ELMAR ACOL (EA): Bago tayo magpatuloy, kasama natin nationwide, worldwide, isang batikang mambabatas. Humawak nang napakaraming puwesto sa ating gobyerno para magserbisyo. Siya po ngayon ang gobernador ng Sorsogon diyan sa may bahagi ng Kabikulan. Dating senador, Chiz Escudero. Aba’y good morning po sa inyo, Senator Chiz Escudero at kumusta na po kayo, Sir?
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Una sa lahat, Elmar, Ever magandang umaga sa inyong lahat magandang umaga po sa inyong lahat. Pagbati mula sa Lalawigan ng Sorsogon. Kumusta na kayo?
EA: Naman ano. Direct from Kabikulan. Ang tanong namin sa inyo, hindi kayo natitinag sa mga survey. Number one pa rin kayo dito sa Publicus Asia, ano. Kumusta naman po ang kampanyahan nIyo at reaksyon na rin sa naturang survey, Senator Chiz?
CHIZ: Nagpapasalamat ako sa patuloy na paniniwala at pagtitiwala ng ating mga kababayan. Subalit survey pa din lamang ‘yan. Sinumang mataas, hindi dapat magmalaki. Sinuman ang mababa, hindi dapat mainis o maasar. Boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang kung sinong mananalo. Tuloy-tuloy lamang.
Kanya nga lang, ibang mga kandidato araw araw nagkakampanya. Ako, twice, thrice a week lamang ako nakakapag-ikot dahil meron pa rin akong tungkulin na dapat gampanan dito sa aming lalawigan bilang ama ng lalawigan, bilang gobernador.
EA: Nababanggit mo itong lalawigan mo, ano. Forty-six days to go ‘yung countdown namin kanina bago ang halalan. So, ‘yung ibang mga gobernador, naghayag na rin ng mga kandidato, ‘yung kanilang napupusuan. Kayo ba, meron na ba kayong napupusuan na i-endorso o mga napupusuan, Senator Chiz?
CHIZ: Ako lamang ang tumatakbong senador na gobernador sa ngayon. Kaya trabaho at tungkulin ko bilang gobernador at ama ng lalawigan, makilala at ipakilala ang lahat ng kumakandidato sa aming mga kababayan. Para, ika nga, makapili sila ng tama at maayos. Binuksan ko ang aking lalawigan sa lahat ng kumakandidato at inaasikaso namin sila, sinuman ang bumisita rito.
Ako’y magpapasya at mag-aanunsyo siguro ng aking kapasyahan sa bandang dulo na matapos makilala ng aming mga kababayan ang lahat ng kandidato para walang pressure sa aming mga kababayan, ika nga.
EA: Abangan namin kung anong dulo na ‘yan, ha. Senator Chiz, ‘yung liderato niyo po diyan sa Sorsogon ay repleksyon diyan ng inyong pamamalakad din at may mga report na zero COVID ‘yung buong lalawigan as of March 21. Itong nakalipas na araw. So ito po, paano itong nagawa niyo at ‘yung mga best practices din ano na puwedeng niyong ibahagi sa ibang mga local government units na, of course, nakikinig ngayon sa ating mga probinsya, Governor Chiz?
CHIZ: Elmar, sa totoo lang, hindi kami puwedeng mag-lockdown sa aming lalawigan dahil daanan kami ng truck, bus papuntang Mindanao at Visayas. At galing Visayas at Mindanao papunta ng Luzon. At ang pinaka-lockdown na lang sa amin ay Sabado at Linggo. Nang tumaas ang lockdown sa amin, binawasan lang naming ng 28 porsyento, binawsan naming ng isa o dalawang araw. At ang puwede lang lumabas, mga turista, mga bisita, mga dayo, at mga nagtatrabaho sa tourism sector.
Sa pamamagitan nito, nabalanse naming ang kalusugan at kaligtasan ng aming mga kababayan, sa kabilang banda. At sa kabilang banda naman, ang paghahanapbuhay at pagkita ng ating mga kababayan mula sa kanilang hanapbuhay, upang hindi palaging magbigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan.
EA: Nababanggit mo itong mga dayo at iba, kumusta na pala ang restriction diyan? Kasi may mga panawagan na dapat pantay-pantay o may standard ang mga LGUs diyan. Kung may nakikinig sa ating mga taga-Sorsogon. So paano po ang pagtanggap diyan, Governor Chiz?
CHIZ: Bukas po ang aming lalawigan, basta taga-Sorsogon, tatanggapin po namin. Nung kasagsagan nga nung pandemya nagsusundo pa kami ng taga-Sorsogon na stranded sa Maynila o hindi makauwi. Basta’t bakunado at taga-Sorsogon, bukas po ang pintoan ng aming lalawigan. Gayon din sa sinuman at lahat ng dayuhan at turista, lokal man o banyaga, para bumista po sa aming lalawigan. Ika nga, open for business, Elmar, ang aming lalawigan.
EA: OK, that’s good news, ano, Governor Chiz. Ang aking partner, si Bombo Everly, gusto rin tumungo diyan sa Sorsogon. Bombo Ever, ang iyong katanungan kay Governor Chiz. Go ahead, Bombo Ever.
EVERLY RICO (ER): Yes, magandang umaga po, Governor Chiz.
CHIZ: Good morning.
ER: Sa ngayon po, Governor, ay talagang nararamdaman po ng bawat Pilipino itong mataas na presyo po ng langis at malaki rin po ang epekto nito sa ibang mga bilihin. Si Pangulong Duterte nga ginawa na pong Php500, tinaasan po ‘yung dating Php200 na buwan na ayuda po para sa mga mahihirap po nating mga kababayan. Sa tingin niyo po ba Senator sustainable po ito? At ano po ‘yung nakikita po ninyo na long-term solution para po dito?
CHIZ: Habang mataas ang presyo at hindi nila binababa ang buwis, Ever, merong dagdag kita ang gobyernong pwedeng gastusin para dito. Pero tama ka, hindi ito pangmatagalan. Para sa akin, ang pangmatagalang solusyon ay ito: i-repeal ang Oil Deregulation Law dahil maliwanag na hindi ito tumupad sa pangakong papababain ang presyo ng produktong petrolyo.
At saan ka ba nakakita ng batas ‘yung mayamang may-ari ng gasolinahan pwedeng magtaas ng presyo kahit kailan niya gusto. Samantalang ‘yung naghihirap na tsuper ng jeep at tricycle, hindi sya puwedeng magtaas ng singil ng hindi nagpapaalam sa LGU o sa LTFRB. Hindi ba dapat ang batas mas binibigyan ng karapatan ang mahirap kumpara sa mayaman? Kung puwede ang mayaman, dapat mas puwede ang mahirap. Kung bawal ang mahirap, dapat mas bawal ang mayaman. Dagdag pa diyan nais ko magpanukala ng kapangyarihan sa gobyernong maglagay ng cap sa presyo ng produktong petrolyo. Babaan ang buwis kapag ka tumataas ang presyo.
At magtalaga at magtatag ng tinatawag nating strategic petroleum reserve. Ito’y imbakan ng langis, stock piling ng langis, ika nga. Bibili tayo kapagka mura ang halaga. At ibebenta din natin sa murang halaga dito sa bansa kapag tumataas ang presyo sa pandaigdigang merkado. Ito’y ginagawa ng ibang bansa rin. Hindi na natin kailangan mag-imbento. Puwede tayong mangopya na lamang ng best practices sa ibang bansa at gawin din po natin dito.
ER: Senator, speaking po dito naman sa Department of Finance, puwede pa rin naman daw po na mag-work from home ito pong ating mga BPO employees. Pero nagbanta ito na tatanggalin po ang tax incentives po ng mga BPO na nakabase po sa mga ecozones at free ports. Ano po ‘yung masasabi po ninyo rito, Senator Chiz?
CHIZ: Patawarin natin sila dahil tila hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi at ginagawa, ika nga, sa Bibliya, Ever. Ngayong mataas ang presyo ng gasolina, ngayon pa sila magre-require na pumasok sa opisina? At sa lahat ng uri ng trabaho, yung BPO pa talaga na hindi naman talaga kailangan magpunta o magtungo sa lugar na pinagtatrabahuan nila. At kaya, ika nga, mag-work from home. Hindi tulad ng ibang trabahong manual na kailangan nandoon ka talaga para magbuhat, maglinis at mag-ayos. Ang nagtatrabaho sa BPO industry kayang mag-work from home basta malakas ang internet signal at meron po silang computer. Mali sa panahon. Hindi bagay at napapahon ang panawagan at posisyong ‘yan ng Department of Finance kaugnay sa pag-report to work ng mga nagtatrabaho sa BPO industry.
ER: OK, Senator Chiz po, sa lighter side naman po tayo. Tungkol naman po ito sa love life niyo po, Senator, ano. Mag-aapat na taon na rin pala kayo, itong Adulting with Chiz video po ninyo ni Ms.Heart. At ito ay hit na hit po sa ating pong mga viewers. May iba pa po ba kayong gagawin na collab na mag-asawa po, Senator Chiz?
CHIZ: Naanyayahan lang ako na sumali minsan sa kanyang mga vlogs para gumawa ng content. Pero si Heart talaga ‘yung magaling sa mga ganyan. Ako’y hindi gaanong ma-social media. Mahilig lang ako manood at magstalk ng mga kaibigan ko sa social media. Maging ganoon pa man, bukas naman ako palagi magbigay ng anumang payo, tulong. Hindi lamang sa asawa ko, hindi lamang kay Heart, syempre pati narin sa ating mga kababayan gamit ang kanyang platform. Kung makakatulong ito sa ating mga kababayan.
EA: Senator Chiz, ano, balik sa akin, ano. Naitanong na rin sa maraming forum, mga fora, ano. Bakit gustong bumalik sa Senado ni Senator Chiz? Governor kayo ngayon, bakit gusto niyong magpahalal muli, bakit gusto niyong bumalik, Senator Chiz.
CHIZ: Sa simpleng mga dahilan: una, kahit anong galing, talino, magtumbling o tumalon ako bilang gobernador ng Sorsogon, may hangganan ang aming puwedeng marating at magawa dito kung hindi aangat din ang buong bansa at bawat probinsya sa Pilipinas dahil narin sa pandemya.
Pangalawa, dahil sa pandemya, sa bigat ng problema ng bansa, ito yung ika ngang panahon sa Ingles na, all hands-on deck. Lahat na may pwedeng i-ambag at itulong dapat i-ambag at itulong na yan. Nais kong i-ambag at i-alay anumang talino, talento, galing at karanasan ko sa pagbibigay ng mga desisyon at direksyon at solusyon sa napakabigat na problemang kinakaharap natin ngayon dala ng pandemya.
Dagdag pa dun, hindi lang naman pamilya namin ang magaling o may kakayahan mamuno sa aming lalawigan. marapat bigyan din ng pagkakataon ang ibang mga apelyido at pamilya. Baka kasing galing, baka mas magaling pa po kaysa sa’min.
EA: Anong gusto nyong unahing kaagad pagdating sa Senado?
CHIZ: Una, syempre ‘yung ekonomiya, nawalang trabaho, nagsarang mga negosyo. Pangalawa, na maging kampyon ng local na pamahalaan na magpasya para sa mga sarili namin ng walang pakikialam o menus na pakikialam ng national government. Halimbawa na lamang, zero cases kami ng COVID dito pero hanggang ngayon Alert Level 2 pa rin kami. Hindi ko maunawaan ‘yun. ‘Yung pera namin, ‘yung IRA ng lokal na pamahalaan, locally-generated revenue, bakit kailangan pa diktahan ng national government? Kung galing sa kanila yung ayuda, grant o subsidy, ‘di sige susunod kami sa menu, sa listahan nila. Pero ‘yung perang sa amin naman talaga, dapat bigyang laya ang lokal na pamahalaan magdecisyon kung paano gagastusin ‘yan. Mas alam namin kung anong kailangan ng aming mga kababayan kumpara sa sinumang national government official na ni hindi po napapadpad sa aming lugar.
EA: On that note, Senator Chiz Escudero, Governor Chiz Escudero, maraming salamat po. Kumusta na lang dito kay Ms. Heart na talaga naming fan itong partner kong si Bombo Everly. Maraming salamat po, Senator Chiz Escudero. Good morning po.
CHIZ: Emar, Ever, magandang umaga at maraming salamat din. Ingat kayo palagi.
EA: Ingat din po.