CEBU

 

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Buhayin ang Bataan. Tanungin natin ang lalawigan ng Bataan, gusto ba ninyo? Galing ako doon, tinanong ko ang mga lokal na opisyal ng Bataan kung payag sila. Ang kondisyon nila ay ito: bagong kanta, titingnan naming kung ligtas talaga, ‘wag na yung dati because that technology is at least 40 years old already. Hindi sila sigurado kung magiging ligtas para sa mga kababayan nila. So, if those three conditions are complied with or applied, I have no objections to nuclear technology. I’d like to warn you, not only in Cebu and in the entire country, kung hindi tumama ang Bagyong Odette, napakaraming lugar sa Pilipinas ang walang kuryente. Kung hindi nagkapandemya dahil sa COVID at nag lockdown, last year pa lamang may brownout na tayo, pero dahil nag pandemic, dahil nag Odette, kaunti-kaunti pa lang na bumabangon ang Pilipinas, nakikita natin ‘yung brownout sometime in the second or third quarter of this year kasi kulang na talaga ang supply at walang bagong planta na nagawa sa nagdaang limang taon para magdagdag ng capacity. Hindi lang natin nararamdaman kasi maraming establisyemento na sarado pa. pero sa muling pagbubukas ng ating bansa at ng ating ekonomiya, mararamdaman na rin natin ‘yung mas mataas na demand ng kuryente. Rason para magka-brown out at rason para tumaas ang din ang presyo.

QUESTION (Q): You say na huwag (inaudible), or do you feel na magkakaroon ng energy crisis, Senator Chiz?

CHIZ: It’s almost a certainty pero unlike before that it takes four years to five years to build a plant. Ngayon dalawa hanggang tatlong taon na lang pero may dalawa hanggang tatlong taon pa rin hintayin. Pangalawa, kung brownout ng Pilipinas mamimili pa ba tayo? Halimbawa, mas mabilis magtayo ng coal pipe powerplant kaysa hydro, so depende. Mas mahal pa rin ang solar kaysa sa coal, pinakamura ang hydro. Ang wind mas mahal kaysa sa solar, so mamimili pa ba tayo o gusto natin kuryente? Pipiliin ba natin ‘yung malinis na mas mahal o ‘yung medyo madumi na mas mura? Medyo madumi na mabilis gawin o medyo mas mahal at mas matagal gawin pero mas malinis? Ito ‘yung mga katanungang kailangang sagutin ng susunod na administrasyon.

Q: Governor, nabalitaan niyo po naming ang mga nagawa niyo sa Sorsogon. Isa po sa mga projects highlight noong administrasyon ni Duterte is yung ‘Build, Build, Build’, should it be supported and strengthen by the next administration?

CHIZ: Definitely, it should continue. Sana pigilan na natin yung ugali natin na porke’t ginawa ng nagdaang administrasyon hindi mo na ipagpapatuloy kasi gusto mo may sarili ka ng projects. With the Kaybiang, madalas kong sinasabi sa mga taga partido. Ang budget ng DPWH sa 2022 ay Php840-B, ang budget ng department of Agriculture Php80-B. Agriculture country ba tayo o bansa ba tayo ng contractor?

Ang pinakamahirap na Pilipino nasa sektor ng agrikultura, ituloy natin ang ‘Build, Build, Build’ pero sana wag nating gawin kapalit nun, maliit na pondo sa sektor ng agrikultura. Dahil ang pinakamahirap na Pilipino nasa sektor na ‘yun. Mangingisda, magsasaka, nagtatanim ng gulay, magniniyog. Dapat magbigay ng suporta ang gobyerno, kung ako ang tatanungin mo, ang posisyon ko at inaantay ko sa sino mang tumatakbong presidente na sabihin sa akin ito. Lalagyan niya mula Php80-B nang hindi bababa sa Php300-B sa unang taon ng kanyang administrasyon ang agrikultura at sisikapin niyang doblehin ‘yun hanggang Php600-B sa loob ng anim na taon ng kanyang termino. Ito lang tanging paraan para bumangon na ang agrikultura sa ating bansa para ang mga pinakamahihirap na Pilipino matulungan na natin at maiahon na natin ang buhay, wala akong kinokontrang presidential.

Q: Speaking of sectors of our economy, ‘yung isa po sa pinaka naapektuhan is ‘yung tourism sector, marami po tayong turista before pandemic, so what bill or possible legislations po ang dapat ipasa?

CHIZ: The case and annotations, nothing new laws to passed, I’ll give you an example, the reason why the tourism went down is because of the lockdowns and the requirements for quarantine by the IATF. Bakit ka pupunta dito sa Pilipinas nirerequire na mag-quarantine ng sampung araw kung ang bakasyon mo ay dalawang linggo lang, sampung araw nasa loob ka lang ng hotel, apat na araw na lang maiiwan sa iyo para manatili dito?

Since quarantine restrictions are lifted ‘dun na talaga magbubukas ang turismo but that was the only thing that was needed to be done, but let me add one more thing, tourism is about the story that you tell. It’s not about the beautiful beach, the beautiful scenery, the whole amenities. Hindi ito tungkol sa mga lumang buildings at magandang beach, bawat bansa sa mundo, may magandang beach, may magandang tanawin, may kasaysayan.

But it’s about the story that you tell, palaging ginagamit na example, ‘yung painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa. Halos ganyan lang talaga, malaki lang ng kaunti diyan. Dinadayo, binibisita sa Louvre sa Paris para makita ng tao mula sa iba’t ibang parte ng mundo, maraming mas magagandang painting kaysa sa painting ni Leonardo da Vinci na Mona Lisa dun sa Louvre, mas malalaki, mas impressive pero ‘yun ang pinupuntahan at binibisita, bakit? Dahil sa kuwento sa likod nun. Ginawa ni Leonardo da Vinci, mukha daw talaga niya ‘yun, bakit may mga paintings din naman si Picasso, pero bakit sinasadya na mukha daw niya talaga ‘yun, tinago niya sa mukha ng babae. Ang ginamit daw niya 80 iba’t ibang strokes kasama pa ‘yung daliri ng kamay n’ya para maperpekto lang ‘yung ngiti ni Mona Lisa at noong mga panahon ‘yun hindi daw uso na gumagawa ng paintings ng mga babaeng nakangiti dahil ang babae daw dapat naka-pout o naka simangot dahil magmumukhang busy siya kapag ka ngumiti siya pero noong panahon ‘yun siya ang kauna-unahang gumawa ‘nun.

Malay ko kung totoo ‘yun. Pero dahil sa kwento kaya dinadayo, noong nagpunta ako ng Thailand, meron daw puno na ang ugat daw makikita mo ang mukha ni Buddha, nagbiyahe ako ng dalawang oras mula Bangkok para makita ‘yun pero pagdating ko hindi ko halos lahat makita at kaagad sinabi ng tour guide kapag mabuti lang ang kalooban mo at saka mo makikita. “Ayun! Ayun!” Alangan namang sabihin ko na hindi ko nakikita

We have our stories to tell. Katulad na lamang halimbawa, hindi lang naman si Rizal ang lumaban sa Kastila, may iba pang itinuturing na bayani. Bawat probinsiya, Cebu man o Sorsogon, may kanya-kanya tayong lokal na bayani na lumaban din naman sa mga Kastila e. Na lumaban sa Hapon, na lumaban sa Amerikano. (inaudible) importanteng malaman iyon dahil malay mo simpleng imbitasyon lang, malagyan natin ng kuwentong totoo. Ang pelikulang Baler. Ang kuwento, iyon ang huling pinagtaguan ng mga Kastila. Hindi ko alam kung totoo iyon. Wala namang nagsabi sa history books (inaudible) ang nandoon lang iyong nagkaibigan na Kastilang sundalo at Pilipina. I hope our tourism vision realize that. Hindi ito pagandahan ng beach, sa totoo lang. Pagalingan at pagandahan ng kuwento ito ng kung ano ang kahalagahan kung bakit mo maranasan at makita itong particular na lugar

Q: (inaudible)

CHIZ: Hindi lamang mga Cebuano. Mahirap naman pumasa ng national kung lokal lang ang kailangan. Pero, particular dito sa Cebu at mga probinsiya na naapektuhan ng Odette. Ang naapektuhan ng bagyong si Odette ay 3.1 milyon na mga Pilipino sa ibat’-ibang rehiyon. Marami pang rehiyon kumpara sa naapektuhan ng Yolanda na 3.2 milyon. Mas marami lamang ng isandaang libo ang naapektuhan ng Yolanda kumpara sa Odette. Pero, bakit noong Yolanda nagpasa ang Kongreso ng Php20-B rehabilitation fund. Bakit noong Odette,wala? Hindi kaya ng mga lugar ng pamahalaan sa Cebu man o anumang pinakamayamang probinsya na gawin ito- ang mag-rehabilitate ng mga tinamaan ng bagyong Odette. Layunin ko na magpasa ng Odette rehabilitation para maakay ng ng mga lokal na pamahalaan na muling bumangon sa pagkakasalanta sa Bagyong Odette.

In general, kaugnay sa batas na ito, nais ko ng magpasa ng panukala na bubuhay muli sa MSMEs. Mahigit 90% ng ekonomiya ng bansa, MSMEs. Kung mabubuhay muli natin ang MSME ay mabubuhay natin ang 90% ng ekonomiya natin para mapabalik na rin natin ang 90% ng trabaho na nawala. Paano ngayon gagawin ito? Huwag na tayong mag-imbento, mangopya na tayo sa ibang bansa. Ano ang ginawa ng ibang bansa para mabuhay ang MSMEs? Una, nagbigay ng ayuda sa kanila. Ang ibinigay lamang ng gobyerno noon ay loan window. Sa halagang Php5B, mababa ang interes, matagal nang naubos iyon. Ang ginawa ng ibang bansa, nagbigay ng rektang ayuda sa MSMEs. Katumbas ng suweldo ng mga empleyado nila sa loob ng 6-12 buwan. Bakit? Para kahit lugi, bukas pa rin at iyong empleyado ay may pera sa bulsa para mamalengke, mag- grocery, pamasahe. Para umiikot ang pera. Pangalawa, nagbasa sila ng batas na discounted ang rental. Hindi puwedeng paalisin at habang nagbubukas pa lamang ng ekonomiya ay tsaka pa lamang nagtataas muli ang renta. Para sa gayon ay maakay at manatiling bukas pa rin. At pangatlo, binigyan ng panahon ng mula 3-5 taon para bayaran ang buwis na pagkakautang sa gobyerno. Installment pa. Talagang pag-akay para muling tumayo at bumangon. Hindi lamang MSMEs ang magbebenepisyo nu’n kung hindi buong bansa. Dagdag ko pa, ako ipaglalaban ko talaga ang pag repeal ng Oil Deregulation Law. Ipaglalaban ko talaga ang legislative wage increase. Gayundin ang pagreview ng Rice Tariffication Law na hindi tumupad sa mga pangako nila.

Q: (inaudible)

CHIZ: Same amount, Php20-B. Kasi, nakita ko ang ginastos ng gobyerno para sa Odette rehabilitation, nasa Php7-B na. For nationwide, nasa 12%. Php7-B is about 35%. (inaudible).

Q: Sir, are you for the abolition of the traditional jeepneys, Sir? There are so many apprehensions?

CHIZ: I did not allow that in my province. Pinipilit ako ng LTFRB, alam ko kasi, nabasa ko sa diyaryo ayaw ni Inday sa Davao City. Ang sabi ko, kumbinsihin ninyo muna siya at kapag nakumbinsi ninyo siya at saka ako papayag dito. Bakit? Number one, it’s real time, ngayon pang pandemya na lugi iyong mga jeepney drivers at sa mahabang panahon ay ngayon nila itutulak na gawin iyan. Pangalawa, it’s ill conceived. Ang hulog sa buwanang hulog nung bagong unit, Php34,000-Php38,000 a month. Mahirap lang ang gobyerno, hindi kakayanin ng tsuper iyon. Wala nang iuuwing pera ang tsuper. Hindi na kikita ng operator kung ganyan kalaki ang hulog. It’s a question of financing, not so much of a question on technology. Basta kaya iyong buwanang hulog tsaka tayo mag-modernize. Habang hindi pa kaya at may pandemya pa hindi muna dapat ipinipilit iyan. Hindi rin nila puwedeng i-require na tumigil na on a certain date na bibiyahe. Ano ang sasakyan ng tao?

Data says less than 50% of Filipinos have a car o even a motorcycle. 50% are dependent on public transportation. Kapag bigla mong ipinagbawal dahil hindi lamang modern ano ang sasakyan ng tao papunta sa trabaho niya? Sana pag-isipan kung pinag-isipan nga ng LTFRB iyan bago sila makipag-away at mag-insist na i-modernize na agad at bawal na agad. Kung striktuhan lang nila ang LTO, para hini nagko-cause ng pollution ang mga jeep, noise man o usok, kung mareresolbahan naman, parang modern na rin ‘yon. Hindi naman kailangang palitan talaga ‘yung unit. Tapos may mga balita pa tayo sa LTFRB na puwede ka lamang bumili, bumili at bumili ng unit sa mga supplier nila? At hindi malayang makakabili ng unit maski na sinong gusto na maaaring mas mura pa? Kailangan ng panahon pa para pag-aralan ‘yan at itama ang implementation bago gawin.

Q: Marami ang kumukwestiyon sa kredibilidad ng eleksyon ngayon dahil sa data breach. Ano ang comment nyo dito, Sir?

CHIZ: Hanggang ngayon, hindi ko nauunawaan ‘yung sinasabi nilang data breach. Madaling sabihin ‘yung data breach pero wala pa namang umaatras dahil may posibilidad na ‘yan. Lahat pa rin naman ng tumatakbo, tuloy pa rin naman sa pagtakbo diba? So paano nila sasabihing may dayaan kung tumatakbo pa sila? Maniniwala ako sa magsasabing may dayaan ang eleksyon kung kandidato sila at nagsabing, “aatras na ko at dadayain lang ako.” Maniniwala ako, baka may basehan talaga siya. Pero kung sasabihin nilang may daya pero tumatakbo pa rin, paano ka ba naman maniniwala nun?

Q: Ho about Smartmatic?

CHIZ: We have seen several protests as far as Smartmatic took or operationalized our automation. Sa karamihan ng protesta, lokal man o nasyonal, hindi malayo ang agwat ng boto ha. Sa nabilang ng Smartmatic, at yung resulta ng halalan, doon binilang ‘yung aktuwal na balota. One of those would be the protest between Senator Marcos and Vice President Robredo. Hindi nagkalayo ‘yung resulta nang binuksan ‘yung aktuwal na balota nung binilang so so far, hindi ko pinagtatanggol ang Smartmatic pero wala pa akong nakikitang sapat na ebidensya para sabihin na may malawakang dayaan sa nagdaang halalan at sana gayon din sa halalang ito. Ang problema sa Pilipino at sa kandidatong Pilipino, dalawang klase lang kasi madalas ang kandidato, ‘di ba? ‘Yung nanalo. Wala namang natatalo sa eleksyon sa Pilipinas. ‘Yung nanalo lang at nadaya. Sana dumating ‘yung panahon na makikita natin, nagko-concede ‘yung mga kandidato sa kalaban nila. That would be a sight to see. When I ran for V

vice president and loss, I was racing 3rd or 4th. I formally conceded. Magandang makita ‘yon. ‘Yung pa lang naman ‘yung tinatalunan kong eleksyon pero sana hindi na mangyari ulit pero I would like to see the time when candidates who did not make it in the election, would concede and congratulate their opponent. ‘Yan ang simula ng pagkakaisa ng bansa para maghilom ang sugat na dala ng halalan at bangayan sa halalan.

Q: Sir, another question, Sir. Foreign policy regarding the West Philippine Sea as issue sa ating bansa.

CHIZ: I am not anti-China, neither am I pro-China. I am not anti-US nor am I pro-US, I am simply pro-Filipino. Kung anuman ang nasa interes ng ating bansa, ika nga ng Konstitusyon, we should have an independent foreign policy, ‘yon ang dapat nating sundin at sundan. Ngayon, ang West Philippine Sea, atin ‘yan. May desisyon tayo na pinapatunayang atin ‘yan. Pero wala tayong kakayahan na ipatupad yung desisyon dahil mas makapangyarihan, mas malakas ang China. So habang wala pa, wag lang nating bitiwan.

Anong pumipigil sa gobyerno gumastos ng Php100-M lang, magpatayo ng mga permanenteng istraktura sa mga islang kontrolado natin. For the past three decades, ang tinitirhan ng mga sundalo’t resident doon, barko ng Navy na luma na sinadsad sa dalampasigan. Tumutulo pa pero pag umuulan lang. ‘Pag hindi naman umuulan, hindi naman daw tumutulo. Pero bakit hindi sila magpagawa ng permanenteng istraktura dun na puwedeng taguan ng mga mangingisda at ng kung sinumang bibisita roon para mapatunayan na may settlement na talaga djyan. Pangalawang punto, hindi ito rason para putulin natin ang ugnayan natin sa China. Marami tayong puwedeng pagkasunduan sa China tulag ng train at iba pang mga relasyon. Hindi porke’t may isa tayong problema, puputulin na natin ang ugnayan sa China. Ika nga ng ilang mga mambabatas, dito man o sa labas ng bansa, “let’s agree on what we can agree on and let’s set aside things we disagree on so that relationship between countries will continue and we do not have to go to war with each other.”

Q: (inaudible) anong klaseng leader po ba ‘yung dapat na magkaroon tayo?

CHIZ: Alam mo, walang prangkisa ang mga presidential candidate sa kanilang pinaglalaban. Wala namang bayad ‘yung slogan, wala namang titulo ‘yung slogan. Anong sinasabi ni Ka Leody? Magpasa naman ng batas at polisiya ang gobyerno na pumapabor sa mahirap. Huwag naman palagi, parati sa mayaman. Ano sinasabi ni Senator Pacquiao? Ipapakulong niya magnanakaw. Ano sinasabi ni Senator Ping? Lalabanan niya ‘yung corruption. Ano sinasabi ni Senator Marcos? Gusto raw nya magkaisa ang buong bansa. Anong sinasabi ni Vice President Leni? Aangat daw ang buhay ng lahat. Anong sinasabi ni Mayor Isko? Gusto niya mabilis ang kilo tuwing may pandemya at kalamidad.

Hindi ba tayo puwedeng magkaroon ng presidente na lalabanan ang corruption, papakulong ang corrupt, pag-iisahin ang buong bansa, tiyakin na aangat ang buhay ng lahat lalu na ang mahirap. Mabilis na kikilos kapagka may kalamidad at pandemya at titiyakin at papaboran naman ngayon ‘yung mahirap kaysa mayaman sa mga polisiya ng gobyerno. Can’t we have it all? Wala namang may monopoliya at prangkisa sa mga plataporma na ‘yan. Sana kung sino ang mananalo, pagpulutan nya ng ideya at aral ‘yung mga plataporma ng mga katunggali niya dahil wala namang pumipigil sa kanyang gawin ‘yon ‘pag siya na ang nanalo. ‘Yon ang presidente na hinahanap ko at ‘yun ang klase ng presidente na gusto ko sanang makita matapos ang halalang ito, anuman ang kulay na dinadala niya.

Q: Sino kaya ‘yon? Lima yata ‘yon.

CHIZ: Malalaman natin ‘yan pag nanalo na. One more thing, I think 73 governors have endorsed but I am the only governor who is running for the Senate. So as governor, bilang ama ng lalawigan, gusto ko, malayang makapagdesisyon ang mga kababayan kong Sorsoganon na walang pressure kahit kanino, kahit kanino galing, lalo na galing sa gobernador kaya binuksan ko ang lalawigan namin.

Lahat ng kandidato in-entertain ko, hinost ko at kung sinong gusto nilang ma-meet ako na nagpatawag para makilala sila ng aming mga kababayan. Mas mahalaga sa akin hindi ‘yung endorsement sa eleksyon. Mas mahalaga para sa akin na ‘yung bangayan at away matigil na pagkatapos ng May 9. Magkasundo tayo sabay-sabay tayong magtrabaho. Kung wala akong ineendorso baka mas may papel akong pwedeng gampanan para ngang tulay ‘yon, para mas mangyari ‘yon dahil lahat ng nangangampi ngayon mahirap namang makumbinse na ito lang ‘yung sa kabila.

Q: So, you will be the bridge whoever wins?

CHIZ: Kung kakailanganin para mabigyan ng pagkakataon at tsansa sinong mananalo. Sino man ang mananalo gusto man niyo o ayaw ninyo, binoto man niyo o hindi tandan niyo isang bagay lang, sa demokrasya isa lang ang batas na sinusunod ang gusto ng nakararami. Kung ano ang gusto ng nakararami sa demokrasya dapat ‘yon ang sundin nating lahat sang-ayon man tayo o hindi. And that’s a principle, that’s an idea that we should all embrace since within democracy.

Q: Senator, consistent po kayo sa survey na it means nakita niyo ‘yung tiwala ng mga kababayan ho natin sa inyo hanggang eleksyon.

CHIZ: Sana tumuloy hanggang eleksyon. Madalas kong sinasabi habang nagpapasalamat ako sa mataas na rating sa survey, survey lang ‘yan. Boto pa rin sa araw ng eleksyon ang binibilang at hindi boto sa survey. Kaya sinuman ang mataas o mababa, tuluy-tuloy ‘yon dapat sa pangangampanya. Tuluy-tuloy lang sa pagpaparinig ng kanilang mensahe. At number one, number three, number five o number ten man pare-pareho lang ang suweldo nun sa Senado, pare-pareho rin ang tawag. Hindi naman mas malaki ang kuwarto ‘pag number one ka. Hindi naman mas mataas ang suweldo mo ‘pag number three ka kumpara sa number eight. Pare-pareho lang ‘yon.

Q: ‘Yung Senate President.

CHIZ: Pareho rin ng sweldo. Mas malaki ang kuwarto ng Senate President pero wala sa ranking ‘yon.

Q: Kayo Sir, na kayo sa Senate in the future (inaudible)

CHIZ: I have always been. Let me clarify my thoughts on this. The Senate President, for example, serves at the pleasure of senators. ‘Di ba puwede siyang (inaudible) kahit kailan. But I think the Senate President or any senator should not serve the pleasure, although they serve at the pleasure, they should not serve the pleasure of their fellow senators. They should serve the pleasure of the people and constituents of the office. Mas maraming mahirap sa ating bansa kumpara sa mayaman. Ang rason kung bakit nanalong mga senador, presidente at bise-presidente ay dahil sa boto ng mas maraming mahirap nating kababayan. Sila ang dapat pinagsisilbihan ng matataas na opisyal ngayon.

Q: Sir, your wife Heart Evangelista is a very sikat na influencer tsaka actress. Do you think it’s a big factor ‘yon na mataas ‘yung ratings mo?

CHIZ: Oo naman para sabihin kong hindi. Kayabangan at kahibangan ‘yon. Bahagi pa lang ‘yon. Pero hindi lang din naman siguro ‘yon kasi remember I was already a member of the Senate when I met her. So kahit papano may ambag at puhunan naman siguro. Buti na lang naalala mo ‘yung mga, hindi na ako magbabanggit ng pangalan. Naalala mo ginagamit ‘yung pangalan nung mga asawa nila na ‘yon daw ‘yung senador at hindi ‘yung senador talaga. Buti na lang pinakasalan ko na si Heart. “Escudero” na rin ang apelyido niya. So maski sabihing Senator Escudero ako pa rin ‘yon hindi siya.

May kasunduan kami ni Heart. Kahit kailan hindi siya papasok sa pulitika at kahit kailan hindi rin ako papasok sa showbiz kung tatanggapin ako. Hindi, hindi nga puwede kahit pwede. Kasunduan na namin ‘yon para may dala kaming kuwentong magkaiba pag-uwi ng bahay. Mahirap naman kung pareho kaming nasa pulitika. ‘Yung kaaway niya, kaawa ako. Pareho kaming nasa showbiz ‘yung kalaban niya, kalaban ko. Kung problemado siya, problemado rin ako. Maganda ‘yung ugnayan namin ngayon lalo magkaiba ‘yung mundo namin. Natututo kami sa isa’t isa kaya kumpleto ako sa chismis. Pangalawa, puwede naming pagandahin ‘yung araw ng isa’t isa dahil magkaiba nga ‘yung mundo namin. Masama man ang araw ko, baka maganda ‘yung araw niya puwede niyang pagandahin ‘yung araw ko. Pangatlo, dahil magkaiba kami ng trabaho hindi kami ganun kadalas nagkikita ‘pag may trabaho siya ganoon din ako ‘yung kampanya parang sa mag-asawa o magkarelasyon. ‘Di ba ‘pag hindi kayo nagkikita, ‘pag LDR, ‘pag nagkita kayo siyempre may gigil. Nami-miss may papisil-pisil na nami-miss. Minsan maganda rin yung LDR huwag lang palagi.

Q: Mr. Governor, are you for regionalizing sectors?

CHIZ: Sectors? I’m open to it actually. I only have one reservation and take you with the grain of salt that I will say because it tends to benefit or not benefit me. Mangyayari ‘yan sa kada rehiyon kung anong pinakamalaking probinsya diyan na manggagaling palagi ‘yung regional center. At ang malamang tututukan ‘yan ng serbisyo ‘yung pinakamalaking probinsya rin ‘pag nagkataong pinakamayamang probinsya rin sa region. To the detriment of the poor provinces, you have the region.

If it’s national may pag-asa ang isang taga-Sorsogon tulad ko na manalo bilang senador para mabigyan naman ng atensyon din ‘yung maliit at mahirap naming probinsya. Otherwise, ang palaging tutok ng mga senador sa malalaking probinsya at dati ng mayayamang probinsya palagi. At ang tanong ko sa dami ng kailangang gastusan na serbisyo at ayuda ng gobyerno, gusto pa talaga niyong dagdagan pa natin ng empleyado at opisyal ng gobyerno. Imbes na 24 gagawin na lang 48 o 72 senators ‘yan na lahat may suweldo. Sa dami ng may wangwang sa bansa, gusto niyo pang dagdagan ‘yon? Sa dami ng maangas sa airport na dumadaan at pumapasok lang, gusto niyo bang dagdagan talaga ‘yon? You’ll always have it in your court if that’s what you’re looking for, that’s what you want. But on my part, I’ve opened it. I’m willing to listen to any proposals leading to it but I have yet to see the acceptable one.

Q: Sir, if we look at the recent surveys it is highly possible that the Senate will feature siblings, mother and son, father and son. But some people are completely (inaudible). What do you think?

CHIZ: If you are looking at the surveys and the Senate right now, tama ka, sa 24 na senador, posibleng manggaling sa apat na pamilya lamang. That’s one-third of the Senate. Dahil demokrasya ito, kung talagang may nagrereklamo at ganoon karami ang nagrereklamong may ayaw ‘di ‘wag niyong iboto. Binoboto, gusto ng tao again the democracy only follows one rule, the rule of majority.

Q: Do you (inaudible) senators coming from (inaudible)?

CHIZ: Again, walang tama o mali, basta’t pinili ng tao. If you’re leading to a question of dynasty, again take with a grain of salt (inaudible). I’ll give you an example of the dynasty bills that I saw na hindi siya practical if you apply it in the real world. Halimbawa, noong tumakbong president si Pangulong Aquino, Noynoy tumakbo ding Senador si Bam Aquino. Tumakbo din ng congressman o mayor ‘yong isang pinsan niya, they are all within the fourth civil degree. Kung magkaibigan sila’t magkakampi ‘di sige i-require nating isa lang. Pero paano ‘pag kalaban niya talaga at kaaway niya ‘yung uncle niya, ‘yung pinsan niya, ‘yung kapatid niya? Hindi naman lahat ng pamilya magkakasundo. So paano kung ang popular choice at that time si Pangulong Noynoy Aquino mas may boto, may pinatakbo ‘yung kalaban niya na kapatid pero hindi niya kasundo, pinsan na hindi niya kasundo, uncle hindi niya kasundo, hindi na siya puwedeng tumakbo?

It’s not always (inaudible) magagamit din ‘yon from the opposite. ‘Di ba on the opposite, so ano ‘yong limitation? How do you guard against it? O paano kung senador ‘yong isa pero mayor lang ‘yung isa, puwede ba? Paano kung konsehal ang tinakbuhan at governor sa ibang probinsya ‘yung isa, puwede na ba kapag nag-iba ng probinsya o bawal lang ba sa parehong probinsya, ‘di ba? I have yet to see a logical and rational bill on dynasty.

Last point on dynasty, isa sa mga rason kung bakit tayo nagka-dynasty ay dahil sa kung susuriin ninyo at may pag-aaral akong nabasa dahil sa three-term limit. Nag-graduate ‘ung governor na patriarch, hindi na siya puwedeng tumakbo. So maghahanap siya ng ibang puwestong tatakbuhan like congressman or mayor at patatakbuhin niya ngayon ‘yung asawa’t anak niya na governor. This is just an example. Syempre nakatikim na, gustong bumalik ngayon nung tatay, syempre may kailangang pumalit sa kanya as congressman or mayor at ‘yong anak niyang nakatikim na kailangan hanapan na naman ng puwesto.

If you look at it that’s one of the reasons that prompted a dynasty. Dati naman kasi, in the ‘70s and ‘60s isa lang ang pulitiko sa pamilya because he can run and serve for life until he dies or get sick. Pero dahil sa three-term limit, ‘di ba, “Diyan ka muna, painitin mo muna ‘yung upuan, babalik ako. Nagkapuwesto na kailangan bigyan ulit ng puwesto.” So, I hope a study will really be made comprehensively looking at these things. So, we’ll know exactly what we’re dealing with. Because if you correct the three-term limit and make the elections clean baka kusang mawala ‘yong dynasty.

Q: Governor Chiz this is your first-time pa lang sa governor seat sa Sorsogon Sir. (inaudible) iiwan mo ang Sorsogon, babalik ka ng Senado.

CHIZ: Dahil sa pandemya ang pangunahing rason. Nadiskubre ko kahit gaano ako kagaling bilang gobernador, kahit magtatatalon, magta-tumbling, magsasayaw ako bilang gobernador may hanganan ang mararating ng aming probinsya kung hindi aangat ang buong bansa.  Pangalawa na kadahilanan, ang dami kong nakitang problema sa national government na nais kong iwasto mula noong makita ko bilang lokal na opisyal. Alam ba niyo, halimbawa, na ang budget ng province of Cebu, the ordinance of the provincial budget of Cebu is will be reviewed by the DBM Regional Office at kung may ayaw silang item sa budget na ‘yon hindi puwedeng gastusan ng province of Cebu ‘yon. Maski na galing sa IRA at locally-generated revenue nila ‘yon. Bakit pera naming ‘yon? Pera ng LGU ‘yon. Anong say ninyo? Paano niyo sasabihin na mas alam niyo ang kailangan ng Cebu, kami ang nandito. These are some of things I want to change as I go back to the Senate. Pangalawang rason, ang trabaho ng misis ko ay nasa Maynila, ako ang trabaho ko bilang gobernador nasa probinsya. Kapag patagalin ko pa pagiging gobernador ko baka pag-uwi ko may malaking tsinelas na sa bahay na hindi sa akin.

Q: (inaudible)

CHIZ: Minsan-minsan. Hangang tatlong taon pwede, patagalin mo pa ng mga limang taon ‘yan, hindi mo na alam. Buti sana kung maliit na tsinelas, ibig sabihin kayang kaya ko ‘yon, kung mas malaking tsinelas?

Q: Sir, what about (inaudible) online sabong. Anong take po ninyo dito Sir?

CHIZ: This is a franchise granted by PAGCOR. Para sa akin, nais kong tignan ang guidelines ng PAGCOR kung paano matitiyak na hindi makakasali ang below 18. Pangalawa, kung paano magagawan ng paraan na lagyan ng cap. Hindi naman puwedeng pati hanapbuhay at kinabukasan ng mga tumataya ay naitaya na diyan. Dapat may hangganan naman, pahirapin mo naman na tumaya ng malaki. So hindi dapat lahat, kung makikita mo ‘yong e-sabong, Php100, Php200, Php300, Php 400, Php500, tapos may blangko puwede mo ilagay any amount. So halimbawa na regulasyon, tanggalin mo na ‘yon, ang puwede lang pumasok doon ‘yon talagang may kapasidad para naman hindi malulong ‘yong ating mga kababayan. Sunod, gusto ko bigyan ng kapangyarihan ang LGU, probinsya man o siyudad na magdesisyon, may say naman. At kung totoo ang sinasabi ni Pangulong Duterte na malaki ang kita diyan ng gobyerno ‘di bigyan naman nila ng parte at share ang lokal na pamahalaan mula dito. At bigyan nila ng say ang lokal na pamahalaan kung gaano kadalas at kung gaano ka puwede o bawal ‘yan sa kani-kanilang probinsya’t siyudad.

Q: Sir, going back doon sa “Build, Build, Build Program”.  What do you think are the advantages of this program and why you want the future administration continue?

CHIZ: Because it’s an investment.  We have not invested this much in infrastructure compared to the administration of previous presidents.  Dapat magpatuloy ito hindi ito puwedeng panaka-naka lang.  Ngayon meron bukas wala sunod na administrasyon wala naman.  Mas maganda ‘yung tuloy-tuloy para makahabol tayo sa karatig bansa natin.  We have not invested this much in agriculture and infrastructure like the previous administrations.  This should be continued.  Napag-iwanan na tayo ng mga ibang bansa dahil diyan?

Q: Governor ano ang stand niyo pagbalik ng face to face classes kasi parang (inaudible) ‘pag (inaudible) ang daming tao walang (inaudible) pero bawal pa rin ang (inaudible)

CHIZ: Nakakatawa talaga at nakakainis.  Tulad ngayon matagal na nilang pinayagan ang sabong mismo.  Pero ang face-to-face hindi pa pinapayagan.  Hindi ba?  Pinayagan nila mga sabungan.  I have been battling for face to face since August of 2020.  Ang ipinasa ko in Sorsogon out of 541 barangays 52% of our barangays haven’t had a single case of COVID since the beginning of the pandemic upto today.  Bakit hindi pa payagan ang face-to-face sa mga barangay na ‘yan?  Elementary schools lang lalo na ‘yung hindi malalayong barangay (inaudible) walang COVID parang bubble iyon at wala naman internet connection doon.  Purely modular ang teaching doon.  Kawawa ang mga estudyante. Pangalawa, mental health is actually a serious problem after ng pandemic.  Nawawalan ng social skills ang mga bata hindi lang pagturing, makitungo sa kapwa nila bata lalo na pakikitungo nila sa mas matatanda sa kanila.  I will be battling kung makabalik ako sa Senado isa ‘yan sa mga paglalaban ko.  Hindi kailangan ng batas niyan.  Kailangan nun pamalo, paluin ‘yung DepEd at payagan na ‘yan.

Q: Governor Chiz, Heart was here few weeks ago.  She was asked regarding sa sino ba ‘yung napiling presidential candidate (inaudible) meron ka nang napupusuan pero hindi niya (inaudible) pero magkaiba kayo ng napiling pangulo  (inaudible)

CHIZ: Ikaw ba naman sabihan ng (inaudible) Ito na ang pinakamainit na eleksyon nakita ko.  Since I first (inaudible) in 1998 malimit hindi dahil pagpapatayan mga kandidato.  Mainit dahil nag-aaway-away ang mga tao.  Magkamag-anak, magkaibigan, magkapitbahay, magkatrabaho, mag-asawa, mag syota dahil iba ang pananaw sa pagboto sa pagka-presidente.  Mainit in that sense.

But ngayon remember, we don’t forget anuman ang kulay nilang dala, blue, white, pink, red sa dulo dapat pare-pareho tayong kulay pagkatapos ng eleksyon.  Kulay na sumasagisag sa bandila at watawat ng Pilipinas, red, blue, white and may kaunting dilaw.  Sa dulo, pare-pareho tayong Pilipino, pare-pareho tayong nakatira pa rin sa Pilipinas. At tandaan niyo rin ‘yung mga kandidatong ‘yan magkakaibigan ‘yan.  Ang pangit naman tingnan ninyo ‘yung mga supporters hindi na nagpapansinan sampung taon matapos ang 2022 Elections, tapos ‘yung mga kandidato sinusuportahan nila sinuman manalo. ‘Pag nagkita, “uy pare, uy mare.”  Hindi naman yata tama iyon.

Sana matuto tayo palipasin ang init ng halalan. At huwag natin tingnan ang kapwa natin based who they voted for the last elections.  You should look at the person you’re talking to as that person not that he or she vote in the last elections.  Kapag may kapalpakan ginawa, ‘yung binoto sinuportahan iyon pinagsisigawan niya noong halalan pati siya aawayin mo na.  Huwag naman.

I read a quote on TikTok and would like to share with you which says, “We don’t have to agree on anything be kind to one another.”  Kailangan magkasundo lahat ng bagay para maging mabuti tayo sa kapwa natin.  Sana ilagay sa isip natin sa mainit na halalan at eleksyon na ito at matuto tayong galangin ang binoboto at huwag nating sabihin mali.  Ulitin ko, walang maling boto sa halalan.  Dahil iisa lamang sinusunod sa halalan ang gusto ng nakakarami.  Kung anuman iyon at kung ano man ang basehan n’un karapatan ng bawat botante magpasya at sabihin iyun.

Q: Sir, one last question, Sir. Ano ang reaksyon doon sa pag-veto ni President Duterte sa SIM card bill (inaudible) kasama niyo si Senator Sherwin Gatchalian na (inaudible) sa next Congress na-i-file (inaudible) will you support that?

CHIZ: Gusto ko makita ‘yung laman.  Ayon kay Pangulong Duterte vineto niya iyo dahil pati ‘yung social media kailangan may identification.  Hindi ka puwedeng gumawa ng account na fictitious.  Parang medyo lumagpas na iyon sa intensyon ng batas.  Ang intensyon ng batas i-register ang cellphone para paggagamitin sa krimen madaling ma-trace ng kapulisan ‘yung mga prepaid numbers.  Pero ‘pag social media account ang pinag-uusapan na kailangan mo i-rehistro, baka tumatawid at lumalagpas na iyon sa kalayaan sa pamamahayag dahil sa isa sa mga platform ng pamamahayag ay social media.  So nais ko tingnan ‘yung probisyon na iyon kung bakit ito vineto ni Pangulong Duterte.

Q: Message po para sa mga Cebuano community, Sir.

CHIZ: Sa dami ng sinabi ko?

Q: Specific message.

CHIZ: Hiling at dalangin ko na lamang na sana maging mapayapa, maayos at malinis ang halalan hindi lamang sa siyudad at lalawigan ng Cebu gayundin sa buong bansa.  Hiling ko muli ang tulong at suporta ng mga Cebuano sa pagharap ko sa dambana ng balota para maging miyembro muli ng Senado.  Ang aking iniaalay anumang talino, talento, galing, tapang o karanasan meron ako para makapagbigay ng sagot at solusyon sa mabibigat na problema kinakaharap ng ating bansa sa ngayon.  Sa muli, taos pusong pagbati.  Maraming salamat po sa oras.  Magandang hapon sa inyong lahat. Salamat.