CELY BUENO (CB): At sa pagkakataong ito, atin pong makakapanayam, isa ho sa tumatakbo sa pagka-senador para sa nalalapit na eleksyon. Dati na rin senador at maraming magagandang committee ang kanyang hinawakan. Dating kongresista ngayon po gobernador ng lalawigan ng Sorsogon, si senatorial candidate Chiz Escudero. Hi Sir, magandang tanghali.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Cely, Raoul magandang tanghali. At sa ating mga taga-subaybay at taga-panood at taga-pakinig, magandang tanghali po sa inyong lahat. Pagbati mula sa Lalawigan ng Sorsogon.
RAOUL ESPERAS (RE): Magandang tanghali, Senator.
CB: Sir, recently dumalaw ho diyan sa inyong lalawigan ang tambalang Lacson-Sotto. Mukhang sila ho ay sobrang nagulat, namangha sa nakita nila noong dumating diyan sa inyong lalawigan. Sabi niya, iyon daw pagpapaganda na ginawa niyo sa Sorsogon, “amazing.” So, ano ang masasabi dahil sobrang namangha at hinangaan nitong Senator Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto ‘yung nagawa ninyo diyan sa inyong lalawigan?
CHIZ: Nagpapasalamat ako sa papuring ginawad ni Senator Lacson, Senator Sotto sa trabahong ginawa naming lahat dito sa gitna ng pandemya para maisaayos ang aming lalawigan na hindi masayang ang panahon, Cely, at para sa muling pagbubukas ng mundo, handang-handa ang aming lalawigan na harapin ang mga bagong hamon pagsubok na maaring ibato sa amin.
CB: So, Sir paano ninyo nagawa iyon? Wala kayo naging problema pagdating sa badyet or iyon po ay dahil malaki ang kinikita ng Lalawigan ng Sorsogon o nag-ano ho kayo nangutang para ma-accomplish ang ganyang pagpapaganda sa Lalawigan ng Sorsogon.
CHIZ: Bahagi ng pondong ito ay galing sa lokal na pamahalaan ng Pamahalaan ng Panlalawigan ng Sorsogon pero ang malaking bahagi nanggaling sa ‘Build, Build, Build’ Program Cely, Raoul ng pamahalaan. Ang pagkakaiba lamang siguro kami mismo ang namimili ng gagawin. Kami mismo may sariling menu dahil malayong mas alam siguro namin kung ano ang kailangan namin kaysa ang kagawaran ng Public Works.
Kung sinumang national official na hindi naman nagpupunta o napupunta rito para malaman at alamin ang tunay na kalagayan at pangangailan namin dito sa lalawigan. Umutang kami, Cely, pero inutang namin para lamang sa aktibidad. Nakikita ng probinsiya at may ROI para self-sustaining at liquidated ang aming pagbabayad ng aming utang na hindi kinakailangan manggagaling sa kaban ng lalawigan tulad ng paggawa ng oxygen generation plant tulad ng pagkonekta sa pamamagitan EMR o Electronic Medical Records nang lahat ng mga public health system at hospitals namin para mag qualify sa UHC dahil kami ang unang lalawigan kung saka-sakaling mag-qualify sa UHC na mabibigyan din ng pondo at pera sa ilalim ng batas na pinasa namin noon.
RE: Speaking of batas, Senator Chiz, kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte ay nilagdaan itong RA 11647 at nagbibigay ng panibagong incentives sa foreign investors. Sa tingin niyo, bilang mambabatas at tumatakbong senador ngayong halalan, paano magbebenipisyo ang mga Pilipino sa batas na ito?
CHIZ: Hindi ko pa po nababasa ‘yung batas na bagong pirma ni Pangulong Duterte, pero, conceptually, ‘pag binuksan mo ang ekonomiya para sa mga dayuhan, ibig sabihin may bagong perang papasok sa ating bansa na puwedeng makalikha ng bagong trabaho at oportunidad din subalit puwedeng masapawan ‘yan ang mga ating maliliit na negosyante na hindi pa kayang tumayo sa sariling paa dahil na rin sa kakulangan ng suporta sa pamahalaan sa kanila lalong lalo na sa gitna ng pandemya. So, walang masama sa batas na iyan, conceptually, Raul, pero sabayan ‘yan ngtulong o ayuda o suporta ng pamahalaan sa ating MSME, na kailangan naman ng tulong dahil sa malaking dagok na tumama sa kanila dala ng pandemya.
CB: Sir, ang isang concern ngayon ng buong mundo itong nangyayari sa Russia-Ukraine crisis, at recently po doon sa resolution ng United Nations General Assembly na kumukondena sa military operation ng Russia sa Ukraine. Bumoto tayo, pumabor tayo doon sa resolution na iyon. Meron po ba ‘yung implikasyon sa ating bansa at sa ating mga OFW na nag-decide na manatili po sa Ukraine?
CHIZ: Sa tingin ko po ay wala, dahil kaunti lang ang bilang ng OFW natin bagaman bawat buhay na ‘yun ay mahalaga at dapat pangalagaanng ating bansa sa pamamagitan ng OWWA at DFA at DOLE. Pero hindi naman tayo nagpapadala ng armas, Cely, hindi naman tayo nagpapadala ng military hardware sa Ukraine para, ika nga. Tayo’y kumampi lamang sa ibang bansang nanawagan na ayaw natin ng giyera. Gusto natin ng kapayapaan at hindi tama na manghimasok, pumasok o lusubin gamit ang pwersang militar ng isang malayang bansa ang isa pang malayang bansa at demokratikong bansa.
Hindi natin alam, Cely, Raul, baka malagay tayo sa ganyang sitwasyon sa hindi malayong hinaharap at sana ‘wag naman sana naisin din natin na magpakita ng suporta at solidarity ang ibang bansa sa ating pinaglalaban kung saka-sakaling mangyayari iyon sa atin.
CB: So, hindi uubra na maging neutral tayo dito, Sir. So tama lang na sumuporta tayo doon sa resolusyon ng UN?
CHIZ: Opo dahil hindi naman sa nangangampi o nangaaway tayo sa Russia o sa West. Ito’y isang prinsipyo na dapat pinapanindigan, sinusulong ng bawat malayang bansa sa mundo. Ang pagiging neutral marahil mag-a-apply lamang, Raul, Cely, sa bansang Ukraine. Isang posibleng solusyon ‘yan sa problema sa ngayon kung magdedeklara ng neutrality marahil ang Ukraine kaya hindi sila papayag na magpapagamit sa West man o sa Russia. Basta’t malayang bansa silang nagdedesisyon kung ano ang nais nilang landas na tahakin.
RE: Sa kaugnay pa rin ng sigalot sa pagitan ng Russiaat ng Ukraine, patuloy po tumataas ang presyo ng krudo at ng gasolina.
CB: Tataas daw ng Php3 sa susunod na mga araw.
RE: Gan’on?
CB: Tataas daw ng about Php3.
RE: Oo, paano, sa tingin niyo, maiibsan ang kahirapanna maidudulot nito lalong lalo na sa mga tsuper?
CB: ‘Di lahat apektado na
CHIZ: Sa short term, merong kapangyarihan ang pamahalaan. Noong nasa Senado pa ako, isa ‘yan sa mga probisyon na tumulong ako na ilagaysa batas na babaan ang rate ng buwis kapag masyado nang tumataas upang sa gayon hindi naman na magdagdag pa o makinabang pa ang pamahalaan sa walang tigil napresyo ng langis.
Halimbawa Raul, kapagka ang buwis ay 10% at ang presyo ng gasoline ay Php40, ang makukuha na revenue ng gobyerno ay Php4, ang bentahan sa Pilipinas ay Php44. Kapag tumaas ng Php70 ang presyo ng gasolina, aba imbes na Php4 ay magiging Php6 ang makokolekta ng pamahalaan dahil dito.
Hindi naman tamang dumagdag pa sa pasanin ni Juan Dela Cruz ang buwis na ipinapataw ng gobyerno dahil ang inaasahan nilang makolekta at malikom lang naman ay Php4 lamang kada litro kaya may kapangyarihan na po silang gawin iyan. Kaialangan sigurong paalalahanan, pukpukin, awayin, at sipain kung kinakailangan ang DOE, BIR at ang DOF na gawin ang trabaho nila sa ilalim ng batas na ipinasa nila.
RE: So, government agencies lang pala ang aaksyon at makakatulong na ito, Senator, base doon sa sinasabi ninyo?
CHIZ: Opo, puwede pong bumaba ang presyo ng gasolina ng hanggang Php5. So, itong itataas na ito ay puwede pang mas malaki pa ang ibaba o huwag nang itaas. Alalahanin natin Cely, Raoul, kapag tumaas ang presyo ng produktong petrolyo, tataas ang presyo ng bilihin at pamasahe. At kahit minsan, kapag bumaba pa ang presyo ng produktong petrolyo hindi naman sabay na bumababa ang presyo ng mga pangunahing mga bilihin.
Sa pangmatagalan, para sa akin, nabanggit ko na ang isa, magtatag tayo ng Strategic Petroleum Reserve katulad ng ginagawa ng ibang bansa kung saan mamimili tayo ng langis kapagka mababa ang presyo. IImbak at ita-tap natin. Desisyon ng pamahalaan kung papalabasin iyan sa merkado sa Pilipinas para mapanatiling mababa ang presyo. Mababa ang bili, puwedeng ibenta ng mababa rin kahit na may kaunting tubo o kita ang gobyerno o revenue.
RE: Parang ginagawa noon dati na OPSF.
CB: Ang dapat na umaksyon pala dito ay ang presidente?
CHIZ: Ang ginawa noon ay OPSF. Opo, puwedeng magawa iyon ng sa gayon sa long-term hindi tayo gaaanong maapektuhan. Kasi minsan ang oil price stocks tumatagal lamang naman ng ilang linggo o ilang buwan. Kung mapapanatili natin ang presyo, hindi po tataas ang pamasahe at bilihin at magkakaroon ng multiplier effect. Iyong binabanggit mo marahil ay ang OPRF o ang Oil Price Revision Fund. Importante rin na pabayaan, pag-aralan at ibalik iyon, ang Oil Price Stabilization Fund.
Ito ay ang pera na inilaan ng pamahalaan para ibigay bilang subsidiya sa mga kumpanya ng langis para imbes na ibenta nila ng mahal. Ibenta nila ng mas mababa at iyong diperensiya, sasagutin ng gobyerno para stable ang presyo sa ating bansa at hindi tuloy tuloy na tumataas.
Ang mekanismo ng OPSF noon ay kapag mababa ang presyo ng gasolina ay makaka-replenish at ang banta ay nasa OPSF. Para kapag mataas ang presyo ay siya rin naman ang gagamitin natin para mapanatiling mababa ang presyo ng produktong petrolyo sa ating bansa.
CB: Pero, narinig ho natin na statement ng pangulo ay may panawagan siya sa Congress na i-review itong regulation nitong Oil Deregulation Law. Iyon po ang kanyang panawagan. Ang tanong, may time pa ba? Naka-adjourn ang session ng Congress. Kumbaga, matatapos na ang 18th Congress. Iyong ganoong panawagan ng Pangulo, may magagawa pa po ba at iyon ba ang tama?
RE: Special session, puwede ba iyon?
CHIZ: Palagay ko, puwede namang mag-special session pero baka kulang ang panahon lalo na kung pag-aaralan lamang at wala namang direktang direksyon na sinasabi ang Pangulo, ano, gusto na niyang gobyerno uli ang mag-may-ari? May sapat bang pera ang gobyerno sa Php12-T utang para magtatag na sariling kumpanya ng langis? Bibilhin ba natin ang mga kumpanya ng langis na dating binili ng mga pribadong sektor? Mas mabilis iyan kung may special session. Kung may direksyon ang tatahakin ang sasabihin nila. Ano ba ang nais nilang makita at maganap sa Oil Deregulation Law. Pero, kung review lang at wala man lamang direksyon, ni ha, ni ho, mauubos lamang ang oras sa debate. Sana, may plano na po sila kung saan nila nais dalhin ang review na ito ng OPSF.
CB: Kapag dinalaw kayo I’m sure sigurado na naman na mahahalal kayo na senador. ‘Pag pumasok na ‘yung 19th Congress kung ganito pa rin ‘yung sitwasyon, ano ‘yung nakikita niyo na dapat tutukan ng Congress? Mayroon ba kayo na naiisip na naisusulong na measure as Senator Chiz Escudero?
CHIZ: Cely, kailangan ang batas para magtatag, umuwi ng OPSF. Kailangan din ng batas para itatag ang petroleum reserve ng ating bansa. Kailangan din ng batas para amyendahan o i-repeal ang Oil Deregulation Law. Lahat po ‘yan dapat nasalamin at ikonsidera ng bago pong papasok na Kongreso at presidente bilang solusyon pang matagalan man o short-term sa napipinto o patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
CB: So, legislation pala, Sir, ang kailangan para mag-establish ulit ‘yung OPSF.
RE: Pero Senator, nairekomenda ni DOF Sec. Dominguez na sa susunod na administrasyon na magkaroon ng panibagong round of tax increases. Sa panahon ng pandemya, sa taas ng mga langis at marami sa mga negosyante nag nagre-recover pa lang sa negosyo ay sa tingin niyo napapanahon para magkaroon ng pagtaas ng mga buwis?
CHIZ: Malamang Raoul, ang tawag ko sa kaisipang ‘yan na ginagawa ni Sec. Dominguez at Department of Finance, para silang masamang ugaling tatay o ama. Sila ang umutang, sila ang gumastos, ipapasa sa susunod na henerasyon o salinlahi ang problema ng pagbabayad. Sa dakong ito ipapasa sa susunod na administrasyon.
Ito ang ipapangako ko sa inyo Cely, Raoul kung ako’y muling makababalik sa Senado ay hindi ko papayagan, papahintulutan, at hindi ako kailanman boboto pabor sa anumang pagtataas ng buwis na magdadagdag pa sa pahirap at pasanin lalong-lalo na ng mahihirap nating kababayan. Sa simpleng rason, hindi pamumulitika kundi maling istratehiya, maling plano at hindi napapanahon lalong-lalo na at sinusubukan nating bumangon mula sa isang pandemya na nagpahirap sa marami sa ating kababayan.
Kung talagang kailangan ng gobyerno ng pondo pagdating ng panahon, marami po silang ibang puwedeng gawin. Halimbawa, magbenta ng ari-arian na hindi naman nila kailangan ga ginagamit. Pangalawa, pakinabangan, bigyan na malawak na insentiba, buksan ang gripo o pintuan, ika nga, para sa pagpasok ng pribadong pera sa pagpapagawa ng iba’t ibang proyekto sa ating bansa. Ang elevated Skyway sa EDSA ay hindi naman DPWH ang gumawa kundi ang pribadong sektor sa pamamagitang ng PPP. Ang pinakamahabang tulay sa Cebu marahil sa ating bansa, PPP din po ‘yon at may piso mula sa kaban ng bayan. Wala po tayong ginastos. Puwede po natin i-expand, buksan ang lahat ng oportunidad para sa pribadong sektor na gawin ang iba’t ibang infrastructure project para hindi ma-burden ‘yung ating National Treasury o kaban ng bayan.
At pangatlo, ang nawawala sa korupsyon sa ating pamahalaan ay Php600-B ayon sa deputy ombudsman. Kalahati lamang na mapigilan natin, kalahati lamang na mabawi natin kada taon, Php300-B ‘yon. Sobra-sobra pambayad ng inutang ng administrasyong ito may sukli pa at sobra para po sa ibang proyekto, program activity at ayuda kung nanaisin ng susunod na administrasyon ng hindi kinakailangan sa asa ng anumang buwis.
RE: Senador ang tinatakbuhan niyo Senator Chiz, ‘no?
CB: Oo.
RE: Boboto sana kitang presidente.
CB: Presidente.
CHIZ: Well, Raoul hinihintay ko, hinihintay nating lahat na magsimula nang maglahad ng plataporma ang mga tumatakbo sa pagkapangulo at hindi lamang simpleng pagsagot sa mga tanong na punupukol sa kanila sa forum man o sa interview. Sana sa mga susunod na linggo maririnig natin silang magsalita kaugnay sa bagay na ito. Na sasabihin nila halimbawa, tulad ng binanggit ko, hindi ako magtataas ng buwis sa loob ng anim na taon, hahanapan at gagawan ko ‘yan ng ibang paraan. Dahil hindi natin kailangan ‘yan sa panahong ito.
Wala pa akong naririnig na nagsasalita kaugnay sa bagay na ‘yan. Mahigit 30 porsyento ng ating mga kababayan na umaasa sa agrikultura, ang budget ng Department of Agriculture ay Php80-B lamang gagawin kong Php400-B ‘yan at sa loob ng anim na taon gagawin kong P900 bilyon para mas mataas siya kaysa sa DPWH, dahil principally agriculture economy pa rin tayo. Hinihintay ko sa mga presidential candidate na magsalita kaugnay sa mga specific na plano na gagawin nila kung sila ang papalaring manalo sa darating na halalalan.
RE: Lilinawin lang natin senatorial ang tinatakbuhan ni Senator Chiz. Baka maibotong presidente.
CB: Presidente kasi dami niyang ideas, ‘di ba.
RE: Tama. Tama ‘yung sinabi niya wala pang nagta-tackle ng issue na ‘yan.
CB: Napaka-crucial pa naman nitong incoming election, Sir ‘di ba, dahil ang daming challenge na kanilang kakaharapin dahil sa dami ng problema ng bansa natin sa ngayon. Malaking sakit ng ulo, ‘no, dapat maging matalino tayo.
CHIZ: Noong nag-usap tayo ‘di ba, Cely, sinabi ko sa iyo na nakakapagtakang maraming tumatakbo sa pagka-pangulo ngayon sa bigat at dami ng problema ng bansa na tila ang ilan ay wala namang maisip na solusyon pa. Nakakagulat na maraming nagnanais na tumakbo sa pagkapangulo sa panahong ito na bumabangon tayo mula sa pandemya.
CB: Maraming salamat at sana magkaroon kami ng tsansang makita naming dahil ang daming magagandang kwento doon sa mga nagpunta ng Sorsogon.
RE: Oo, maganda daw.
CB: Kung gaano kaganda ang Sorsogon ngayon.
RE: Hindi ka pa ba nakarating sa Sorsogon?
CB: Hindi pa.
RE: Naku ang ganda.
CB: Ang daming na-amaze, nagpa-picture, kinunan nila ng picture ‘yung maganda niyong kapitolyo at kung anu-ano pang pinagawa ni Governor Chiz Escudero diyan.
RE: Kasi ‘yan talaga, taga-riyan talaga ang mga Escudero.
CHIZ: ‘Yung nakikita–
CB: Ano, Sir?
CHIZ: Cely, ‘yung nakikita pa lamang ‘yon sa gitna ng pandemya, nakapag-ISO certified din ang buong pamahalaang lalawigan-
RE: Wow.
CB: ISO certified.
CHIZ: Ang mga ospital namin at pitong siyudad at munisipyo. So doon sa panloob, hindi lang ‘yung panlabas ang sinubukan naming ayusin at linisin at pagandahin pati ‘yung panloob sinikap din naming gawin din at nung natapos na ang aming museum, ‘di yung puso kaluluwa, kaisipan at panlabas na kaanyuan ng aming lalawigan sinikap naming baguhin at ayusin.
CB: Paano pa kung walang pandemya, ‘di nag-lockdown. Naka-ISO certified sila, nagawa nila ‘yon during the pandemic. Ibig sabihin, Sir, mas marami ka sanang nagawa kung hindi nagkaroon ng pandemya ‘no?
RE: Oo nga.
CHIZ: Ganoon talaga ang buhay, Cely, may mga hamon na dumarating na hindi natin inaasahan and we decide to make to what we have. We decide to make the best out of it. ‘Yun siguro ang hamon sa bawat isa sa atin.
CB: Opo. Thank you at good luck po sa inyo.
RE: Thank you, Senator
CB: Governor Chiz Escudero, incoming Senator.
CHIZ: Salamat Raoul, salamat Cely, sa ating taga-subaybay magandang araw po sa inyong lahat. Thank you and good afternoon, ingat kayo.