GOVERNOR FRANCIS ESCUDERO (CHIZ): Doon naman sa Metro Manila, aplikable lamang sa NCR at walang kaapli-aplikasyon dito sa mga lalawigan malayo sa Metro Manila. So nais at layunin ko, bigyang buhay ang lokal na awtonomiya at tunay na kahulugan nito na hayaan ang mga lokal na pamahalaan magpasya para sa mga sarili nila ng walang pakikialam o panghihimasok mula sa national government.
HOST (H): Maraming salamat. Sir Victor.
QUESTION (Q): Magandang hapon po, Senator and Governor at Victor Martin sa Philippine Star. Noong nasa Senado pa po kayo wala pa po ‘yung pandemya ‘yung COVID-19, ngayon po na babalik kayo sa Senado ano pong programa niyo po dito?
CHIZ: Nabanggit ko na ang pangunahing matututukan ko bilang miyembro ng Senado. Una, MSME at kung ano ang dapat gawin doon. Agrikultura ang pangalawa. At pangatlo, palakasin ang awtonomiya ng lokal na pamahalaan. Maraming puwedeng mapulot na aral at magandang istratehiya ang IATF at DOH sa iba’t ibang probinsya, imbes na kami ang dinidiktahan nila ng mga polisiya na hindi naman po aplikable sa amin. Bilang halimbawa, sa 1 milyon at 100,000 populasyon ng Sorsogon, ang kaso namin isa na lang. One positive case sa COVID. Alam mo bang Level 2 pa rin kami hanggang ngayon. Talo pa kami ng Metro Manila, Level 1 na sila. Aba, hindi ko na rin maintindihan kung bakit. Pero ‘yan at ilang bagay dapat ibigay na sa lokal na pamahalaan. Gaya ng sabi ko kanina, mas alam namin kung anong kailangan at dapat gawin sa aming lugar. Hindi kahit sinumang kalihim gaano man kalawak ang kanyang kaalaman at karanasan. Hindi naman siya nagpupunta dito sa atin.
Q: Good afternoon, Sir.
CHIZ: Good afternoon, Sir.
Q: Pagkakaalam ko po isa po kayong independent candidate, Senator. So, ano po ‘yung kasiguraduhan na tatalunin ninyo yung mga nakahanay doon sa malalaking partido.
CHIZ: Hindi ako independent. Miyembro ako ng Nationalist People’s Coalition. In-adopt ni Senator Pacquiao, Senator Lacson at Vice President Leni Robredo. Walang kasiguraduhan ang pagkapanalo nino man, may partido man o wala pero para sa akin sino man ang mataas o mababa sa survey dapat hindi magyabang o mawalan ng loob. Boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang, hindi boto sa survey. Pangalawa, number 1, number 3, number 5, number 6 basta pasok sa dose pare-pareho lang po ang suweldo n’on, senador pa din ang tawag. Kaya hindi mahalaga kung ika-ilan ang importante pasok sa dose.
H: May tanong pa?
Q: Para kay Senator Chiz. Good afternoon po.
CHIZ: Tungkol na ba sa pag-ibig ‘yan? Hindi pa rin?
Q: Ano naman po para sa mga kabataan po?
H: Ako magtatanong nun.
Q: Ano po ‘yung program or advocacies niyo para sa mga kabataan naman? Lalo na po kasing sa ngayon po online schooling karamihan ang mga bata.
CHIZ: Naipasa na natin ang batas kaugnay sa free tertiary education; ang kailangan lang ay ipatupad ito ng tama. Ang balita ko, ewan ko kung totoo dito, ang mga state colleges and universities naglalagay daw ng maximum quota na puwedeng makapasok. Sa totoo lang, mali ‘yun para sa akin. Bakit? Nadiskubre natin sa COVID at sa pandemya puwede nating doblehin ang kapasidad ng mga eskwelahan. Monday, Wednesday, Friday, face-to-face ‘yung isang batch, Zoom naman o online yung kalahating batch. Tuesday, Thursday, Saturday, face-to-face naman ‘yung naka-online ng M-W-F hindi ba? So kayang doblehin ang kapasidad ng mga eskwelahan. Pero ibabalik ko sa’yo ang katanungan mo. Ilang taon ka na?
Q: 25 po.
CHIZ: Ang henerasyon ninyo, walang karapatan na hindi malampasan ang narating na henerasyon ni Gov. Padilla at ng henerasyon ko, bakit? Maraming meron kayo na wala kami noon. Noong nag-aaral kami, library lang ang puwede naming pagkunan ng impormasyon, encyclopedia lang ang puwede naming pagkunan ng impormasyon. Kung wala sa dalawampung volume ng encyclopedia ‘yon, hindi na namin puwedeng malaman pa ‘yun.
Ngayon sa dulo ng daliri ninyo tanungin niyo, anuman ang gusto niyong tanungin may sasagot, Google. Ang tanong ko, BG, before google, kanino namin tinatanong ‘yung mga tanong na ‘yun? Sinong sumasagot ng mga tanong na ‘yun? Wala! Kaya ‘yung henerasyon ninyo, walang karapatan at walang dahilan na hindi mapantayan at malampasan ‘yung nagawa ng henerasyon namin dahil higit kayong armado ng mas maraming kaalaman at oportunidad kumpara sa kaalaman at oportunidad na ibinigay samin noong kami ay nasa edad niniyo. Sana huwag niyong sayangin yung pagkakataon na binigay sa inyo na pagandahin at mas ayusin pa ang ating bansa kung kayo ay mabibigyan ng pagkakataon.
Q: In relation with Google na lang. Sabi natin kanina, how will you address ‘yung slow connectivity natin sa internet sa Pilipinas kasi, ‘di ba, medyo slow talaga yung internet connection natin as compared to other countries so how will you address that? How will you do with that ‘pag nakaupo na po kayo?
CHIZ: Hindi kailangan ng batas, laway lang ang kailangan. Bakit? Pito ang landing site ng fiber optics sa buong bansa. Sa pitong ‘yan, kino-control na ‘yan ng dalawang pinakamalalaking kumpanya ng cellphone kaya mahina ang internet dahil hindi nila binubuksan nang todo ‘yung gripo, ika nga, kung tubig ang lumalabas diyan. Buksan lang nila ‘yan, sa loob ng isang linggo magugulat kayo gaano kabilis ang internet sa atin bansa kahit LTE, 3G o kahit G man ‘yan. Kailangan lang paluin ng gobyerno itong mga kumpanyang ito ng cellular phone.
May ginagawa ng dalawa pang bagong landing site pero matatapos ito in two years’ time, buksan lang nila. Sa totoo lang, sa loob ng isang linggo, sinabi ko ‘yan kay Pangulong Duterte noong bagong upo siya. Sinabi ko ‘yan Sec. Gringo noong bagong upo siya, kaya lang for one reason or another, hindi pa nagagawa. Hindi naman puro batas ang kailangang gawin ng isang senador, kasamang trabaho ‘yun, pukpok, away, kung kailangan tadyak para gumising at gumalaw sa tamang direksyon ang mga opisyal man o ilang may mga hawak na ilang public utility na binigyan ng prangkisa ng Kongreso.
Q: Follow-up question Senator. Nakikita natin sa social media, na kasama niyo si Heart, so, hinihila ang inyong beauty, Senator. Actually, as compared before, talagang naging mas slender si Senator. Ano ang naging sikreto?
CHIZ: Naging mas ano?
Q: Slender, mas naging guwapo.
CHIZ: Ang tawag diyan sa siyensya ay “osmosis.” Kapag may katabi kang matulog na maganda kapag gising mo maganda ka na rin. Hindi impluwensya ni Heart ang pagbabago ko ng buhok ko, utos niya ‘to.
Q: Mandato pala, Senator. Thank you so much po!
CHIZ: Sinusunod ko lang ang ninanais at gusto niya.
Q: Thank you so much, Senator! May tanong na lang ako kay Senator, kumusta na po ‘yung mga status ng mga duktor, mga doctors to the barrios.
CHIZ: Ang doctor to the barrio namin ay unique. Ang gamit namin ay Telemed. Ano ang ibig sabihin nun, computer para siyang laptop na may nakakonektang 3 leads na ECG, may nakakonektang blood pressure at temperature gauge. Nakakausap ‘yung taga-baryo pasyente nais na magkonsulta. ‘Yung live na doctor kasi may call center sa likod ‘yung laptop na iyon ng mga duktor. Kung anumang reseta binigay niya dahil may EMR na kami, Electronic Medical Record sa aming probinsiya mapapadala iyun sa pharmaceutical namin sa RHU na ibibigay na rin automatic doon sa PHW nung barangay.
Kaya ang doctor to the barrio naming hindi lamang duktor na nagpupunta sa baryo. ‘Yung tao, ‘yung hindi napupuntahan talaga, ‘yung aparato at gadget na iyon na ang tawag ay telemed. Ang mga pinapadala namin sa barangay para nabibisita namin kaagad kada barangay nang hindi na lalagpas sa dalawang beses sa isang buwan para maiwasan na magkumplikasyon ng anumang karamdaman ang aming mga kababayan.
Q: Last question po, related po sana doon pero itatanong ko na lang po. Sir, kasi follower ako ni Ms. Heart. Would you know hinanda ang bag niya ‘yung last ko nakitang video ninyo, Sir.
CHIZ: Sa totoo lang hindi. Dahil nagtatago ‘yan. Bakit? Ang usapan namin kung bibili ka ng bagong bag, magbenta ka ng lumang bag. Kung hindi, walang hangganan na iyon at kung hahanapin niya
Q: Salamat po kasi 30 minutes, limited po ‘yung time. Salamat din po.
CHIZ: Sorry, Dalton ang hinahabol namin.
Q: Yes, Sir.
CHIZ: Maraming salamat!
Q: Picture, Sir!
CHIZ: Magsama sama na rito. Dito na lang.