Hinimok ni actress at global brand ambassador Heart Evangelista-Escudero noong Lunes ang 67.5 milyong botanteng Pilipino na maging mapanuri sa pamimili ng mga pinuno sa pambansang halalan sa susunod na buwan kasabay ng kanyang payo na pag-aralan nilang mabuti ang track record at plataporma ng lahat ng mga kandidato.
Sa isang press conference sa Cebu City kung saan nangampanya siya para sa kanyang asawa na si Sorsogon Governor Chiz Escudero, na kumakandidato para sa bagong anim na taong termino sa Senado, sinabi ng social media supertar na ginagawa ang kanyang parte bilang isang botanteng may konsiyensa at bilang isang mamamayang Pilipino nagmamahal sa kanyang bansa.
“In 2007, I didn’t know him (Chiz) personally, and I remember I saw him in an event in La Union and he spoke so well. Doon pa lang hinangaan ko na siya. And it was really refreshing to know somebody who knows what he is saying. So, I did my research and I discovered the many things he has done as a public servant,” ani Evangelista nang tanungin siya ng isang mamamahayag kung kanyang iboboto ang beteranong mambabatas kung hindi sila mag-asawa.
Sinabi pa ng aktres na kailangang magsaliksik ng mga mamamayan para mas makilala nila ang mga kandidato at matulungan ang kanilang mga sarili sa pagkakaroon ng tamang desisyon sa kanilang pagboto sa Mayo 9.
“I think this is something that we should also practice. We just do not look at the ads or what is in front of us but we should be responsible enough to do research and I did research about him,” dagdag niya.
Ibinihagi ni Evangelista kahit hinangaan niya ang mga impormasyong nababasa niya tungkol sa Bikolanong mambabatas, may kaunting pagkadismaya sa bahagi niya dahil kasal pa noon si Escudero.
“That was the end of the road for me,” anang aktres na umani nang tawanan mula sa press. “But eventually, he became my husband!”
“So, we need to do our research para alam natin kung tama ba ang ating mga pinipili,” pagbibigay-diin niya.
Nang tanungin kung pareho sila ng kanyang asawa sa mga napupusuang kandidato para sa pagkapangulo at pagkabise-presidente, sinabi ni Evangelista na pinag-uusapan at sinusuri pa nilang dalawa ang mga kandidato.
“Meron akong napupusuan pero again ayokong magmadali…We both respect each other’s choices, hindi kami nag-aaway ng dahil lang dun at hindi tayo dapat nag-aaway-away dahil lang sa politics,” ani Evangelista.
Ipinagtanggol din ng aktres ang naging polisiya ng kanyang asawa na ideklara ang Sorsogon bilang isang “open province” para sa lahat ng mga partido at kandidato na nais mangampanya rito dahil aniya, ang nasabing hakbang ay nakatutulong sa mga Sorsoganon dahil nalalaman nila ang plataporma ng bawat kandidato.
“Si Chiz bilang ama ng Sorsogon, kaya wala syang isang taong pinipili, you don’t want to give an impression that you want them (the people of the province) to just vote for one person. He wants them to see everyone (the candidates) so people can have a choice. It is democracy that you have to introduce everybody and you are not biased to any of them because everybody has a choice. Iyon siguro din ang dahilan niya kaya lahat sila, dinadala at hino-host sa Sorsogon. And I think that is beautiful,” aniya.