FAST TALK+ AND WHY OF THE 2022 SENATORIAL CANDIDATES

 

BOY ABUNDA (BA): Magandang araw po sa inyong lahat and welcome to “Fast Talk+ and Why our 2022 Senatorial Candidates” interview. Ang ating panauhin po ngayon, Chiz Escudero. Hi, Chiz.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hello Boy, magandang araw sa lahat ng ating taga-subaybay.

BA: Kumusta ang buhay kampanya?

CHIZ: Mabuti naman pero hindi tulad ng dati na araw-araw akong puwedeng mangampanya, ngayon dalawa hangang tatlong araw lang dahil may trabaho pa rin ako bilang gobernador ng lalawigan ng Sorsogon at kaya kailangan kong bumalik palagi doon.

BA: Ayon ang isa sa mga dahilan. Anong kinalaman ng COVID pagdating sa movement ng mga kandidato ngayon?

CHIZ: Well, iba-iba ang rules ng kada probinsya, kada siudad kailangan mong sumunod, minsan kailangan mong mag-register, minsan hindi. ‘Yong mga mass gatherings kailangan humingi ng pahintulot kung ikaw ang nag-organisa. So may mga proseso lamang na kailangang sundin ‘yun lang ang mas nagpapabigat sa kampanya ngayon.

BA: There are 63 other candidates for the Senate, what are your chances?

CHIZ: Sana maganda kung pagbabasehan ‘yong survey nandoon naman ‘yon but sa dulo Boy binibilang pa rin boto pa rin sa araw ng eleksyon at hindi boto sa survey. Kaya ang paniniwala ko, sino man ang mataas o mababa dapat tuloy-tuloy lang ang pangangampanya at hindi na mahalaga kung 1-3-5 o 10 o 8, basta pumasok sa top 12 pare-pareho sweldo nun, pare-pareho ang tawag doon, senador pa rin.

BA: What sets you apart from the rest?

CHIZ: Sana kung ano man ang talino, talento, galing at karanasan na mayroon ako makalipas ang mahigit 21 na taon sa lihistratura, dagdagan mo pa ng tag-tatlong taon o magtatatlong taon sa executive branch bilang gobernador, ‘yon ang akin inaalay sa muli kong pagbalik sa Senado.

BA: At may Heart ka.

CHIZ: May pruweba pa ako, may picture ako na kasama ko.

BA: May puso. OK, Chiz, let’s do the “Fast Talk”. Bilang senador, anong batas ang una mong isusulong sa 19th Congress and why?

CHIZ: Hindi lang isa. Para sa pandemya ang kailangan natin batas na magbibigay ng ayuda para sa MSMEs gayundin sa agrikultura para dagdagan ang budget na mula Php80-B patungo sa Php300-B, pinakamababa sa unang taon. Dapat maghain tayo ng panukalang batas para i-repeal na ‘yung Oil Deregulation Law, panahon na dahil hindi siya tumupad sa pangako niya. Gayundin ang pag-repeal sa Rice Tariffication at panglima, lima lamang ang pagpasa ng legislated minimum wage. Hindi ginagawa ng mga regional wage boards ang trabaho nila.

BA: Two party system, multi-party system, why?

CHIZ: Multi-party system dahil kung two party system ang mamimili ng pagpipilian ng taumbayan ay mga partido. Kung hindi sila napili, hindi sila puwede‘t puwedeng iboto ng taumbayan maski na sila ang gusto.

BA: Agriculture, ‘Build, Build, Build’, why?

CHIZ: Agriculture. Ang pondo ng DPWH ay Php840-B. Ang pondo ng Department of Agriculture ay Php80-B wala pang 10 porsyento ng pondo ng DPWH. Last I checked agriculture country tayo hindi tayo bansa ng mga kontratista at contractor.

BA: Automated o back to manual elections, why?

CHIZ: Definitely automated. Mas mabilis ang resulta, mas kaunti ang maniobra at mas madaling nalalaman ang resulta ng halalaan.

BA: Death penalty, yes or no, why?

CHIZ: No, I am against the death penalty. Dalawang beses na akong bumoto laban diyan sa Kongreso at sa Senado sa simpleng dahilan: certainty of punishment is what deters crimes and not the amount or level of punishment. Kahit na may death penalty ka kung hindi naman pinapatawan yung mga may kasalanan talaga balewala ‘yon at hindi maghahasik ng takot at magiging deterrent ‘yon.

BA: Election surveys, condition people’s mind, yes or no, why?

CHIZ: Yes, it does but election surveys are reliable not all but most of them. Subalit sa kabilang banda ‘yon talagang may paninindigan sa simula pa lamang hindi naman ‘yon mababago ng election surveys. Yung mga humigit kumulang 30% na sumasabay sa gustong manalo ang nadadala lamang dun yung mga ika nga liamanista.

BA: Bilang isang bansa, should we lean more towards China or America, why?

CHIZ: Neither, hindi ako anti-America, hindi ako pro-America, hindi ako anti-China, hindi ako pro-China, I’m pro-Filipino. The constitution says we should have an independent foreign policy. Kung anuman ang nasa interes ng bansa at ng mga Pilipino, ‘yon ang dapat na sinusulong natin kung minsan pabor man o against sa China, kung minsan pabor man o tutol sa Estados Unidos.

BA: Legalization of jueteng, agree or disagree, why?

CHIZ: Paper ko ‘yan sa College of Law. Pabor ako na iligal ‘yan para yung buwis talagang binabayaran dapat mapunta na sa gobyerno. Medyo mahina ang sitwasyon ngayon sa pamamagitan ng STL sa ilalim ng PCSO.

BA: Pork barrel, good or bad, why?

CHIZ: Maganda ‘yon dahil binibigyan ng alokasyon ang kada probinsya. May mga nagsasamantala, may mga nagnanakaw, sila ang dapat usigin. Hindi dapat tanggalin yung sistema dahil mayroong pagkakataon yung mahihirap na probinsya mabigyan din ng alokasyon. Halos pantay ‘yon Boy pero kung walang ganun, malamang yung mayayamang probinsya yung sikat yung maraming tao sila lamang ang makakatanggap ng ayuda, tulong at proyekto mula sa national government. Ngayon yung mga nagsasamantala dapat usigin ‘yon.

BA: As senator ano ang mas priority mo, mental health or climate change, why?

CHIZ: Para sa akin mental health lalo na dahil sa pandemyang ito. Ito’y seryosong problema na dapat tinitignan natin. Climate change ay mahalaga rin pero ang mas mahalaga para sa akin pagtiyak sa seguridad ng ating kababayan at bansa patungkol sa pagbabago ng panahon. I’ll give you a one point and example. Ang contribution natin sa carbon emission sa buong mundo ay 0.3% lamang wala pang 1%. ‘Pag pinagsama mo ang carbon emissions ng Estados Unidos at China sobra 50% ‘yon. Kung magbaba lang sana sila malaking pagbabago ang magagawa sa mundo. Kahit magbaba tayo ng 100% wala namang malaking pagbabagong maidudulot ‘yon sa kasalukuyang problema natin sa global warming.

BA: Commission on Appointments or Committee on Finance at bakit?

CHIZ: Committee on Finance. I believe in the basic definition of governance. Governance is about allocating scarce resources. If you are able to allocate scarce resources properly, then you govern properly. Sa pagpili ng appointment yes or no lang naman ‘yon sa hihirangin o ino-nominate ng presidente.

BA: Party-list system, is it an effective means to prevent traditional elitist politics, yes or no, why?

CHIZ: No, the party-list has to be reviewed and changed. Clearly hindi naman talaga marginalized yung mga kumakatawan sa mga party-list. Pangalawa, dapat mag-identify na tayo ng mga sektor. Halimbawa, magsasaka, mangingisda, LGBT, elderly at mag-register yung mga interesadong party-list sa kada sektor para mamili ng kada sektor na magiging kinatawan nila para sigurado tayo na bawat sektor may kinatawan sa Kongreso, magkakaroon. Pareho ito sa union na pinagpipilian ng mga empleyado sa kampanya.

BA: Chiz, will you support a bill banning candidates facing charges from running in the elections, yes or no, why?

CHIZ: No, the current law says if you’re only convicted by final judgement are you prohibited from running, bakit? Madali kasi mag sampa at maghain ng kaso, Boy lalo na kung eleksyon. Baka mamaya ‘yun ang gamiting batayan, sasampahan ka ng kaso hindi ka na pwede biglang tumakbo at habang dinidinig yung kaso, bawal ka tumakbo? Mali naman ata ‘yun lalo na kung inimbento lang yung kaso laban sayo. I still agree with the current law, that convictions by final judgement carrying within the penalty of absolute and perpetual disqualification is what should ban a candidate from running.

BA: War on drugs, dapat bang ituloy  ihinto na ng susunod na administrasyon, yes or no, why?

CHIZ: Dapat ituloy pero dapat tutukan ang suplay hindi yung mga gumagamit na user na maliliit lamang. Lahat naman ng droga na ginagamit sa Pilipinas galing sa ibang bansa. Pag napigilan mo ang suplay, tataas ang presyo, mas mahirap hanapin at mas madali nang hulihin. Ang kasalukuyang trust ng war on drugs ay pag huli lamang sa maliliit na pusher at user, dapat ang tingnan at pagtuusan ng pansin yung suplay ng droga kung saan nanggagaling at mapigilan at mabawasan ‘yan, pero gera pa rin ‘yun sa droga.

BA: dapat bang college graduate ang isang Senador o mambabatas, yes, no, why?

CHIZ: Hangga’t hindi pa lubusang libre at accessible ang college education hindi ako sang ayon na irequire ‘yan pero kapag dumating na ang panahon na sino mang gustong mag aral, wala nang balakid, wala nang harang para makapag tapos siya ng kolehiyo, dun na natin pwedeng i-require ‘yyan. Pero hanggang hindi pa nangyayari ‘yun hindi pa dapat i-require bago makapanilbihan ang sino man sa pamahalaan.

BA: Pandaraya ay bahagi na ng eleksyon, yes, no, why?

CHIZ: Oo at ang paniniwala ko d’yan kung nagpadaya ka, natalo ka talaga sa halalan. Maliliit o malaking uri ng pandaraya man, ‘wag lang sa bilangan, kasi yung pagbili ng boto pandaraya ‘yun, yung pag abot ng tulong pandaraya ‘yun sa panahon ng eleksyon. Lahat ‘yun ay maliliit na daya pero bahagi ‘yun ng halalan dapat bilang kandidato, either pigilan mo ‘yun, ‘wag mong payagang mangyari, maghain ka ng kaso at kung hinayaan mo, bahagi ‘yun ng pagkapanalo o pagkatalo ng kandidato.

BA: Ano ang dapat gawin sa mga sobrang donasyon sa kandidato kapag eleksyon? Itago o idonate? Bakit?

CHIZ: Pwede ba pag natalo itago, pag nanalo idonate? Kasi kailangan mo ‘yun pag natalo siya. Pero ang sinasabi ng kasalukuyang batas, kung may sobra ka dapat ideklara mo at magbayad ka ng buwis para ‘don.

BA: Dapat may mandatory drug testing sa lahat ng kandidato kapag eleksyon, sang ayon o hindi sang ayon? Bakit?

CHIZ: Sangayon ako ‘dun, kung talagang gusto nating labanan ang droga dapat manguna sa pamamagitan ng tamang ehemplo ang lahat ng gustong manilbihan at dadaan sa dambana ng balota para tumakbo sa anumang pwesto.

BA: Korapsyon ay isa sa mga kausa ng kahirapan oo, hindi, bakit?

CHIZ: Tiyak ‘yun. Ayon sa Deputy Ombudsman for Luzon ang nawawala sa ating pamahalaan kada taon ay hindi bababa sa 300 bilyong piso. Ang pinakamataas na buwis na pinasa na ng Kongreso ay nakalikom ng 100 bilyong piso. Samantala kung pipigilan lamang natin o babawasan natin  ang korapsyon mas malaki pa iyon sa pinakamataas na batas na nag-generate ng buwis para sa ating gobyerno. Bahagi iyon kung bakit mahirap ang ating bansa at naghihirap ang Pilipino.

BA: Mahalaga ba ang pagsali sa debate ng isang kandidato sa eleksyon. Yes or no. Why?

CHIZ: Mahalaga, iyon ang pagkakataon para makilala sila at malaman ang kanilang mga pananaw dahil walang katapat at katumbas iyon kumpara sa mga interview lamang. Dahil sa interviews, sasagot ka lamang sa itatanong sa iyo. Sa debate may pagkakataon kang ipaliwanag kung ano ang posisyon mo talaga at ano ang paniniwala mo hindi lang sa particular na isyu kaugnay sa kung ano ang gusto mong gawin kung mananalo ka sa anumang puwesto o tinatakbuhan mo.

BA: Senate investigations are a waste of public funds. Agree or disagree. Why?

CHIZ: Disagree. Madami ng batas na napasa ang Kongreso, sa totoo lang. Mas maraming batas ang hindi natutupad ayon sa intensyon ng Kongreso. Mas murang gawin iyon kaysa magpasa ng panibagong batas na naman na hindi na naman  susundin. Madalas kong sinasabi, boy, sampung utos lang ang ibinaba ng Diyos. Galing sa Diyos iyon. Nakaukit pa sa bato. Kung sinusunod lang sana natin iyon, wala naman tayong problema. Dumating si Hesus, ginawa pang dalawa na lamang- kung ginagawa din natin iyon. Wala naman tayong bagong batas na kailangang ipasa. Kailangan lamang nating tiyakin ang mga batas na ipinasa, sinusunod ayon sa intensyon ng Kongreso ng mga nagpapatupad nito.

BA: DOH Sec Duque should have been fired. Agree or disagree? Why?

CHIZ: Strongly agree. Hindi makatarungan ang ginawa niyang pag handle ng COVID-19 at sa totoo lang sinuman ang kausap ko kung gusto mo ma-high blood, Boy, pag-usapan natin ang mga ginawa at hindi ginawa ni Sec Duque bilang kalihim ng Department of Health at bilang co-chairman ng IATF. Kulang ang 45 seconds para sabihin at ilista lahat ng tingin ko ay kapalpakan na ginawa niya nitong nagdaang pandemic.

BA: What for you would be a practical solution to reduce the problem of traffic and why?

CHIZ: Dagdag kalye at kalyeng planado. Kung tingnan mo iyong dry cast study na ginawa 15 years ago. Ipinakita nila iyong mga kalye sa Metro Manila kung saan iyong kalye ay umiikot ng pa-‘U’ , pa ‘W’ o kung anumang hugis dahil may isa o dalawang bahay lamang na iniwasan. Marapat at kailangan para sa trapiko- dagdag kalye. Ginawa ko iyan bilang gobernadora, halimbawa ng Sorsogon. Ang Sorsogon ay 24 years ay ahead sa projected traffic sa aming lalawigan, sa aming siyudad. Marapat na ganoong uri din ng pagpaplano ang dapat gawin sa Metro Manila at sa mga siyudad sa iba’t-ibang parte ng bansa.

BA: Hindi na double taxation ang pagpataw ng buwis sa mga social media influencers at content creators, why?

CHIZ: Kung nagbayad na sila sa kung saang bansa sila naninirahan, hindi na nila kailangan nilang magbayad ng buwis maliban na lamang sa kung mas mataas ang buwis natin kumpara sa ibang bansa. ‘Ika nga in differential lamang ang kailangan nilang bayaran. Pero, income pa rin iyon, Boy. Kung mapapatunayan nila na hindi iyon income, government never taxes capital. Government only taxes income. Ngayon, kung pinagbayad na sila ng income tax saan mang bansa na kinaroroonan nila. Hindi na nila kailangang magbayad ng buwis dito sa Pilipinas dahil mayroon tayong tratado sa America at sa iba’t-ibang bansa sa mundo kaugnay sa double taxation.

BA: Sana matapos na itong COVID-19. Bilang senador, anong batas ang isusulong mo base sa mga natutunan mo sa COVID-19 at bakit?

CHIZ: Ang pagpapalakas ng RITM para mayroon tayong ahensya ng pamahalaan na tumututok sa pandemya at posibleng maging pandemya.  Lahat ng eksperto Boy kaugnay ng pandemya, huling nangyari ito 100 years ago sa Spanish flu. Lahat na silaý patay at pumanaw na. Wala namang kursong magtuturo klung anong dapat gawin ng Pangulo, Gobernador o Mayor sa isang pandemya. Lahat tayo ay nag-eksperimento at nag-aral sa pandemyang ito. Importante na may ahensya ng gobyerno na ito lang talaga ang tinitignan at RITM lamang ang ahensya na kaya at pwedeng gumawa nito kaugnay ng emerging pandemic diseases na pwedeng tumama sa ating bansa.

BA: Chiz, do you believe that there were extra-judicial killings during the war on drugs? Yes, No, Why?

CHIZ: Yes. Imposibleng wala lalu na, maraming kasong pending at may ilang pulis na na na-convict. Base lamang doon sa mga pulis na na-convict sa extra judicial killings, edi ang sagot ay meron na agad pero marami pa rin sigurong iba. Hindi kinakailangang kasalanan ng administrasyon. Posibleng ginamit na pagkakataon lamang yon ng ilang gustong magsamantala o mag-abuso ng kapangyarihan man nila o gamitin yung kanilang uniporme para makaganti sa sinumang personal na kagalit nila. Palaging nangyayari yan sa anumang law enforcement efforts kaya kailangan bantayan ng masugid yan ng mga namamahala.

BA: Culture, heritage, entertainment can be a big source of income for a country, agree, disagree, why?

CHIZ: Definitely, it’s about the story you tell. Maraming magandang beach sa Pilipinas, gayon din sa iba’t-ibang parte ng mundo. Maraming makasaysayang gusali dito o sa iba-ibang parte ng mundo. Pero higit sa magandang tanawin, magandang beach, higit sa luma o matagal nang mga edipisyo, ang mas mahalaga ay yung kwentong sasabihin mo kaugnay nun. I think the Philippines has a story of its own to tell. Not necessarily better but definitely unique compared to other countries and that will drive people to come to the Philippines, see the Philippines and be made aware of that story. Kada probinsya na lamang, may sariling bahagi ng mga bayani. Hindi lang naman Rizal at Bonifacio ang mga bayaning lumaban sa Kastila. Kada probinsya, meron din. Importanteng masabi yung kwentong yon.

BA: Be President of the Philippines for a day or be a billionaire for a day, why?

CHIZ: Billionaire for a day basta pwede kong itago kinabukasan yung anumang yaman ko bilang bilyonaryo. Kase yung Pangulo, hindi mo pwedeng itago anumang kapangyarihan meron ka pagkatapos noon. Yung bilyonaryo, baka may sukli ka.

BA: Ok. The achievement you’re proudest of and why?

CHIZ: My kids and bringing thme up to be good citizens and good Catholics and good children basically and I hope I will be able to continue to do that para yung maiiwan ko sa mundo, siguro naman, magandang ala-ala kesa pabigat at problema kesa sa ibang tao pa.

BA: Sabi ni Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Agree, disagree, bakit?

CHIZ: Hindi ako sang-ayon doon Boy. Ang salitang pag-asa, tumutukoy palagi sa lugar na mararating pa lamang, sa panahon na darating at sa taong huhubugin pa lamang. Mas gusto kong maging panawagan, sigaw, prinsipyo ng mga kabataang Pilipino ay, “Ang kabataan hindi lamang pag-asa ng bayan. Ang kabataan, maaasahan na ng bayan, ngayon, dito at sila mismo. Hindi nila kailangang hintayin na silaý tumanda, yumaman, magtapos, magkapamilya bago sila maasahan ng bayan. Sa isandaan at sampung milyong Pilipino, kalahating nun, below 18. Kung matanda lang ang gagalaw at kikilos para sa bansa, kulang yung gumagalaw pero kung bawat Pilipino lamang sana, bata man o matanda, mayaman o mahirap, nakapag-aral o hinde, anuman ang kasarian, may hitsura o wala, gagawin at kikilos kung anumang pwede nyang magawa sa bansa, walang dahilan na hindi natin malampasan anumang problemang kinakaharap natin.

BA: Ngayon naman ay punta na tayo mga light at konting naughty na mga katanungan  pero fast talk pa rin.

CHIZ: Mas madaling sagutin Boy ang mga tungkol sa pag-ibig kaysa kaugnay ng gobyerno at pulitika.

BA: Subukan natin. Chiz, lights on; lights off?  Bakit?

CHIZ: Bahagyang bukas dahil ko pa rin makita ang kagandahan at masilayan ang kagandahan at ka-seksihan ng asawa ko.

BA: Best time for sex at bakit?

CHIZ: Anytime actually as long as it’s there.  Sorry at the stage of my life probably given my I.F. and everything that I am healthier than yesterday and last year which therefore it translates to higher libido, I guess.

BA: Okay.  There are three other candidates for the Senate.  Kung may isasama ka sa impyerno sino ito at bakit?

CHIZ: Puwede ba sila na lang umakyat na lang ako sa langit.

BA: Because my next question is kung may isasama ka sa langit sino ito at bakit?

CHIZ: Puwede ba asawa ko na lang para asawa ko pa rin siya hanggang sa langit.

BA: Pero halimbawa kung pipili ka lamang doon sa katunggali mo para sa Senado.

CHIZ: Sa mga kandidato una hindi ko tinuturing na katunggali sila dahil dose naman iyun.  Hindi naman one on one laban ito.  Sino nga ba?  Siguro si Senator Joel para matiyak kong gagabayan niya ako manatili sa langit.

BA: Yes or no, the size matter, Chiz and why?

CHIZ: Let’s ask Heart (laughs)

BA: I would have wanted to ask her.

CHIZ: I know she wanted to see you.  Tingin ko hindi kasi marami naman akong kaibigan bagaman hindi ko nakita alam ko iba-iba hugis at haba nún na magkakasama pa rin naman sila at hindi naman nagrereklamo yung kanilang mga asawa.  At least sa akin hindi nagrereklamo.

BA: So ano mahalaga?

CHIZ: Hindi ko alam depende sa tao.  Ang mahalaga siguro nag-iibigan kayo at iniibig mo yung kung sino man yung katalik mo.

BA: Sex or wifi at bakit?

CHIZ: Sa sex ako palagi sa yugto ng buhay ko iba talaga yung lumalabas.

BA: Sex or chocolates?  And why?

CHIZ: Still sex by far of better of expression of love than eating sugar and glucose.

BA: Okay.  Sex or Senado and bakit?

CHIZ: Uy mahirap na ýan (laughs) Puwede ba pag-uwi galing Senado sex.

BA: I’ll take that.  Last question, Chiz you are at pearly gates naroon ang Diyos tanong niya ának what was the best thing you did for me’, ano ang sasabihin mo sa kanya at bakit?

CHIZ: Na naging patas, parehas ako sa lahat na nakahalubilo ko, nakasalamuha at humiling ng tulong ko, nakausap o nakilala ko na wala akong tintratong mali o masama o inagrabiyado.  Bilang senador, bilang kongresman, bilang pribadong mamamayan, bilang guro bago ako pumasok sa mundo ng pulitika, bilang ama at bilang asawa.

BA: Maraming salamat.

CHIZ: Salamat Boy.

BA: God Bless you. Mabuhay.

CHIZ: Likewise.  Keep safe to all our televiewers.