DAMDAMING BAYAN

 

DEO MACALMA (DM): Nasa ating linya na mga kaibigan ang dating congressman, dating senador, ngayon ay gobernador at ngayon ay magbabalik Senado, Senator Chiz Escudero. Senator Chiz, mas sanay kaming tawaging senator kaysa governor. Senator Chiz, magandang umaga po sa inyo.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Deo, magandang umaga sa iyo sa lahat ng taga-pakinig natin mula sa buong bansa, magandang umaga po sa inyong lahat. Kumusta ka na, Deo?

DM: Maayos naman po, Senator, Sir. Iba talaga ‘pag ka nasa top five ang rating, ano? At ang ngiti talaga ay abot-tenga, consistent, ano? Anyway, ayan sa latest survey ng Publicus Asia, Senator, ay kayo po ay.

OK, ulitin natin, so si ano ba si Madam Heart ba ay nangangampanya? Mukhang hindi naman worried kasi nakikita natin sa social media mukhang panay ang modeling sa abroad, sa Paris. Siya ba ay, hindi ata nag-iikot para kayo po ay ikampanya pa sa pagka-senador ulit?

Ayan, chini-check po mga kaibigan, inaayos ang signal ni Sorsogon Governor Chiz Escudero. Sa latest survey ng OCTA Research, ‘yung second to the last ay ‘yung Publicus Asia, ay dito sa OCTA Research number 1 si Raffy Tulfo, number 2 Mark Villar, aba sikat na sikat pa rin ang Sec. Mark Villar, number 3 Loren Legarda, 4 four Zubiri at number 5 Chiz Escudero.

Ayan, Senator Chiz, OK na po ba? OK na ang signal natin? Senator Chiz, alam po ninyo ay may mga iba’t-ibang kulay sa pulitika ang nangyayari ngayon, Senator. Ang may nag-eendorso sa inyo katulad ni Pangulong Digong, Mayor Inday at Vice President Leni Robredo. Na kay VP pala kayo.  Ano ang epekto ng mga endorsement na ganito, Senator Chiz? Mahalaga ba ang endorsement ng mga sikat na pulitiko at matataas na opisyal?

CHIZ: Nagpapasalamat po ako kay Pangulong Duterte, kay Vice President Leni Robredo, kay Mayor Inday Sara at sa ibang personalidad at grupo na nag-endorso ng aking kandidatura. Malaking bagay para sa akin Deo dahil mag-isa lamang naman ako na naglilibot at parang independent iyong aking pagtakbo. Pero, nais kong idagdag din Deo, ito na siguro ang isa sa pinakamainit na eleksyon na nakita ko kung saan magkaibigan, magkatrabaho, magkamag-anak, magkapitbahay, nag-aaway-away dahil lamang sa magkaiba sila ng kulay na sinusuportahan sa halalang ito.

Sana, nais kong ipaalala sa ating mga kababayan, anuman ang kulay na sinusuportahan nila, sana pagkatapos ng eleksyon, mga kulay na lamang ng pula, asul at puti at may kaunting dilaw ang ating dala-dala. Mga kulay na sumasagisag sa bandila at watawat ng ating bansa dahil sa dulo pare-pareho pa rin tayong Pilipino at pare-pareho pa rin tayong naninirahan sa Pilipinas. At sinuman ang mananalo dapat pantay niyang pagsilbihan ang bawat Pilipino, sinuportahan o ibinoto o hindi man sila.

DM: Ayan tama ho kayo, Senator Chiz. Pero ang tanong ko ay ang iyong yumaong ama ay Sec. Sonny Escudero ay kilalang die-hard Marcos fan kasi siya ang Agriculture Secretary noong panahon ni Marcos. Bakit kayo nasa kabilang bakod kayo, kay VP Leni at hindi kay BBM?

CHIZ: Ang nag-adopt sa akin Deo ay si Vice President Robredo, Senator Manny Pacquiao at Senator Ping Lacson. Adoption lamang ‘yon. Syempre, alangan namang sabihin mo na ayaw kong magpa-ampon samantalang kailangan naman talaga ng tulong ng lahat ng tumatakbo. Nagkataon na sila lamang ang nag-adopt sa aking kandidatura at nagpasalamat ako sa kanilang pag-ampon sa kandidatura ko.

DM: So, sino ang presidente mo?

CHIZ: Palagi akong may iboboto Deo pero wala akong ini-endorso dahil ako lang yata ang tumatakbong senador na nakaupong gobernador. Nais kong malayang makapili ang aking mga kababayang Sorsoganon ng walang pressure mula kanino lalong-lalo na mula sa gobernador nila.

DM: Ayan, napag-usapan na rin nating na ang pulitika ay ano ang masasabi mo, Senator Chiz sa pamamayagpag ni BBM at Sarah Inday sa pinakahuling survey?

CHIZ: Sa tagal ko sa pulitika Deo, ikaw din siguro sa iyong panonood at pagbabalita ng pulitika ay ito na siguro ang pinakamalaking mga numerong nakita ko at kulang-kulang tatlong Linggo bago dumating ang halalan. Kung magpapatuloy ito at walang pagbabagong mangyayaring malaki, yung nakakagulantang talagang pagbabago, papunta na tayo sa pinapakita ng mga survey ngayon na resulta sa halalan. At sa mahabang panahon na rin Deo, hindi nananalo ang magka-tandem sa ating bansa nitong nagdaang tatlo o apat na eleksyon. Kung totoo at magpapatuloy yung mga numerong yan hanggang sa araw ng eleksyon, ito na rin siguro ang unang pagkakataong makalipas ang mahabang panahon na magka-tandem ang ating magiging pangulo at ikalawang pangulo.

DM: Alam mo ‘yan ang naging issue sa mga nakalipas na eleksyon, Senator Chiz. Wala ba kayong balak na kung makabalik kayo sa Senado, baguhin ba, magkaroon ba ng block voting kung sinong manalong Presidente, automatic ‘yung vice na rin ang mananalong bise tulad sa Amerika.  Wala ba kayong planong ganyang pagbabago sa atin eleksyon pulitika, electoral reforms?

CHIZ:  Mababago lamang iyan, Deo, kapag inamyendahan natin ang Saligang-Batas dahil ayon sa Saligang-Batas pangalan ng ikalawang pangulo ay dapat nasa balota.  Ang block voting Deo sa Amerika hindi lumalabas ang pangalan ng ikalawang pangulo sa balota.  Ang binoboto lamang nila doon ay pangalan ng pangulo.  Wala pong binobotong vice president dahil automatic nga doon.  Kung sinong manalong pangulo, automatic na iyung running-mate niya ang vice president.

DM: Ganoon pala iyon.  Anyway, Senator Chiz may natutunan kami sa inyo.  Kayo po ay gobernador ng Sorsogon.  Iiwanan niyo ang Sorsogon paano ‘yung mga proyektong maiwan doon at mare-replicate pa ba thru legislation mga ginawa sa Sorsogon, Senator Sir?

CHIZ: Well, una sa lahat, hindi lang pamilya namin na ako ang bida, magaling at kayang gawin ang mga bagay na nito.  May mga apelyido rin at pamilya na kayang gawin po ito baka mas magaling pa nga, Deo.  Ang nais kong gawin sa buong bansa na nagawa namin bagaman hindi gaano kayamanan ang probinsiya ng Sorsogon.  Halimbawa, ang pagpapatupad ng UHC sa bawat probinsiya ng bansa dumaan kami sa butas ng karayom para ito ay magawa at kami ang nangunguna sa pagpapatupad ng UHC sa buong bansa.  At kami ang may pinaka-advance health care network system sa mga probinsiya sa bansa.

Pangalawa, ang pagkakaroon interface cemetery upang sa gayon kung may pumanaw na mahal sa buhay ang sinumang Sorsoganon na anumang relihiyon niya meron pong pagdadalhan ang kanilang pumanaw sa buhay ng hindi kailangan mag-alala dahil karamihan ng catholic at public cemetery sa buong bansa ay puno na pribado na lamang ang naiiwan.  Ang pagtayo ng shelter for animals dahil importante maiwasan ang aksidente at nang sa gayon ay makapag-training din kami ng mga dogs sniffers para self-sustaining ‘yung aming animal shelter.

Pangatlo, pagkakaroon ng home for homeless gays na ginawa rin po namin dito.

Pang-apat, lahat ng banyo namin public restrooms sa buong probinsya na minandato namin sa ordinansa. Tatlo ang nire-require namin, isang male, isang female at isang gender neutral kasama na rin ang para sa handicap para sa gayon bilang pagbigay-kilala sa katotohanang nakikita natin sa paligid natin.

DM: Sa ibang isyu, Senator Chiz, alam po niyo itong next week tataas na naman po ang presyo ng gasolina. Ayan Php4.35 ang itataas sa presyo ng diesel. ‘Yung ikinukwento nga kanina magiging Php78 na per liter ng diesel. So, paano natin malulutas o paano ang dapat nating gawin dito kasi domino effect ‘yan, Senator Chiz? Itong mga jeepney drivers, tricycle drivers humihiling na ng pagtaas ng pasahe at mga presyo ng bilihin ay tataas. Paano ba natin tutugunan ito, Senator Chiz?

CHIZ: Layunin ko po sa pagbabalik ko sa Senado i-repeal ang Oil Deregulation Law. Hindi ‘yan tumupad sa kanyang pangako na nagsabing papababain ang presyo ng produktong petrolyo. Ito na, Deo, ang pinakamataas na presyo mula nung ako’y ipinanganak siguro ikaw rin na nakita natin kaugnay ng diesel at gasolina.

DM: Totoo po ‘yan.

CHIZ: Hindi tumupad at maliban dun saan ka ba naman Deo nakakita ng batas na ‘yung mayamang may-ari ng gasolinahan puwedeng magtaas ng presyo kahit kailan niya gusto. Samantalang yung pobreng tsuper ng jeepney, ng tricycle, ng pampublikong sasakyan hindi siya puwedeng magtaas ng singil sa pamasahe ng hindi muna pinapayagan o nagpapaalam sa LTFRB o LGU. Hindi ba dapat kung puwede ang mayaman, mas puwede ‘yung mahirap. Hindi ba dapat kung bawal ang mahirap, mas bawal ang mayaman. Ika nga sa kasabihan sa prinsipyo sa batas, “those who have less in life should have more in law”.

DM: Magsaysay.

CHIZ: Layunin ko din magtatag ng isang strategic petroleum reserve. Ito’y imbakan ng langis na pwede nating bilhin kapag mura ang presyo na pwede nating ibenta sa murang halaga din tulad ng ginagawa ng ibang bansa. Pangunahin sa transport sector, pangalawa sa iba’t ibang mas nangangailangan na sektor. Pag-aralan ang pagbabalik ng OPSF (Oil Price Stabilization Fund) at ang panghuli, bigyan ng kapangyarihan ang gobyernong babaan ang buwis kapag tumataas ang presyo ng produktong petrolyo.

DM: Magagawa ba sa legislation ‘yan, Senator Chiz?

CHIZ: Opo dahil lahat ng problema natin kaugnay sa mataas na presyo ng langis kung saan testigo lamang, tiga-anunsyo lamang ang Department of Energy ay nakasaad sa Oil Deregulation Law. Kaya walang kapangyarihan ang gobyerno, ang presidente gawan ng paraan ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo sa ngayon.

DM: Ayan Senator Chiz, isa pang mahalagang tanong dito, bati ka na ba sa biyenan mo?

CHIZ: Matagal na Deo. Matagal na

DM: Matagal na ba?

CHIZ: Matagal nang payapa ang buhay, Deo.

DM: At ang Madam Heart Evangelista, hindi yata sumasama sa campaign. Nakikita natin na nandoon sa Paris.

CHIZ: Matagal na rin siyang nakabalik Deo. Hindi ko naman puwedeng sabihing mas importante ‘yong trabaho ko sa trabaho niya. Siguro dalawa, tatlong beses pa lamang sa buong kampanya noong nagsimula ito na nakapag kampanya siya para sa akin at siguro may dalawang araw pa siyang libre bago dumating ang araw ng eleksyon.

DM: Senator Chiz, maraming salamat at magandang umaga. Dios mabalos, Senator.

CHIZ: Deo, maraming salamat (speaks in local language) sa lahat ng ating listeners. Magandang umaga po maraming salamat at mag-iingat po ang bawat isa sa atin.

DM: Thank you very muchm mga kaibigan. Sorsogon Governor, dating senador, Senator Chiz Escudero.