CEBU DAGAMI NEWS

 

MALOU TABAR (MT): Thank you for visiting us. You’re always welcome to visit us because we learn so much from you. But for those na, for two years during the pandemic wala masyadong. I know they know you, you’re very popular, of course. I even asked your staff “Bakit kayo nandito? Do you still need to campaign?” ‘Di ba? Because ‘di ba, for those na mga bago. Kasi ngayon may bagong trend kaming Nakita, lalo na sa Cebu, maraming bagong voters and so, there are a lot of mga candidates before na nagpapakilala ulit. But you, I know you don’t need any further introductions, pero we have with us this morning. I don’t ever get used to calling you “governor”, it will always be Senator Chiz. Senator Chiz Escudero.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Good morning, madam Umali, sa lahat ng tele-viewers magandang umaga, maayong buntag. Karangalan ko na muling makabalik dito sa inyong programa sa siyudad at lalawigan din ng Cebu. At tulad ng binanggit ko na-miss kita Manny, sayang wala ka dito. Sanay ka na raw kasi sa Zoom.

MT: Chinika mo?

MANNY RABACAL (MR): Miss you too, Senator. ‘Di ko na alam ano itatawag ko sa ‘yo: “senator” or “governor.”

CHIZ: Kita mo, hindi magseselos si Heart na may nag “I miss you” sa akin. Si Manny.

MT: Lalaki, ‘di ba? Nag-I miss you sa ‘yo. So, Sir Manny you want to take the first shots and ask the question?

MR: OK, OK, thank you so much. kasi ang tawag ko talaga sa kanya is “senator” but now, I think I have to call him “senator” again because he’s running for the Senate. Ang gusto ko lang malaman, Mr. Senator, is because you were elected, having been elected as the Governor of Sorsogon, have you prepared some legislations or do you believe more legislations are needed to give more responsibilities to the provinces?

CHIZ: Definitely, Manny. Nakita ko ‘yun bilang gobernador. Legislation to really give autonomy to provinces and cities. Mas alam ng mga probinsya at siyudad kung ano ang dapat gawin sa kanilang lugar kumpara sa sino mang national government official. Kahit gaano siya katalino, kahit gaano kalawak ang kanyang karanasan hindi naman siya nagpupunta sa aming lugar para alamin ang sitwasyon namin, rason para dapat bigyan natin ng kalayaan ang mga lokal na pamahalaan.

I did not know this because this was not in our laws until now. Apparently, it’s based in some of the memorandum circular issued by National Government agencies. Alam niyo ba ang budget ng Provincial Government of Cebu, halimbawa, kabilang na ang Sorsogon, kailangan aprubahan ng regional office ng DBM? Bagaman ordinansa na siya, batas na siya sa lahat ng lalawigan, kailangan pa rin aprubahan ng regional office ng DBM at kung hindi nila aaprubahan, hindi puwedeng gastusan ng pamahalaan pang lalawigan ‘yung item na ‘yun sa ordinansa.

IRA naman natin ‘yung gamit namin, locally-generated revenue ‘yung gamit namin. Dapat wala nang pakialam ang National Government sa bagay na ‘yan. Bibili ng kotse ang pamahalaang panlalawigan, kailangan pang magpaalam sa DILG. Pera naman naming ‘yung gamit namin, kung subsidy ‘yan galing sa National Government, sige susunod kami sa menu na ibibigay nila. But in so far as the locally-generated revenues and IRA is concerned, the National Government should not have any say whatsoever as to how the province or city will spend that money. We are accountable to the people who elected us. ‘Yung mga nagrereview ng budget namin, appointed lang naman at hindi inihalal ng bayan.

MR: When you were senator, meron bang mga proposed legislations that you file na hindi nakapasa into law? What are these?

CHIZ: Meron, Manny pero hindi ‘yun ang rason kung bakit ako pangunahing bumabalik sa Senado. Noong umalis ako sa Senado nagawa ko lahat ng nais kong makamit at magawa pero wala pang pandemya noon. Ngayong may pandemya, ngayong nagkaroon ng giyera sa pagitan ng Russia at ng Ukraine, maraming panibagong batas a dapat ipasa. Kabilang na ang, halimbawa, ang mga sumusunod: una, ang pag-repeal at pagbabago ng probisyon ng Oil Deregulation Law. Maliwanag na hindi siya tumupad sa pangako niya na pababain ang presyo ng produktong petrolyo.

Pangalawa, hindi ginagawa ng wage boards ‘yung kanilang trabaho sa mahabang panahon. Panahon na para bawiin ng Kongreso ‘yun, at magpasa ng legislated minimum wage increase.

Pangatlo, batas na muling magpapalakas at mag papabangon sa mga micro, small, and medium enterprises dahil 90 posyento ng ating ekonomiya ay MSMEs. Kung matutulungan natin silang bumangon at bumalik muli, matapos ang pandemyang ito, para na rin nating pinabangon at pinabalik ang 90 porsyento ng ating ekonomiya at 90 porsyento ng mga trabahong nawala dahil pa rin sa pandemya.

Kung may isang batas akong nais balikan ay ang pagdagdag ng pondo at budget para sa Department of Agriculture. Do you know, Manny, that fund, that the budget of the Department of Agriculture for the year 2020 is only Php80-B. Paano kapag tumayo ang NCR at Metro Manila, karamihan ng kita at revenue ng gobyerno ay galing sa kanila. Saan pa kukuha ang National Government ng ibibigay sa mga lokal na pamahalaan na mahirap?

Cebu is a rich province that can stand on its own but our first experiment in federalism in BARMM, for example, the total revenue generated in BARMM as of now is only about Php6-8-B per year. Ang ayuda, ang tulong na binibigay ng National Government sa kanila, ay nasa Php130-B. Now, the question is, mare they truly independent and federal? O hindi rin dahil karamihan ng pondo nila, galing pa rin sa National Government at dinidiktahan pa rin sila kung paano ito gagastusin. Until we have not reached that stage, I don’t think we should do it. If at all, we should provide a law that says: “If an area, province or region is qualified, then they can, enjoy more rights under a federal system.” But we should not do it as an entire country as of yet because not every corner of the country is all ready for federalism.

That is possible amendment but it will require a constitutional amendment. Ang problem din malamang, I’ll give Bicol as an example, Manny. Ang pinakamalaking probinsya sa amin ay Camarines Sur. Ang pangalawang pinakamalaking probinsya ay Albay tapos Masbate tapos Sorsogon, CamNorte. Pinakamaliit ay Catanduanes. Malamang ang regional representative ng Bicol, manggagaling palage sa malalaki at mayamang probinsya. Walang pagkakataon na ‘yung mahirap at maliit na probinsya na maging kinatawan sa Senado ng Bicol Region. Mas patas at parehas, pero syempre, nag-aapply din sa akin ‘yan, Manny, kaya take it with a grain of salt, whatever it is I say. So mas patas at parehas na nabibigyan ng pagkakaktaong mahalal kung sino ‘yung galing sa maliit na probinsya dahil siyempre, ‘yung mananalo galing sa mayaman at malaking probinsya, yun lang palagi ang aasikasuhin nya dahil doon naman galing ‘yung boto at rason ng pagkapanalo.

MT: Oh, true. Punta na tayo sa halalan kase nag-discuss ka na ng halalan. Bakit ka, bakit ka ba nag-iikot? Kase last I heard, it was Heart here, with Margot Osmena, the candidate for Mayor, namalengke sila. Bongga.

CHIZ: Nakita ko nga ‘yung video.

MT: So ngayong ikaw yung nandito, why? When you are consistent, number one to number five, pasok ka, sa universities naman, top choice ka, so ano? Bakit kailangan pang mag-ikot ng isang Senator Chiz?

CHIZ: I always believed that any candidates should be running scared, tumatakbo ng takot. Hindi mula sa krimen o sa panananagutan, sa eleksyon. Kaya nga, ‘di ba, tumatakbo? ‘Di dapat tumakbo ka ng takot. You should not be overconfident. At the end of the day, boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang, hindi boto sa survey. So sinuman ang mataas, sinuman ang mababa, dapat tuloy-tuloy lang. Kung mali man ‘yung survey, talagang mataas ka, hindi ka mababa, kung mali man ‘yung survey, mababa ka pala talaga, hindi ka mataas, then at least give a chance to correct it.

But being top really is a bonus. Bakit Malou? 1, 3, 5, 8, 10 o 11, hindi ko isasama ‘yung 12. Basta sa top 12 ka, pareho lang naman ng suweldo. Pareho din naman ang kita doon. Pareho din ng trabaho. Pareho ang boto sa Senado. So ang importante lang, makapasok sa top 12. Oo, pero hindi lahat ng running for that position ay parehong ini-endorso ng iba’t-ibang kulay gaya mo, ‘di ba? May red, may pink, may mga sketor, may mga league of provinces na nag-eendorse sa ‘yo. How do you feel na out of the many candidates, many also groups are endorsing you?

CHIZ: Nakakataba ng puso. I thank them. I thank President Duterte. I thank Vice President Robredo. I thank Mayor Inday Sara, League of Provinces and other groups and provinces endorsing my candidacy. Marami nga ang nagsasabi, paano ‘yan? ‘Di ba mali ‘yan? Ang tingin ko, hindi mali. Tama, Malou, Manny, dahil ayaw nyo nun? ‘Yung mga nag-aaway-away na kandidato, may pinagkakasunduan. They are actually able to find common ground, if not in my candidacy, the candidacy of other candidates. Perhaps, in some issues as well and platforms.

Alalahanin po natin, anuman ang kulay na dinadala natin ngayon, pula man, pink man, green man, blue man, white man, sana alalahanin natin, pagkatapos ng eleksyon, pare-pareho dapat ang kulay nating lahat. Kulay na sumasagisag sa watawat at bandila ng Pilipinas. Ang dinadala kong kulay, hindi kulay ng sinumang kandidato. Mula’t-mula, ang dinadala kong kulay, pula, asul puti at may kaunting dilaw, kulay ng ating bandila, dahil sa dulo, pare-pareho pa rin tayong Pilipino sinumang sinusuportahan niyong kandidato.  Nakatira pa rin tayo sa Pilipinas sinuman ang iboboto niyong kandidato.  At sinumang mananalo bilang presidente o bise presidente dapat pantay niyang pagsilbihan ang bawat Pilipino, binoto man siya o hindi.  Gusto man siya o ayaw.  Minumura man siya ngayon o sinasabi sa kanyang “I love you”,  dapat pantay na pagsilbihan iyan ng mga mananalong kandidato.

MT: Kagaya ng flowers namin tingnan mo lahat ng kulay nandiyan kasi kung ipapakita namin dito lalo na sa Cebu pinepersonal ng mga supporters.

CHIZ: Iyon pa isa alam mo isa na ito sa pinakamainit na halalan nakita ko.  Mainit dahil nagpapatayan ang kandidato.  Mainit dahil nag-aaway-away na ang magkamag-anak, magkaklase, magkatrabaho, magkapitbahay dahil lamang magkaiba sila ng kulay na dinadala.  I saw good quote on TikTok which perhaps I can share.  It says, “we don’t have to agree on anything to be kind to one another.”  Hindi natin kailangan magkasundo sa lahat ng bagay para maging mabuti sa ating kapwa.  Eleksyon lang ito lilipas ito.  And for those of you who were former friends, workmates were fighting sana wala namang naghiwalay na mag-asawa, alam niyo yung mga kandidato na naglalaban-laban, magkakaibigan sila sa totoong buhay.  Kung sila magkakaibigan bago ng eleksyon habang nagkakampanya, matapos magkampanya, kayo pa po, tayo pa po mag-aaway-away na supporter na lamang.  I think we should learn to respect our neighbors, our friends, relatives’ position in this election.  Ika nga, sa isang demokrasya hindi sinusunod kung sino mas magaling at kung sino mas tama.  Sa demokrasya isa lang ang batas, yung nakakarami.  Kung sino man ang gusto nang nakakarami, iyun ang dapat na masunod.

MT: Yesterday may rally.

CHIZ: I saw.

MT: Leni and Kiko. Iba-iba ‘yung estimates ng organizers at ng pulis and then just two days ago, galing din sina BBM at si Sara.  So BBM-Sara and Leni-Kiko.  But in the surveys, mauna sina BBM-Sara tapos may iba-iba.  So, ano tingin mo sa mga ganyang trends and there are crowds aside from the fighting on social media?

CHIZ: To begin with as I said earlier ang binibilang na boto sa araw ng eleksyon hindi boto sa survey at attendance sa rally, una.  Pangalawa, dalawang taon natin kinulong ang mga Pilipino na hindi nakalabas.  Ngayon buti ang mga rally maraming artista, singer, dancer bigyang laya natin ang ating mga kababayan mag-enjoy, maka-attend, ika nga, tawagin mo mang rally o concert.  Para makabuwelo din sila after being lockdown for more than two years.  Pangatlo, ito ‘yung kauna-unahang beses Malou na napakakalaki ng numero sa survey.  For those who disagree sa surveys, given the wide margins, mahirap sabihing mali kung dikit siya if the gaps are close then you can say probably his or her.  Pero kung ganoon kalalawak ‘yung lamang, siguro naman tinamaan nila ‘yung target anumang survey ginagawa.   But then again, it’s still about three weeks before the election, mas marami pang puwedeng mangyari, ika nga. That’s why all of the candidates, however big their lead may be, are still campaigning, are still pursuing with their respective campaigns.  So, kung base sa survey sasabihin rin Malou, hindi na rin dapat nila mangampanya lamang na lamang na sila but they are still campaigning because they are also running scared and they know for a fact na boto pa rin sa araw ng eleksyon binibilang.

But let me point out one thing, if the surveys will indeed will see in the results of the elections, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa matagal na panahon na ang mananalo ay magkapartido bilang presidente at bise presidente.  For quite some time, ang binoboto ng mga kababayan palaging magkaibang partido ng presidente at bise presidente.  Kung tutuloy-tuloy at totoo ang survey sa araw ng eleksyon, it will be the first time for the past 3 or 4 presidents we had na magkapartido, magkakampi ang presidente at bise presidente.

MT: At hindi magkaaway.

CHIZ: Sana.  Hindi pa magkaaway.

MT: But you know with surveys ang gandang tingnan maayos surveys ‘yung crowd mataas pero people on the ground are saying mataas ‘yung survey, mataas ‘yung crowd head count, mataas din ‘yung presyo ng gasoline. At the end of the day, people will say whatever the results will be there still a problem na marami pa rin kaunti lang ‘yung kita ‘yung transport operators ‘yung tricycle drivers, gusto nila itaas ‘yung pasahe. Meron nang petisyon dito for wage increase.  So, after all this election fever, I say para kasing nilalagnat lahat ng tao umiinit ‘yung ulo dahil sa eleksyon, mananatili pa rin may problema sa ganyan, sa income ng tao, sa oil price increase. So, ano ang masasabi mo, kasi ikaw you’ve been there long enough to see to be able to do something about it.  What do you plan to do?

CHIZ: Legislated wage increase at ‘yung pamasahe contentious issue ‘yan. Maraming magrereklamong sumasakay o mananakay na ba’t daw magtataas ang pamasahe. But look at it from the point of view of the driver, jeepney driver, tricycle driver. Kung hindi mo papayagan magtaas ng pamasahe, sinong babalikat ng mataas na presyo ng gasolina. Sila na lang ang magdurusa? Kaya nga sinasabi ko madalas, bakit sa Oil Deregulation Law ‘yung mayamang may-ari ng gasolinahan puwedeng magtaas ng presyo kahit kailan niya gusto. Pero ‘yung pobre na jeepney driver at tricycle driver, kailangan muna magpaalam sa gobyerno, LTFRB man o lokal na pamahalaan bago siya magtaas ng pamasahe. Hindi ba dapat, Malou, kung pwede ‘yung mayaman, mas puwede ‘yung mahirap? Hindi ba dapat kung bawal ‘yung mahirap, mas bawal dapat ‘yung mayaman? Itong Oil Deregulation Law binigay lahat sa mayaman ‘yung karapatan at pinagkait sa mahirap lahat din ng karapatan.

But let me add one more problem to the list you gave. Kulang na kuryente at presyo ng kuryente. Pagdating, actually maswerte pa si Sec. Cusi na nagpandemya, tumama ang Odette, tumama ang Agaton, may mga lugar sa bansa na walang kuryente at nung nag-lockdown wala masyadong lumalabas at maraming establishment na sarado. Kung walang pandemya at hindi tumama ang bagyong Odette at Agaton, last year pa lamang nagba-brownout na tayo. Ngayon na muling nagbubukas na ang ating ekonomiya, makikita natin yung brownout bandang Hunyo hanggang Hulyo. Magkaka-rotating brownouts na at kasabay ng kulang na suplay ng kuryente ang mataas din na presyo ng kuryente. Sana huwag mangyari ‘yung nangyari noong 1992 kung maaalala mo, Malou. Si Manny naaalala ‘yon sigurado ako, kung saan mayron tayong rotating 12-hour brownouts sa pagpasok ng bagong presidente si dating Pangulong Fidel Ramos. ‘Yan ang pangunahing problema na kinaharap niya bilang pangulo at ‘yan ang hinarap niyang problema sa loob ng anim na taon. Sana huwag naman ngayon.

MT: Sir Manny, because you remember those times. Ako bata pa ako nun. What do you want to ask?

MR: Yes, well we’re talking about that now. You know I’m really worried about the NGCP, even Senator Risa Hontiveros has made a privilege speech versus or against the NGCPs operation. And we know that NGCP is now being controlled by the Chinese. And even the technicians there and everything there is being replaced by the Chinese engineers. You cannot even go inside freely, our Philippine government engineers. And it had been said that Beijing or China can just boot off the, and the NGCP you know through remote control, that means from Beijing if you just shut it off or appear. And I don’t know why there was no serious effort really to investigate these things ‘yung NGCP na ito. Hindi mo makita. Kung may trouble, no Filipino engineer can fix it because even the characters there are Chinese. Wow, he was the one who replaced the parts. And wow, it’s not worth it if we were afraid of the West Philippine Sea. Malayo ‘yon. Ito ‘pag off ng China, the electricity was gone. What do you think, Senator?

CHIZ: Well, Manny for that matter, karamihan ng mga cellphone natin at ‘yung mga cell towers natin ang gamit na salita diyan sa pagkakaalam ko either Korean, Japanese or French. It just so happens na wala tayong debate at diskusyon sa mga bansang ‘yan kaya mas kampante tayo. But I agree with you. This is a national security concern and issue which the next president should look into. Hindi po puwede na ni hindi nila alam kung anong nangyayari dun. Actually, when Sec. Honasan, now senatoriable Honasan was appointed DICT, I thought that this was going to be one of the major trusts of his DICT secretaryship when he was appointed DICT head. Sana ang susunod na gobyerno tignan itong bagay na ito because this pertains the national security, and stability, and sustainability of electricity in our country. I don’t think darating tayo sa punto, Manny, na ire-remote control gaya ng China papatayin ang kuryente dito. Kulang na nga ‘yung suplay papatayin pa. Siguro kung sobra-sobra, siksik at liglig pwedeng patayin. Wala rin silang kailangang patayin dahil kulang na nga yung suplay. In fact, hindi na natin kailangang hintayin nating gawin ‘yan. Ginawa na natin sa sarili natin ‘yan.

MT: Sir Manny, ako muna. Showbiz muna ako kasi may nag-aabang ‘di ba yung girlfriend mo, ‘yung asawa mo si Heart.

CHIZ: ‘Yung ex-girlfriend ko.

MT: Ex-girlfriend mo na asawa mo si Ms. Heart, sabi niya if hindi ka daw niya, if hindi ka daw niya asawa at hindi ka niya kilala personal iboboto ka pa rin niya. That’s something kasi ‘yung iba, if they know the partner so much, “I will not vote for you anymore kasi I’m so familiar with you.” Pero si Ms. Heart, ibobo ka daw niya. Ano ang masasabi mo diyan? Kasi nag-research daw siya.

CHIZ: Mas pipiliin ko, Malou, to this, to be candid mas pipiliin kong makilala si Heart at pakasalan niya ako kaysa iboto niya ako dahil noong nakilala ko siya noong 2012, senador na ako noon hindi ako tumatakbo. But seriously, Heart is correct because we’re given an opportunity only once everythree years to vote at sa araw lang na ‘yan sa May 9 tunay na nagkakapantay-pantay tayong lahat. Presidente Duterte ka man o janitor, sa isang paaralan tig-isa lang kayo ng boto. Mayaman o mahirap, may hitsura o wala, bata o matanda, we all have one vote each come May 9. So sana gamitin natin ‘yong pagkakataon na ‘yon na tunay na pumili at piliin kung sino ‘yong magsisilbi sa atin sa susunod na 3 at 6 na taon.

Puwede naman nating palitan ‘yong local officials after three years. Puwede nating palitan ‘yung National Government officials after 6 years. Pero 3 taon at 6 na taon pa rin ‘yon, ika nga nung kasabihan sa Ingles, “It’s too short for a good leader but too long for a bad one.” So, I hope we make the right decision at ibabalik ko dito ‘yung sinabi ko dito kanina, wala pong mali at tamang desisyon. Ang pinakatamang desisyon, bumoto po kayo. Sino man ang iboboto niyo, sino man ang nasapuso’t nasa isip niyo karapatan niyo po ‘yan. Walang puwedeng magdikta at magsabi sa inyong tama kayo o mali kayo depende sa iboboto niyo. For as long as we exercise, you exercise your right to vote and choose our leaders.

MT: Sir Manny, last question bigyan kita ng chance. You throw the last question.

MR: Wala na lang mahirap kasi marami pa akong questions baka ma-frustrate pa ako. Anyway, I just would like to congratulate in advance Senator Chiz Escudero. What chairmanship do you prefer when you will be elected senator again?

CHIZ: Given a choice I will always choose the Committee on Finance for one basic reason: there is a principle that says, “Governance is about allocating scarce resources, if you’re able to allocate scarce resources then you governed properly.” The Committee on Finance is the one allocating the resources of government. How it spent, when it spent and where it spent. I would like to be given a chance to do that again as I was able to do it before in the Senate.

MT: Senator, last, last question.

MR: Thank you. Congrats.

CHIZ: Thank you, Manny.

MR: Last, last question. A lot of people are asking with this, you know elections. How do you feel about the barangay elections? Do you think that there’s a need na mag-eleksyon agad because barangay elections have always been postponed lately, ‘no.

CHIZ: We should reset it and we should desynchronize it kasi nire-reset natin pero-parehong taon pa rin ng national and local elections. So that it will be postponed again. So, let’s reset the barangay elections at the end of the year. Let’s reset it to a year or two years from now so that it’s desynchronized and then ang term nila 3 years pa din. Hindi puwedeng ire-reset mo to another election tapos 6 years na ‘yong mga barangay officials. Ika nga, nila Malou, ‘yung barangay captain matutuwa kapag pinostpone ang eleksyon pero ‘yong kagawad niya na gustong mag-kapitan lahat malungkot.

MT: Tsaka ‘yong kalaban na sad ‘di ba.

CHIZ: Maliban nga doon sa kagawad o maliban sa kalaban, may mga kagawad na gusto din mag-kapitan

MT: Nag-aantay. Correct.

CHIZ: Mas marami ‘yon.

MT: Senator, thank you so much for joining us. Your message sa mga nanonood natin sa buong Visayas at Mindanao.

CHIZ: Salamat pong muli karangalan ko maging parte ng inyong programa sa umagang ito. Salamat, Malou. Salamat, Manny. Hiling at dalangin ko po sana muli ang inyong tulong at suporta sa muli kong pagharap sa dambana ng balota para maging miyembro ng Senado. Para po sana maging kinatawan, kampeon at tagapagtanggol ninyo sa Senado. Ang akin inaalay anumang talino, talento, galing, tapang at karanasan meron ako para makapagbigay po ng siguradong direksyon at siguradong solusyon sa mabibigat na problemang kinakaharap ng ating bansa sa ngayong. Sa muli, pagbati na lamang sa inyo, Malou, Manny, sa ating mga televiewers at listeners. Daghang salamat ug maayong buntag. Keep safe everyone. Ingat kayo palagi.

MT: Thank you very much, Senator Chiz Escudero. Palagi kapag pumupunta ito dito nauubos ang aking mga salitang-ugat at nakalilimot na ako. Thank you so much for joining us and we hope to see you again after your victory. See you again soon.

CHIZ: Sana.

MT: Mamalengke ka with Heart uli when you win. Thank you