VICKY MORALES (VM): Senatorial candidate Chiz Escudero. Governor Escudero, good evening po sa inyo.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Magandang gabi po sa inyo. At sa lahat ng ating tagasubaybay at tagapanood, magandang gabi po sa inyong lahat.
VM: Yes. Una sa lahat, kumusta po kayo at ang inyong kampo, ano? Anong reaksyon niyo? I’m sure namo-monitor niyo itong mga lumalabas na latest count natin panglima ho kayo sa aming partial at unofficial count. Anong reaksyon niyo po?
CHIZ: Taos-puso po akong nagpapasalamat sa patuloy na paniniwala at pagtitiwala ng ating mga kababayan. At nais ko rin sabihin, sa isang demokrasya isa lamang ang batas na ating sinusunod, ‘yung gusto ng nakararami at ‘yun ang dapat nating galangin, tanggapin, at respetuhin.
VM: OK, babalik na naman ho kayo dito, ano? If ever magpatuloy itong ating trend, ano po ang mga gagawin ninyo? Anong mga hakbang niyo?
CHIZ: Noong huli akong tumakbo, wala pang pandemya, nais kong gawin makatulong, maiambag ano man ang maitutulong ko gamit ang aking talino, talento, galing, karanasan at tapang para makatulong sa muling pag bangon ng ating bansa mula sa pandemyang ito. Dahil anumang gawin ko sa lalawigan ng Sorsogon bilang hobernador, mag- tumbling man ako, magtatalon man ako, hindi po namin mararating ang nais naming marating dahil may hangganan lang ‘yun kung hindi aangat ang buong bansa.
VM: Did you expect this showing po? Is it better or how would you assess this?
CHIZ: Para sa akin po, basta pasok sa top 12. Ang suweldo po niyan pareho lang. Ang titulo, ang tawag pareho lang din po. Ang mahalaga makapasok sa top 12.
VM: Anong reaksyon ni Heart dito?
CHIZ: Nagpapamasahe siya. Hindi ko pa alam, pero alam niya na ang initial results at nagagalak siya, syempre pero hindi ko pa siya nakakausap kaugnay sa bagay na ‘yan dahil nagpapamasahe siya. Bumoto siya dito sa Sorsogon, so magkasama kami ngayon.
VM: Alright, sige ho. Maraming salamat po sa inyo, Governor Chiz Escudero.
CHIZ: Maraming salamat at taos-pusong pagbati muli sa lahat ng ating mga tagasubaybay at tagapanood.