DJ RICO JUMBO (DRJ): Makakasama natin ang ating senador ngayong umaga and ladies and gentlemen, pakilala muna kami my name is Rico Jumbo, 105.3 Radyo Natin Pinamalayan.
DJ BELLE (DB): DJ Belle, 103.5 Radyo Natin Pinamalayan at 98.9 Radyo Natin, Roxas. Isang magandang tanghali sa bawat isa. Nandito na po ang ating special guest. Ang bisita po nating umaga ay hindi na nangangailangan pa ng mahabang introduction. Siya ay kilala bilang batikang senador at kasalukuyang gobernador ng Sorsogon sa Bicol Region.
Noong siya ay senador ay naipasa niya ang Universal Health Care Act, Libreng Matrikula sa State Universities at Colleges and Exemption ng Minimum Wage Earners sa pagbabayad ng buwis. (inaudible) return in the Senate we wil bring within years of experience in the legislative and also now in the executive. Makakasiguro tayo sa kanyang direksyon at solusyon sa mga suliranin ng ating bayan. Ladies and gentlemen in media, guest and visitors today. Let us all welcome, ang sigurado sa Senado, Chiz Escudero!
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Nanghina naman ako sa introduction na iyon. Hindi ganoon kataas ang tingin ko sa sarili ko. Magandang umaga po sa inyong lahat. Karangalan kong makapiling kayo sa umagang ito. Sana magkaroon tayo ng makabuluhang palitan ng pananaw at talakayan. Puwedeng tanungin maski tungkol sa pag-ibig. Mas madaling sagutin iyon kaysa problema ng bansa.
DRJ: Ayan, tama o mali iyan. Dahil pareho kaming taga-Bicol (speaking local language). Ayan, sige. Before Senator, I’d like to introduce to you our colleagues from media dito sa Oriental, Mindoro. Simulan ho natin sa aking general manager, Ms. Gabby Mabini, Radyo 96.9. So, ngayon ituloy po natin ang question and answer sa ating mahal na Senador.
DB: OK, unahin po natin from MIMAROPA correspondent, Sir Leo De Leon.
CHIZ: Leo, upo ka na lang. Hindi naman ako teacher. Tayo-tayo lang naman. Yes, Sir.
QUESTION (Q): Magandang umaga.
CHIZ: Good morning, Leo.
Q: Ang aking katanungan, Senador, kung saka-sakali kayong mabalik na sa Senado, ano ang inyong magiging solusyon sa ating problema dito sa ating mga magsasaka? Sobrang baba ng presyo ng palay at ang taas ng presyo ng bigas. Anong magagawa mo tungkol Rice Tariffication Law na nagpahirap sa ating mga magsasaka?
CHIZ: Maganda ang intensyon ng batas pero hindi naman iyan ang mithiin ng batas. Layunin ko kung ako ay makabalik muli sa Senado, repasuhin muli ang batas na iyan kung kinakailangang amyendahan. Kung puwede bang amyendahan at kung hindi, bumalik na lamang tayo sa dating panahon na wala iyang Rice Tariffication Law dahil hindi naman nakamit ang kanyang mithiin at layunin na pagandahin ang buhay ng ating mga magsasaka.
Tuluyan ko na baka itatanong din ng iba iyan. May kasabihan tayo sa ingles: “Put your money where your mouth is.” Hindi puwedeng dakdak ka ng dakdak na mahal mo ang agrikultura, wala ka namang inilalagay na pera diyan. Ang budget ng Department of Agriculture sa taong 2022 ay Php80-B. Tila malaki pero ikumpara mo iyan sa budget ng DPWH, mahigit Php800-B. Wala pang 10% nito ang budget ng Department of Agriculture kumpara DPWH.
Paano po natin mapapaganda ang sitwasyon ng ating mga magsasaka? Hinihintay ko sa sinumang tumatakbong presidente. Sa totoo lang, nitong mga nagdaang linggo, nangangampanya sila. Hinihintay ko na may magsabi, maglalaan kami kung kami ay mananalo na hindi bababa sa Php400-B o times five ng kasalukuyang budget ng agriculture o higit pa. Para ma-modernisa ang agrikultura. Makapagbigay ng sapat na input sa mga magsasaka. Makakita sila ng tama dahil tumatanda na po ang ating mga magsasaka. Kung wala pa po tayong gagawin sa susunod na mga taon e higit pa sa senior citizen po ang ating mga magsasaka at huwag natin silang sisihin kung ang kanilang pangarap sa kanilang mga anak ay hindi maging magsasaka katulad nila.
Sa hirap ng buhay ng magsasaka ngayon. Kausapin ninyo kahit na sinong magsasaka, ang pangarap nila maging teacher, maging pulis, maging sundalo, maging abogado, doctor o nurse ang kanilang mga anak. Hindi nila ninanais ang buhay nila para sa kanilang mga anak dahil sa sobrang hirap.
Dapat dumating ang panahon na pakitain natin ang ating mga magsasaka. Sa ibang bansa, hindi mahirap ang magsasaka. Dito lamang sa Asya mahirap ang magsasaka. Dapat dumating tayo sa puntong iyon para mapalitan ng bagong henerasyon ang naglalagay ng pagkain sa ating mga la mesa.
DB: OK, next question is from the reporter of Island Profiles and MIT online radio, Cris De Jaro po.
CHIZ: Cris, good morning.
Q: Nakikita ko po maraming pang problema regarding dito sa West PH Sea. Ano po ang nakikita ninyong solusyon? Dapat pa rin po ba itong habulin?
CHIZ: Atin ‘yan huwag nating bitawan ‘yan. Hindi man natin maipaglaban sa China ‘yan basta huwag nating isuko. Kung may gagawin ang Pilipinas kung ako sa kanila, magpapatayo ako ng permanenteng mga pasilidad doon, bahay at tirahan hindi lamang para sa mga sundalo natin doon. Pero para magkaroon na rin ng komunidad doon. Para tunay na may basehan at ebidensya tayong atin at inaangkin po natin ‘yan. Magkano lang ba ang kailangan? Php100-M? Ilang bahay na ang mapapagawa para rin naman hindi nakatira, hindi naninirahan sa lumang barkong sinasadsad lamang sa baybayin ng isla doon ang tinitirhan ng ating mga sundalo. Kawawa naman po sila.
Q: Ang akin pong katanungan ay may kinalaman sa internet connectivity. Ako po bilang bahagi rin ng academe mukhang ang Pilipinas po ay hindi na makakabitaw sa online classes. Although naglagay ng free WiFi connection ang DICT sa iba’t ibang sulok pero napakahina naman po ang connectivity at minsan ay nawawala. Ano po ang nakalatag ninyong programa para sa mga mag-aaral at mga guro para po masolusyunan ang problemang ito?
CHIZ: Alam niyo, tuwing nagpupunta ako sa airport at pumapasok ‘yung free WiFi, pinapatay ko na lang po ‘yung WiFi mas mabilis pa ‘yung 3G or LTE. Pabor ako na manumbalik na ang face-to-face classes lalong-lalo na sa mga lugar at barangay na malayo na hindi naman po nagkakaroon ng kaso ng COVID. Ibibigay kong halimbawa ang aming lalawigan.
Out of 541 barangays, 52% ng aming mga barangay ni minsan hindi pa nagkaroon ng kahit isang kaso ng COVID mula noong nagsimula ang pandemya. Bakit hindi po natin payagang mag-face-to-face ‘yon? ‘Yung mga teacher doon din naman nakatira sa barangay. Elementary ang sinasabi ko. Itong sinasabing blended learning na internet at modular, nangyayari lamang ‘yan sa mga siyudad. Sa malalayong barangay, purely modular ang learning dahil wala naman pong signal at wala naman po silang Ipad o laptop o computer. Mas pabor akong manumbalik ang face-to-face classes sa mga lugar na wala pa, hindi pa nagkakaroon o mababa na ang kaso bilang sagot sa problema natin sa edukasyon.
Alam mo ‘yung anak ko nag-aaral din high school sila ngayon. Nawawala at nababawasan ang social skills. Hindi na sila marunong makitungo sa tao, bata man o matanda. Hindi na sila marunong makipag-usap sa ibang tao, bata man o matanda. Malaking bahagi ng paaralan ang pagturo sa bawat estudyante ang tamang pakikitungo at paggalang sa mas nakatatanda, kaedad nila o may puwesto o katungkulan na pinanghahawakan. Nawawala ‘yon sa kasalukuyang online learning natin ngayon.
Kaugnay ng internet connection, ang problema landing site. ‘Yung anim na landing site ng fiber optic na nagko-connect na tayo sa atin sa buong mundo sa internet ay kontrolado ng dalawang malaking cellular companies at tayo buksan yung gripo ika nga. Kung gusto palakasin ang internet, sa loob ng isang linggo lalakas ‘yan. Buksan lang nila ‘yung gripo. Huwag lang nilang pigilan ‘yung pagdaloy ng tubig at koneksyon. At magugulat kayo kung gaano kabilis bigla ‘yung internet natin. Ang problema, desisyong pang negosyo at kita ang nagiging basehan nila. Pero may kapangyarihan ang gobyerno paghimasukan at pasukan ‘yan. Noong huling mga buwan ko sa Senado nadiskubre ko ‘yan. Mahabang debate at away ang pinagdaanan namin. Pero tila masyadong mataas at mahal ang mga interes na naglalaro rason para hindi pa rin gumalaw o ginalaw ng DICT ‘yung panahong ‘yon at sa kasalukuyang administrasyon.
Q: Gov, Sen, ang laki lang po ng utang ngayon ng bansa at alam natin na hahanap ang gobyerno ng paraan. May we know your stand on mining po sa bansa natin at (inaudible)?
CHIZ: Mining. Sinimulan mo sa utang, tinapos mo sa mining. Ang utang ng Pilipinas ang pinakamalaki sa ating kasaysayan. Ang inutang ng administrasyong ito, malaki pa sa inutang mula kay Emilio Aguinaldo hanggang Noynoy Aquino. Utang ‘yon kailangan bayaran bakit hindi.
Pero kung ako’y makababalik sa Senado, tututulan ko hindi ko papagayan anumang pagtataas ng buwis na magdadagdag pa sa pasanin ng ating mga kababayan. Maliban sa pabigat ito, hindi tamang istratehiya ito kapag ka bumabangon mula sa pandemya at pagkakabagsak ng ekonomiya ang isang bansa.
Dugo na at hindi pawis ang pipigain mo sa mga Pilipino kung tataasan mo pa ang buwis. Kung kailangan ng gobyerno ng pondo ang puwede nilang pagkunan ay ito. Huli na siguro sa listahan ko ang minahan. Number one, magbenta ng ari-arian na hindi naman nila ginagamit o kailangan. Number two, gamitin ang PPP o BOT bilang mekanismo para magamit ang pondo ng pribadong sektor sa “Build, Build, Build” at ibang imprastraktura na kailangan ng ating bansa ang elevated highway sa EDSA ay gawang private company, San Miguel hindi naman po DPWH ang nagpagawa nun.
‘Yung pinakamahabang tulay sa bansa na ginagawa sa Cebu ngayon, pribado din ‘yun. Kay MVP ‘yun, kay G. Pangilinan. Hindi rin naman DOTR ang nagpagawa nun. Buksan pa natin ang pintuan para makapasok ang pribadong sektor para hindi gaanong malaki ang pressure sa pamahalaan na gastusin ang pera mula sa kaban ng bayan.
Pangatlo, ayon sa Ombudsman, deputy Ombudsman Php600-B ang nawawala dahil sa corruption kada taon. Ayon sa World Bank, Php1-T kada taon kung isasama moang lagay sa Customs, sa BIR at pag-issue ng permit at lisensya. Kalahatiinlang natin ‘yun, bawasan lang natin ng kalahati, pigilan lang natin ng kalahati. Php300-Php500-B kada taon po ‘yun. Sobra-sobra panghulog sa utang natin,malaki pa rin ang tira para sa dagdag na serbisyo’t programa na sana saagrikultura ilagay doon puwede kunin ang hinahanap na Php400-B para sa agrikultura mula sa kasalukuyang Php80-B lamang.
Q: Since ang lagi niyong battle cry is “siguradong solusyon”, may we hear from you ‘yung inyong panukala sa sobrang pagtaas po ng presyo ng langis sa ating bansa tsaka isa pa pong question ay kumusta na rin po si Heart?
CHIZ: Tatlong bagay po. Una, noong nasa Senado pa ako naglagaykami ng probisyon sa batas na nagbigay ng kapangyarihan sa BIR na babaan angbuwis sa produktong petrolyo ‘pag tumataas ang presyo. Nagtataka po ako kung bakit hindi nila ginagawa ‘yun, kailangang pukpukin, paalalahanan o kungkailangang awayin ang BIR na gawin po nila ang trabaho nila. Ang presyo ng produktong petrolyo pinakamataas na mula noong pinanganak noong 1969. Siguro maski kayo ito na ang pinakamataas na nakita niyo na presyo ng langis.
Pangalawa, itayo nating muli ang OPSF. Ang OPSF ay isang mekanismo noong panahon ni dating Pangulong Marcos, ang ibig sabihin po niyan ay Oil Price Stabilization Fund. May pondo at pera tayo na ibibigay bilang subsidiya kapag tumataas ang presyosa pandaigdigang mercado, para hindi tumaas ang presyo dito sa Pilipinas. Alam kasi natin ‘pag tumaas ang presyo ng produktong petrolyo tataas ang presyo ngbilihin. Bumaba man ang presyo ng produktong petrolyo hindi na bababa ang presyo ng bilihin. Kaya nasa interes natin na huwag payagan na tumaas ngsobrang taas ‘yan.
Pangatlo, magtatag tayo ng Philippine Strategic Petroleum Reserve. Ano po ‘yun? Bumili tayo at mag-imbak tayo ng produktong petrolyo, i-stock natin habang mababa ang presyo sa World Market. Itago lang natin,ilabas kapag mataas ang presyo at ibenta sa parehong presyo o kaunting kita langng gobyerno para mapababa muli ang presyo. Halos lahat ng bansa sa Europa at Amerika ginagawa po ýan. ‘Wag na tayo magmarunong at mag-imbento, ‘di ba Sir? Bawal lang naman mangopya sa eskwelahan pero sa pag-gogobyerno hindi masamang mangopya, matuto mula sa karanasan ng ibang bansa at i-adopt natin dito mismo sa Pilipinas.
Q: Kumusta na po si Heart?
CHIZ: Hindi ko alam kasi ang katabi kong matulog kagabiay aso. Umalis si Heart noong isang araw patungo sa ibang bansa dahil may trabaho siya. Ika nga pang-international na siguro ‘yung asawa ko, ako pang-local lang. Siya nasa Paris, ako nasa Calapan, Oriental Mindoro. Ayos naman. Ipinagdiwang naming ang ika-pitong anibersaryo namin noong nakaraang Pebrero at maayos ang aming relasyon bagaman ay LDR kami ngayon. Nadiskubre ko ang maganda sa LDR o long distance relationship, ‘pag magkalayo kayo, nami-miss niyo ang isa’t isa. Pero kapag nagkita naman kayo, may gigil kayo para sa isa’t isa.
Q: Tayo’y nasa anniversary ng COVID-19 pandemic atmarami ang naghirap dahil walang trabaho or negosyo. At the same time, nakaapekto ‘yung COVID sa health problem ng bawat Pilipino. So ito ay mga uncertainties na nasu-sorpresa ang, lalo na ‘yung pondo ng gobyerno. So bilang senador, ano pa ang nakikita niyong solusyon para maging handa ka sa economic recovery, sa health problems?
CHIZ: Ang pinakamahalagang batas na pinapasa ng Kongreso ay ang taunang budget. Para sa akin ang tawag ko diyan ay recovery budget. ‘Yan ang dapat magsilbing tulayt at daan para muling umikot ang ating ekonomiya at bumangon tayo mula sa pagkakalugmok ng ating bansa. Ang budget, taunang budget, ng gobyerno ang tinitignan din ng pribadong sektor, sumasabay sila madalas dipendesa tugtog na pinatutugtog ng taunang budget.
‘Yan ang layunin kong gawin at tutukan para muling makabangon ang ating bansa. Kabilang na ‘yung binanggit nating budget sa agrikultura. An author once said, “Governance is about one thing and one thing only. Governance is about allocating scarce resources. If you are able to allocate scarce resources properly them you governed properly as well”.
Palagi naman pong kulang ang pera at budget maski na sa bahay o pamilya natin pero kung napapatama-tama natin, nagawa pa rin natin ang ating tungkulin sa pribado mga buhay o bahay man natin o sa pamahalaan at gobyerno. Iyon po ang balak kong gawin at gampanan tungkulin kung muling pagkakatiwalaan ninyo bilang maging kinatawan ninyo sa Senado.
Q: Hello po. Good morning, Senator. Bilang isang kabataan po na naglo-look forward sa future namin ano ang pinakamagandang plataporma na dala-dala ninyo po sa Senado para sektor ng kabataan?
CHIZ: ‘Yung pinasa po naming libreng tertiary education sa state universities and colleges at TES, Tertiary Education Subsidy para sa nag-aaral sa pribadong mga paaralan. Pero babalik ko sa iyo ‘yung hamon bilang miyembro ng nakakabatang henerasyon. Noong nag-aaral pa lang ako at ‘yung mga ka-edad ko rito, ang pinangri-researchan namin ay library. Pumupunta kami sa library tinitingnan ang index card at card catalogue. Kung wala doon ‘yung libro hindi na namin malalaman ‘yun. Kung may assignment kaming mahirap, magpapahanap kami sa magulang namin ng engineer, doctor o abogado na kaibigan nila na puwedeng mapagtanungan.
Noong kami nag-aaral pa elementary, college o high school man merong tinatawag na—ano nga tinatawag—encyclopedia. Dalawampung volume ng libro na naglalaman ng lahat ng kaalaman ng mundo mula nung nadiskubre ang mundo. Kada taon maglalabas sila ng isang volume na naglalaman ng lahat nangyari at kaalaman sa loob ng isang taon.
Ngayon gamit ang telepono kahit anong gusto mong itanong sasagutin ka. Kahit anong lugar na gusto mong makita makikita mo na. Noon napapanood naming ‘yan black and white pa. Hindi namin alam kapag pumuputok ang bulkan kulay pala ang lava dahil sa TV black and white lang ‘yung sa amin.
Bakit ko sinasabi sa iyo? Kung narating namin ang narating namin ngayon malayo man o malapit. Kung narating ng henerasyon namin ang inabot namin ang henerasyon ninyo walang dahilan o palusot na hindi malamapasan o marating din ang narating namin sa dami ng meron kayo ngayon na wala kami noon. Kaya sana gamitin niyo pagkakataong binigay sa inyo. Huwag niyong sayangin, huwag niyo ipilit na inuulit ‘yung mga pagkakamali ng mga nauna at henerasyon namin para sa gayon mas malayo ang marating ng ating bansa. Hindi tulad ng nagdaang panahon. Sorry kung ibinalik ko sa iyo yung hamon.
Q: Good morning, Senator. Considering po we understand na ‘yung isa sa plataporma ninyo is to solve economic problems and considering that Oriental Mindoro is an agricultural province. Mayaman po kami sa raw agricultural products and, in fact, ilang mga (inaudible) and ecological (inaudible). Ang problem po namin ngayon is paano po kaya makakatulong kayo pagbalik niyo sa Senado wherein we are sure na makakabalik kayo we are very confident na madagdagan po investment dito sa Oriental Mindoro.
CHIZ: Ikonekta na natin ‘yung tulay para matapos na. Ang pinakamurang mode of transportation pa rin dagat pero matagal. Kalye pinakamabilis pa rin na mode of transportation. Kasabay ng kalye, riles ng tren na pinakamura at pinakamabilis na mode of transportation saan mang parte ng mundo. Matapos lang magawa ang tulay puwedeng lagyan ng riles mas magiging mura ang cost of production po ninyo.
Kung mabibigay yung pondong sinasabi ko sa agrikultura makakapag mechanized at modernized po tayo. Bababa ang cost of production magiging mas competitive na tayo sa presyuhan sa ibang bansa at puwede na tayong makipagsabayan.
Huling tanong na naman ito bibigyan ko kayo ng maikling kasaysayan dahil kinagisnan ko ito dahil naging ministro ng Ministry of Agriculture ang Tatay ko noong panahon ni Marcos at kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura noong panahon ni Ramos. Lumaki po ako sa kagawaran. Noong panahon ng Tatay ko nag-e-export na po tayo ng bigas. Ang populasyon natin ay wala pang tatlumpung milyon. Ang irrigated nating lupain na tinatamnan ng palay ay nasa 1.3 million hectares. Ang bansang Vietnam at Thailand wala pang isang milyon noong mga panahon na iyun 1984 or 1985. Sa ngayon, ang populasyon natin ay mag 110 million ang nadagdag lamang ay tatlong-daang libong hektarya o 1.6 million hectares of irrigated land.
Alam naman niyo ang kaibahan ng irrigated sa rain bed limang ani kada dalawang taon ang irrigated minsan kada isang taon pag malas ka wala pag El Nino sa rain bed lang. 1.6 million tayo sa ngayon ang dami pang kailangan i-repair na dike. Ang Vietnam sa ngayon po 11 million hectares ang irrigated nilang lupain at tinatamnan ng palay. Ang Thailand, 9 million hectares. Huwag na tayo magtaka bakit sila ang malaking exporter ng bigas at kung bakit tayo pinakamalaking importer ng bigas.
Isang ehemplo pa ng kasaysayan, ang director ng Bureau of Plant Industry noon ay exports on rice si Director Ding Panganiban na naging deputy minister na naging assistant secretary. Alam niyo matapos ang EDSA, tinanggal siya sa trabaho at naging consultant siya on rice ng Vietnam at Thailand. Alam niyo kung ano trabaho niya sa Pilipinas? Manager ng Purefoods Basketball Team, naalala niyo? Naging coach pa. So, huwag tayo magtaka kung bakit kinakaharap natin ‘yung problema natin ngayon kaugnay sa palay, kaugnay sa agrikultura dahil sa mahabang panahon hindi naman talaga natin binigyan ng sapat na pondo at atensyon ito.
Ngayon sa mga tumatakbo bilang presidente uulitin ko, hihintayin ko na may magsabi na may mangako na mayroong pagsama sa plataporma nila ang panawagan at hinihiling ko sa ngalan ng ating magsasaka. Put your money where your mouth is lagyan mo ng sapat na pera at pondo ang agrikultura dahil kung hindi, tatanda at papanaw na lang ang ating magsasaka at mangingisda at magniniyog. Wala na pong papalit sa kanila sa hirap ng buhay ng mga kababayan nating nasa sektor ng agrikultura. At pagdating ng panahong iyon halos lahat ng pagkaing ilalagay natin sa ating lamesa galing na sa ibang bansa at sino man makikipagdebate na bakit tayo hindi maging katulad ng Singapore na ni isang metro kwadrado hindi tinatamnan ng maski ng kahit anong pananim. Binibili at inaangkat na lamang nila ‘yung pagkain nila, nag-research po sila ng panibago sa Singapore mula noong nagdalawang taon, sinisikap ng Singapore gamitin ‘yung kanilang mga lupain para sa agrikultura para magtanim, tumubo doon at doon na mismo manggaling para sa food security nila.
Ang pagkakaiba lang ay dahil mayaman sila at kulang ang lupain nila, vertical gardens ang kanilang tinatayo, mas mahal pero mas malinis at tiyak na organic na siyang ginagawa sa Singapore. Layunin nila paakyatin hanggang 8 o 12% ng kabuuang dinevelop na land area nila para sa agrikultura ang kanilang idededika. So, lumang debate na ‘yun na parang maging Singapore tayo kung sa inyo po nagnanais na magkaroon ng taniman, tayo ba na dati ng meron ang tumatalikod.
Paumanhin kung medyo mahaba at may kaunting kasaysayan dahil malapit lang sa akin ‘yan dahil doon ako naglalaro parati kung saan nag o-opisina Tatay ko at kung saan man siya lumilibot sa iba’t ibang parte ng bansa dahil bihira kaming magkita’t magsama sama, ‘pag by land lang din naman ‘yan sinasama niya ang buong pamilya naming para makapiling siya kahit saan man magpunta dito man sa Oriental Mindoro, Occidental, sa Quezon man, sa Sariaya man, naalala ko madalas kami doon, at sa Central at Northern Luzon. Nakita ko na rin ang ating bansa noong bata pa lamang ako. Sa mata ng aking ama at sa mata ng isang bata na may murang kaisipan pa noong mga panahong iyon.
Sa muli, karangalan ko pong makapiling at makasama kayo, hindi ko na po kayo makakasama sa pagkain naka intermittent fasting naman po ako kaya hindi po talaga ako kakain hanggang mamayang gabi rason kung bakit pumayat ako. Mula 32 na bewang naging 28 na lang po ako. ‘Yung mga maong ko noong college kasya na ulit, buti hindi ko pinamigay. Ang kagandahan sa intermittent fasting na 16-8 ay simple lang ang rule, huwag ka lang mag-agahan, puwede ka uminom ng tubig, magkape ng walang gatas at asukal pwede kang uminom ng tsaa ng walang asukal at gatas. Tumigil ka at kumain na ng alas-8 ng gabi, kumain ka ng tanghalian ng alas-12, 16 oras na ‘yun. ‘Di ba? Kung busy ka naman hindi ka maghahanap ng pagkain, bakit healthy ‘yun? Kasi may nadiskubre 5 years ago, nanalo siya ng Nobel Prize, na kapag ikaw ay hindi kumain maliban sa kape, tsaa, tubig na walang asukal at gatas, sa loob ng 12 oras, magkakaroon ng tinatawag nating autophagy sa katawan ninyo.
Ano ibig sabihin ng autophagy? It basically means self-eating, kakainin ng katawan mo ‘yung stored fat, kakainin ng katawan mo ‘yung dead cells, kakainin ng katawan mo ang free radical para kang nagki-cleansing. So, pag 16-hour fast ka, 4 na oras kada araw nag o-autophagy ka, kaya ‘yung dating may diabetes, dating may highblood, napapagaling at gumagaling ng walang iniinom na gamot dahil kinokorek ng katawan niya ang sarili niya sa simpleng prinsipyo pa rin.
Hindi ako naniniwala na may gamot para kada karamdaman. Naniniwala ako isa lang ang gamot, palakasin mo ang immune system mo kayang sagutin at resolbahan ng immune system mo ano mang karamdamang meron ka. Ang problema humihina ang immune system natin dahil, hindi ako si Doc Willie ha, dahil sa kinakain natin o sa iniinom natin, ‘di ba? At kung mag e-ehersisyo ka, mag-ehersisyo kayo in a fasted state, ‘pag nag exercise ka pagkatapos mo kumain, sinusunog mo lang ang kinain mo. Ganoon pa rin ang timbang mo, ‘pag nag-ehersisyo ka in a fasted state ang susunugin mo ay ‘yung stored fat, dead cells, free radicals. At magugulat kayo mas malakas kayo ‘pag fasted state kayo mag exercise bakit? Ang fat, ang carbohydrates, kung baga sa gasolina, diesel ‘yan, ang fat, stored fat bilang source of energy, parang jet fuel ‘yan magugulat kayo mas malakas kayo, mas efficient pa ‘yung pagsunod sa katawan ninyo. Sa muling pagkikita natin, na ang mga bewang ninyo ay 28 na rin.
Maraming salamat sa inyong lahat at sa oras at sa panahon. Karangalan ko ang makasama kayo sa umagang ito.