mga fake news naman?
CHIZ: Hindi naman depende lang sa anggulo. Pero, kung totoo iyon. Pero, may mga anggulo lang talaga na mas maganda ang kuha. Parang mga artista siguro ang mga modelo. Iyong kanang tingin sa mukha nila, mas maganda kaysa sa kaliwa. So, ganoon din siguro sa mga rally.
KBL: Oo, tama. So, angling lang iyan.
CHIZ: Iyon ba tawag, “angling”? OK.
KBL: Oo, angling. You have to find the right angle.
CHIZ: Exactly.
KBL: Hindi bale, pagkatapos ng usapan natin dito, ibubulong mo sa akin kung ano iyong mga nakita mo diyan. Pero, biro lang iyon, Governor Chiz. Marami pa po kayong mga iba rito na, kasi sinusundan namin iyong mga issues that you take part in.
Ang sabi ninyo kapag balik ninyo ngayon, after this election, when you come back to the Senate ay balak po ninyong buhayin itong panukalang batas itong yumaong Senadora Miriam Defensor Santiago. This is on the pandemic. Ito ba iyon? Tama ba iyon? Pandemic and All Hazard Preparedness Act. Ang sabi po ninyo, matagal na ito naihain noon pa hindi naman naipapasa. Ano po ba ang inyong opinyon dito?
CHIZ: Habang presko pa sa alaala natin ang pandemic ng COVID-19, nandiyan pa rin iyan hanggang sa simula ng bagong kongreso. Ika nga, habang mainit-init pa ay ngayon na natin ipasa iyan dahil hindi natin kailan muling mangyayari ito. Huling nangyari ang isang pandemic sa buong mundo, 1920s pa. Mahigit isang daang taon na ang lumilipas. Mangyari man iyan, 100 years from now, hindi man tayo handa ngayon ay gawin na nating handa tayo para sa saling lahi. Kung mangyari man uli iyan 100 years from now.
KBL: Oo nga naman. Ano po ang dahilan kung bakit hindi ito napansin o nabigyang pansin noong mga nakaraang na una itong inihain sa Senado?
CHIZ: Una, ningas kugon. Pangalawa, medyo may sakit na rin si Senator Miriam noong iyan ay inihain at nagbigay galang lahat sa kanya bilang principal author kaugnay ng bagay na iyan. Pero, pangunahing rason siguro, Kim, ay ningas kugon. Wala namang nakikitang dahilan, rason. Ang daming ibang problemang inaasikaso, unahin na muna iyon bago iyan na tila nabaon na sa limot.
Iyong Spanish flu over a 100 years ago na huling nangyari. Pero, hindi naman excuse iyon. Marapat na dapat tutukan pa rin ang ibang mga bagay. Pati naman ang media, kahit ipasa namin iyan hindi ilalabas sa media iyan, Kim. Dahil, “Ha, ano na naman iyan?” Some innocuous bill na ipinasa ng Senado. Maraming ipinapasang ganoong bill ang Senado, actually, at ang Kongreso na nagiging importante lang at relevant kapag pumuputok na ang problema. Marami din naman na nagawa kaming ganoon. Isa lamang siguro ito sa mga nakalusot ng mga panahong iyon.
KBL: OK, so, that means this time we can look forward to you refilling the bill and maybe retrofitting it to what we have seen and experienced in this pandemic. Tama po ba, Governor Chiz?
CHIZ: Definitely. Because lahat ng eksperto noong panahon ng 1920s, Kim, patay na. Lahat ng nakakaalam ng dapat gawin sa isang pandemic patay na, yumaong matagal na. At sa bagong teknolohiya hindi na magagamit din naman yung mga stratehiyang ginagamit nila noong mga panahong ‘yun. So panahon na rin para maglabas tayo ng panibagong batas kaugnay sa isang pandemya na maaring tumama sa ating bansa at sa buong mundo.
KBL: OK so now speaking of pandemic, Governor Chiz, syempre may kanya-kanya tayong pananaw on you know on how COVID-19 measures or implemented here tsaka alam ko.
CHIZ: Kulang ang oras natin para diyan.
KBL: ‘Yun na nga. Kulang nga nakikita ko pero ano ba ang sa tingin niyo apart from the fact na sinabi niyo na kailangan bigyan ng greater autonomy sa inyo, ‘di bale bibigyan kita ng dalawang oras, biro lang. Hindi natin kaya yun. Sige Governor Chiz.
CHIZ: Magbibigay ako ng dalawang halimbawa, Kim. Dalawang halimbawa na lamang. Noon 10 days mula noong magka-COVID ka bago ka i-declare na recovered. Ngayon ayon sa DOH 5 days mula noong magka-COVID ka, kapag health worker ka. Seven days ‘pag hindi ka health care worker, recovered ka na kung wala kang symptoms. Ang tanong ko ito, sa higit kumulang dalawang taon bago tinanggal ang quarantine mula sa mga bisita sa ibang bansa nagbiyahe ako papuntang America noong pasko. Two days bago kami sumakay ng eroplano, negative RT-PCR ka dapat pagdating ng Pilipinas, facility quarantine ka for 7 days, i-RT-PCR ka kung negative ka puwede ka ng umuwi sa bahay pero home quarantine ka for up to 14 days mula noong dumating ka.
Ang tanong ko ay simple, ‘yung nagka-COVID nga limang araw lang recovered na. ‘Yung nagka-COVID nga pitong araw lang, recovered na. Bakit iba, dalawang negative RT-PCR test ay kailangang dalawa pa talaga at kailangan mo pang mag-quarantine ng 14 na araw? Hindi ko maintindihan ‘yun. Hangang ngayon hindi pa nila binabago. Ayon sa DOH, 7 days recovered na ang pasyente dati 10 days ‘yun. Ang PhilHealth babayaran ka lamang kapag na ospital ka ng 14 days. Kapag hindi ka umabot ng 14 days, hindi ka babayaran ng PhilHealth. So anong gagawin ng mga ospital ngayon? Hindi pakakawalan ang pasyente kahit recovered na para mabayaran ng PhilHealth o pakakawalan ‘yung pasyente pero hindi sila mababayaran ng PhilHealth.
Ang nakakatawa ay kailangan lang naman manalamin ni Sec. Duque. Siya ang secretary of Health na nagtalaga ng rule na ‘yan. Siya rin ang co-chair ng PhilHealth. Iisang tao na may dalawang sumbrerong suot pero magkaiba ‘yung kwento ng dalawang sumbrerong ‘yun depende kung anong sumbrerong suot niya. Which up to now hasn’t been reconciled and fixed?
KBL: You know I think that is the common frustration of almost everyone that I had interviewed Governor Chiz. Pero mas maganda ‘yung sa inyo dahil personal experience ninyo, na-experience ko din po yun dahil lumabas din po ako ng bansa noong pasko. So hindi ko din maintindihan kung bakit ganoon samantalang kung may COVID ka after 5 days puwede ka nang lumabas, 7 days OK na. Pero kapag hindi kailangan mong ma-quarantine at noong panahon namin ano ‘to.
CHIZ: Hindi ko talaga maintindihan din, Kim, sa totoo lang. ‘Yung ang pangunahing dahilan kung bakit ang ekonomiya natin napakabagal ng ikot. Walang gustong magpunta rito, walang gustong mag-negosyo dito, walang gustong maging turista rito.
KBL: Sabi mo pa, Governor Chiz, hindi ka pabor sa mandatory vaccine. Ano po ba ang dahilan?
CHIZ: Hindi talaga dahil EUA na ‘yan as a basic principle of law ang EUA o emergency use authorization vaccine hindi puwedeng gawing mandatory dahil hindi pa naman talaga tapos lahat ng clinical trials paano kapag may doctor ka, personal mong doctor dahil sa karamdaman mo o condition mo. Pinayuhan kang huwag, ano pupwersahin ka ng gobyerno kulang naman yung test talaga. Paano mo malalaman ang epekto sa buntis o nagbubuntis na babae na babakunahan mo samantalang manganganak siya after 9 months. Kailangan mong tignan yung epekto ba nito, nakakadalawang taon pa lamang ang pandemya at wala pa tayong isang taong nagbabakuna ng tao.
So kulang pa naman talaga ang kaalaman kaya hindi ito pwedeng gawing mandatory. Imbes na magpilitan tayo, magkumbinsihan na lang tayo. Imbes na pwersahin natin, pilitin nating paliwanagan. Mas mahirap man yung trabaho pero ‘yun ang tamang daan tungo sa pagpapabakuna. Hindi pilitan, tutukan at saka pwersahan.
KBL: OK. You also did one more thing during this pandemic Governor Chiz, tinaasan niyo po ang sahod ng nurses ninyo diyan sa Sorsogon and now ang tanong ko dapat bang tingin mo ay taasan din natin dapat ang sahod ng mga health workers hindi lamang diyan sa Sorsogon pati na rin dito sa buong bansa.
CHIZ: Actually, nasa batas ‘yan, Kim. Sinunod lang namin yung batas sa salary standardization na ‘yan ang problema hindi lahat ng LGUs ginagawa ‘yan.
KBL: ‘Yun nga.
CHIZ: Hindi lahat may sapat na pera para gawin ‘yan o may ibang priyoridad sila imbes na ‘yan. Ang nagiging problema din naming, Kim, ay mas mataas ang sahod ng nurse sa National Government. So ang nangyayari nagkakaroon pa ng kumpitesyon ang lokal na pamahalaan at National Government pagdating sa nurses. Nagkakaroon ng kumpetisyon agawan ng tao between DSWD and our part of social workers sa Provincial Social Welfare and Development Office. Hindi naman dapat ganun. Dapat sana ang magtulungan ang national at lokal hindi mag-aagawan at magkumpetisyahan na siyang nangyayari dahil mas mataas ang suweldong alok ng National Government kaysa local government unit.
KBL: OK. So, do you think now that we need to revisit Governor Chiz ‘yung implementation ng Universal Health Act, ‘di ba mayroon tayong naipasang batas diyan?
CHIZ: Kim, Sorsogon is the leading province in so far, I’m proud to say the leading province is so far is the implementation of the UHC is concerned. Walang marunong o nakakaalam sa DOH kung paano gawin ito. Nagulat ako noong una kong nakitang nakipagtalumpati si Sec. Duque. Ang sabi niya, “Nandito na yung batas basahin niyo bahala na kayo.” Sabi namin, “Ha?” Nagpalakpakan ‘yung mga governor na iba. Akala nila binibigyan sila ng kalayaang i-implement ‘yon.
Isa ako sa kakaunting nalungkot at inisip na hindi nila alam kung paano gawin ito. So, dumaan kami sa butas ng karayom. Kami ang nangunguna ngayon. Sa ngayon Kim, no balance billing lahat ng hospital ko since last year. ‘Pag in-patient ka sa kahit saang hospital ko libre at wala kang babayaran. Within this year mabibigay na namin ang maintenance medicine ng sinumang out-patient namin sa lalawigan ng Sorsogon. Ibig sabihin makakapagbigay kami specific to the brand ng hypertension maintenance medicine diabetes, gayundin asthma, AIDS. Makakapagbigay kami ng bitamina at gamot para sa lactating or pregnant women at gayundin sa 0-5 na mga bata para matiyak na hindi na sila magkakaroon ng komplikasyon pa at hindi mao-over burden yung aming healthcare system. Out of my nine hospitals we have finished renovating five, four are ongoing. Hopefully it will be finished by May or by June in order to be able to deliver the services.
Nagkaroon kami ng groundbreaking noong isang linggo para sa Cancer Treatment Center sa Sorsogon. Magiging catchment basin ‘yan ng Samar ng Region VIII. Actually, particular Samar provinces, Catanduanes, Masbate at kahit na Albay, Legazpi. Medical tourism, ika nga, ang tingin namin diyan. But on the whole, hopefully if we succeed this year in implementing fully the UHC, we will be the prototype, we will be the example, we will be the test case para hindi na kailangan mag-imbento pa ng ibang probinsya. Pwede nilang kopyahin at gayahin na lamang ang aming ginawa para mapatupad ‘yang UHC sa kani-kaniyang lalawigan.
KBL: So, hindi ba nagkaroon ng problema rin in crafting of the IRR, Governor Chiz?
CHIZ: Sa katagalan na-craft ‘yung IRR tama ka Kim. Hindi lang ‘yon. Maraming kulang. Halimbawa, nais naming itayo yung network between public and private hospitals. Pero ‘yung computer system ng private hospitals at yung computer programs ng DOH ay magkakaiba. Hindi sila nag-uusap. So, paano namin mabubuo ‘yung network?
Hiniling namin two years ago kay Sec. Duque na naman na mag-utos na pagparehuin ‘yon, mag-utos na pag-usapin para ‘yung mga program magkakausap-usap para ‘pag may referral ng pasyente mula private papuntang public, public papuntang private ay electronic medical record na lamang. Hanggang ngayon, awa ng Diyos, hindi pa rin ginagawa ng DOH. Sa Procurement Law, gusto mo maging bahagi lahat ng clinic, lahat ng hospital sa iyong network under UHC. Tila hindi nauunawan at gustong padaanin sa amin sa bidding. Sa bidding isa lang ang mananalo. Lowest bidder wins. Ang network dapat lahat kasama anuman ang presyo o may procedure kaming ginawa uunahin namin yung pinakamura. Pero paano kung sira ‘yung makina? Doon kami sa sunod na pinakamura, pataas nang pataas. Pero importante bahagi lahat ng network or health care purposes.
KBL: Oo nga narinig ko nga ‘yan at sinabi pa ninyo pati nga ‘yung RT-PCR. Actually, pinag-aralan ko lahat ng mga issues na sinasabi mo, Governor Chiz, pati ‘yung RT-CPR o ang kakulangan nito ay isa ring malaking problema hindi ba katulad ng sinasabi ninyo hindi ba. So, you know siguro tama ‘yan maglabas na lang po kayo diyan sa Sorsogon ng best practices para gawing template ng ibang mga regions or ng ibang mga probinsya para matularan.
CHIZ: Tama po kayo. Magkikita-kita kami kung mananalo ako, Kim, ng mga opisyal sa DOH na patawarin na natin kahit tila hindi nalalaman yung kanilang ginagawa sa pagpapatupad nito. At imbes na padaliin, pinapabigat pa lalo yung implementasyon.
KBL: But Governor Chiz, there is a very thin line between nagpapasensya o patatawarin ‘yung hindi nila alam ‘yung kanilang ginagawa. And also, you know the fact that we need to look out for the greater good kung hindi naman talaga epektibo, will you call for the resignation of your favorite secretary, Governor Chiz?
CHIZ: I already did, a few months ago, a year ago in fact. But at the end of the day, it serves for the pleasure of the president and only the president can remove him. Huling sinabi ni Pangulong Duterte kung magreresign siya wala akong magagawa, sagot ni Sec. Duque dun, magre-resign ako masagot ko lang lahat ng issue laban sa akin, awa ng Diyos, hindi niya naman sinagot. Awa ng Diyos, hindi pa rin nagre-resign. Ilang buwan na lang, titiisin na lang natin. Sana lang ang feeling ko lang sa susunod na magiging pangulo, sino man siya, ‘wag na po ninyong i-appoint si Sec. Duque bilang secretary of Health, o bilang kahit anong puwesto po, para sa gayon malaman natin kung ano ang puno’t dulo kung bakit niya ginawa o hindi ginawa ang mga ginawa niya noong pandemya at noong kasagsagan ng pandemya bilang secretary of Health.
KBL: Will you institute an investigation on this?
CHIZ: Definitely, definitely.
KBL: Oo nga, aabangan ko ‘yun.
CHIZ: Hanggang ngayon, Kim, ‘yung presyo ng bakuna hindi natin alam kung magkano.
KBL: Oo nga, ‘di ba? Oo sa world market, ‘yung world prices, naka-post ‘yun. ‘Yung sa atin hindi, hindi natin alam.
CHIZ: Nasa WHO website Kim, kung magkano ‘yung kada bakunang binili natin, pero dito hindi daw puwedeng sabihin dahil non-disclosure agreement. ‘Yun ang kauna-unahang nakita ko sa buhay ko, ang tagal ko na sa gobyerno na hindi mo puwedeng ibigay ‘yung presyo ng binili mo, bagaman pera ng taong bayan ang ginamit mong pambili.
KBL: Ibig sabihin nun, ang gagawin nating ‘yon kailangan maraming bugtong hininga na lang ang kailangan natin at pasensya, ‘di ba Governor Chiz?
CHIZ: Kaunting tiis, mararating din natin ‘yung liwanag gaano man kadilim ‘yung kuwebang dinadaanan natin ngayon, mararating din natin ang liwanag sa hindi malayong hinaharap.
KBL: I mean, we all look forward to that. Ngayon, Governor Chiz, moving on, you also mentioned about the economy and of course the small businesses, ano po ba ang inyong suhestiyon para matulungan nang agaran ang ating mga maliliit na negosyante at of course apart from the long term kasi they need help more than ever, they need it now.
CHIZ: Ang ginawa na ng gobyerno natin ay binigyan na sila ng loan window, humigit kumulang na Php6-B at puwede silang umutang ng soft loan o ika nga mababang interes. ‘Yun lang, ‘yun lang ang tulong na binigay sa MSMEs.
‘Wag na tayo mag imbento, Kim, kumopya na lang tayo sa ibang bansa, best practices nga sa kanila. Gamitin nating halimbawa at pinakamagandang nakita ko na ay ang bansang Germany. Ang ginawa nila maliban sa loan window, nagbigay sila ng subsidiya katumbas ng pang sweldo ng kanilang mga empleyado ng MSMEs, sa loob ng anim na buwan, in-extend nila hanggang isang taon. Hindi puwedeng gamitin pambili ng ibang bagay pang sweldo lang, para ‘wag lang siya magsara kahit medyo lugi, para ang may suweldo pa rin ang mga empleyado at hindi mawalan ng trabaho, para patuloy ang pagiikot ng ekonomiya. Bibili ang may suweldo, magbabayad ng buwis ‘yung mga may suweldo, so on and so forth. Domino effect na siya.
Pangatlo, pinagusapan na rin nila ang pag-postpone ng pagbabayad ng buwis, ini-spread over nila sa tatlo hanggang limang taon ang pagbabayad ng buwis. Sinuspinde nila ang pagkoleta ng ilang buwis at ini-spread over din sa loob ng tatlo hanggang limang taon sa option ng negosyante. Nagpasa sila ng katumbas ng Rent Control Law natin dito, kung saan sinasabing sa panahong hindi pa nakakabangon ang ekonomiya, dapat ‘yung renta nila ay 75% discount, habang nagbubukas ang ekonomiya, dumadami ang customer magiging 50% discount, 30% discount 20% discount hanggang punong-puno at buo na ang renta.
Mas gusto ‘yun ng nagpapaupa kaysa naman mawalan siya ng umuupa, maganda ng may 35 porsyento, 25 porsyento kesa wala. Maganda ng may 30 porsyento kesa wala, ilang mga estratehiya gaya ng sabi ko na puwede nating gawin sa ating MSMEs na napatunayang nagtagumpay sa ibang bansa, bilang panghuling estratehiy. Ang bansang Italy, halimbawa naman, never silang nag lockdown, nag-lockdown lang ng weekend lang, at ‘pag weekend puwedeng lumabas lahat ng Italyano na nagtatrabaho sa tourism sector. Ang mga turista, hindi rin naka-lockdown ‘pag weekend puwede ring lumabas para buhay ang ekonomiya nila. Buhay MSMEs, ang lockdown nila para sa mga nagtatrabaho sa kumpanya ay Monday to Friday, puwede mag trabaho lahat para hindi tumigil ang paggulong ng ekonomiya mataas man o mababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
KBL: Oo nga, pero alam mo, Governor Chiz, sa atin katulad nga ng sinabi mo kasi parang hindi natin alam, tignan natin kung puwede ito, kung ‘di naman ‘to pwede, ganito, hindi ba? Pero one of the things that you had mentioned is additional government subsidy, at least kahit sa mga salaries ng ating mga empleyado na tulong natin sa mga maliliit na negosyante pero can the Philippines afford this? Hindi po ba baon na tayo sa utang? Saan tayo kukuha ng pera, Governor Chiz?
CHIZ: Sa suweldo, Kim, may buwis nag gobyerno ‘ron, ‘pag bumili sila ng kahit anong bagay may buwis ang gobyerno ‘ron. ‘Pag wala silang suweldo, wala silang trabaho at hindi sila bumibili, bababa din naman ang buwis na makukuha ng gobyerno. Ika nga, chicken or egg ‘yan, ano ang uunahin mo? If you really want to revive and spare the economy that’s what you should do. Ang inutang ng gobyernong ito mas malaki pa sa inutang ni Aguinaldo hanggang ni Pangulong Noynoy Aquino, sa loob lamang ng limang taon. Ang laki ng underspending ng gobyerno, hindi nagamit ang kabuuang inutang nila pero binabayaran natin ang interes nyan. Kung umutang nga tayo ng hindi natin nagastos, siguro puwede naman na tayong umutang ‘pag alam na nating eksakto kung paano gagastusin ‘yan at alam natin ang epekto rin sa muling pag bangon ng ekonomiya natin.
KBL: Oo nga naman, I agree with you on that, Governor Chiz. Ngayon ‘yung sa turismo ‘yung binanggit mo rin ‘yung turismo bilang sektor na kailangang kailangan nating tulungan at buhayin, ano po ba sa palagay ninyo ang puwede nating gawin para sila ay matulungan. In your case when you assume your post as senator, ano po ang puwede ninyong maibigay na tulong sa kanila?
CHIZ: Well, una sa lahat po, over sa side ng Senado, buksan na ang ating bansa ang pinakapumigil sa ating turismo sa ating bansa ay ‘yung pagbabawal na pumasok sa kada lalawigan ng domestic tourists gayundin ang mga foreigner tourist. Hindi ko nakikita ‘yung mga requirement nil ana relevant sa pandemya nitong mga nagdaang buwan at taon. Kami sa Sorsogon, Kim, ginawa namin ‘yung panahing may pandemya at lockdown bawal ‘yung mga turista, mag-quarantine ‘yung mga turista, kulang ang mga turista, inayos at pinaganda naming lahat ng tourist spot at tourist destinations naming. Naghanda kami, ika nga, para sa muling pagbubukas ng mundo, nakahanda na ang Sorsogon tumanggap ng mga turista. Ang tourism sector parang MSMEs ‘yan kailangan bigyan natin ng ayuda at tulong para manatiling bukas sila, dahil chicken or egg na naman iyan. ‘Pag walang turista, sarado sila, wala rin turista. Kailangan i-jump start ang tourism industry natin na isa sa pinakamalaking pinagkukunan natin ng foreign currency dito sa ating bansa
KBL: Oo nga. Siguro sa pagbubukas ng ating bansa, pagbukas na totally ng ating bansa ano sa mga tourist at medyo mas maganda na ang ating mga patakaran para sa pagikot ng domestic tourists. Puwede na ko pumunta dyan sa Sorsogon, imbitahin mo ako, Governor Chiz.
CHIZ: Anytime, Kim, I’d be honored to host you weather kung nasaan man ako, kung manalo man o hindi, palagi naman akong uuwi ng Sorsogon, host mo pa rin ako pag pupunta ka roon, uuwi ako doon para tiyaking ligtas at masaya ang magiging pagbisita mo doon.
KBL: Naks naman talaga! So, nakakataba ng puso naman ‘yan, Governor Chiz! Masyado kang humble naman, you actually have been on the you know, highly-rated among the candidates in every election. Tumakbo ka pa ngang vice president noong nakaraan, ‘di po ba? Papaano po ang inyong thoughts ngayon, how confident are you that you are in the top three?
CHIZ: I’m never confident, Kim. Ang tingin ko sa surveys, snapshots lamang, Boto pa rin sa araw ng eleksyon ang bilang kung sino ang mananalo at sino ang magsisilbi at kaugnay ng top three, top six. Sa totoo lang, Kim, ang suweldo ng number 1 pareho lang ng sweldo ni number 12. Buti sana kung mas mataas ang sweldo ng number 1; sige makipagunahan tayo day, pareho lang naman ang suweldo, pareho lang naman ng titulo, pareho namang may opisina, pareho lang ang tawag. Ang importante makapasok sa 12 at makapag paninilbihan bilang ninyong kinatawan sa Senado.
KBL: Tama nga naman. Oo nga, it doesn’t matter kung ano ang ranking.
CHIZ: Pero kung kayo kayo lang syempre pero it doesn’t really matter kantyawan na lang siguro ‘yun.
KBL: That’s true! OK so, alam mo Governor Chiz, meron ako dito ng pahinang mga kinompile ko na papakita ko sana sayo, ‘di ba? So ang problema natin ngayon na kinakaharap siguro lalo na ng mga incoming mga public officials na katulad niyo, napakalaki so siguro kailangan meron tayong part two ng ganito dahil kulang na tayo sa oras. So ibibigay ko ang panahon ngayon sayo na kausapin ng diretso ang atin mga nanonood sa atin, ang mga botante, ang inyong mga constituents. Mangampanya ka na sa kanila. Go ahead, Governor Chiz.
CHIZ: Dalangin ko na lamang po sana gamitin natin ang ating kapangyarihan at karapatang pumili at piliin ang mga lider na may kakayahan. Kakayahang magbigay ng siguradong direksyon at siguradong solusyon sa mabibigat na problema ng ating bansa. Ito po ang aking nais ialay sa ating mga kababayan sa muling pagharap ko sa dambana ng balota para inyong kinatawan, maging inyong boses at miyembro ng Senado.
Hindi ito panahon para mag-eksperimento, ika nga, magpraktis o mag-OJT. Panahon ito para agarang kumilos at ang bagong halal na opisyal para tumbukin at harapin at hanapan ng sagot ang mabibigat na tanong na kailangan nating harapin kaugnay ng pandemyang ito.
Isang malaking karangalan para sa akin makapiling ka sa hapon, gabing ito at gayundin ang iyong tagasubaybay at tagapanood. Kung may part two man, sabihin mo lang kung kalian; it would be an honor for me to talk to you again and to be part of your program again. Thank you and good evening to all of our televiewers.
KBL: At ganoon din sa iyo, Governor Chiz. Ano ba ang number mo sa balota?
CHIZ: Number 25.
KBL: Ayon. Number 25. OK, maraming maraming salamat, Governor Chiz Escudero ng Sorsogon at alam po ninyo talagang napakarami pong dapat nating pag-usapan. Napakaraming problema ng bansa so next time we will make it a point to try to guest you again just for the elections. So, good luck to you Governor Chiz Escudero, Senator Chiz Escudero. Maraming, maraming salamat sa pag-unlak mo sa aming imbestasyon ngayong araw na ito.
CHIZ: Salamat po, ingat kayong lahat.
KBL: So diyan po nagtatapos ang ating episode sa araw na ito ng Diretsong Pananaw. Ako po si Kimberly Bernardo-Lokin, samahan po ninyo ulit ako sa susunod na linggo. Maraming, maraming salamat.