ESCUDERO BOBOTO SA SORSOGON CITY

 

Si Sorsogon Governor Chiz Escudero, ang nag-iisang kasalukuyang punong ehekutibo ng probinsiya na kumakandidato sa pagkasenador, ay nakatakdang bumoto para sa halalan sa Mayo 9 sa Buhatan Elementary School sa Sorsogon City.

Si Escudero, na palaging napapanatili ang pangunguna sa iba’t ibang pre-election surveys, ay sasamahan ng kanyang maybahay na si global brand ambassador at social media celebrity Heart Evangelista-Escudero na boboto rin sa nasabing paaralan sa ilalim ng Precinct No. 0079A.

Dalawampu’t apat na taon na sa serbisyo-publiko si Escudero na nagsimula bilang isang kongresista na kumakatawan sa unang distrito ng Sorsogon noong 1998 at muling nahalal ng dalawa pang termino. Naging matagumpay ang kanyang kampanya para sa Senado noong 2007 kung saan nakuha niya ang pangalawang puwesto sa may pinakamaraming boto. Tumakbo uli siya para sa pangalawang termino noong 2013 at naging pang-apat siya sa senatorial race.

Isang importanteng batas na nagawa niya bilang first-term senator ang Republic Act (RA) 9504, na nag-alis sa mga manggagawang may minimum na suweldo sa pagbabayad ng income tax at pagtaas ng personal exemption ng iba pang empleyado. Itinulak niya rin ang pagtaas sa Php500,000 ng maximum insurance coverage ng bank deposits upang mabigyan ng higit na proteksiyon ang mga depositor sa ilalim ng RA 9576.

Siya rin ang nag-sponsor ng RA 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act kung kaya naging libre na ang matrikula at ang iba pang bayarin sa mga state university at college, lokal na unibersidad at kolehiyo na accredited ng Commission on Higher Education, at pati na sa mga inistitusyong technical-vocational ng pamahalaan.

Nang si Escudero ang may hawak sa Senate Committee on Justice on Human Rights, naisabatas bansa ang apat na importanteng batas para sa protektsiyong panlipunan at karapatang pantao ng mga mamamayang Pilipino.

Kabilang dito ang Anti-Vagrancy Law (RA 10158), Anti-Torture Act (RA 9745), at Anti-Enforced o ang Involuntary Disappearance Act (RA 10353), na kauna-unahang “Deceparacidos” law sa Asya, na nagpaparusa ng pagkabilanggo sa krimen ng enforced disappearance.

Lalo pang tumibay ang kanyang track record nang maging co-author at sponsor siya ng RA 10368 o ang Human Rights Victims and Recognition Act of 2013 na kumilala sa mga sakripisyo at kabayanihan ng mga Pilipino na naging biktima ng summary execution, tortyur, enforced o involuntary disappearance, at iba pang karumal-dumal na paglabag sa karapatang pantao sa buong panahon ng Martial Law sa bansa. Ang pagkilala, ayon sa batas, ay parehong monetary at non-monetary reparations.

Sa ilalim ng mga batas na lumikha sa 284 hukuman sa buong sa kanyang 12 panunungkulan sa Senado, si Escudero ang naging responsable sa paglikha ng 121 lokal na korte at naging co-author at sponsor naman siya para 163 iba pa. Ang mga batas ukol dito ay naglalayong maipatupad nang mabilis at epektibo ang hustisya para sa mga nasa kanayunan.

Bilang chairman ng Senate Committee on Environment and Natural Resources noong 16th Congress (2016), kinilala si Escudero bilang “Clean Air Champion” ng Coalition of Clean Air Advocates Philippines.

Sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin niya ang mga lokal na pamahalaan, at kanyang sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado dahil sa magandang track record bilang isang beteranong mambabatas na aniya’y napakaimportante sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya. Ang kanyang anak na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.

Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.

Ang League of Provinces of the Philippines ay isinama rin si Escudero sa listahan nito ng iniendorsong anim na kandidato sa pagkasenador sa halalan sa Mayo 9 habang ang mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin para sa kanyang balik-Senado.

Ang kanyang kandidatura ay sinusuportahan din ng mga party-list group na kinabibilangan ng Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, Kusog Bikolano, KAPUSO-PM, Makabayan, at Uswag Ilonggo.

Ang may 200,000 miyembro at pinakamalaking non-government organization sa bansa na Federation of Free Farmers, Balay Mindanaw Group, at ang grupo ng kabataang Pilipino na Nationalist Social-Democratic Society ay naghayag na rin ng pag-endorso kay Escudero.