DAMDAMING BAYAN

 

DEO MACALMA (DM): Senator, Governor Chiz Escudero magandang umaga po sa inyo, Senator.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Deo, magandang umaga sa iyo, sa lahat ng ating mga tagasubaybay magandang umaga din po. Pagbati mula sa lalawigan ng Sorsogon.

DM: Nasa Sorsogon po kayo ngayon?

CHIZ: Opo.

DM: Kasama niyo si Madam Heart?

CHIZ: Parating pa lang, Deo.

DM: Parating pa lang.

CHIZ: Dahil dito siya boboto pero wala pa dito ngayon pero baka bukas, makalawa pa dumating.

DM: Nagagalit din pala si Madam Heart Evangelista doon sa basher, tinawag daw na “ulol”.

CHIZ: Maganda ‘yung pagpatol niya kung pumapatol man siya, Deo. Pero itong mga panahong ito sobra naman talagang init sa social media ang bangayan.

DM: Ay totoo po iyan.

CHIZ: Kapag hambalot, ang pag-unfriend.

DM: Anyway, sabi nga “chill-chill lang.” Anyway Senator Chiz, congratulations. Aba’y parati kayong nangunguna sa survey, always nasa top six at may nagsasabi na ikaw ang number one at sure win na raw kayo, Senator Chiz. Ano po ang masasabi sa mga ganyang pananaw ng iba?

CHIZ: Ka Deo, boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang at hindi boto sa survey kaya para sa akin sino man ang lamang, sino man ang mababa, tuloy tuloy lang dapat ang pangangampanya hanggang ika-pito ng Mayo para maparating ang aming plataporma. Tsaka number 1, three, 5, 7, o 10 man basta pasok sa top 12. Ka Deo, pare-pareho lang ‘yang suweldo nun. Pare-pareho lang din ang tawag ‘dun, “senador” pa rin naman ang tawag.

DM: Pero iba rin ‘yung nasa top 5, top 6, Senator Chiz. Kung nandoon ka sa number 10, 11, 12 ay nakakanerbyos, ‘di po ba? Anyway, Senator Chiz aba’y sa mga survey po, speaking of survey, Senator Chiz, ay leading pa rin po ang BBM-Sara tandem, ano ba ang pananaw niyo? Dito na ba patungo ang resulta ng eleksyon, Senator Chiz?

CHIZ: Ngayon lamang ako nakakakita, Ka Deo, ng ganitong kalaking lamang ilang araw bago mag halalan, umaabot pa ng mahigit 50% kung walang kagimbal gimbal, kagula-gulantang na magaganap sa susunod na dalawang araw, marahil ‘yan na rin ‘yung makikita nating resulta kung patotohanan ang survey. Pero tulad ng sabi ko, Ka Deo, boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang kaya mapapansin mo, sino man ang mataas o mababa sa survey ng presidentiable, vice presidentiable, tuloy-tuloy lamang ang kanilang pangangampanya, walang tigil hanggang sa miting de avance nila sa May 7.

DM: Oo nga pala sa miting de avance. Kanino ka sasama, Senator Chiz?

CHIZ: Wala pa akong sinasamahan, Ka Deo, at wala pa akong ini-endorso. Bilang  kaisa-isang tumatakbong governor sa pagka-senador, nais kong makapili at makapagdesisyon ng walang pressure ang aming mga kababayan  dito sa lalawigan ng Sorsogon.

DM: Pero ang inyong kandidatura, Governor Chiz, aba ay ini-endorso kayo ni Pangulong Duterte, Vice President Leni, at maging si Mayor Inday. Anong masasabi mo? Malaking tulong ba itong mga ganitong endorsements?

CHIZ: Malaking bagay para sa akin ang iba-ibang endorsements ng personalidad, grupo at asosasyon dahil mag-isa lamang naman akong umiikot at parang indipendiyente ang aking pagtakbo. Pero, higit sa kulay na sumusuporta sa akin, para sa akin ang mas importante ay iyong kulay na dadalhin nating lahat pagkatapos ng election. Sana pare-pareho na tayo, Ka Deo. Sana ang mga kulay na lamang na  sumasagisag sa watawat/ bandila ng ating bansa. Mga kulay na pula, asul, puti may kaunting dilaw. Dahil sa dulo, anuman ang kulay natin ngayon halalang ito. Pare-pareho pa rin tayong Pilipino. Pare-pareho pa rin tayong naninirahan sa nag-iisang bansang Pilipinas.

DM: Dapat siguro ay pag-isahin na natin ang de kolores, rainbow-colored, para mas maganda at masaya. Magandang tingnan, hindi po ba?  Dapat magkaisa na po tayo after election. Anyway, Senator Chiz, kung kayo po ay makakabalik sa Senado ay ano ba ang mga binabalak ninyong isulong na mga panukalang batas?

CHIZ: Ilang bagay. Pangunahin na ang pagbibigay ng sapat na budget para sa agrikultura mula Php80-B patungo Php300-B. Pag-akay sa MSME para muling makabangon para bumalik na rin ang 90% ng ating ekonomiya na Nawala. 90% ng ating trabahong nawala. Pagpasa ng isang Odette Rehabilitation at legislated minimum wage increase. Ilan lamang iyan, Ka Deo, sa nais kong isulong sa muli kong pagbabalik sa sa Senado.

DM: Speaking of budget, paano kaya lulutaasin ng susunod na presidente ang utang natin na Php12.8-T? Paano reresolbahin, papaano tutugunan? Paano mababayaran ang mga utang na ganyan. Senator Chiz?

CHIZ: Maliban sa pagtaas ng buwis na dapat ay huling option na. Sa hirap ng buhay na ang huli mong gustong gawin. Wala pa yatang bansang nagtaas ng buwis sa panahon ng pandemya at pagbangon mula sa pandemya. Puwedeng magbenta ng ari-arian ang Pamahalaan na hindi naman niya kailangan at ginagamit. Puwede rin namang kolektahin ang nawawalang, ayon sa Ombudsman, Php300-B kada taon dahil sa corruption. Kalahati lamang noon ay mabawi natin. Kalahati lamang nun ay mapigilan natin ay sobra-sobra iyong pang bayad sa taunang hulog sa utang natin. May sukli pa para sa dagdag programa ng pamahalaan sa ibang bagay paatras ng bagong pangulo iyan.

DM: So, kung hindi last option ang pagtataas ng buwis ay ano ang dapat nating gawin sa mga tax evaders, Senator Chiz?

CHIZ: Nakasaad naman ‘yun sa batas Ka Deo. Wala namang ibang kailangang gawin pa o ipasang batas. Kailangan lamang ipatupad ang batas kaugnay sa paghahabol, pagsampa ng kaso o pag-file ng (inaudible) laban sa mga hindi nagbabayad ng karampatang o tamang buwis.

DM: Kayo ang tinatawag na kampyeon ng mga LGUs. Ano a g binabalak nyo sa mga LGUs, Governor, bilang isa pong gobernador ngayon?

CHIZ: Ito’y bunga ng karanasan ko, Ka Deo, bilang gobernador, dapat ipagbawal ang sobrang pakikialam ng National Government sa mga lokal na pamahalaan. Para sa akin, malayong mas alam ng mga gobernador at mayor ang dapat gawin sa aming mga lugar kumpara sa sinumang National Government official na hindi naman halal, na nasa loob lamang ng opisina nila, na ni hindi man lang binibisita kami o tinatanong ‘yung aming kalagayan. Kabilang na rito ang paggastos ng IRA o locally-generated revenue. Wala na dapat pakialam ang National Government diyan. Kung gustong bumili ng sasakyan ng munisipyo, gamit ang IRA nila, hindi na dapat kailangan ng approval ng DILG, halimbawa. At ‘yung mga alert level at lockdown, dapat LGU na din ang nagde-decide, Ka Deo. Halimbawa na lamang, ang Sorsogon. Mahigit isang buwan nang walang COVID case. Zero kami, mahigit isang buwan na. Pero awa ng Diyos, Alert Level 2 pa rin kami. Talo pa kami ng mga siyudad sa NCR na may mga kaso pa ng COVID pero matagal nang Alert Level 1.

DM: Di ba under sa Local Government Code na ginawa ni the late Senator Nene Pimentel. ‘Di ba may autonomy na ang mga LGUs, Senator Chiz?

CHIZ: Wala sa batas, Ka Deo, itong mga binabanggit ko sa iyo. Matatagpuan lamang sa mga regulasyon, sa mga circular, sa mga memorandum na in-issue ng DILG, ng COA at ng DBM. ‘Yan ang nais kong ipagbawal sa pamamagitan ng batas dahil taliwas ito, sumasalungat ito sa probisyon ng local autonomy, hindi lamang sa local government code, pati na rin Ka Deo, sa

Konstitusyon ng ating bansa.

DM: Senator Chiz, three days na lamang po at eleksyon na sa Lunes, ano po ang inyong mensahe, paalala sa ating mga kababayan, Senator Chiz?

CHIZ: Well, hiling ko po sana muli ang inyong tulong, suporta, paniniwala at pagtitiwala sa muli kong pagharap sa dambana ng balota para maging myembro ng Senado, para po inyong maging kinatawan, kampyeon, tagapagtanggol at tagapaghatid ng boses sa Senado. Ang aking pong iniaalay, anumang talino, talento, galing, tapang at karanasang meron ako para makapaghanap at makapagbigay ng mga siguradong direksyon at solusyon sa mabibigat na problema ng ating bansa. Sana, dalangin ko, pagkatapos ng May 9, kalimutan na po natin ang init, bangayan, away at hindi pagkakaunawaan sa pulitika. Magsama-sama po tayo tulad ng binanggit ko, sa nag-iisang kulay na sumasagisag sa bandila at watawat ng ating bansa.

DM: Maraming salamat, Senator Chiz. Good morning and good luck. Thank you.

CHIZ: Ka Deo, maraming salamat. Magandang umaga at mag-ingat ka.