CHIZ NO. 1 PA RIN SA NATIONWIDE SENATORIAL SURVEY

 

Nananatiling nangunguna si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa hanay ng mahigit 60 kandidato na naglalaban-laban para sa 12 puwesto sa Senado, ayon sa pinakabagong poll na isinagawa ng Publicus Asia noong April 19-21.

Makikita sa pinakabagong Pahayag National Tracker 2022 Senatorial Survey Series ng Publicus Asia, na inilabas noong Lunes o 14 araw bago ang halalan sa Mayo 9, na nanguna si Escudero sa nationwide survey kung saan nakakuha sinabi ng 46.8% ng respondents na iboboto nila ang beteranong mambabatas sa panahong ginawa ang survey.

Si Escudero, ang nag-iisang kasalukuyang gobernador na kumakandidato para senador, ay palaging nangunguna sa mga survey ng Publicus Asia simula ng huling tatlong buwan ng 2020.

Sinabi ng Public Asia na ang mga respondents ng kanilang non-commissioned independent survey ay random na pinili ng Singapore office ng kompanya sa US na PureSpectrum mula sa market research panel nito naglalaman ng 200,000 Pilipino. Ang nationwide survey ay may margin of error na +/-3 percent.

Ayon sa research firm, nakalimita lamang ang mga respondent para sa mga rehistradong botante at ginawa ang pagkuha sa mga ito base sa pormulasyon upang maakma sa kung ano ba talaga ang mga botante sa lugar basehan ang mga numero ng Commission on Elections.

Sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin niya ang mga lokal na pamahalaan, at kanyang sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado dahil sa magandang track record bilang isang beteranong mambabatas na aniya’y napakaimportante sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya. Ang kanyang anak na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.

Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.

Ang League of Provinces of the Philippines ay isinama rin si Escudero sa listahan nito ng iniendorsong anim na kandidato sa pagkasenador sa halalan sa Mayo 9 habang nag mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin para sa kanyang balik-Senado.

Ang dating senador ay sinusuportahan din ng mga party-list group na kinabibilangan ng Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, Kusog Bikolano, KAPUSO-PM, at Uswag Ilonggo, at pati ng grupo ng kabataang Pilipino na Nationalist Social-Democratic Society.

Ang pinakamalaking non-government organization sa bansa na Federation of Free Farmers, na may 200,000 miyembro, ay naghayag na rin ng pagsuporta sa kampanya ni Escudero.

Lumilitaw rin na gustong-gusto manalo ng mga estudyante ang dating senador para sa karera sa Senado na makikita naman sa mga resulta ng mock elections na isinagawa ng hindi bababa 36 kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.