CHIZ ISA SA NANGUNA SA OCTA SENATORIAL SURVEY

 

Muling napabilang sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa bagong opinion polls na inilabas ng reseach group na OCTA tatlong linggo bago ang halalan sa Mayo 9.

Kung ginanap ang halalan sa panahong ginawa ang survey mula Abril 2-6, 50% ang nagsabi na kanilang iboboto si Escudero, na isang beteranong mambabatas na naglingkod sa Senado nang dalawang magkasunod na termino, ayon sa pinakabagong nationwide polls ng OCTA Research na tinawag na “Tugon ng Masa.”

Si Escudero, na tanging kasalukuyang gobernador na tumatakbo para sa Senado, ay rumanggo nang 2-6 sa OCTA Research Senatorial Preference survey na isinapubliko noong Abril 17. Ang survey ay may 1,200 samples at may margin of error na +/-3%.

Palaging nangunguna ang beteranong mambabatas para sa mga respondent base na rin sa mga survey na isinasagawa ng iba’t ibang independent pollsters at research firms.

Noong isang linggo, hindi natinag si Escudero sa kanyang numero unong puwesto sa pagkasenador sa survey ng Publicus Asia na ginawa nong Marso 30 hanggang Abril 6 kung saan pinili siya ng 49.4% ng respondents.

Lumilitaw rin na gustong-gusto manalo ng mga estudyante ang dating senador para sa karera sa Senado na makikita naman sa mga resulta ng mock elections na isinagawa ng hindi bababa 36 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Ang mga resulta ng nasabing campus mock elections ay lalong nagpatibay sa posisyon ni Escudero bilang isa sa 12 nangungunang senatorial candidates mula sa 60 aspirante na nagnanais makapasok sa mga pinaglalabanang puwesto sa Senado.

Numero uno si Escudero para sa mga mag-aaral sa hindi bababa na tatlong unibersidad at ito’y ang La Salle University-Ozamiz, Sorsogon State University, at and Philippine National University-Mindanao campus.

Si Escudero ay nag-number one din para sa mga respondents sa survey na isinagawa Catholic Educational Association of the Philippines na kinabibilangan ng mahigit 1,525 paaralan.

Isang dating senador sa loob ng dalawang termino, sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin niya ang mga lokal na pamahalaan, at kanyang sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado dahil sa magandang track record bilang isang beteranong mambabatas na aniya’y napakaimportante sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya. Ang kanyang anak na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.

Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.

Kamakailan lang ang isa si Escudero sa listahan ng anim pang candidato na inendorso ng mga gobernador na kasapi ng League of Provinces of the Philippines.

Ang mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin kay Escudero.

Naghayag na rin ng pagsuporta ang mga party-list group para sa kanyang balik-Senado at ito’y ang Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, BTS, Kusog Bikolano, KAPUSO-PM at Uswag Ilonggo, at pati na ang pinakamalaking Federation of Free Farmers, na may 200,000 miyembro, ay naghayag na rin ng pagsuporta sa kampanya ni Escudero.