CHIZ NANGUNA SA STUDENT MOCK POLLS SA PAGADIAN CITY

 

Lalong lumakas ang posisyon ni Sorsogon Governor Chiz Escudero bilang nangungunang kandidato sa pagkasenador para sa mga kabataan at mag-aaral matapos siyang piliin ng 67.7% ng respondents sa mock polls na isinagawa ng Saint Columban College sa Pagadian City kamakailan.

Nakuha ni Escudero, na nag-iisang kasalukuyang gobernador na tumatakbo para senador, ang unang puwesto sa hanay ng mahigit 60 kandidato na naglalaban-laban para sa 12 puwesto sa Senado sa senatorial mock polls na isinagawa noong Abril 16.

Bukod sa nasabing paaralan sa Pagadian City, si Escudero ay numero uno rin sa pagkasenador para sa mga mag-aaral ng tatlo pang unibersidad – ang La Salle University-Ozamiz, Sorsogon State University, at Philippine National University-Mindanao campus. Napabilang din ang gobernador ng probinsiya sa Magic 12 sa mahigit 30 kolehiyo at unibersidad na nagsagawa rin ng kaniya-kaniyang mock elections.

Si Escudero ay gustong-gustong manalo ng mga mag-aaral base na rin sa mga resulta ng iba’t ibang surveys sa mga eskuwelahan. Siya ay nanguna sa isang pre-election survey na isinagawa ng Catholic Educational Association of the Philippines na kinabibilangan ng 1,525 paaralan.

Kung pagbabasehan ang iba’t ibang independent national surveys, litaw na litaw na makakukuha uli si Escudero ng panibagong anim na taong termnino sa Senado. Naungusan din niya ang ibang mga kandidato sa Pahayag senatorial survey ng Publicus Asia na inalabas nito lang Abril 25 habang pumangatlo naman sa opinion poll na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. na isinapubliko noong Biyernes o 10 araw bago ang pambansang halalan sa Mayo 9.

Sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin niya ang mga lokal na pamahalaan, at kanyang sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Kung pagbabasehan ang iba’t ibang independent national surveys, litaw na litaw na makakukuha uli si Escudero ng panibagong anim na taong termnino sa Senado. Naungusan din niya ang ibang mga kandidato sa Pahayag senatorial survey ng Publicus Asia na inalabas nito lang Abril 25 habang pumangatlo naman sa opinion poll na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. na isinapubliko noong Biyernes o 10 araw bago ang pambansang halalan sa Mayo 9.

Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado dahil sa magandang track record bilang isang beteranong mambabatas na aniya’y napakaimportante sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya. Ang kanyang anak na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.

Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.

Ang League of Provinces of the Philippines ay isinama rin si Escudero sa listahan nito ng iniendorsong anim na kandidato sa pagkasenador sa halalan sa Mayo 9 habang nag mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin para sa kanyang balik-Senado.

Ang dating senador ay sinusuportahan din ng mga party-list group na kinabibilangan ng Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, BTS, Kusog Bikolano, KAPUSO-PM, at Uswag Ilonggo, at pati ng grupo ng kabataang Pilipino na Nationalist Social-Democratic Society.

Ang pinakamalaking non-government organization sa bansa na Federation of Free Farmers, na may 200,000 miyembro, ay naghayag na rin ng pagsuporta sa kampanya ni Escudero.