Nanguna si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa senatorial mock polls na isinagawa ng La Salle University sa Ozamiz City mula Marso 23-25 kung saan 47% ng mga estudyante sa kolehiyo ang nagsabi na kanilang iboboto ang beteranong mambabatas.
Ayon sa University Student Government, 1,449 mag-aaral ang nakibahagi sa “LSU Votes: Philippine Mock Election 2022” na ginanap noong nakaraang buwan sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections, Integrated School Student Government, at Junior Philippine Institute of Accountants.
Si Escudero, na nag-iisang kasalukuyang gobernador na kumakandidato para bagong anim na taong termino sa Senado, ay palaging nangunguna ang beteranong mambabatas para sa mga respondent ng mga survey at mock election na isinasagawa ng iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa.
Number 1 choice din si Escudero sa pagkasenador para sa respondents sa survey na isinagawa ng Catholic Educational Association of the Philippines na kinabibilangan ng 1,525 paaralan.
Kabilang din siya sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador para sa mga mag-aaral ng Mindanao State University sa main campus nito sa Marawi City at mga satellite campus nito sa Iligan City at General Santos City.
Number 1 choice din si Escudero sa pagkasenador para sa respondents sa survey na isinagawa ng Catholic Educational Association of the Philippines na kinabibilangan ng 1,525 paaralan.
Noong Pebrero, nag-number 1 ang gobernador sa listahan ng mga senatorial candidate nang piliin siya ng 59.46% ng kabuuang bilang ng respondents mula sa Philippine Normal University-Mindanao Campus.
Sa “Likha Pahinarya: Mock Elections Survey 2022,” na isinagawa mula Marso 12-25 at inorganisa ng Likha Pahinarya, ang opisyal na pahayagan ng College of Allied Health Sciences ng Cagayan State University sa Tuguegarao City, napabilang si Escudero sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador nang sabihin ng halos 60% respondents ng online survey na siya’y iboboto nila.
Noong Pebrero, nag-number 1 ang gobernador sa listahan ng mga senatorial candidate nang piliin siya ng 59.46% ng kabuuang bilang ng respondents mula sa Philippine Normal University-Mindanao Campus.
Isang dating senador sa loob ng 12 taon, sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang tututukan ang pagpapalakas sa mga lokal na pamahalaan at tutulong siya sa susunod na administrasyon sa pagsolusyon sa mga problemang pang-ekonomiya at pangkalusugang hatid ng COVID-19 pandemic.
Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado kasabay ng pagsasabi na malaki ang papel na gagampanan nito sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya.
Maging anak ni Duterte na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.
Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.
Ang mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin kay Escudero.
Naghayag na rin ng pagsuporta ang mga party-list group para sa kanyang balik-Senado at ito’y ang Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, BTS, Kusog Bikolano, at KAPUSO-PM.
Ang Federation of Free Farmers, na isang napakalaking non-government organization na may 200,000 miyembro, ay naghayag na rin ng pagsuporta sa balik-Senado ni Escudero.