BOMBO NEWS NETWORK

 

DENNIS JAMITO (DJ): At sa pagkakataong ito ay makakausap ho natin ang isa ho sa mga tumakbong senador at namamayagpag ho ngayon doon sa resulta. Siya ho ang gobernador ng lalawigan ng Sorsogon. Governor Francis ‘Chiz’ Escudero, Dios marhay na banggi. Welcome to the program, Governor Chiz. Welcome sa Bombo Radyo Philippines. Si Bombo Dennis po ito together with Bombo Jane Buna. Governor Chiz, mukhang hindi namin kayo marinig. I-check natin ‘yung audio. OK na. Governor. Good morning.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Bombo Dennis, Bombo Jane magandang gabi po. Karangalan kong makapiling kayo sa gabing ito at pagbati mula sa lalawigan ng Sorsogon.

DJ: OK. Unang-una Governor nais po namin kayong batiin dito sa, well nakikita naman na ‘yung figure ano ho. Panglimang puwesto ho dito ho sa nagpapatuloy na bilangan although hindi pa naman talaga tapos ‘yung bilangan. Pero sabi nga ‘yan ay dahil matagal na rin naman tayong nagbibilang ng ganito parang pasok na yung mga sinasabing safe na ano ho. So, congratulations, Senator Chiz. Ano po ang inyong masasabi lamang dito ho sa development na ito?

CHIZ: Salamat po. Taos-puso akong nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa patuloy na paniniwala, pagtitiwala at pagsuporta nila hindi lamang ngayon pero pati sa mga nagdaang panahon. Ang aking ipinangako noong ako’y tumakbo at iniaalay anumang kaya kong gawin, anumang talento, talino, tapang na mayroon ako kabilang na ang karanasan para tumulong sa muling pagbangon ng ating bansa.

DJ: OK. With your indulgence, Governor Chiz, ay may katanungan din ang aking ka-tandem dito si Bombo Jane Buna. Bombo Jane.

JANE BUNA (JB): Magandang gabi po sa inyo, Senator Chiz.

CHIZ: Hi, Bombo Jane.

JB: Senator, ano po ang naging reaksyon ninyo matapos lumabas ang buhos ng suporta halos twenty million votes? Nagulat ho ba kayo o inaasahan na talaga ng team ninyo ang ganoong scenario, Senator Chiz?

DJ: Check nating muli ‘yung linya ni Governor Chiz. Importante marinig din natin ‘yong sagot dito Bombo Jane, dahil ngayon ay unti-unti po pumapasok ‘yong ibang data ‘no. So check natin, mukhang mahina ‘yong signal doon sa lalawigan po ng Sorsogon. Oras natin dose minutos na, mga ka-Bombo, makalipas ang alas sais ng gabi. At mamaya kagaya ng binabanggit ni Bombo Everly Rico, meron ho tayong inaantabayanan na press conference diyan ho sa bahagi ng UST, University of Santo Tomas at ito bigyan daan muli natin. Bombo Jane, ‘yong katanungan mo kay Governor Chiz.

CHIZ: Hi, Bombo Jane.

JB: Oo. At gusto ko lang itanong. Yes, Senator, muli magandang gabi po sa inyo. Senator, ano po ang naging reaksyon ninyo matapos lumabas ang buhos ng suporta, halos 20 million votes? Nagulat po ba kayo o inaasahan na talaga ng team ninyo ang ganoong senaryo lalo na’t kayo ay dati na rin sa Senado, Senator Chiz?

CHIZ: Maraming salamat Bombo Jane. Nakakataba ng puso syempre ‘yong malaking suporta na pinapakita ng ating mga kababayan at gayundin paggalang sa mandatong iginawad muli sa akin ng ating mga kababayan. Tinuruan ako palagi ng tatay ko noong siya’y buhay pa Bombo Jane, “you should always hope for the best and always expect the worst”. ‘Yon ang naging attitude ko sa pagharap sa mga resultang lumalabas simula pa kanina.

DJ: Ano naman hong, kumbaga, maituturing niyo na pinakamalaking challenge during campaign period, Governor?

CHIZ: Syempre, resources pa rin, Bombo Dennis. ‘Yung kakayahan ko hindi katulad ng ibang kandidato na may mas resources, mas may mga koneksyon na maparating ‘yong aking mensahe sa mas marami nating mga kababayan gayundin ‘yong oras at panahon na puwede kong gugulin sa kampanya dahil nananatili pa rin akong gobernador, nananatili pa rin akong ama ng lalawigan ng Sorsogon sa kalagitnaan ng kampanya. Hindi tulad ng ibang kandidato na 24/7 puwede silang mangampanya dahil wala silang trabaho at obligasyon tulad ko bilang gobernador ng Sorsogon.

DJ: Kailan ho ang luwas ho ninyo sa Metro Manila para naman paghandaan itong panibagong trabaho, although matagal-tagal pa ho matapos ang termino bilang gobernadora diyaan ho sa probinsya ng Sorsogon?

CHIZ: Matagal-tagal pa naman, Bombo Dennis. Tama ka gagampanan ko tungkulin ko roon babalik lang siguro ako ng Maynila kapagka nagpatawag at nag-imbita na ang COMELEC kaugnay ng proklamasyon kaugnay ng personal na puntahan.  Pero hanggang June 30 ang sinumpaan kong tungkulin at gampanan ang trabaho bilang gobernador, bilang ama ng lalawigan ng Sorsogon.  At gagawin ko iyun hanggang sa huling araw hanggang sa huling oras ng aking termino.  11:59 ng tanghali ng June 30.

DJ: May mga nagtatanong din ho dito ano raw ang naging reaksyon ni Ms. Heart doon sa mga developments na nangyari baka gusto niyo i-share.

CHIZ: Well, tulad ng sinumang magsing-irog o mag-asawa siyempre natutuwa kapagka may tagumpay, may nakakamit ang iyong mahal sa buhay, gayundin siguro siya. Wala na siguro mas masaya marahil mas masaya pa siya sa akin dahil kapag kinikita ko na ang trabahong kailangang gawin medyo nawawala ‘yung sobrang galak at ligaya ng pagkapanalo sa bigat ng problema kailangang dalhin, hindi lang ng ating mga mambabatas nang lahat ng bagong opisyal mula pangulo hanggang sa pinakamababang konsehal ng kada munisipyo ng ating bansa dahil sa laki ng problemang kailangan na hanapan ng solusyon at kasagutan kaugnay ng pandemya at muling pagbangon ng ating ekonomiya.

DJ: I see. Sige kami ho ay makikikumusta na lamang kung may mga panibagong development at plano ng inyong panig lalo’t na ngayon malaki hamon ang ating kinakaharap.  Governor, maraming salamat po sa inyong nilaan na oras sa Bombo Radyo Philippines.

CHIZ: Dennis at Bombo Jane, maraming salamat.  Karangalan kong makapiling po kayo sa gabing ito at pagbati muli sa lalawigan ng Sorsogon.  Magandang gabi po at mag-iingat sana po palagi kayong lahat.