Para sa mga kapatid nating Kristiyano, mensahe ng pag-asa ang hatid ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
At sa ating pagdiriwang ngayong araw, nawa ay kasama rin nito ang muling pagsibol ng isang mas maalab na pag-asa para sa magandang kinabukasang naghihintay sa buong sambayanan.
Ngunit hindi nagtatapos sa panalangin o dasal ang katiyakan ng isang magandang bukas. Kailangan rin nating kumilos upang ito ay maisakatuparan. Panalangin at pagkilos, dalawang mahalagang bagay na dapat nating gawin upang muling mag-alab ang pag-asa sa ating puso.
Sabay-sabay tayong magdasal at kumilos para sa isang mapayapa at mapagkakatiwalaang halalan sa Mayo 9. Ito ang simula ng panibagong bukas para sa bayan.