DJ CARL (DJC): Live po tayo dito sa Radyo Natin FM. At siyempre, naku alam niyo po ba sa ating mga tagapagkinig po natin makakampanayan po natin siyempre ngayon ang isang kilala at batiking two-term senator na ngayon po’y governor ng Sorsogon sa Bicol Region. At siyempre noon po siya ay senador ay naipasa po ang Universal Health Care Act, libreng matrikula sa state universities and colleges, at exemption po ng minimum wage earners sa pagbayad po ng buwis. Ayan, kay Chiz Escudero, sigurado! Let’s welcome po, Governor Chiz Escudero sa atin pong programa. Magandang araw po ulit Governor Chiz Escudero!
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Sa muli, DJ Carl magandang hapon sa iyo. Sa ating mga tagapagkinig ng radyo natin, sa Atimonan, at buong lalawigan ng Quezon, magandang hapon po sa inyong lahat. Karangalan ko na makausap kayo sa hapong ito.
DJC: Siyempre talagang malaking privileged din po ito lalo na sa lahat ng ating mga tagapagkinig dito sa ating bayan po ng Atimonan, Quezon province. So, Senator, Governor, nasanay kasi ako sa Senator. So, Governor Chiz Escudero, consistent po kayo na mataas po sa mga iba’t ibang surveys ng Publicus na kayo po ay number one at palagi rin pong nasa top 5 ng mga senatoriables sa iba’t ibang mga surveys. Sa malalaking mga unibersidad sa iba’t ibang parte ng bansa ay top choice din po kayo ng kanilang mga estudyante. Ano po masasabi nyo po dito, Governor Chiz?
CHIZ: Nakakataba po ng puso ang suportang pinapakita ng ating mga kababayan sa iba’t ibang survey, pero DJ Carl, boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang kaya sino man ang mataas o mababa sa survey basta tuloy tuloy lamang dapat ang mga kandidato sa pangangampanya, paghatid ng kanilang mensahe, layunin at plataporma sa ating mga kababayan. At sa Senado dahil (inaudible) naman ‘yang laban na ‘yan, DJ Carl. Number one, number three, number five, number eight, basta pasok sa top 12, pare-pareho lang naman suweldo niyan at pare-parehong senador pa rin ang tawag.
DJC: Naku, talagang ang galing ng sagot ni Governor Chiz. Talagang pantay-pantay talaga ang ating mga nasa top ano. Talagang the best pa rin, Governor Chiz. So, pati po mga iba’t ibang kulay Governor Chiz sa pulitika sa atin pong bansa ngayon ay ini-endorso po kayo. So, katulad na lamang po ni Pangulong Duterte at ang kanya pong anak na si Mayor Inday Sara Duterte at saka din po si ating running for president na si Vice President Leni Robredo. Ano pong masasabi nyo po dito, Governor Chiz?
CHIZ: Taos-puso po akong nagpapasalamat ni Pangulong Duterte, Vice President Robredo, gayon din kay Mayor Inday Sara, at sa iba’t ibang mga personalidad at grupo na nag-eendorso sa aking kandidatura. Malaking bagay ito, DJ Carl, dahil mag-isa lamang akong nag-iikot na para indipendyente ‘yung aking kandidatura ngayon.
Pero, nais ko sanang idagdag din, anumang kulay ang ating dinadala ngayon, sana alalahanin natin na pagkatapos ng eleksyon dapat pare-pareho na tayo ng magiging kulay. Ang dala nating kulay, dapat mga kulay lamang na sumasagisag sa ating bandila at watawat. Mga kulay na pula, asul, puti na may kaunting dilaw dahil sa dulo at pagkatapos ng halalang ito, anuman ang away, pahayag, at inisan pare-pareho pa rin tayong Pilipino at nakatira sa nag-iisang bansang Pilipinas. At kung sino man ang mananalong presidente o bise presidente, dapat pagsilbihan n’ya ng pantay ang bawat Pilipino, ibinoto man sila o hindi, sinuportahan man sila o hindi sa halalang ito.
DJC: Totoo naman. Talagang dapat po wala ng kulay kumbaga sa pulitika. Kaya sang-ayon ako diyan, Governor Chiz. Ayan. So, marami po ang sang-ayon, Governor, sa maikling panahon po ng inyong panunungkulan sa Sorsogon na umayos po ang lalawigan. So, may mga proyekto po ba kayong na nai-replicate sa ibang mga lugar through legislation?
CHIZ: Marami at may ilan na akong nais subukan kabilang si Senator Risa. Kabilang na rito ang tamang pagpapatupad ng Universal Health Care Act kung saan nangunguna sa lalawigan ng Sorsogon, nagpatayo kami ng interment cemetery kung saan ano man ang inyong kultura o relihiyon merong lugar ang mahal nyo sa buhay na puwedeng paghimlayan kung papanaw. Nagtayo din kami ng home for homeless gays dahil hindi naman na kaila na madalas walang kamag-anak na naiiwan ang ating mga kababayan ng LGBTQ+. Dagdag pa po siguro dito nagtayo din kami ng animal shelter tulad ng nabanggit ninyo para mapangalagaan at hindi lamang patayin ang mga asong mahuhuli sa aming lalawigan. At panghuli siguro, nag-ISO-certified ang aming lalawigan na malaking tulong sa progreso ng lalawigan. Hindi lamang ang pamahalaang panlalawigan, DJ Carl, pati ang siyam na labing limang munisipyo at siyudad sa aming probinsya ay ISO-certified na rin.
DJC: Wow!
CHIZ: Layunin namin sa darating na taon na lahat ng labing limang munisipyo at siyudad ay ISO-certified dahil malaking tulong ito para maging mas efficient ang pagpapatakbo ng lokal na pamahalaan sa aming probinsya.
DJC: So, Governor Chiz Escudero nag trending po nga dito ‘yung nabanggit niyo po sa animal shelter. Naku! Nag-trending po ito sa social media at nakita ko po ito sa social media po ‘yung pagbisita po ni Ms. Heart Evangelista ay talagang nagtrending po ito sa social media. Ayon. Nakakatuwa naman itong bagong animal shelter.
CHIZ: DJ Carl, hindi ko naman ginawa ‘yun dahil lang kay Heart. May maraming naaaksidente sa amin. Siguro doon din sa inyong lugar. Maraming naaaksidente dahil may tumatawid na aso sa mga kalye. ‘Yung mga nagmomotor naaksidente. Rason para magbuwis ng buhay ang aming mga kababayan dahil imbes na i-euthanize lang natin o patayin ‘yung mga aso, nakahanap kami ng paraan kung saan sila ipapa-adopt. At ‘yung mga tuta naman iti-train namin para maging dog sniffers, ika nga nag-i-sniff ng bomba, ng droga dahil hindi lang naman German Shepherd na aso ang magaling umamoy. Magaling din naman ang anumang uri ng aso maski na AsPin pa yan.
DJC: Napakaganda po nito, Governor Chiz. Ayan. Ito Governor, painit na ng painit ang pulitika. So karamihan po sa gobernador tsaka po itong local political parties nagpahayag na po ng kanya kanyang pangbato. So, kayo po ba ay mag-aanunsyo ng inyong tandem na susuportahan?
CHIZ: Wala akong plano, DJ Carl, dahil ako lang yata yung tumatakbong gobernador na nakaupong gobernador bilang senador at siguro isa ako sa kunting may kakilala, kaibigan, nakasama, at nakatrabaho sa lahat na tumatakbo sa pagkapangulo. Nais ko malaya makapagpasya ng desisyon ang ating mga kababayan na pumili kung sino ‘yung nais nilang iboto na presidente at bise-presidente ng walang pressure mula kanino man at pagtapos ang halalang ito, nais kung tumulong para maghilom ang ating bansa dahil nga kay kaibigan at kakilala ko lahat na tumatakbo nais kong magsilbing tulay para muling magbati bati at magkaisa ang ating bansa matapos ang mainit na kampanya na nakikita natin sa ngayon.
DJC: So, ito naman Governor Chiz. Ano naman po ang inyong masasabi sa mga survey na nagpapakita ng malaking lamang ni BBM at ni Mayor Sara Duterte?
CHIZ: Ito ang isa sa pinakamalayong lamang na nakita ko sa tagal ko sa politika, DJ Carl. Kung walang mangyayaring malaki o kagulagulantang na pagbabago, marahil ‘yan ang resulta sa darating na halalan. At ito rin, DJ Carl, ang kauna unahang pagkakataon makalipas ng ilang dekada na magka-tandem, kung saka-sakali, ang pananalo bilang pangulo at ikalawang pangulo at hindi mula sa ibang partido.
Pero tulad ng binanggit ko kanina, boto parin sa araw ng eleksyon ang binibilang kaya kung sino man ang mataas o mababa tuloy tuloy lang dapat sa kanilang pangangampanya, panunuyo, at pagparating ng kanilang mensahe at plataporma sa ating mga kababayan. At ‘yan naman ang ginagawa ng lahat ng presidential at vice presidential candidates.
DJC: So, ito naman, Governor Chiz. Ipinanukala naman po ni DILG Sec. Ano na mag-Alert Level 1 na ang buong bansa para tuloy na makabangon ang ekonomiya. So, Governor Chiz, ano po ‘yung pananaw niyo po about po dito?
CHIZ: Sang-ayon ako ni Sec. Ano, DJ Carl. Alam mo, panahon na na magbukas ang ekonomiya ng bansa. Makalipas ng dalawang taon, alam na ng Pilipino kung anong dapat at hindi niya dapat gawin para makaiwas sa COVID-19. Panahon na para bumalik ang mga negosyo na nagsara, at mga trabahong nawala. Dahil kung babalik na naman ang pandemyang ito makalipas ng isang dekada baka makita natin mas maraming nagutom, naghirap, at namatay na Pilipino dahil sa lockdown kesa dahil sa pandemyang ito.
At kung babalik man muli ang mga lockdown, mas nais kong ibigay sa lokal na pamahalaan, governor man o mayor, ang pagpapasya kung kailangan itong mag-lockdown o hindi, anong alert level ba ang nababagay sa kanikanilang lugar. Malayo pa to sa lahat sa mga lokal na pamahalaan ang kailangan at dapat gawin sa kanilang lugar kumpara sa sinumang miyembro ng IATF. Gaano man sila kagaling, katalino, o kalawak ang karanasan dahil hindi naman sila bumibisita, DJ Carl, sa ating mga lugar.
DJC: Ayan. So, ito naman Governor Chiz, may ipinanukala po kayo na legislated minimum wage kapag kayo ay naupo sa Senado. So, Gov, bakit sa tingin niyo po mas OK po ito kaysa po idaan po doon sa wage boards?
CHIZ: Dahil hindi ginagawa ng regional wage board ang kanilang trabaho, DJ Carl. ‘Yung mga binibigay nilang umento sa sweldo ng manggagawa napakaliit. Hindi makatotohanan at hindi naman talaga makakatulong sa hirap ng buhay ngayon dahil sa taas ng presyo ng bilihin.
Alam niyo po, gusto kong malaman mula sa mga miyembro ng Regional Wage Board saan sila nag-grogrocery, saan sila nag-sa-shopping, saan sila namamalengke para naman malaman natin at doon na din tayo mamalengke,mag grocery at mag-shopping dahil tila napakamura ng bilihin sa kanilang mga pinupuntahan sa umentong binibigay nila sa suweldo ng manggagawa.
Maliwanag na naghihirap ang ating manggagawa. Hindi na sapat ang kanilang kinikita sa pang-araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Sa parte naman ng mga negosyante, hindi naman sila magugutom at mamumulubi- sa totoo lang. Maaaring mabawasan ang kinikita nila pero hindi maghihirap ang kanilang pamilya.
DJC: Nako, maraming maraming salamat jan about job po ng ating ano, Governor Chiz, Escudero. Ayan. So, Gov, ayan. So, bago po tayo magtapos sa atin pong interview, live po sa inyo ay baka meron po kayong mensahe dito po sa ating- lalo na po dito sa ating lalawigan po ng Quezon at napapakinggan po tayo sa iba’t ibang lugar. So, mensahe po para po sa ating mga tagapakinig at nanonood po ngayon.
CHIZ: Nais ko pong hilingin ang inyong tulong, suporta, at paniniwala sa muli kong pagharap sa gampanan ng balota para po maging inyong kinatawan para maging miyembro ng Senado, para maging inyong kampeon at tagapaghatid ng boses. Aking ialay anumang talento, galing, at karanasan meron ako upang makapagbigay ng siguradong direksyon at siguradong solusyon sa mabibigat na problemang hinaharap po ng ating bansa sa ngayon. Sa muli, DJ Carl, maraming salamat. At sa lahat ng listeners ng Radyo Natin, at sa Atimonan, at sa buong lalawigan ng Quezon, karangalan ko po na makapiling kayo sa hapong ito at makausap. Magandang hapon po muli. Maraming, maraming salamat at mag-iingat po sana ang bawat isa inyo. Ingat ka palagi DJ Karl.
DJC: Thank you po, so much, Governor Chiz at malaki din pong karangalan na kayo po ay makapanayam ngayon pong oras po na ito. Thank you so much po, Governor Chiz.