ALWEN SALIRING (AS): Senator, any thoughts about endorsements? How helpful are endorsements? Especially that you’re going back to the Senate?
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Para sa akin, malaking bagay ‘yun dahil mag-isa akong nangangampanya, mag-isa akong tumatakbo para indipindyente ang kandidato ko ngayon bilang miyembro ng Senado. Kaya ‘yung pag-endorso halimbawa ni Pangulong Duterte, ni Mayor Inday Sara, ni Vice President Leni Robredo yung pagsama sakin sa linyang to, ni Senator Pacquiao, ni Senator Ping. Pag-endorso ng League of Provinces of the Philippines at iba’t-iba pang personalidad, grupo, gubernador, at congressman. Malaking tulong palagi ‘yun at nagpapasalamat ako ng taos-puso sa kanila, sa paniniwala at pagtitiwala nila sa muli kong pagbalik sa Senado.
AS: So, what do you think is the impression ba of these people are endorsing you? Hindi lang isa but almost all of them are endorsing you?
CHIZ: May mga nagsasabi na “Bakit? So, kanino ngayon siya?”. Syempre isa lang ‘yung boto ko tulad ng boto mo pero ayaw ba nila na nagkasundo-sundo ‘yung magkatunggaling kulay, magkatunggaling partido at personalidad sa isang tao, dalawang tao, tatlong tao? Hindi naman ito magkaiba, Alvin, dahil gobernador, congressman na malakas na lahat na tumatakbo sa pagka-pangulo ini-endorso ‘yung kandidatura niya. Hindi ba magandang makita na may common ground ‘yung mga iba’t ibang pulitiko at kulay dahil kung may pinagkakaisahan sila ngayon sana magkatapos ng eleksyon magkaisa din sila. At kung makakatulong ako para maging tulay na mangyari ‘yun hindi ko tatalikuran ‘yung tuguring ‘yon.
AS: Sir, are there parang best practices in Sorsogon that you want to replicate to other provinces in need of legislation?
CHIZ: There are a lot. There are several for example but it would need the cooperation and the participation- active participation of those involved. For example, out of 81 provinces there are only 6 provinces that are ISO certified. Pang-anim ang lalawigan ng Sorsogon na ginawa namin noong pandemya. Magandang maging ISO certified 9001-2015 ang lahat ng probinsya. Sa katunayan sinikap ko rin gawin yan sa bawat munisipyo sa aming probinsya. As of now Alvin, 8 out of 15 municipalities and cities of Sorsogon kabilang ang City of Sorsogon ISO certified na rin. Layunin naming, in this next term na lahat ng LGU sa Sorsogon, ISO-certified. Noong panahon ni dating Pangulong Aroyo naglabas siya ng executive order na nire-require ang mga LGU gawin ‘yan. Ang gagawin ko siguro, maglalagay ako ng pondo para pwedeng i-avail ng isang LGU para ma training sila sa ISO certification.
Pangalawa, kami ang nangunguna sa UHC implementation. Kami ang may pinaka-advance na health care network system na compliance sa UHC. Marami kaming pagkakamaling pinagdaanan. Para kaming dumaan sa butas ng karayom. Pero at least ‘yung karanasan namin puwedeng pagpulutan ng aral ng ibang mga LGU para hindi na nila kailangan pagdaanan ‘yung pinagdaanan naming hirap.
Pangatlo, ipinagawa ko lahat ng munisipyo sa aming probinsya na dapat gawin din sa kada probinsya. Bakit? Ang paniniwala ko kasi, kapag maganda, maayos, at malinis ang opisina dapat maganda, malinis, at maayos din ang serbisyong ibinibigay sa sinumang mangangailangan ng tulong ng lokal na pamahalaan.
Nagtayo kami ng shelter for dogs na kumikita kami dahil tini-train namin sila para maging sniffers, droga man o bomba. Hindi naman totoo Alvin na German Shepherd lang at mga imported na aso ang kaya umamoy ng droga at bomba. Maski aspin, maski askal kaya din gawin ‘yun. Nagtayo kami ng home for homeless gays dahil sa paniniwala na karamihan ng LGBTQ+ pag tumatanda siyempre may kanya kanyang pamilya ‘yung kanyang inaalagaan na pamangkin. Importante na nandoon ang pamahalaan para bigyan sila ng pagkalinga.
AS: Sir, you served in the Senate for a long time.
CHIZ: Twelve years.
AS: Are there Philippine laws that you think no longer serve its purpose and have to be abolished?
CHIZ: Definitely, I would want to review, if I go back to the Senate, number one the Oil Deregulation Law. Hindi ‘yan tumupad sa pangako niya na bababa ang presyo at ngayon tig-announce na lamang parang radio broadcaster na lamang ang gobyerno, ina-announced kung kailan tataas at bababa. Dapat i-repeal at i-review ‘yan. At dahil hindi na niyan sinisilbi ‘yung pangunahing layunin niyan.
Pangalawa, ang Rice Tariffication Law ganoon din. Hindi tumupad sa pangako niya. Imbes na bumaba ang presyo ng bigas tumaas pa. Ang mga magsasaka lalong naghihirap pa imbes na matulungan. Klarong kulang ang Php10-B para matulungan ang sektor ng agrikultura.
Pangatlo, ‘yung pag-delegate ng regional wage board ng pagtalaga ng minimum wage. Maliwanag din sa akin hindi ginagawa ng wage boards ang kanilang trabaho kaya bawiin ng Kongreso ang kapangyarihan, maski one-time lang, para magpasa ng legislated minimum wwage. Palaging pumapabor ang regional wage boards sa mga kumpanya at negosyante, hindi sa manggagawa.
AS: Alright. Sir. Speaking of, you mentioned about oil products, mataas ‘yung presyo ngayon ng gasoline, ‘no. And there are calls from drivers and operators to increase ‘yung pamasahe and even ‘yung parang calls na i-suspend temporarily ‘yung excise tax on fuel. Any thoughts about that, Sir?
CHIZ: In repealing the Oil Deregulation Law, we should substitute and replace it with the following: number one, bigyan natin ng kapangyarihan ang gobyerno na babaan ang tax kapagka tumaas ang presyo ng produktong petrolyo. To give you an example, Alvin. Kung 10% ang buwis- halimbawa na lamang, kung Php30 s ang per liter ng gasoline, Php3 per liter ang kita ng gobyerno sa buwis. Ngayong tumaas ng Php70, ‘di naging Php7 per liter bigla ang kinikita ng gobyerno. Hindi naman yata tama lumaki ang kita ng gobyerno in the expense of our people. Pangalawa, magbigay tayo ng kapangyarihan sa gobyerno ibalik ang OPSF, Oil Price Stabilization Fund, para hindi kailangan tumaas baba ang presyo ng produktong petrolyo sa ating bansa.
AS: Sige, let’s go back sa question about the oil products. The request of the drivers and operators to increased the pamasahe and even ‘yung suweldo ng mga manggagawa, Sir?
CHIZ: Kung hindi Ibibigay ang subsidiya sa transport sector dahil may election ban daw. Walang ibang pupuntahan ‘yan Alvin kung di itaas ang pamasahe. Kawawa naman ‘yung tsuper ng driver ng jeep, ng tricycle. Sila lang yung bumabalikat ng mataas ng presyo ng produktong petrolyo. Pero para sa akin, hindi dapat magtapos sa simpleng repeal ng Oil Deregulation Law. Dapat magpasa tayo ng batas bilang kapalit nun.
Una, na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno babaan ‘yung buwis kapag tumataas ‘yung presyo. Pangalawa, na magbigay ng kapangyarihan na maglagay ng price cap sa presyo ng produktong petrolyo sa pamamagitan ng pagbalik ng OPSF o Oil Price Stabilization Fund. Pangatlo, magtatag ng isang strategic petroleum reserve. Ito’y stockpiling ng gasolina, diesel. Bibili tayo kapag kmura sa world market at ibebenta natin ng mura din sa transport sector. Pangunahin at kung sobra ang supply sa ordinaryong gumagamit ng produktong petrolyo.
Kaugnay ng suweldo, maliwanag para sa akin na hindi ginagawa ng mga regional wage boards ang kanilang trabaho. Sa sampung beses humihingi ng dagdag suweldo ang manggagawa, palaging pinapaboran ng wage board ang mga negosyante. Panahon na bawiin ng Kongreso- kahit one-time lang ang kapangyarihan at magpasa ang Kongreso ng panibagong legislative minimum wage upang sa gayon matulungan ang ating mga manggagawa na mabigyan ng sapat na kita at suweldo para mamuhay ng normal.
Naniniwala akong kailangan ito sa panahon ng pandemya. Sa pagbangon natin muli, para sa gayon may perang umiikot at may pambili, panggastos sa mga manggagawa para mag-palengke, mag-grocery, magpamasahe at paikutin ang lokal na ekonomiya sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga plano kong isulong, ito ang mga plano kong gawin kung muling makabalik at sa aking pagbabalik sa Senado.
AS: Sir, how much are you proposing sa legislated wage?
CHIZ: Kailangan kada rehiyon ‘yan at kaialangang pag-aralan. Magandang malaman ‘yan kasi ang debate ng mga regional wage boards, sila-sila lang ang nakakarinig. At least, sa Kongreso, mapapakinggan ang posisyon ng kada sektor, pati ‘yung mga negosyante. Pero uunahan ko na, sa parte ng mga negosyante, hindi naman sila mamumulubi at magugutom. Liliit lang ‘yung kita nila. Sa parte ng manggagawa, ito ang kaibahan ng pagkagutom at kahirapan. Ibigay naman natin sa kanila ang kinakailangan. Malaki din ang tulong nito sa ating ekonomiya.
AS: Sir, one last thing, ano ‘yung priority agenda for Mindanao. Sir? You’re here in Cagayan De Oro now.
CHIZ: Sa mga tinamaan ng bagyong si Odette dapat magpasa ang gobyerno ng Odette Rehabilitation Act. Alam mo ‘yung tinamaan ng bagyong Yolanda ay 3.2 milyon na mga Pilipino. Ang tinamaan ng bagyong Odette 3.1 milyon na mga Pilipino. Isang daang libo lang ang kaibahan pero noong Yolanda nagpasa ang gobyerno ng Php20-B rehabilitation fund. Sa Odette, parang hindi ko narinig na nagpasa sila ng ganong batas. Importanteng tumulong ang national government para muling makabangon ang mga probinsyang tinamaan ng Odette. At ‘yung sinimulan ni Pangulong Duterte na pagbibigay ng atensyon sa Mindanao dahil taga dito sya syempre. Saan man galing ang pangulong mananalo dapat ay patuloy ang atensyong bigay sa Mindanao para patuloy ang paghabol ng Mindanao sa Luzon at sa Visayas.
AS: Sige. Message for the Cagayanons na lang, Sir.
CHIZ: Sa muli, hiling ko po ang inyong tulong, suporta, paniniwala, at pagtitiwala sa pagharap ko sa dambana ng balota para maging miyembro muli ng Senado para maging inyong kinatawan, kampeon, tagapagtanggol, at tagapaghatid ng boses. Ang aking iaalay, Alvin, ano mang talino, talento, galing, tapang, at karanasang meron ako para makapagbigay ng mga siguradong direksyon at solusyon sa mabibigat na problema ng ating bansa sa ngayon. Sa muli, karangalan kong makabisita ng personal muli dito sa Cagayan De Oro City, sa mga lalawigan ng Misamis at makita ang ating mga kababayan.
AS: Thank you!