CATARMAN

 

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ):  Good afternoon.

HOST (H): Ayan. OK na po. So good afternoon, Sir. And we have the local media practitioners in Northern Samar, mga Waray lahat po sila and different FM stations and some of them are- they have online and free medium. (speaks in local language) Masaya po ba tayo? Nandito si Sir Chiz.

CHIZ: Mas masaya sila kung si Heart ang nandito.

H: OK lang ‘yan, Sir, ikaw naman ang expected ng grupo. So, we’ll have Sir Danny Balading, the president of the Northern Samar Press Corp. to do the first question.

CHIZ: Yes please. Una sa lahat, pagbati, Maupay nga kulop, good afternoon karangalan ko na makapiling kayo sa hapong ito at makabalik dito sa Catarman, Northern Samar makalipas ang mahigit dalawang taon mula noong nagsimula ang pandemya.

QUESTION (Q): Welcome back again, Sir, in Northern Samar.

CHIZ: Nice to be back.

Q: Yes. Sir, my term and concern (speaks in local language) tumatakbo as senador for the Republic of the Philippines. (inaudible) meron kang nasabi na gusto na tulungan ang Samar Island. Sa ngayon po, 2022 Elections, ano po ‘yung maasahan namin, the Northern Samar, the buong Samar Island na maitutulong mo ngayon dito sa amin?

CHIZ: Noong 2016, tumakbo ako bilang vice president at natalo kaya ang mga nasabi ko noon hindi ko magagawa dahil hindi nabigyan ng pagkakataon na manilbihan. Ngayon sa muli kong pagtakbo balita ang ihahatid ko sa inyo. Ipupursige ko ang nasimulan ko na ang pagkakaroon ng PPP na magkaroon ng tulay na magkokonekta sa Sorsogon at Allen. ‘Yan ang pinakamahabang tulay sa buong bansa, 26 kilometers ang haba po niyan. Dadapo ‘yan sa San Antonio, dadapo sa Capul bago bumagsak sa Allen mula sa Matnog.

Ang pangalawang yugto niyan dapat mula Leyte naman papuntang Surigao. Para matupad anag pangarap ng hindi lamang ng mga taga-Northern Samar, na marami sa mga Pilipino na makonekta na ang pinakamalalaking mga isla ng Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng kalye. Tapos na ang pag-aaral sa karagatang ‘yan. Nasa NEDA na, trinabaho naming ng matagal-tagal ‘yan nasa NEDA na ang proposal ng isang pribadong kompanya at inaasahang kong maibibigay sa loob ng termino ni Pangulong Duterte kung hindi man, agaran sa susunod na termino para masimulan. Aabot ng sampung taon para gawin ‘yan sana abutan pa nating lahat.

Q: Magandang hapon po, Governor.

CHIZ: Good afternoon.

Q: Eugene Montano Enano po ng Heart FM ang pangalan po ng iyong may bahay.

CHIZ: Sasabihin ko pa nga lang sana.

Q: 99.1 Serbisyo Publiko News. Sir, ang concern lang po namin, ano po ang inyong istratehiya kung kayo ay maibalik sa Senado para po sa Northern Samar lalong-lalo na at ang ating mga farmer at ating mga fisherfolk ay nagsisipagtanda na para ma-motivate at mapa-positive at lalong lalo na hindi lang sa food security pati na din sa gitna ng pandemya?

CHIZ: Sinabi ko kanina ‘yan sa ilang panayam sa akin, ang average age ng magsasaka at mangingisda, magniniyog at nagtatanim ng gulay sa buong Pilipipnas ay 58-years-old. Sa loob ng dalawang taon, senior citizen na sila at walang pumapalit na bagong henerasyon dahil sa hirap ng buhay nila. Ang pangarap palagi ng mga magsasaka at mangingisda ‘di ba kahit sinong makausap ninyo gusto nilang maging doctor, teacher, pulis, nurse, abogado o engineer ang kanilang anak. Ayaw nilang maging mangingisda, magsasaka, magniniyog, nagtatanim ng gulay tulad nila sa hirap ng buhay. Dapat gastusan ng gobyerno ang agrikultura.

Ang budget ng agrikultura ay Php80-B lamang sa taong ito, 2022 ang budget ng DA, Department of Agriculture ay Php80-B. Ikumpara mo ‘yan sa budget ng DPWH Php840-B, wala pang 10 porsyento ng budget ng DPWH ang budget ng DA. Paano natin aayusin ang sektor ng agrikultura dito sa ating bansa kung hindi naman natin ginagastusan?

Wala pa akong ine-endorsong kandidato sa pagkapangulo, hinihintay ko rin kasi na may kandidatong magsabi, lalagyan niya sa utang taon ng panguluhan niya na hindi bababa sa Php400-B ang agrikultura para tunay nating makita ang pag-modernize, pagbabago at pag-angat ng buhay ng mga nasa sektor na ‘yan.

Sa ibang bansa ang mangingisda at magsasaka, hindi naman pulubi, pobre at mahirap. Sa Asya mo lang naman nakikita ‘yan. Sa Europa at Amerika may kaya ang magsasaka at mangingisda. ‘Yon ang dapat nating marating para sa gayun hindi na lamang lubusang tumanda at pumanaw ang ating mga magsasaka at mangingisda mapalitan sila ng bagong dugo, bagong henerasyon dahil sila ang naghahatid ng pagkain sa ating la mesa kung hindi natin magagawa ‘yan in 5 years siguro ko 80 porsyento ng pagkaing kakainin ng Pilipino manggagaling na sa ibang bansa sa pamamagitan ng importasyon.

Q: Welcome to Norther Samar.

CHIZ: Nice to be back

Q: Ako si Ahmir Ortego ng Omega Radio Online. Gusto kong maliwanagan sa iyo, ano ba ang plano niyo po para palakasin at paigtiin ang ating sinasabing foreign policy tsaka ano ba ang plano niyo para sa ipinatutupad ngayong Oil Deregulation Law na kung saan ay parang inutil ang pamahalaan natin na kontrolin ang presyo ng oil products na pumapasok?

CHIZ: Kaugnay ng foreign policy, ilang paglilinaw po. Ang nakalagay sa Saligang-Batas, “the Philippines shall have an independent foreign policy”. Independent, ibig sabihin dapat interes lang natin ang sinusulong sa ano mang foreign policy na gagawin ng Pilipinas, hindi interes ng anumang bansa.

Ang problema ang mayroong nag-iisang kapangyarihan kaugnay sa foreign policy ay pangulo, at tanging pangulo lamang. Mas magandang matanong ang pangulo ng mga tumatakbo. Ano ba ang kanilang foreign policy kaugnay sa magiging relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa? Ang papel lamang na ginagampanan ng Senado ay magratipika ng tratado at treaty na isu-submit at papasukan ng presidente. ‘Pag hindi niya pinasukan, hindi puwedeng pasukan ng Senado ‘yung treaty na ‘yon. ‘Pag hindi sinubmit sa Senado at sinabing executive agreement, hindi rin kailangan ng pagratipika ng Senado. Pangunahing gumaganap ng papel sa foreign policy ay pangulo, at pangulo lamang. Isa pang rason ba’t wala pa akong ini-endorse, wala pa rin akong naririnig na polisiya na nanggagaling sa mga tumatakbo kaugnay sa magiging foreign policy nila.

Kaugnay ng Oil Deregulation Law, pabor ako na i-review ang Oil Deregulation Law. Nais kong amyendahan ‘yan para magbigay ng ilang mga pagbabago. Una, hindi dapat inutil ang gobyerno pagdating ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo. Dapat may kapangyarihan siya na maglagay ng price cap kapag sobrang taas na. At pangalawa, babaan ang buwis kapag tumataas ang presyo para hindi kasabay ang gobyerno sa pagdagdag ng pasanin ng taumbayan. At pangatlo, magtatag ng strategic petroleum reserve sa ating bansa. Ano ‘yon? Stockpiling, imbakan ng langis ‘yon. Bibili tayo kapag mura sa world market itatago lang natin. Ilalabas natin ‘yung stockpile natin kapag tumataas ang presyo sa world market para ibenta sa mga gasolinahan, para ibenta rin sa murang halaga. Hindi ko inimbento ito. Maraming bansa sa mundo ang gumagawa nito. Huwag na tayong mag-imbento. Huwag na tayong mag-aral pa ng dagdag. Kumopya na lamang tayo ng best practices sa ibang bansa at siya ang gamitin nating kople-cable dito sa ating bansa. Dagdag pa siguro doon, maliwanag naman sinumang makikipagdebate sa akin kaugnay niyan hindi tumupad sa pangako niya ang Oil Deregulation Law na nagsabing bababa ang presyo ‘pag pinasa ‘yan. Dalawa tatlong dekada na hindi naman yata natin nakita nangyari ‘yan.

Pinanganak ako noong October 10, 1969. Mahirap kalimutan ang birthday ko dahil 10-10 na 69 pa. Tumatawa ba kayo sa 10-10?

Ito na ang pinakamataas na presyo ng produktong petrolyo na nakita ko mula noong pinanganak ako. Siguro naman, so maliwanag dapat magising na tayo. Sinuman ang hindi sasabay sa akin amyendahan ‘yan wala sa interes ng sambayan ang kanyang nasa isip at nasa puso.

Q: Magandang hapon po at welcome. Ngayon ito ang itatanong ko, itong Excise Fuel Tax kung sususpindehin. Anyways, napag-usapan na rin po ‘yan at sabi niyo po wala pa ho kayong – ija-jump na lamang po ako sa tanong ko ano po kasi nasagot naman po niya. Anyways, doon po sa aking nakuhang balita na ipinagtanggol niyo po ang kumakandidatong presidente si Leni Robredo tungkol po sa red-tagging. Ngayon ang tanong ko po kasi siya po ay ayaw niya doon sa NTF-ELCAC. Kayo po ano po ang stand niyo rito at bakit niyo po siya ipinagtanggol?

CHIZ: Pabor ako sa NTF-ELCAC. Nag-tweet ako tungkol doon. Sinabi ko, pabor ako sa NTF-ELCAC. Maganda ang ginawa ng NTF-ELCAC sa aming lalawigan. Pabor din ako sa BDP (Barangay Development Program) na binabaan ng kasalukuyang Senado sa budget ng 2022. Pabor din ako doon. Dapat ibalik ‘yon. Malaking bagay ‘yon sa mahihirap na barangay na malaki ang impluwensya ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ko ‘yon bilang paglilinaw na hindi ako makakaliwa. Pero hindi ako naniniwala din na may ugnayan, personal, pag-uusap, o kasunduan si Vice President Leni Robredo sa mga makakaliwang grupo o teroristang grupo. May sumusuporta sa kanya marahil na nakaalyado o sumisimpatya sa grupong ‘yan. Pero hindi ako nakahandang sabihin na mayroong pormal na ugnayan si Vice President Leni Robredo sa simpleng paliwanag sa pagkakakilala ko sa kanya na medyo matagal-tagal naman na. Kababayan ko pa sa rehiyon ng Bicol. Wala akong nakitang basehan na puwede mong isipin na ginagawa niya o ginawa na ‘yan sa nagdaan, kasalukuyan o sa darating na panahon.

Sa nakita ko iba pa nga sigurong pangulo nakaupo man o hindi ang nagsabi at mas matindi ang sinigaw kaugnay sa CPP-NPA-NDF kaysa sa kanya na hindi naman pinagdudahan at hindi rin naman ni red-tag. May mga nagdaang presidenteng na nag-appoint ng mga kilalang miyembro na progressive groups. Hindi naman sila ni red-tag din. Wala pa namang ganoong pinapakita si Vice President Robredo na puwede nating sabihin na may basehan ang akusasyong ‘yon. Ang pinakamadaling gawin sa mundo mag-akusa ng tao. Pinakamahirap na parte ‘pag kailangan ng patunayan ‘yon.

H: Thank you so much, Sir. We’ll have from Radyo Bandera, next DYSM Aksyon Radyo and let’s give way to Ma’am Malou Hiray all the way from Laoang ‘yung Pacific town area, Sir. And just for the information of everyone, si Senator Chiz Escudero po ay ngayon governor ng Sorsogon sa Bicol region. Noong siya po ang senador, naipasa niya po ang Universal Healthcare Act, libreng matrikula o tuition fee sa State Universities and Colleges and exemption ng minimum wage earners sa pagbabayad ng buwis. So, let’s give Sir Adonis Rebadulla from Radyo Bandera.

Q: Magandang hapon po, Senator. Senator na lang dahil sigurado naman akong mananalo ka.

CHIZ: Sana ho. May dilang anghel ba kayo, Sir?

Q: Sinasabi ng iba na itong Rice Tariffication Law raw ay pahirap sa mga magsasaka. Ano po ang masasabi niyo? Kayo ba ay pabor sa pagpapatuloy ng batas na ‘yan?

CHIZ: Hindi rin tumupad tulad ng Oil Deregulation Law ang Rice Tariffication Law sa pinangako niya na pagpapaganda ng buhay ng magsasaka. Mas pinahirap pa nito. Nais kong malaman kung makakabalik sa Senado, batas ba ang may problema o ‘yung nagpapatupad dahil kung makikita natin, simple lang naman ang rule: kung kulang talaga ang supply, mag-import tayo pero huwag nating sasabayan ang pag-ani ng sarili nating magsasaka. Kapag sinabayan mo ang importasyon ng bigas at pag-ani ng magsasaka natin. Dati ng lugi ang ating magsasaka. Pinakita mo lang dayuhang magsasaka. Implementasyon ba ang problema o batas?  Iyan ang nais kong tingnan. Kailangan nating tumupad sa mga pangako niya, imbes na pinagaan at pinaganda ang buhay ng magsasaka tila mas lalong pinahihirapan niyan. Uulitin ko, hindi ko alam kung iyong nagpatupad ang may problema o iyong batas ang may problema. Aalamin ko iyan kung muling makakabalik sa Senado.

Q: Kung sakaling may makita kayong problema sa batas kayo ba ay (inaudible)

Ten Commandments lang alam kong ganoon. Anumang batas na nakasulat sa papel na galing sa tao puwede palaging amyendahan o i-repeal. There is no such thing as irrepealable law. Lahat ng batas ginawa na may posibilidad na mabago o baguhin o burahin.

Q: Magandang hapon po, Senator. Idol, kasi botante ninyo po ako.

CHIZ: Thank you.

Q: I am Malou Viray from Radyo Natin. Ang katanungan ko po sa inyo, ito pong bukod sa unstable na kuryente dito sa amin sa Norte ng Samar, mahal pa rin po ang singil. Per kilowatt is Php13-14 kasi ang aming supply ay manggagaling pa Luzon. Samantala, dito sa Region VIII ang Tuburan Power Plant at nasa Ormoc. Paano ninyo po kami matutulungan?

CHIZ: Goethermal ba iyan?

Q: Geothermal.

CHIZ: Ang Sorsogon ay may geothermal power llant din. Bata pa lang ako kuwento na iyan. Iyong kuryente daw ng Bac-Man ay dadaan muna sa Maynila at dadaan sa CALABARZON bago mag-u-turn pabalik sa amin kaya mataas daw ang presyo ng kuryente sa amin. Hindi po totoo iyon sa Sorsogon. Alamin ninyo kung hindi rin ito totoo dito.

Bakit? Ang Sorsogon ang kauna-unahang probinsiya sa buong Luzon- sa pagkakaalam ko sa buong Pilipinas din na nag –CSP. Ang ibig sabihin ng CSP (Competitive Selection Process). Parang public bidding po iyan. Bago ang CSP ang ginagawa po ng electric cooperative, nakikipag-usap sa kahit na sinumang magsu-supply ng kuryente.

Usapan lang nila sa pagitan lang nila. Walang nakakaalam kung magkano. Walang nakakaalam kung may nag-alok ng mas mura. Walang nakakaalam ng kuwento. So, makikipagkasundo ang general manager ng isang electric cooperative, aaprubahan ng board of directors o ng electric cooperative. Pipirmahan na iyan. Sa magkanong presyo?

Ang CSP, ino-obliga lahat ng gustong mag-supply ng kuryente sa Sorsogon Electric Cooperative I and II na magsubmit ng bid. Pipili sila ng pinakamababa- parang public bidding. Kung sinong pinakamababa doon i-a-award. Nagbid ang Bac-Man, noong binuksan ang mga envelope, sealed bid. Nag-bid ang Bac-Man (Bacon-Manito Geothermal Power Plant) ang bid po nila sa amin mahigit 11 pesos/kw/hr, ang nanalo kung hindi ako nagkakamali, Php6.80 o Php7.20 kw/hr. Isang planta sa Batangas ang nanalo, coal power plant. So, ang kuryente sa amin Php6.80 o Php7.20 kw/hr. So, hindi po totoong nag-uturn.

Ang tanong saan ba kumuha ang electric cooperative ninyo ng kuryente? Saan ba sila bumili? Sa magkano ba iyon binili? Ano ang nakalagay na terms of reference sa kontrata nila? Isinasapubliko ba iyon? Alam ba ng publiko iyon? Kung CSP- katulad ng ginawa sa amin- isinapubliko lahat ng terms at condition. Sa katunayan, maipapayo ko sa inyong electric cooperative o maari ninyong tanungin ang electric cooperative ninyo na kapag nagpa: CSP kayo. Ialay ninyo sa terms of reference ang probisyon kaugnay sa replacement power cost (RPC). Bakit? Bagyuhin tayo. So, kapag binagyo tayo, nasira ang national grid, hindi maihatid ang kuryenteng pinagbibili ninyo sa Batangas o Quezon, puwede kayong magkonekta sa Ormoc pero ang magbabayad o ang magsu-supply ng kuryente sa parehong halaga ng bid niya. Replacement purpose nga. Hindi ba? Para hindi kayo matagal mawalan ng kuryente.

Tapos na lahat ng linyo rito, binagyo tayo, na repair na lahat ng linya pero ang grid sira pa. Saan kayo kukuha ng kuryente? Kami nagpagawa kami ng substations sa Bac-Man Geothermal Power Plant para sira man ang grid ay dito kami magko-konekta. Hindi Php11 mahigit ang benta, presyo ng binibili namin dati sa nanalo sa bidding pero ang magbabayad iyong nanalo sa bidding. Hindi po kami at hindi puwedeng ipasa ang cost.

Alamin po ninyo kung ano ang sitwasyon nito. Marahil at sa tingin ko ganoon po iyan ang sitwasyon sa sitwasyon doon sa Sorsogon. Dahil bata pa lang ako ay iyan na ang kuwento, nagu-uturn ang kuryente kaya mahal. Wala naman pong ginagastos na gasolina ang pagbiyahe ng kuryente. Sa totoo lang ang kuryente ay pare-pareho lang saan man manggaling na planta. Pinupuno nila ng buong supply ng wires saan man galing.  Kaya iyong presyo na binabayaran sa transmission line ng kada planta, ng kada electric cooperative wala po sa distansya. Halos parehas lang po iyon.

Parang tubo. Kung puno na ang tubig na ang tubo, may iba-ibang pinanggagalingan ang tubig saan ka man magbukas ng gripo ang importante ay puno ang tubo. Hindi mas mataas ang binabayaran ng mas mataas na planta dahil ang kuryente- dati nang puno ang tubo, dati ng puno ng tubig. So, wala po sa distansya iyon. Pero, iyan nga sitwasyon ng Sorsogon.

Alamin ninyo at tanungin ninyo sa electric cooperative ninyo kung ganoon nga din ang sitwasyon katulad ng sa amin. Malamang pareho sila.

Q: Maraming salamat.

CHIZ: You’re welcome, Ma’am.

Q: Good afternoon, Senator. Tanong ko po dalawa po. Puwedeng matanong?

CHIZ: Yes, Sir.

Q: Unang tanong ko po ay ano po ang inyong balak hawakang komite kung sakaling kayo ay makabalik sa Senado?

CHIZ: Wala pa. Alam mo 12 taon ako sa Senado. Nakita ko na kung paano umandar at tumakbo ang Senado. Hindi naman kailangang pag-awayan at pag-agawan ang anumang komite. Kahit wala kang komite, walang kang chairmanship- hindi ka chairman. Each and every Senator has a voice and a vote in any committee on the floor on any bill. Hindi ko kinakailangan ng korona o titulo. Nandoon ako para magtrabaho anumang komite ang ibigay sa akin. Katulad ng ginawa kong trabaho noon.  Zero backlog ako sa lahat ng komiteng hinawakan ko. Wala akong pending bill na iniwan kada matatapos ang termino ko.

Iyan ang gagampanan kong tungkulin. Sa dami ng pinagaawayan natin sa bansa, huwag niyo nang idagdag ang bangayan at away sa pag aagawan ng komite sa Senado para ipatong pa sa problema ng bansa hindi ko balak gawin ‘yun.

Q: OK, follow-up question lang po.

CHIZ: Tungkol naman sa pag-ibig ‘yan ‘di ba?

Q: Kumusta po ‘yung “heart” ninyo?

CHIZ: ‘Yung puso ko, mabuti naman. ‘Yung asawa kong “puso” din ang pangalan Mabuti rin pero isa lang ang puwede kong masabi sa lahat ng tumatakbo, ako lang ang may pruweba na may puso ako. May picture pa ako ng wedding picture na may puso, ‘di ba. Sinong kandidato ang puwedeng magpatunay na may “heart” siya? Ako meron. May picture pa ako para patunayan na may “heart” ako. ‘Yung uncle ko, may forever na “heart.” Siya kasi ‘yung uncle ko in-operahan sa puso, may video ‘yun ‘yung operasyon niya (inaudible)

Q: Senator Chiz, are you running for Senate Presidency? Kasi nakikita ko at alam naman naming lahat, hinog na po kayo sa panahon when it comes to legislation and your resiliency in governance. Are you running for Senate presidency?

CHIZ: Hindi ko minamata o tinitingnan pero kung bubuksan ‘yung pagkakataon, hindi ko rin aatrasan. Hindi ko ugali umatras sa kahit anong responsibilidad o pagkakataon na pini-presenta sa akin; atagumpay man ako o mabigo sa bagay na iyon. Pero sa ngayon nakatutok ako sa pag panalo ng eleksyon. Mahirap naman pag-usapan ang puwestong hahawakan, kabilang na ang komite, kung hindi pa naman ako nananalo.

Gaano man kalamang sa survey dahil sa dulo, boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang, hindi boto sa survey. At hindi na rin mahalaga sa akin kung number one, two, three, four, o kahit 12, ‘wag lang 13. Ang sweldo ng 1-12 parehas lang naman, ang titulo senador pa rin naman. Pagdating na lamang dun na lang tayo mag sukatan kaugnay ng serbisyo at trabaho na ibigay. But I will not shirk from the responsibility (inaudible) but neither will I seek it.

Q: Thank you so much! Meron pa pong isang pahabol na tanong from our local media practitioners? Wala na po ba? If there’s none, last question po from?

CHIZ: Sasagutin ko bago magtanong.

Q: OK.

CHIZ: Hindi ako naimpluwensyahan ni Heart para baguhin ‘yung buhok ko, hindi ito impluwensya ni Heart. Utos niya ito sa akin.

Q: Magandang hapon po, Senator.

CHIZ: Good afternoon

Q: Kasi, hindi ko na sasabihin kung saan ito, sa mga rural areas,

CHIZ: May Marites tayo.

Q: Maribel po.

CHIZ: Ay Maribel.

Q: Ayan, kasi ‘yung mga proyekto minsan kaya nag anuhan na, nag punta ako sa isang lugar na, doon sa amin sa dyan sa isang barangay, na medyo mahirap ang daan, mahirap ang, hindi mo ma-ano ‘yung daan kasi maulan, maputik ganun, so paano mo sa, paano niyo po ma-ano ‘yung, masisilip ‘yung mga ganung kahirapan para maparating sa inyo na hindi naman natutupad kasi matagal nang, halimbawa ‘yung daanan.

CHIZ: Sa aming lalawigan, bilang Gobernador, inaanyayahan ko kayo kung makakabisita kayo, tatawid lang naman kayo ng dagat. Inayos namin ang aming mga kalsada, marami akong binlock list na mga contractor na hindi gumawa ng tamang trabaho dahil layunin naming out of 541 barangays, ikonekta ‘yan sa pamamagitan ng kalye. 84% na ang natatapos ko, 16% na lang ang naiiwan. I-menos mo pa ‘yung mga barangay na isla, na hindi ko pa natutulayan pa. So, out of 541 barangays, lima lamang ang maiiwan na hindi ko magagawan ng kalye bago matapos ang aking termino na binatayan at tiniyak namin ang trabaho.

May kita na nga sila, pinagkakitaan na nga nila gusto pa nila baboy ‘yung trabaho? Pangalawa, sa aming lalawigan hindi puwedeng maglagay ng kahit anumang proyekto ang sinumang party-list o sino magn senador base sa gusto nilang ilagay doon. Meron kaming menu sa aming lalawigan, ito ang listahan ng kailangan naming, pumili ka sa listahang ito kung ano ang ipapagawa mo kung gusto mo maglagay ng pondo ng probinsya namin, hindi ‘yung ikaw ang pipili kung saan ang aggregate kung saan malapit ‘yang sea wall na ‘yan, ‘yang river control na gagawin mo kahit na hindi naming kailangan.

‘Yan ang isang paraan para matiyak na anumang proyekto na ginagawa sa aming lalawigan, papakinabangan talaga ng tao at hindi substandard, ika nga, ang patrabaho. Hindi ko na rin babanggitin ‘yung lugar, pero may katabi kaming probinsya, dagat na ang kabila. Tandaan mo, na kapag kinukumpara mo ang kalye, malaki din ang pagkakaiba ng kalidad ng kalye sa paggawa. Isa ‘yun sa mga bagay na ipinagmamalaki sa aming lalawigan, kaya inaanyayahan ko kayo na bumisita din kayo, tawid dagat lang ‘yun, mula Allen para makita ninyo ‘yung aming ginawa, nagawa sa aming lalawigan kaugnay sa malalawak at maayos na pagkakagawa ng mga kalye.

Q: Thank you so much! With that let’s hear a parting message. Sino pa po? Pahabol pa po.

CHIZ: Yes, sure, sure.  Maaga pa tayo.

Q: Maaga pa po ba? Kaya pa po ba? Sayang kasi bisita niyo ang pagbabalik niyo

CHIZ: Go ahead.

Q: Ito lang Senator–

CHIZ: Pag-ibig pa rin?

Q: Pag-ibig na pala. Napanood po namin si Ms. Heart sa Instagram na puro “(I) miss Chiz” ang binabanggit, ang daming kinikilig. Tsaka, siguro sa, ‘yung dalawa kayo, kumusta naman po ang iyong love life at si Ms. Heart?

CHIZ: Nagulat din ako sa sinabi niya na “Miss Chiz” kasi “Mister Chiz” ako, hindi naman ako “Miss”. Medyo late ka ng kaunti. Marami ang gumagaya sa Instagram ang problema nga lang, lalaking nagbubuhat, nag go-grocery o nag lalaba ang nagsasabi lalaki ‘yan, na “I miss Chiz”.

Nagkawalay naman talaga kami ng dalawang linggo nitong nakaraang buwan, February, kababalik lang nyua ng March 11 dahil may trabaho sya sa Paris, ang trabaho ko naman, dito sa Pilipinas. Sabi ko nga, kanina noong in-interview ako, nang mga panahong ‘yon, lumilibot ako sa Kidapawan City, North Cotabato. Cotabato City, Maguindanao, at General Santos City, South Cotabato. Si Heart naman nasa Paris City. Ako nasa Mindanao, sa Pilipinas at sa Asya. Siya naman nasa Europa.

Pero maganda na magkaiba kami ng trabaho. Natututo kami mula sa isat-isa. ‘Yung kaaway ko, hindi niya kaaway. ‘Yung kaaway niya, hindi ko kaaway. Magkaiba ang mundo naming, so mas maganda siguro ang relasyon ‘pag ganoon ang mag-asawa. Isipin niyo, kung pareho kaming nasa showbiz o pareho kaming nasa pulitika, ‘di ‘yung kaaway niya, kaaway ko rin. ‘Pag mainit ang ulo ko, mainit din ang ulo niya.

Hindi kami nakakapagbalanse sa isa’t-isa pero tama na siguro na parehas kami ng propesyon. Tama na siguro na medyo may agwat ‘yung edad namin. Huwag na nating dagdagan ng iba pang pagkakaiba at hindi pagkakapareho dahil sa mag-asawa, ang importante, sabay kayong nagma-mature, sabay kayong natututo.

Sabay ninyong nakikita ang pagbabago ng mundo at gayon din ‘yung puwede niyong mabago sa mundo. So ngayon, maayos ang relasyon namin. Ngayon, sumusubok na ulit kami magka-anak dahil mula noong nakunan si Heart, about two years ago na kinailangan niyang magpahinga, hindi pa kami puwedeng magkaanak nun. Kailangan ipahinga. So nung mga panahong ‘yon, nagpa-praktis-praktis lang muna kami. Pero ngayon, hindi lang praktis ang gagawin namen, totoo na. Puwede na uli. Hindi na practice lang. Sana, ang hiling lang ni Heart, sana raw kasing talino ko ‘yung maging anak namin pero kamukha niya.

Q: Sa sitwasyon ngayon, sa pagitan ng Ukraine tsaka Russia, ano po ang nakikita niyong madadala natin at makukuha nating implication. Tsaka kumbaga, mabigat na dapat nating i-consider para sa sitwasyon po ng Pilipinas kasi, kumbaga, tayo po dito ay we maintain at the present moment, neutrality kasi, sabi nga, ni Presidente, “We are friends to all, enemy to no one.” Pero dito sa sitwasyon natin na kaibigan tayo ng Tsina, parang hindi maganda ‘yung relation natin sa America, and then here comes institution. Ano ba ‘yung mga punto na nakikita mo rito na magiging significantly favorable para sa atin given the situation ngayon ng Russia tsaka Ukraine?

CHIZ: Pumirma sa resolusyon ng United Nations General Assembly ang Pilipinas. Resolusyon na nagkondena sa Russia sa pagpasok sa Ukraine na kinondena ang giyerang sinimulan ng Russia na nanawagan para sa kapayapaan. Sang-ayon ako sa ginawang ‘yon ng Pilipinas, bakit? Baka dumating ‘yung panahon, tayo ang malagay sa parehong sitwasyon ng Ukraine, hahanapin din natin ang parehong pagsuporta ng ibang bansa na nananawagan sa kapayapaan at para pigilan ang giyera o anumang karahasan. Ano ang posibleng epekto sa’ten? Nararamdaman na natin ngayon. Tumataas ang presyo ng gasolina.

Baket? Nag-iimbak, nagsa-stockpile ang mga bansang may sarili nilang supply. Para matiyak na may sapat silang supply ng langis. Dahil diyan, tumaas ang demand, konti ang supply, ‘di tumaas ‘yung presyo ng langis. Pero narinig ko, bababa daw ang presyo ng langis sa darating na linggo. Double-digit din ang ibababa tulad ng pagtaas ngayong linggo, sabay bawi naman pala next week. Maging ganumpaman, ang solusyong nakikita ko, ideklara ng Ukraine ang sarili niya bilang isang neutral country. Hindi sila kakampi sa NATO. Hindi sila kakampi sa America. Hindi din sila kakampi sa Russia. Walang puwedeng pumasok. Walang puwedeng maglagay ng base. Kami ay neutral na bansa lamang.

Dati merong tinatawag nung panahon ng 1970s and 1980s, merong namayagpag na grupo na ang tawag ay NAM. Non-aligned Movement. Ito ay binubuo ng mga bansa na ayaw kumampi sa America man o sa Russia noong nagaganap pa ang Cold War. Ang Cold War, ‘yung hindi pag-uusap ng America at Russia at sabay silang nagpaparamihan ng nuclear weapons. Ang nagpapigil ng giyera nung panahong ‘yon, ay MAD, hindi ‘yung Mamamayang Ayaw sa Droga, MAD which basically meant, Mutually-Assured Destruction.

Anong ibig sabihin nun? Wala pang teknolohiya noon na kayang pumigil sa mga missiles ng magkabilang bansa na makarating sa kani-kanilang bansa. Ika nga, magkikita ‘yung mga missiles sa America pero ‘pag nag-release and isa, bago dumapo ‘yan sa kabila, makaka-release din sila. Magkikita sa era ang mga missiles at lahat ng bansa sa mundo, masisira. MAD, Mutually-Assured Destruction. Kaya hindi nagsimula ang anumang giyera nung mga panahong ‘yon. Hindi ko lang alam kung hanggang ngayon, totoo pa rin ‘yung prinsipyong ‘yan.

Bakit? Merong missiles defense system na ang America ngayon kaya medyo nakalamang sila, hindi na MAD. Pag nag-launch ang Russia, kayang sirain ng America ang lahat ng missiles nila. ‘Pag nag-launch ang America, hindi kayang pigilan ng Russia.

Last week, nagpalabas ng bagong video at palabas ang Russia. Meron silang missile na sa sobrang bilis, hindi kayang harangan ng missile defense system ng America. So balik ka na ulit sa stalemate. Baka MAD na ulit ang manaig at ‘yan ang pipigil sa anumang nuclear war na puwedeng mangyari dito sa mundo. Ipanalangin natin na hindi talaga mangyari ‘yan dahil walang panalo ‘pag nangyari yan. Ang lamang lang ng mga lalawigan natin, Sorsogon man o Samar, o Northern Samar, magkaroon man ng Nuclear War o bombahan. Wala namang target sa Sorsogon, wala rin target sa Samar. Malamang mas ligtas tayo so tawagin niyo ‘yung mga kamag-anak niyo at mag-uwian na dito sa ating mga lugar dahil mas ligtas dito. Mas maraming target sa Maynila, maraming mga base roon, Amerikano man o Pilipino. Balik-probinsya program, ika nga, tulad ng pinapanawagan ni Pangulong Duterte. ‘Yan lang ang masasabi ko kaugnay sa Ukraine at Russia at sa labanan nila

Yes, Sir?

Q: Senator Chiz, kasi tinatawag ka na namin na senador, kasi as of now you are the Governor of Sorsogon pero ang tawag na sa inyo namin dito because we are already foreseeing your victory at sana magdilang-anghel (inaudible).  Pinapayagan magkaroon ng batas para buhayin muli ‘yung nuclear power plant sa Bataan.  Kasi sa ngayon, mostly ng ating pinagkukunan ng ating fuel ay nakadepende po tayo sa fossil fuel. Practically, inaangkat po natin.  Pero kung sinasabi ng iba kung meron tayo dito nuclear power source of energy supposedly magiging sustainable ‘yung power generation natin.  What do you see as to the possibility of reactivating the Bataan Nuclear Power Plant by way of legislation?

CHIZ: Bukas ang kaisipan ko diyan, hindi sarado.  Either i-reactivate or magtayo ng panibagong planta na mas mura at mas ligtas iyun ang gawin natin.  Hindi tayo puwedeng sarado sa anumang uri ng teknolohiya, kung hindi man ligtas noon malay mo ligtas na ngayon.  Alalahanin niyo napakaraming bansa gumagamit ng nuclear power, lima’t kalahating taon walang ginawang—tatlo hanggang apat na taon bago matapos ang isang power plant so ‘yung kakulangan ng kuryente ngayon.

Tatagal pa ‘yan tatlo hanggang apat na taon bago resolbahan ‘yan.  Pansamantala, aasa tayo sa mga diesel barges na pinakamahal na puwedeng pagkunan ng kuryente.  Para noong panahon ni dating Pangulong Ramos ito kung saan meron tayong 12-hour brownout o hindi man sobrang taas ng presyo ng kuryente dito sa ating bansa dahil hindi lamang tila naging busy ‘yung secretary ng energy natin sa pagiging presidente niya ng isang partido imbes natutukan ang trabaho bilang Department of Energy secretary.  Again, not a single megawatt was still built for the past five and a half years.

H: Thank you so much sa ating mga local media practitioners.  Before matapos ang ating press con pakinggan muna natin ang parting message ni Senator Chiz sa kanyang muling pagbisita sa Northern Samar at siguro naman bibisitahin tayo ulit ni Sir Chiz by some other time. Sir Chiz, the mic is yours na po.

CHIZ: Sa dami ng sinabi ko may dagdag pa.

H: Pabaon.

CHIZ: Maraming salamat muli karangalan kong makabalik dito uli sa Catarman, dito sa Northern Samar at sana tulad ng sinabi niyo ay hindi ito maging huli sa panahon man ng kampanya o hindi.  Kung maalala niyo, nagpupunta ako rito kahit hindi panahon ng eleksyon at madalas na tinatanong niyo ako anong dahilan at anong meron ba’t nagpunta ka rito?  Ang sagot ko palagi, wala.  Kailangan ba may dahilan hindi ba puwedeng magpunta lang para makita mabisita at matanong ako at magtanong din.  Hindi naman kailangan ng dahilan sa isang national official na bumisita sa isang lugar.  Trabaho niya bumisita para makita kalagayan, makausap ang mga tao at maghanap ng solusyon sa problemang kinakaharap ninyo.

So, tinitiyak ko kung ako’y mananalo hindi ito huling pagkakataon para magkikita tayo dahil bahagi ng trabaho bilang miyembro ng Senado ang bumisita sa iba’t ibang parte at bahagi ng Pilipinas.  Sana tuluyan nang matapos ang pandemyang ito para mas malaya na ako at kayong makakabisita ako man dito sa Northern Samar o kayo man sa lalawigan ng Sorsogon.  Marami akong aral napupulot saan man akong magpunta marahil makabisita kayo sa Sorsogon, may mapupulot din kayo anumang aral o puwedeng gayahin o kopyahin tulad ng nakikita ko sa iba’t ibang parte ng bansa kapagka ako’y bumibisita.

Hiling ko muli ang inyong tulong at tiwala sa aking pagharap ng dambana ng balota para maging miyembro ng Senado, kinatawan ninyo at tagapaghatid ng boses sa Senado.  Ang iniaalay ko anumang talino, talento at galing at karanasan ko dahil naniniwala ako sa laki ng problema ng bansa hindi pupuwedeng mag-eksperemento, mag OJT o magpraktis.  Panahon ito para agarang umaksyon saan mang problema na kinakaharap natin bilang isang bansa at bilang isang lahi.  Sa dami ng sinabi ko tama na ‘yan maraming salamat, magandang hapon at mag ingat po kayo.