ROBY ALAMPAY (RA): So let’s get to our ano, facing The Chiefs tonight is former Senator Chiz Escudero who is aiming to make a comeback. Senator Escudero, Governor Escudero, welcome to The Chiefs again.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Roby, magandang gabi sa iyo. Ma’am Amy, Ma’am Luchi, sa ating televiewers, at tagasubaybay, magandang gabi po. Pagbati mula sa aming Lalawigan sa Sorsogon.
RA: So you can wear either hat, puwedeng as candidate. We’ll also ask you as a politician, as a Bicolano. Your thoughts on the developments today between Ping Lacson exiting today from his party and Pantaleon Alvarez and Ping Lacson’s former partner now endorsing Vice President Leni Robredo.
CHIZ: Tingin ko, Roby, mas maso-sorpresa tayo kung walang ganitong kaganapan habang papalapit ang eleksyon. Asahan natin tulad ng mga nagdaang halalan, may mangyayari pa. Maraming pang mangyayaring tulad nito, higit pa dito. Definitely may pagbabago pa tayong makikita, pabor o kontra man sa partikular na kandidato. Bahagi siguro ‘yan sa excitement ng isang halalan ng eleksyon, lalo na sa punto de vista na mahilig manood ng pulitika at halalan.
RA: Ayan. Isama na natin, kumpletuhin na natin. This moves us towards you. Hindi lang dalawa, bi-bingo na kayo. You’re also under the slate of the Marcos-Duterte tandem if I’m not mistaken. Does any of this mean that you will also be endorsing anybody?
CHIZ: To begin with, to clarify, Mayor Inday Sara said that she is supporting my candidacy in their proclamation rally and in some rallies but I am not officially part of the UniTeam. I think they only have 11 senators as of now. Pero nahuhuli ako sa balita. Mas-updated kayo dahil umiikot din ako at nasa probinsya ako, so ‘yun ang pagkakaalam ko sa ngayon. Pero apat kami, Roby Ma’am Luchi, Ma’am Amy, apat kami na alam ko in-adopt ng iba’t ibang presidentiables na tumatakbo muli. Karamihan ay re-electionist senators o dating mga senador. So, apat uli yata kami na in-adopt. Apat na presidentiables.
LUCHI CRUZ-VALDES (LCV): Sa totoo lang, litong-lito na ang mga botante sa mga partido at talagang ito yata tayong eleksyon na hindi mo na malaman, hindi mo na ma-identify ang mga pulitikong tumatakbo sa partidong kinakatawan nila? Ito ba sa 24 years mo in politics, nakita mo ba ang itong pangyayari na hindi mo na malaman na itong senate slate na ‘to hindi naman necessary ine-endorse yung presidente nila na nagca-carry sa kanila. What do you make of this lack of, well, sabihin na lang natin political alignments, if not loyalties. Wala na ba nun?
CHIZ: To begin with Ma’am Luchi, hindi ito ang unang pagkakataon na nakikita nating nangyayari ang ganito. Madalas hindi ba pag may tumatakbo nagkakaroon na lang sila bigla ng partido pag sila’y tumakbo at nanalo. Lumalaki na lamang yung partido pag sila’y tumakbo at manalo. Bilang halimbawa, noong tumakbo si dating Pangulong Ramos ang miyembro ng Lakas dun sa Kongreso tatlo lamang o apat. Pero siyempre nang nanalo siya biglang naging 178, if I’m not mistaken. The same is true for the LAMP party of President Estrada ang myembro lamang…
LCV: And PDP-Laban.
CHIZ: And PDP-Laban, also for that matter. The Lakas (of) former President GMA, lumaki na lang uli siya nung may nakaupong nakapuwesto ng miyembro ng partidong ‘yun. So, sinuman ang mananalo, expect that that will happen too. The numbers of that party will bloat significantly especially in the House of Representatives.
But you mentioned political parties. If you compare the platform, the beliefs, the by-laws almost all the political parties, they’re all the same. They want to hasten economic recovery, they want to promote agriculture, they want to promote agriculture. They’re all the same.
Nagkakaiba lang naman ‘yung mga political party sa mga lider ng partido. Kung sino ‘yung sinusuportahan nilang kandidato o kandidatong bahagi nung partidong ‘yun.
Kaugnay ng senatorial slate, kakaiba din ito. Dati, sa mga nagdaang presidential campaigns na pinagdaan ko at nakilahok ako bilang parte ng kampanya, kasama nila palagi kahit saan magpunta ‘yung kanilang senatorial slate. Sila bahala sa eroplano, sa helicopter, sa lahat ng ‘yun. Ngayon tila si Mayor Isko lamang ang gumagawa nun pero kakaunti lang din yung kanyang senatorial slate. ‘Yung ibang na buo ang slate, schedule lang usually ang binibigay sa kanilang mga ka-slate na senador. At nasa kanila kung saan sila pupunta, paano sila pupunta, at kung paano hahabol. Medyo nagbago sa ganoong aspeto ang kampanya itong 2022.
LCV: So, you’re saying parang “KKB”? I mean, “kanya-kanyang bayad” to. I mean, kanya-kanyang bayaran ng mga campaign stomps. That’s what you’re saying and that’s what I’m hearing.
CHIZ: Pwwede namang “KKP” din. “Kanya-kanyang paraan,” Ma’am Luchi. Hindi naman kailangang kanya-kanyang bayaran pero kanya-kanyang paraan na. Rason para, ika nga, medyo maging loose talaga ‘yung slates ng partido dahil hindi naman talaga ito ‘yung typical na presidential campaign at dala nila, bitbit nila, kasama nila ‘yung buong slate.
AMY PAMINTUAN (AP): Pero Governor, would you agree na this is unhealthy for our democratic system or you don’t agree with that? Kasi ‘yung mga proposal na ‘yun to strengthen the system. Kung nanalo po kayo are you planning to introduce reforms by way of strengthening the parties?
CHIZ: Definitely Ma’am Amy. For as long as it does not mean limiting the voter’s choices or preference. For example, marami nang nagpro-propose ng two-party system sa ating bansa. Ginagaya ‘yun sa Amerika pero hindi talaga sila two-party system. May sistema lang kung saan nagiging two-party system sila.
Ang problema sa two-party system, paano ‘pag ang gusto sa mga tao ay hindi miyembro ng dalawang partidong ‘yun? Ano kung siya naman talaga ‘yung gusto ng tao pero hindi siya ang pinili ng mga pulitikong bumubuo ng partidong ‘yun? Bawal na siya tumakbo? Hindi malalagay ang pangalan nya sa balota tulad lang sa Amerika sa lahat ng states? ‘Di ang mangyayari niyan pipiliin lamang ng mga tao pagpapasyahan na lamang ng mga pulitiko. Limitado na agad ‘yung choices ng mga tao. ‘Yun ang isang reservation ko kaugnay ng tinatawag na pagpapalakas ng political party at pagkakaroon ng two-party system.
AP: Anong puwedeng gawin dun na by which strengthening? Halimbawa, a particular party ba has to stand for something? Para malinawan ‘yung mga tao na, “Ay, ‘yung partidong to. Ano ‘yung ko dito sa ganitong issue?” Ganoon.
CHIZ: Tingnan na lamang natin, halimbawa, ‘yung away at abangan ngayon sa PDP-Laban, Ma’am Amy. Ayon kay Senator Pimentel, ‘di ba, napanood ko sa TV, nilikha ‘yung partido para labanan ang mga Marcos. Subalit ayaw naman sa tagapagsalita ng grupo naman si Sec. Cusi. Sinuportahan din at ini-endorso ng PDP-Laban si Senator Imee Marcos na siya’y tumakbo. So, paano kung ‘yung partido mismo nagbabago bago ng posisyon, Ma’am Amy, at bagaman nakasulat sa by-laws nila iyon. Baka naman nagbabago bago din ang mga pasya ng magiging lider sa partikular na panahon.
Ang tingin ko puwedeng maging reform ay ang mga sumusunod. Una, parang sa SEC ‘yung mga kumpanya part na mga required na isa-submit para makialam ano ba ang ginagawa ninyo, ano ba ‘yung partikular na adbokasiya ninyo, sino ang panguluhan ninyo, at paano pinapalitan ‘yung mga lider niyo. Parang regular reporting ng mga kumpanya, dapat may ganoon din ang mga partido sa COMELEC o saan mang ahensya ng pamahalaan. Pangalawa, ‘yung party finacing reform kung saan legal na puwedeng mag-raise ng pera ‘yung partido. Sa kanila dadaan ‘yung pera silang gumastos din upang sa gayun hindi kinakailangan mag-raise ng pundo indibidwal ng mga kandidato. The parties must be able to raise their respective money for the elections for their respective candidates. ‘Yun ang isa siguro makapagbabago sa political party at rason kung bakit sila mag-stay.
Naalala niyo ‘yung panahon ni dating Pangulong Marcos may pinasa siya, ‘yung Anti-Balimbing Bill, ika nga na tatawagin nating (inaudible). Ang political term Anti-Turncoatism Law. Magandang tingnan na bawal ka magpalit ng partido pero sa karanasan natin kung maalala niyo pinasa niya ‘yun pagkatapos halos lahat ay bahagi na ng KBL. Noong pinasa ‘yung batas na ‘yun nang umalis sila dahil hindi sila napiling kandidato legally hindi sila puwedeng tumakbo. ‘Yun yung naging parusa.
So, dun sa nagsasabing Anti-Turncoatism Law, depende ‘yan. Kung ipapatupad natin ‘yan dapat magbigay ng chance to run, ika nga. Three to five years or 1 or 2 elections before the law takes into effect, kasi sinuman ang administration party at the time, that law is passed palagi na silang lamang dahil nga magragravitate karamihan ng mga pulitiko dun sa administration party.
So, we should give about 2 or 3 elections before that law takes into effect. Pagkatapos nun, touch-move na. Doon pa lamang. Hindi po puwede kung sino man ang administration party at marami sila ngayon pigilan mo na ‘yung mga politiko lumipat at magbago ng partido.
RA: Kung sakali, let’s dream of a two-party system. How do you divide that? I mean, ideologically, to your part. Ayaw naman natin na it’s divided along personality in case of PDP-Laban anti-Marcos ‘yan dapat and so on. But may nakikita ba kayong ideological line that can actually define that? Take the republic and the democrats for example if not just liberal and conservative, you have believers in big government, you have believers in getting out of the way. What’s an ideological line do you think that can actually encourage politicians to take sides?
CHIZ: In general Roby, ang difference ng mga partido sa ibang bansa is simply between liberals and conservatives at meron ng sumusunod na kaakibat o paniniwala’t prinsipyo na aplikado lang sa bansa nila. Ganoon din marahil dito. Problema, kahit sa Democratic Party halimbawa, sa loob ng Republican Party, halimbawa na conservative at liberal ‘yung dalawang ‘yun meron silang miyembro na pinapalagan ‘yun. Meron silang mga miyembro na hindi naniniwala sa prinsipyong sinusulong ng mga pulitiko sa ilalim ng partidong ‘yun.
Like any organization, political party is also dynamic. It will have to succumb to change depending on its composition, depending on who leaves the party, depending on the needs of the call of the time. So hindi naman puwedeng sabihin porke’t conservative ito ka na palagi. Magbabago’t magbabago at asahan nating magbabago ‘yun. Mahirap ikahon, ika nga, ‘yung paniniwala ng isang partido lalo’t lalo na sa pagbabago ng panahon.
LCV: Well, I guess, ‘yun na nga, ‘no. So, it will be expediency that will always rule that you’re saying for example even if you just whittle it down to conservative or liberal. You’re saying na wala namang pure diyan. Nobody is purely conservative, no purely liberal is that’s what you’re trying to say no. And so, what you’re saying is voters should just get used to the fact that candidate stands will change overtime and their minds may change, and so we’ll just go with whatever is popular? Just go along with it?
CHIZ: Your track record will also haunt you, Ma’am Luchi. Hindi naman puwedeng pabago-bago ka rin, unless may basihan kang magbago. Kung ano ang ginawa mo noon, boto mo noon, kung nauna kang maninilbihan sa Kongreso, kung anong sinabi mo noon lalo na ngayon may social media whatever, your stand was at a particular point in time will always haunt you.
Let’s take for example Senator Ping Lacson. Should he now be looked down upon simply because he’s an independent? There’s nothing shameful about being an independent candidate. That you do not have a party does not mean you are less of a candidate. That you are independent does not mean you have less principle than one who has a party.
So, ako mula NPC naging independent ako ng mahabang panahon ‘yung ako’y nasa Senado. I did not have any particular party for quite some time. I rejoined when I ran for governor kasi it’s also to provide safety because kung local elections and alam naman natin mas magulo ang local election kaysa national election. Kapag wala kang partido at may nangyari sa iyo, walang puwedeng magsubstitute sa iyo. So, in a way proteksyon ‘yun sa sinuman tumakbo sa posisyon na may partido. ‘Pag sa gayon, maiwasan o ma-discourage kung sino man nagpaplano ng masama sa iyo dahil mapapalitan ka rin naman. Pero kung independent ka at ikaw ang pinakalamang na kandidato at may nangyari sa iyo, may ginawa sila sa iyo walang puwedeng pumalit sa iyo. Maiwan na lang ‘yung mga kalaban mo.
LCV: You know it’s not so much Ping Lacson but versus my eyebrow either Leni Robredo camp of the Pinks and Alvarez? Makikita mo kasi ‘yung, to use the word in the case of Alvarez, ‘yung pagka-turncoat in that sense. Na talagang tinalikuran niya si Ping and moved on to Leni because, as he says naman, na nanalo na ‘yung Leni, at least ahead of Ping. Dun pa lang you can tell, ‘di ba, experdiency na ‘yun. And also, for VP Leni, in a sense, because I remember that before sa 1Sambayanm, they were saying that we can’t align ourselves with people who have aligned themselves with President Duterte. And yet now, you know, we’re seeing that kind of partnership in effect. So that’s what I’m saying, that kind of expediency ruling the political party system.
CHIZ: Well, you have to understand, Ma’am Luchi, the members of the 1Sambayan are not politicians neither are they running neither will they proudly understand what they would call “expediency” as simply trying to gather enough scheme in order to run in an elections. Sa simpleng pananaw o simpleng pananalita, kung ikaw ay tumatakbo at may nag-aalok ng tulong sayo sino kaba naman at mamimili kaba at magsasabing, “Ayaw ko ang tulong mo. Hindi ko kailangan. Ayaw ko sa iyo.”
Sino man makasalubong mo sa kalye, kilala mo o hindi o nalaman mong masama pala siyang tao pagkatapos, ‘pag nag-alok siya ng tulong sa iyo tatanggapin mo naman at magpapasalamat ka pa nga. Hindi ‘yan kaugalian sa anong parte ng mundo na may nag-alok ng tulong malibang na lamang kung, ika nga, ‘yung pag-alok ng tulong ay may hinihiling kapalit. Sa (inaudible) kasong ‘yun, puwede kang humindi ‘pag hindi mo kaya ‘yung kapalit. Subalit kung wala namang hinihiling na kapalit at nag-alok lamang ng tulong, wala naman hinihinging kabayaran o kung anumang uri ng pabor sinumang kandidatong magsabing, “Hindi ko kailangan yan. Hindi kita kailangan. Ayaw kita.”
So ganoon din marahil si Vice President Leni Robredo. Inalok siya ng tulong. Dagdag ‘yun sa kanyang kandidatura, wala naman hinihingin kapalit, wala namang hinihingin pabor – hindi puwede sabihing expediency lamang ‘yun. Basta’t naniniwala ‘yung prinsipyo’t paniniwala niya kung ano ang tama at hindi mababago nang pagsama ng ano mang partido o tao, o pagtulong sa kanya ng anumang partido o tao ‘yung kanyang paniniwala’t prinsipyo ipaglalaban – hindi pa rin expediency ang tawag ko dun. Madaling sabihin mula sa mga nanunood, mula sa gilid pero kung ikaw ay napapalaban mismo at ikaw ay kandidato magkaiba ‘yung pananaw to say the least.
For example, that former Speaker Alvarez supported Vice President Leni Robredo does not mean she changed one bit with respect with what she believes in, with respect to who she is and what she is. Hindi naman nagbago ‘yun. Siya pa rin naman ‘yun. ‘Pag may inaalok na tulong hindi naman nagbago pa rin ang kanyang prinsipyo. ‘Yan ang pananaw at paniniwala ko kasi ganoon ako, Ma’am Amy at Ma’am Luchi.
RA: OK. We’re speaking with Governor Francis Escudero who’s running to make a comeback in the Senate. Governor Escudero, standby lang po kayo. We’ll just take a break. Babalikan po namin kayo. Please stay with us. The Chiefs will be right back.
RA: We continue our conversation with the aspirants this coming elections. Let’s find out the plans of the candidates as they face The Chiefs. With us is Nationalist People’s Coalition senatorial bet Sorsogon Governor Francis Chiz Escudero. Governor Escudero welcome back! In this segment we will ask the candidate about his views on the important issues.
Now, we did prepare some big-ticket issues but of course we can’t cover everything but it’s will also not a fast talk. Hindi to fast talk. We will give him as much time as he wants to answer these but we also want to cover as much as we can.
Governor Escudero, let me start with, kanina we were talking about political reform and looking particularly at the parties. I want to look at the electorate also because this election, I think everybody will agree for the first time it’s not a new thing. But for the first time we really feel how much of a factor fake news is and disinformation. And frankly, our loss of control of the gatekeeping of information. One thing that keeps me up at night as well is this is a referendum on the influence of media, of mainstream media as well. Question to you. How do you intend to deal with this information?
CHIZ: The main problem is Roby, the platforms are not controlled from anywhere in the Philippines. The owners of the platforms, the servers are all abroad and outside. Patawag natin sino halimbawa ang Philippine agent or resident manager ng Facebook, TikTok, o ng Instagram. Umapir man sila sa pagdinig, umapir man sila sa imbestigasyon sasabihin nila, “What you’re asking for is above my paygrade. Hindi namin kayang gawin ‘yan pero ire-refer namin sa kanila.”
Ang Amerika, napapatawag nila ‘yung may-ari ng mga platforms na ‘yan, pero hindi rin nila mapuwersa dahil wala rin sila at kulang rin sila sa batas kaugnay sa bagay na ito. In fact, in the United States it’s the complete opposite. Medyo going wild minsan ‘yung mga may-ari ng platform at may sini-censor sila. So, we should guard against two things. On the one hand, fake news on the other, too much censorship with respect to one’s expression of his or her own opinion. It will always be a balancing act.
What makes me sleep at night, Roby, is the fact that social media users are the most discriminating of people when it comes to social media. Meaning to say, na-bash na sila, may sinabi ng masama tungkol sa kanila, nadiskubre na nila na peke pala ‘yung nabasa nila. I don’t think ganoon kadaling mapasakay o mapadala ng paulit ulit lalo na sa loob ng siyamnapung araw na pangangampanya. Hindi ganoon ‘yun. Ang paniniwala ko at ang tiwala ko medyo mas mataas sa kanila kumpara sa TV. Kung may mga napanood sila sa TV pelikula man o opinion show mas mabilis siguro maniwala ang sino mang nanonood nun kumpara sa paggamit ng internet dahil alam nila hindi naman lahat ng nasasaad dun na mula sa iba’t ibang user ay totoo.
AP: Governor, apart from politics nandito pa rin tayo sa pandemya. If you are elected meron ba kayong mga balak isulong sa senate by way of COVID exit plan that will contribute to an exit plan?
CHIZ: For me, I think some or all from the presidentiables should at least say that, “Anong gagawin nya? Magla-lockdown pa ba sya o hindi na?” Ako, pabor ako sa hindi na mag-lockdown. Alam na natin kung anong dapat at puwedeng gawin. Alam na natin kung paano i-manage ito. I-delegate na lamang sa lokal na pamahalaan ang pagpapasya kaugnay ng lockdown at hindi na as a nation or nationwide dahil masyado ng dumapa ang ekonomiya natin dahil diyan.
Nobenta-otso porsyento ng bansa natin, susubukan kong i-fast talk Roby para makarami tayo, nobenta-otso porsyento ng ekonomiya natin ay MSME. Si Vice President Leni Robredo pa lamang yata ang narinig kong nagsabi na magkakaroon sya ng stimulus package na Php100-B para sa MSMEs dahil kung mababangon natin ‘yung MSMEs mapabangon na rin natin nobenta-otso porsyento ng ekonomiya natin at nobenta-otso (porsyento) ng mga trabahong nawala dahil sa pandemya.
Ang sunod ay agrikultura, bilang exit plan. Sa mahabang panahon hindi binibigyan ng sapat na pondo ang agrikultura. Php80-B ang pondo ng Agriculture ng 2022. Ang budget ng DPWH Php840-B. Wala pang 10 porsyento ng budget ng DPWH ang (inaudible) sa agrikultura (inaudible). Pero nandoon ang pinakamahirap nating kababayan, at sa dulo, agriculture economy pa naman ang ating bansa.
At panghuli, bigyan ng mas malaking kalayaan ang mga lokal na pamahalaan dahil para sa akin, mas alam namin ang kailangan sa aming lugar. Bilang halimbawa, Ilang araw na po kaming zero COVID cases sa Sorsogon. Hanggang ngayon, sa awa ng Diyos, Alert Level 2 pa rin kami sa IATF. Mas marami pang kaso sa Metro Manila pero Alert Level 1 pa rin sila. (inaudible) Mas marapat (inaudible) ang LGU, mas alam namin kung anong kailangan at dapat dito sa aming lugar, lalawigan, siyudad, o munisipyo man.
AP: But what about strengthening the health care system?
CHIZ: Ang lalawigan ng Sorsogon Maam Amy ang nangunguna pagdating sa pagpatupad ng UHC, kanina lamang prinisenta namin. Kami ang pinaka-advance na health care system preparedness kaugnay ng pagpapatupad ng UHC. Advantage at disadvantage ‘to dahil kami marahil ang unang tatamasa ng pondong ipinangako ng UHC sa isang probinsya.
Pero dumaan din naman kami sa butas ng karayom at marami kaming pagkakamaling nagawa at ginawa na kung gagamiting modelo ang lalawigan ng Sorsogon hindi na po ‘yan kailangang pagdaan pa ng ibang mga probinsya. Kaugnay ng batas na puwedeng ipasa, kaugnay ng pandemya ‘yung inihaing panungkalang batas Senator Miriam noon. Dapat ituloy pa rin ‘yan maski pa tapos na ang pandemya para kung mangyari man ito muli mas may kahandaan tayo paghanda kumpara sa bumulagta sa atin noong taong 2020.
LCV: Napag-usapan ang LGU, ‘no. What about the Mandanas Ruling? Anong ipupursigi mo diyan in terms of implementation, ‘no? Bagaman talagang dapat i-implementa pero meron ka bang babaguhin in terms of kung kailan, how much of it, kung meron din gaanong leeway, ‘no? I don’t even know whether you can go against the Supreme Court ruling on that and really, honestly, because you’re in the LGU now, ‘no, as governor, absorptive capacity ‘yung tinatawag na absorptive capacity. Meron ba nun ang mga LGU na you can actually just implement Mandanas Ruling as is and expect that it would be used wisely and judiciously?
CHIZ: Ma’am Luchi, let me correct any misimpression of the Mandanas Ruling that LGU enjoy the windfall. The total additional IRA of the Mandanas Ruling for barangay, municipalities, cities, and provinces only total Php655-B. ‘Yung dinevolve ni Pangulong Duterte sa EO 138 ng mga functions program activities, alam nyo kung magkano? Php1.4-T. Noong inisa-isa ko ang budget ng 202, ‘yung pinasang trabaho ng LGU Php1.4-T ng halaga nun. Doble ang dinagdag ng Mandanas. Kaya akala namin mga LGU ang dami naming magagawa ‘yung matagal na naming pinapangarap pwede na naming gawin. Pero sa dami ng pinasang trabaho sa amin, ang naka-remain ay dapat ginagawa ng National Government na wala naman sa Local Government Code at hindi nakalagay dun. Biglang pinasa na lang basta-basta sa amin.
So sa parte ko bilang gobernadora, buong ingat naming inaayos ‘yung budget kaugnay ng Mandanas dahil pagdating ng 2023 bubulusok pababa ang aming IRA dahil nakabase ‘yan sa internal revenue ng 2020 kung saan bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa. Mula +6% na GDP ng 2019 bumaksak ng -9% noong taong 2020 ng dahil sa pandemya. Sabay po niyan bababa din ang IRA ng 2023.
Kami sa parte namin sa lalawigan ng Sorsogon, nagtatabi kami ng pondo at pera na puwedeng i-carry over sa surplus for 2023 in expectation of the dip, a huge dip, approximately 23 to 25% in our IRA allocations.
Malaking bagay yan sa probinsya tulad ng Sorsogon na 95% dependent sa IRA. ‘Yung mga siyudad sa Metro Manila, ‘yung mga probinsyang na sa mayayamang parte ng bansa; CALBARZON, Cebu, Davao. Marahil kaya nilang tumayo mula sa local income at revenue nila pero ‘yung mga IRA dependent na probinsya hindi pwedeng gumastos ng akala mo wala ng bukas sa pagaakalang ang Mandanas Ruling ay parang tumama sila sa lotto. Ito ang pinapaliwanag ko rin sa mga kapuwa ko local chief executives sa probinsya, munisipyo, o siyudad man.
RA: Let’s make it even more complicated. Bukod sa pagbagsak ng IRA, we’re just trying to get the engine started again on a national level. Is there wiggle room here? Especially papasok ang bagong gobyerno, bagong senado, bagong Kongreso and there will be that additional balancing act in the need to (inaudible) on a national level and as well as to comply with the allocations for, under the Mandanas Ruling.
CHIZ: Roby, you’re correct. The drivers of growth in the economic activities in provinces in far-flung areas would be the local government unit. Sila ‘yung pinakamalaking gumagastos at nagpapaikot ng ekonomiya sa malalayong lugar ng bansa na wala naman talagang pribadong negosyong pumapasok pa na ganoon karami.
Ang problema, gaya ng binaggit ko, ‘yung trabahong ipinasa ay sobrang laki. Doble nung binigay ng Mandanas Ruling. At dahil bababa ang IRA namin sa taong 2023 nga, kailangang maghanap ang susunod na presidente ng humigit kumulang Php600-B hanggang Php800-B para lamang tapatan ‘yung IRA namin ngayong 2022 at hindi bumaba.
Ngayon, ni isang tumatakbo sa pagka-pangulo wala pang gaanong nagtatalakay nito kung san kukunin at paano. Sana sa mga susunod na forum ito ay matatalakay din kung may pagkakataon silang sabihin ito dahil pagsinabmit, susumpa ‘yung pangulo June 30, ‘yung budget kalahating gawa na ‘yan. Halos tapos na ‘yan. Alam ni Speaker Bebot ‘yan. Nakikita ko pala sa screen. Hi Bebot!
Ang budget call ng National Government ay February. So mula noong isang buwan ginagawa na ng national government agencies ‘yung budget nila para masubmit sa presidente pag-upo niya para sa SONA ng presidente mabigay niya ‘yung budget sa Kongreso at magsimula ng pag-usapan. Ang tanong, para makakuha ka ng Php600-B hanggang Php800-B, saan mo ibabawas? Sinong babawasan mo? Aling departamento ang tatamaan?
Tama na ang IRA ay hindi kasama ng National Budget. Automatically appropriated ‘yan. Pero ‘yung salapi ng gobyerno ay actual cash at pera niya, singular party ‘yan. Iisa lang pagkukunan niyan para madagdagan nya yun, kailangan bawasan siya. Ika nga, it’s a zero-sum game. Hindi puwedeng may madagdagan ka (inaudible).
RA: So, kung maging senador, kung babalik kayo sa Senado, anong mungkahi niyo? Saan tayo tatapyas?
LCV: Balik ko na lang siguro, Roby. ‘Yan ang isa sa mga pangunahing dahilan ba’t hindi ako tumatakbo sa mas mataas na puwesto dahil wala akong sagot sa lahat ng mga tanong na ‘yan. Mas maraming tumatakbo ng pagkapangulo na (merong) magandang mga sagot kung anong gagawin nila diyan.
LCV: Pero dadaan naman sa iyo ‘yung budge.
CHIZ: That is correct, Ma’am Luchi, except for the fact that IRA nga is automatically appropriated and, technically, does not pass through Congress. Nasa GAA po ‘yan. So, any adjustments will have to be made by the president himself or herself.
AP: Ang isa pang problema diyan, Governor, is the proper utilization of the funds at ang problema diyan is corruption. May binabalak ba kayong proposal kung saka-sakaling manalo to curve corruption? Hanggang ngayon talaga problema pa rin natin.
CHIZ: For me, discretion always equals corruption, Ma’am Amy. Minimize discretion, you minimize corruption. You eliminate discretion, you eliminate corruption. So, identify areas of discretion whether there is human intervention and try to limit it or put more safeguards to it. So, while we’re doing ARTA, while we’re doing the Anti-Red Tape Law hanapin na rin natin ‘yung areas ng discretion para mabawasan ‘yung pagkakataon na magpasya.
Ang minention ng mga nagdedebate sa isang forum ng presidentiable ay Customs daw ang pinaka-corrupt na ahensya. Saan man nagagaling ang corruption, uupuan ang papel mo, (inaudible) kaya maglalagay ka na lang imbes na magbabayad ka ng malaking (inaudible) dahil hindi nila pinapatakbo ‘yung papel mo.
That can easily be answered by 5-4 rule, first in-first out rule. Dumating ngayon, dapat ma-process muna bago i-process ‘yung darating bukas at ilang bago. Hindi naman talaga bago pero kakaibang solusyon. Ipagbawal natin ang mga mesang may drawer sa Bureau of Customs. Ipagbawal natin ‘yung uniporming may bulsa. Pahirapan lang natin ng kaunti. May mga paraan naman at hindi naman tayo limitado, ika nga, sa pagpakulong lamang sa mahuhuli natin. Mas magandang parte sana ‘yung mapipigilan o mas madaling mahuli o mabilis mahuli kung may gagawa.
RA: OK. Governor Escudero, maraming salamat po sa inyong fast talk. Nakita niyo naman po may nag-aantay so we will give you your final 30 seconds, Sir, to address the voters.
CHIZ: Pagbati na lang muli hanggang Mayo nalang po ang halalan. Ano pong kulay na dinadala niyo, sana wag nating kalimutan pagkatapos ng eleksyon red, white, blue, at kaunting dilaw ang kulay nating dapat dinadala. At ‘yan ay sumasagisag po sa bandila po ng ating bansa dahil sa dulo, sino man ang ating sinusuportahan parepareho pa rin tayong Pilipino. Naninirahan sa isang bansa na dapat magtulungan at magkaisa ano man ang pananaw at binibitawang salita sa panahon ng kampanya. Sa muli, maraming salamat, Ma’am Luchi, Ma’am Amy, Roby at kayo din guest Speaker Bebot. It’s nice to see you at hanggang sa muli po. Magandang gabi po at pagbati na lamang muli mula sa Lalawigan ng Sorsogon.
RA: Governor Chiz Escudero po. Tumatakbo po pagka-senador.
AP: Salamat.
LCV: Salamat Gov.
RA: Numero?
CHIZ: 25, Roby.
RA: Number 25 po. Please stay tuned when we return with Partido Reporma President Cong. Pantaleon Alvarez.