GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Mas pipiliin ko liga, may meeting nga mga liga dito mula sa Mindanao.
ATTY. RUPHIL BANOC (RB): OK, ngayon ka lang naka ano, pagbalik mo, ngayong araw lang?
CHIZ: Ngayong araw lamang, ngayong umaga lamang kami dumating.
RB: OK, so ilang araw ka dito?
CHIZ: Dalawang araw kami dito.
RB: So, may mga activities ka sa dalawang araw ng–
CHIZ: May mga inaayos pa, oo. Pero mas mahalaga ‘yung nakausap kita ngayong umaga.
RB: Dahil tinanong kita kung ngayong araw ka lang nakarating. Akala ko nagpunta ka sa rally ni BBM o kay Leni kagabi.
CHIZ: Wala, wala, wala. Hindi ako ma-rally Atty. Ruphil, ‘di ako gaano nag-a-attend ng rally dahil hindi naman ako nagsasayaw, kumakanta o nag papatawa sa mga rallies.
RB: Oo, dahil may mga presidentiables na ikaw ay in-endorse din. Iba’t ibang mga ano–
CHIZ: Oo, si VP Leni, si Senator Lacson, Senator Pacquiao, minsan binabanggit ako ni Mayor Inday Sara. So, meron naman, Atty. Ruphil.
RB: I know na inimbitahan ka sa mga rallies nila pero–
CHIZ: Well, sinabi na ni, nakausap ko rin si Senator Marcos ilang buwan na ang nakakalipas, sabi niya pag natyempuhan, ‘pag libre ka, OK lang. Sabi ko, hindi talaga pala rally kasi, pag natuto ako kumanta, Atty. Ruphil, ‘wag ka mag-alala, mag-a-attend na ako ng rally.
RB: Dahil ngayon ang mga rallies nila hindi pa masyado ‘yung mga speeches, ‘yung mga platform of government na ipaliwanag mo sa tao, ngayon parang sasayaw na at kakanta kanta.
CHIZ: Hinahanap ko nga ‘yung nagturo kumanta kay Sal Panelo para magpaturo ako.
RB: Oo, OK. Senator Chiz kamusta po, consistent naman ‘yung ano ninyo sa mga surveys palaging nasa top five ka palagi. Seventeen days na lang mag eleksyon na, anong sa tingin mo?
CHIZ: Well, sana magpatuloy, Atty. Ruphil. Pero tulad ng madalas kong sinasabi, sino man ang mataas o mababa sa survey ngayon, dapat tuloy-tuloy lang ang kanilang pangangampanya, ang aming pangangampanya dahil boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang at hindi naman boto sa survey at hindi naman mahalaga lalo na sa pagka-senador kung number one ka, number three, number five o number eight, basta pasok ka lamang sa top 12 pare-pareho lang naman ang sweldo nun, Atty. Ruphil. Pare-pareho din ang tawag, senador pa rin ang tawag.
RB: Kahit number 12 ka Senador pa rin ang tawag, pero mas advantage sa inyo dahil nasa top five ka palagi.
CHIZ: Well, at least hindi ka mag aalala masyado, hindi ka maghahabol, ‘yun lamang ang advantage siguro.
RB: Pero hindi ka naman nag aattend ng mga rallies pero yung consistent niyong mataas ‘yung rating niyo saan niyo i-attribute ‘yan?
CHIZ: Sa paglilibot, sa pamamagitan ng media ngayon ng social media para maparating ang aming mensahe, layunin at plataporma. Dagdag pa siguro dun, Ruphil, ‘yung pinuhunan ko siguro, magandang serbisyo mula noong ako’y pumasok sa Senado at sa gobyerno. Mahigit 21 taon na ang lumilipas.
RB: Ayon. Mayroon ka ng emotional bank account from the people na ito si Senator Chiz.
CHIZ: Ay siyempre, hindi mo naman puwedeng tawaran na mas sikat sa akin iyong asawa ko, Atty Ruphil.
RB: Hindi ba siya kasama sa pag-iikot ninyo, Senator Chiz?
CHIZ: Hindi, dahil nga parang indepindiente ang pagtakbo ko. Hiwalay kami ng lugar na pinupuntahan dahil may trabaho si Heart hindi rin siya makalibot ng masyado. Pero ngayon nagpunta si Heart sa Pangasinan, sa Tarlac at sa Pampanga. Ako naman ay nandito sa Cebu.
RB: So, at least nakakampanya kayong dalawa sa iba’t-ibang lugar.
CHIZ: Oo, pero pangalawang araw pa lamang. Hindi ko naman puwedeng sabihin na mas mahalaga ang trabaho ko sa trabaho niya. Parehong mahalaga iyong siyempre.
RB: Now, dito tayo sa mga seryosong aspeto Governor Chiz. Next set of senators ngayon na babalik ka na naman sa Senado. Talagang malaking hamon dahil galing tayo ng pandemic, ano ang mga priority ninyo- pieces of legislation kaya para maka-recover tayo galing sa pandemic?
CHIZ: Para makabangon tayo mula sa pandemiya, Atty Ruphil, ito ang mga dapat gawin ng susunod na Kongreso at ng Senado. Para sa akin, una magpasa ng batas na tutulong sa MSMEs. Ang MSMEs ay bumubuo ng humigit kumulang na 90% ng ating ekonomiya. Kung matulungan natin silang bumangon muli para nating binuhay ang 90% ng ating ekonomiya. Para nating napabalik ang 90% rin ng mga trabahong nawala.
Sa papaanong paraan? Halimbawa, bigyan ng rektang ayuda katulad ng ginawa ng ibang bansa para may pangsuweldo sila ng 6 at 12 buwan. Kapag may suweldo ang empleyado, iikot ang ekonomiya sa kanilang lugar. Bigyan ng palugit kaugnay sa pagbabayad ng buwis, tatlo hanggang limang taon. Puwede nilang hulug-hulugan ang pagbabayad ng buwis. Pangatlo, parehas na Rent Control Law pero aplikable sa MSMEs. Hindi puwedeng taasan ang renta, hindi puwedeng paalisin. Bigyan pa nga dapat ng discount at hindi pa naman nagbubukas ang ating ekonomiya. Pangalawa ang agrikultura. Dapat taasan ng Kongreso ang budget ng agrikultura mula Php80-B patungo sa Php300-B. Ang budget ng DPWH ay Php840-B sa taong ito. Wala pang 10% ng budget ng DPWH sa budget ng DA. Ibig sabihin nun para tayong hindi agriculture county para tayong bansa ng mga kontratista at contractor. Kung napakalayo ng inilaki ng budget ng DPWH kumpara sa Department of Agriculture. Pangatlo ay legislative minimum wage. Panahon na para bawiin ng Kongreso iyong idinelegate na poder sa regional wage board na maliwanag naman na hindi nila ginagawa ang trabaho nila. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung saan silang planeta nag-go-grocery at namamalengke para sabihing sapat na ang napakaliit na dagdag suweldo na ibinibigay nila. Sunod ay pag-repeal ng Oil Deregulation Law. Saan ka ba naman nakakita ng batas na yumayaman ang may-ari ng gasolinahan at puwedeng magtaas ng presyo kahit kalian? Samantalang iyong pobreng tsuper ng tricycle at jeep ay kailangan munang magpaalam sa LTFRB at local na pamahalaan bago magtaas ng presyo. Hindi ba Atty. Ruphil, itinuro sa atin sa batas. Those who have less in lives should have more in law. Itong batas na ito, pumapabor sa mayaman lamang. Panghuli, marapat, Atty Ruphil, dapat magpasa ng Odette Rehabilitation Bill ang Kongreso pareho sa Yolanda Rehabilitation Law kung saan magbibigay ng tulong ang National Government sa mga tinamaan ng bagyong si Odette na hindi naman kakayanin ng pondo ng mga lokal na pamahalaan
RB: Bakit kaya Senator Chiz itong Department of Agriculture, ano na ang ano, ‘yung budget, bakit?
CHIZ: Mayabang kasi ang gobyerno, Ruphil. Ba’t mayabang? Sa ibang bansa, sa America, hindi mahirap ang magsasaka. Hindi pobre ang mangingisda. Ito’y dahil sa subsidiya na binibigay sa kanila ng pamahalaan. Tayo dito, medyo mayabang, gustong tumayo sa sariling paa; samantalang ang pinakamahihirap na Pilipino sa Pilipinas, nasa sektor ng agrikultura. Kung gusto natin bumangon sila mula sa pandemya’t sa kahirapan, kailangan bigyan sila ng buong suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng pondo. Ika nga, put your money where your mouth is. Hindi puwedeng mahal mo ang agrikultura, wala ka namang nilalagay na pera at pondo sa agrikultura.
RB: Dahil sa ibang bansa, ‘pag sabihing farmer, mayaman ‘yan.
CHIZ: Mayaman, may kaya o at least, hindi mahirap. Mahirap lamang ang magsasaka at mangingisda, Atty. Ruphil sa Pilipinas at sa Asya. Sa Europa’t Amerika, hindi po mahirap ang magsasaka. Ang rason ay sa suporta, tulong at subsidiya na binibigay ng pamahalaan sa kanila.
RB: Itong pagtaas ng presyo ng gasolina, Senator Chiz, may mga panawagan ang mga transport operators, pati mga ticycle drivers na itaas ang pamasahe at may mga panawagan din na dagdag-suweldo daw. Ano ang masasabi mo tungkol dito?
CHIZ: Pabor ako sa dalawang ‘yon, Atty. Ruphil. Una sa lahat, mababa na talaga at kulang na talaga ang suweldo ng mga manggagawa. Ito’y hindi na sapat para magbigay ng pangunahing mga pangangailangan ng mga manggagawa. Sa parte ng mga negosyante naman, hindi naman sila mamumulubi kung magbigay ng malaking sueldo. Liliit lang ‘yung kita pero hindi sila maghihirap. Atty. Ruphil, balik-tanawan mo ang binibigay ng mga na dagdag-suweldo sa manggagawa. For the past ten increases, palaging sabi nila, maliit lang kase kawawa ‘yung negosyante, magsasara. Puwede ba, kahit 1 out of 10 man lang, paboran natin ‘yung mga manggagawa? One out of the ten times na tataasan ‘yung suweldo, bigay naman natin sa kanila, one time lang, ‘yung kailangan talaga nila at ‘yung totoong gusto nila. Kaugnay ng pamasahe, kung hindi na matutuloy ang subsidiyang ibibigay ng pamahalaan Atty. Ruphil, ‘di ba may subsidiya dapat na ibibigay sa kanila? Kung hindi na matutuloy dahil election ban daw at election period, walang ibang dapat puntahan yan kundi magtaas ng pamasahe. Ayaw man natin, kawawa naman ang tsuper at driver ng jeep at tricycle Atty. Ruphil. Sino ba ang bumabalikat ng mataas na presyo ng gasolina? Tapos ayaw mong payagan taasan ‘yung singil nila sa pamasahe, kawawa naman sila at hindi tatagal sila ng ganyan.
RB: Itong Oil Deregulation Law, ‘pag ma-abolish ito next Congress.
CHIZ: Nais kong isulong pero hindi simpleng pag-abolish, Atty. Ruphil. Palitan natin ‘yan ng batas na nagsasabing pwedeng maglagay ng price cap ang pamahalaan. Puwedeng maglagay ng OPSF muli Oil Price Stabilization Fund ang pamahalaan. Puwedeng babaan ‘yung buwis kapagka tumataas ‘yung presyo lalu na ‘yung percentage tax. Alam mo kung magkano na kinikita ng gobyerno, Atty. Ruphil sa ngayon dahil sa mataas na presyo ng gasolina? Ang dagdag na kinita ng gobyerno ay animnapung bilyon na. 60 billion in added revenues, additional revenues at panghuli, bigyan ng kapangyarihan ang gobyernong magtatag ng strategic petroleum reserve. Ito yung langis na binibili natin kapag mura sa world market. Isa-stock lang natin, iimbak lang natin Atty. Ruphil para meron tayong supply na puwedeng ibenta pangunahing halimbawa sa transport sector na mas mababa ang presyo kaysa sa prevailing market price.
RB: So kailangan ang gobyerno may gas station parang ganoon?
CHIZ: Stock-piling halos lahat ng bansa sa mundo, Atty. Ruphil meron niyan. Tayo lang isa sa kakaunting bansa na wala. Alam mo Amerika noong isang buwan nag-authorize sila mag release ng one million barrels of oil kada araw mula sa strategic petroleum reserve nila para ibenta sa merkado sa Estados Unidos para matulungang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo doon.
RB: So merong krisis papasok talaga ang gobyerno?
CHIZ: Papasok dapat ang gobyerno hindi tulad ngayon dahil sa Oil Deregulation Law, Atty. Ruphil ang ginagawa lamang ng gobyerno parang radio announcer. Sasabihin lamang niya, “tataas bukas ng Php7, bababa bukas ng Php2.” Hindi naman puwedeng ganoon.
RB: Itong mga subsidies natin na binibigay sa mga drivers magsustain ba ang ganitong klase?
CHIZ: Hindi tatagal, Atty. Ruphil. Hindi tatagal dahil ang unang sabsidiya binibigay nila ay limang bilyon ang tatanggapin na sa tingin ko kalahating buwan lamang. So, sa Php5-B sa kalahating buwan, ‘di kinakailangan mo mahigit Php100-B para ma-sustain ang pangangailangan ng ating transport sector.
RB: Dito tayo sa isyu ng e-sabong, Senator Chiz. Ano ang stand mo diyan?
CHIZ: Dapat hindi lamang national franchise dapat bigyan ng kapangyarihan ang lokal na pamahalaan magdesisyon, Atty. Ruphil gusto ba ‘yan sa lugar nila o hindi? Sa ngayon kasi dahil ang prangkisa ay galing sa PAGCOR walang kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na limitahan ‘yan. Walang kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na sabihin, hoy paano kami makakasiguro na hindi nakapaglaro ang below 18-years-old. Ang prangkisa kasi galing sa PAGCOR mismo.
RB: So kapag nakabalik ka sa Senado ano ang magagawa mo tungkol dito?
CHIZ: Isang bagay na titingnan dapat ‘yan bakit at saan galing ang kapangyarihan ng PAGCOR gawin ‘yan nang walang permiso o papel na dapat gampanan ang mga lokal na pamahalaan probinsya man o highly-urbanized city.
RB: Dahil mga Pilipino gustong magsusugal meron din mga Pilipino na parang hindi gusto kasi dagdag sa kahirapan.
CHIZ: Dapat i-regulate kasi, Atty. Ruphil. Dapat i-regulate ang oras, dapat i-regulate ‘yung bilang ng sultada, dapat i-regulate kung sino lamang ang puwedeng makasali. Hindi puwedeng kahit sino na lamang kahit saan yung mga bata ay puwede rin tumaya ika nga sa e-sabong.
RB: May mga plano kayo, Senator Chiz, papaano itong makontrol ‘yung mga bata?
CHIZ: Sa lisensiya dapat, sa lisensiya dapat ginagamit para makontrol ‘yan tulad na lang ng sinasabi ko kung may kapangyarihan ang LGU na manghimasok diyan kada LGU puwedeng magtalaga ng sarili nilang rules at kung gaano ka-strikto ang kanilang ipapataw na regulasyon sa e-sabong sa kanilang probinsiya o sa kanilang lugar. Dagdag pa diyan kung talagang malaki ang revenue, Atty. Ruphil, ‘di at least magkaparte man lang ‘yung probinsya at siyudad sa napakalaking revenue na natatanggap ng national government mula rito.
RB: Tapos ‘yung mga pulis na hindi puwedeng magsasabong puwede na ngayon dahil mayron na sa cellphone.
CHIZ: Ay agree ako dun na ipinagbawal ng ating chief PNP na mag-e-sabong ang mga pulis. In fact, may mga nasuspinde ng pulis. Agree ako ‘yon yung mga rules na sinasabi ko, Atty. Ruphil. Bawal ang empleyado ng kapitolyo, ng siyudad ‘di ba na during office hours gawin ‘yan. Breaktime sige pero during office hours hindi. Below 18 hindi rin puwede bawal din. At dapat may limitasyon din sa bilang ng channel at sultada hindi ‘yung mayron yatang 8 o 12 na channel. Sa katunayan, Atty. Ruphil, nauubusan na ng manok. Kulang na ‘yung manok sa bansa para ilaban sa e-sabong.
RB: Oo dahil magsimula 10:00 in the morning, matapos ng 2:00 in the morning naku. Pati ‘yung mga OFWs, Senator Chiz, ‘yung mga asawa nila parang hindi na nagre-remit ‘yung mga OFWs daw. Nauubos sa e-sabong. Ano sa tingin mo paano ma-control ‘yan o ma-regulate rin ‘yan?
CHIZ: Limit at cap sa pagtaya ang isang paraan. Ginagawa ‘yan sa ibang bansa na maliban sa high roller at kailangan mo patunayan muna na high roller ka may limit lamang sa pagtaya mo. Kung titignan mo yung e-sabong platform may option kasi dun, ‘di ba, may Php100, Php200, Php500 pero may option para ilagay mo kung magkano ‘yung gusto mong taya. Puwede naman, Atty. Ruphil, ‘yon lamang ‘yung option para talagang libangan lang hindi ‘yung talagang ubos-bahay, ubos-puhunan, ubos-kotse.
RB: Nandito tayo, Senator Chiz, sa pagiging ano mo dahil OK ‘yung pagdala mo doon sa Bicol ‘yung probinsya po ninyo. Anong mga projects ninyo doon sa Bicol na puwedeng ma-replicate sa buong bansa?
CHIZ: Well, una sa lahat nangunguna kami, Atty. Ruphil, sa pagpapatupad ng UHC Law. Pero marami kaming nakikitang kulang at nahihirapan kaming gawin. Inabot kami ng matagal na panahon bago magawa. Layunin ko sa pagbabalik sa Senado maging template ang Sorsogon. Huwag nang pagdaanan ng mga probinsya ‘yung butas ng Sorsogon na pinagdaanan namin para mas madali nilang ma-implement na ngayon ang Universal Health Care Law. Pangalawa, nagtatag kami ng interfaith cemeteries sa aming lalawigan. Ibig sabihin nito, lahat ng relihiyon may kanya-kanyang section sa interfaith cemetery o sementeryo na pinagawa namin para hindi po sila makikiusap sa mga pribadong sementeryo, sa mga punong public cemetery o sa mga Catholic cemetery kahit hindi sila Katoliko. Nag-ISO certification din kami, Atty. Ruphil. Sa pagkakaalam ko pang-anim na probinsya lamang kami na ISO certified ang lahat ng departamento. Sa pagkakaalam ko rin kami may pinakamaraming bilang ng LGU. Nine out of fifteen na ISO certified, ISO 9001-2015. Marapat gawin din ito sa iba’t ibang lokal na pamahalaan dahil napakaganda ng epekto at serbisyong nabibigay nito sa ating mga kababayan kung ikaw ay ISO certified. Dagdag pa rito nagtayo kami ng museum ng lalawigan na kumakatawan at nagsasabi ng kwento ng aming probinsya. Halimbawa, Atty. Ruphil, hindi lang naman si Bonifacio at si Aguinaldo ang bayaning lumaban sa mga Kastila.
CHIZ: Halimbawa, Atty. Ruphil, hindi lang naman si Bonifacio’t si Aguinaldo ang bayaning lumaban sa mga Kastilla. May kanya-kanya tayong bayani mula sa Cebu, mula sa Sorsogon, mula sa Ilocos na nakipaglaban din naman. Marapat masabi ‘yung kwentong ‘yon. Hindi lang naman ‘yong mga bayani natin ang nakikilalang lumaban sa Amerikano, sa Hapon, noong Martial Law dapat makilala kung sinong mga bayani mula sa iba’t ibang lugar para masabi ‘yong kuwento ng kada lalawigan kaugnay ng kasaysayan ng buong bansa.
RB: Puwedeng gawing template ‘yan, gawan ng template, ‘no?
CHIZ: ‘Yan na ‘yong template. Ginagamit na salita ng isang kandidato sa pagkapangulo. ‘Yan ‘yung prototype, Atty. Ruphil.
RB: Itong computerized na doon sa Sorsogon, Senator Chiz parang deterrent din siya sa korapsyon ‘no?
CHIZ: Deterrent siya sa corruption, ‘di lang ‘yon mas madali mong mahuli kung may gagawa ng kalokohan. Dagdag pa rito, Atty. Ruphil, nag-invest din kami sa fiber-optic para may sariling linya ang probinsya at para ang internet connection ay mailagay naming sa mga lugar na ayaw lagyan ng mga private companies dahil hindi sila kikita. Gayundin ang pagtatayo ng mga cell sites sa mga lugar na malalayo na kulang pa ‘yong user pero kailangan namin na may contact kami at may komunikasyon kami. Pinasukan din ng lokal na pamahalaan ‘yon at puwede rin magawa legally sa bawat probinsya sa ating bansa.
RB: Itong mga ginawa niyong mga deterrent for corruption doon sa Sorsogon kaya ba nating implement sa buong bansa dahil kailangan tayo na malinis na pamamahala, Senator Chiz?
CHIZ: Simple lang naman, Atty. Ruphil, discretional ways equal corruption. Minimize discretion, you minimize corruption. Eliminate discretion, you eliminate corruption. So, kaya kami nag-ISO certification, de numero ang proseso naming sa kapitolyo. Hindi ka puwedeng lumabas doon sa 1-2-3-4-5 na kailangan mong gawin bago mo mabigay ‘yong permit. Kapag nagawa na ‘yong 1-2-3-4-5, hindi mo rin puwedeng sabihin hindi at hindi mo rin puwedeng patagalin. ‘Yong computerization na binabanggit mo. Atty. Ruphil, maliban sa ISO certification ay parang may ganyan kaming sistema, may bucket system kami. Kami lang din ang gumawa nung application, nung program, taga-Sorsogon lang din kung saan trace namin lahat ng dokumentong papasok at lalabas sa kapitolyo, kukunan pa ng picture ‘yan para may record talaga kami, mawala man ‘yung hard copy at meron kaming aging process. Ibig sabihin gaano katagal ba dapat ‘yang papel sa opisina mo? Kapag lumampas doon sa dapat na itagal ng papel, may red flag ‘yan, automatic na ige-generate, papadalhan ka ng notice, copy furnish ako bilang gobernador para masabi ko, “Hoy ba’t ang tagal na niyan? Anong hinihintay?” Kadalasan naman kasi oras ang dahilan ng corruption. Hintayin na magbigay ka, kung hindi ka magbigay hindi tatakbo ang papeles mo.
RB: Oo. So at least ma-solve ‘yan sa ganoong mga paraan, Senator Chiz?
CHIZ: May paraan din naman para ma-solve ang corruption tulad sa Bureau of Customs, Atty. Ruphil. Palitan natin ‘yong mga mesa nila. Dapat ‘yong lamesa nila walang drawer, salamin na lang. Palitan natin ‘yong uniforme nila, dapat walang bulsa. May mga ibang paraan pa rin naman na puwedeng gawin para mapahirapan at maiwasan ang corruption.
RB: OK. Senator Chiz, sa iyong mensahe na lang po ninyo sa mga nakikinig sa ating broadcast ngayon.
CHIZ: Maraming salamat, Atty. Ruphil karangalan ko na makapiling ang ating mga kababayan dito sa Cebu at sa siyudad at lalawigan ng Cebu.