KANDIDATALKS

 

LOVE ANOVER (LA): Ito na Ma’am Jophine, mukhang makakasama na natin tonight ang ating unang guest, Ma’am Jophine.

JOPHINE ROMERO (JR): Excited talaga ako kasi kahit, tatlo ‘yung mambabatas natin o tatlo ‘yung mga lawyers natin na nandito sa o tonight ‘no bilang guest natin. Pero sabi ko nga ‘yung ating unang guest ay napakalalim na ng kanyang mga kaalaman at napakalawak ng kanyang karanasan sa legislation, paggawa ng batas at bilang natural-born leader ng kanyang probinsya sa Sorsogon. Marami din siyang nagawa na at puwedeng ibahagi sa buong Pilipinas.

So, wala na pong paghihintay, nandito na po ang ating panauhin. Please help me welcome, Governor Chiz Escudero.

ALBERT SUMAYA (AS): Yehey!

LA: Hi, Gov. Magandang gabi po sa inyo!

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hi Love, Betong, and Jophine, magandang gabi sa inyo at sa lahat ng sumusubaybay sa atin ngayong gabi. Magandang gabi at pagbati mula sa lalawigan ng Sorsogon.

LA: Ayon! Maray nga gab-i. Tama ba?

CHIZ: Marhay nga gab-i

LA: Naku, ito Gov. Chiz bago po natin simulan ang ating kwentuhan, meron po tayong makakasamang Go Negosyantes mamaya na nakatutok o ngayon nakatutok po. Baka gusto po ninyong batiin po sila ating mga negosyante, mga MSMEs Gov.

CHIZ: Sa lahat ng sumusubaybay sa atin ngayong gabi na may mga may-ari, nagpapatakbo ng mga MSMEs sa buong bansa at marahil sa buong mundo, tanggapin po ninyo ang aking pakikiisa at pagbati sa gabing ito. Magandang gabi po sa inyong lahat.

LA: Ayan! Ms. Jophine.

JR: Ayan. Governor Chiz, you know we’re excited na babalik po kayo sa national arena kasi parang excited din po ang mga tao sa unang survey pa lang kitang-kita na ang taas-taas ng ratings ninyo. And honest po ito na ang mga taga-Go Negosyo at ‘yong mga mentees natin ay naghahanap ng leader na lalong tutulong sa kanilang mga adhikain at saka sa pagpapalawak ng ating negosyo.

Usually po meron kaming pang-beauty queen na tanong ‘no.

CHIZ: Opo.

JR: Hindi na ‘yon ang itatanong ko, Sir, kasi po malalim (inaudible) naman. Siguro po ngayon na medyo palabas na tayo sa pandemya, ano hom ‘yung tingin ninyong puwede niyong gawin, nagawa na ninyo dati at pwedeng ituloy o ‘yung para matulungan ho na lumago ulit at makabalik ang ekonomiya ng Pilipinas sa dati.

CHIZ: Hindi maikakaila, Ma’am Jophine, na maraming negosyong nagsara, maraming trabahong nawala dahil sa pandemya at ang pangunahing dahilan nito ay ang mga lockdowns. Para sa akin panahon na para buksan muli ang ating bansa at magbukas muli ang mundo. Kung titignan natin ang datus mahigit tatlong milyon at limandaang libo ang tinamaan o naapektuhan ng COVID. Limampu’t limang libo ang namatay dahil dito, Ang populasyon natin ay 110 milyong Pilipino, ibig sabihin wala pang tatlong porsyento o mga 2.8 percent ang nagka-COVID at ang namatay dahil dito.

Alam ko meron din ako, kamag-anak, kapatid, kaibigan, kakilala na namatay pero wala pa itong kalahati ng isang porsyento ng nagka-COVID. Pero kung susuriin natin, kung babalik-tanawan natin 97 percent ng mga Pilipino apektado ang buhay na baka sa mas malaki at malalang paraan pa.

Kung may pag-aaral na gagawin kaugnay sa COVID makalipas ang ilang taon mula ngayon makikita marahil natin mas maraming mas maaring mamatay at magutom dahil sa COVID. Maari pa ngang mas maraming namatay dahil nag-lockdown at hindi nakapasok, inatake sa puso, ‘yong na-stroke at iba’ ibang karamdaman na hindi na po na-check-up.

Sa ibang bansa sa Europa at sa Amerika pinapasa na po nila ang responsibilidad sa mamamayan nila. Hindi kakayanin ng gobyerno na balikatin ng sobra pa sa dalawang taon, tatlong taon, limang taon, sampung taon ang ayuda, ang lahat ng gastusin kaugnay (no audio). Panahon na para magkaroon ng shared responsibility ang mga mamamayan gayundin ang pamahalaan kaugnay sa COVID-19. Ika nga, nandito na ‘to at ang kailangan natin mamuhay ng nandiyan na ‘yan tulad ng ibang sakit na makabago.

Masasanay tayo, matututo din tayo na iwasan ito at sana makabalik nang muli ang dati pero magsisimula ito sa ganitong uri ng pananaw na sana sino man ang susunod nating maging pangulo, ‘yan din ang maging pananaw at hindi ‘yong puro lockdown na lamang tayo dahil wala namang nareresolbahan ang lockdown.

Sa totoo lang, ang nakita ko lamang sa lockdown, kapag nag-lockdown ka hindi ka naman nagma-mass testing. ‘Yung mga positibong uuwi sa bahay na hindi mo palalabasin ay hahawaan lang po niya lahat ng kamag-anak niya sa loob ng bahay.

May ibang pamamaraan na pwedeng gawin tulad ng ginawa namin dito, Ma’am Jophine – sorry kung medyo mahaba – never kaming nag-lockdown sa lalawigan ng Sorsogon bilang gobernardor. Noong tumaas ang kaso namin, nag-lockdown kami pero weekends lamang. Binawasan namain ng 28 porsyento ang 7 araw sa isang linggo, Sabado’t Linggo lang kami naglo-lockdown. Para Lunes hangang Biyernes, malayang makakapagtrabaho, makakapaghanap buhay, malayang pwedeng kumite ang aming mga kababayan, negosyante man o empleyado upang may pangtustos sila sa pangunahin nilang pangangailangan. Gayundin ang kanilang mga mahal sa buhay.

‘Yon na ang pinakamalapit sa lockdown na amin pong ginawa. Awa ng diyos manageable ang aming mga kaso dito, sa ngayon 15 lamang po ang kaso namin ng COVID dito sa lalawigan ng Sorsogon at buong lalawigan na po ‘yon. Sorry po mahaba.

LA: It’s OK. It’s OK.

AS: OK lang po, Governor Chiz.

JR: Governor, OK po ‘yan. Actually, doon nga po sa introduction ko kanina alam namin na napakarami ninyo nagawa sa inyong probinsya na puwedeng matututunan at gawin din ng ating mga kababayan sa ibang parte ng bansa. Thank you po. I think, mahusay po iyong inyong mga examples. Sana po pagbalik ninyo sa Senado magawa ho natin iyan on a nationwide level.

CHIZ: Ma’m Jophine, marami akong kaaway at aawayin kung saka-sakali pagdating ng panahon na iyan dahil maraming LGU ang nagrereklamo sa ilang polisiya ng IATF at DOH na hindi naman po aplikable sa amin. Madalas sa mga polisiya nila ay aplikable lamang sa NCR at CALAVBARZON pero sa amin, hindi po aplikable at malayo ang kondisyo ng sitwasyon .

JR: OK, medyo nagpi-freeze ng kaunti si Governor.

AS: Governor, ito na po, ang question naman po natin ay naman po sa mga empleyado naman at sa isyu po ng trabaho. Kapag kayo po nanalo, paano ninyo po na i-address ang mga challenges na kinakaharap ng mga Pilipinong manggagawa? Pati na rin ang lumalalang unemployment sa ating bansa.

CHIZ: Hindi po ako miyembro ng Senado ngayon para ipanukala ito pero binanggit ko ito sa ilan sa mga kaibigan ko na nasa Senado pa. Pag-aralan nila ang ginawang pattern ng Europa. Nagbigay sila ng ayuda, hindi lamang sa mga pamilya. Nagbigay silang ng ayuda sa mga MSMEs sa kondisyon na, una, hindi ito puwedeng gastusin ng personal. Puwede lamang ito gastusin pangsuweldo ng empleyado sa loob ng anim na buwan. Para kahit na mahina ang kita, mahina ang pasok ng pera, mananatili pa rin empleyado iyong, empleyado nila, kung minsan mahirap maghanap ng magagaling na empleyado na bagay sa kanilang mga negosyo sa loob ng anim na buwan. Na ini-extend na pa nila ng tatlong buwan pa yata upang sa gayon ay manatiling bukas ang mga negosyo- maliit man ang kita. Kayang patakbuhin pa rin ng hindi nalulugi.

Ang nakita natin sa atin noong nag-lockdown tayo na walang ibinigay na ayuda sa mga maliliit na mga negosyo. 70% ay nagsara na mga MSMEs na hindi po katanggap tanggap sa isang ekonomiya na binubuo ng 95% ng MSMEs. Ang natira lamang sa mga nagbukas ay malalaking kumpanya. So, isang bagay po iyon na puwedeng gawin.

Hindi naman natin kasi kailangang maging magaling. Puwede naman tayong mangopya sa kung ano ang ginagawa sa ibang bansa na angkop at bagay sa atin. Hindi naman po ito pagalingan o pataasan ng grade. Ginawa rin po nila, ipinagpaliban nila ang pagbabayad. Ini-stretch iyong payment.  Iyon buwis na babayaran sana nila sa gobyerno, binigyan sila ng 3-5 limang taon para bayaran iyon. Para may capital pa rin sila at panatilihing bukas ang kanilang mga negosyo. Dahil oras na nagsara iyan, kinompyut po iyan ng mga pamahalaang iyan at mga estadong iyan. Kapag nagsara iyan, maski na income tax, wala silang makukuha sa empleyado na walang trabaho. Kapag hindi kumikita ang negosyo, wala rin silang makukuhang income tax mula sa mga negosyong iyan. Kinompyut nila at nakita nilang magbabalanse. So, they got the both of best worlds.

Sa kabilang banda, naging bukas ang mga negosyo. Hindi naalis sa mga trabaho ang marami sa kanilang mga kababayan at patuloy na nagkaroon ng revenue ang pamahalaan at hindi ito bumaba ng lubusan sa kabila ng kanilang mga polisiya patungkol sa COVID.

LA: Governor, bilang sa pinag-uusapan na natin tungkol sa vaccination kung anu-ano pang ipinapanukala. Ginawa po ninyo sa inyong probinsiya. Pero, ang tanong ko po, mababa daw po governor ang turn out ng vaccination sa Visayas at Mindanao kasi mayroon pa daw pong nag-aalanganin or natatakot or nag-aagam-agam na magpabakuna. Sa inyo pong lugar Gov, paano ninyo po kinumbinse ang inyong mga kababayan na magpakuna. Ano kaya ang puwedeng gawin sa iba pang mga lugar natin sa probinsiya?

CHIZ: Ako ang isa mga nabakunahan ng late na Sinovac. Maraming may agam-agam sa Sinovac pero noong dumating ang Janssen, dumating ang Pfizer, ang Moderna, aba’y pila po sa aming probinsiya ang nagpapabakuna. Pero, noong Sinovac ang ipinadala sa amin, nilalangaw po. Ang ginawa ko noong puwede na ako bakunahan bilang local chief executive, tinayming ko talaga na Sinovac iyong ibabakuna sa akin para magsilbing ehemplo na ako mismong ama ng lalawigan at gobernador ay nagpabakuna ng Sinovac. Walang rason para sila ay hindi rin gawin iyon.

Pangalawa, nagbigay kami ng mga incentive: nagpa-premyo kami, nagpakain kami, nag-show kami dahil hindi kaya ng ordinaryong kumbinsihan na magpabakuna sila. Pero, noong nakita nila na iyong mga nabakunahan ay mild o asymptomatic na naging napakadali na para sa amin na magpabakuna. Ngayon, kami ay nasa 74% vaccinated. Mataas sa average rate.

At ang aming booster shots ay nasa 14% na ng aming populasyon ang nakatanggap. Ang booster shot sa Visayas at Mindanao, malalakas at sinusunod at tinitingala ng mga lider doon. Marapat lamang magpakita sa pamamagitan ng ehemplo ang mga lider na ‘yan dahil tiyak ko susundan at susundin sila ng kanila rin pong mga kababayan.

AS: Governor, katulad po ng sinabi po ninyo at tayo po ay mga tropang Sinovac, mga tropang Sinovac.

JR: Sinovac ako.

AS: Sinovac ayan. Siyempre governor maraming salamat po sa pagsagot sa amin pong mga katanungan. Pero hindi pa po natatapos diyan ang ating discussion dahil ngayong gabi dadako naman po tayo sa susunod po na part ng ating programa kung saan may makakasama po tayong Go Negosyo mentee. Tama ba, Lovely?

LA: Yes, Governor. Siya ay isang Go Negosyonte na sumali po sa mentoring program ng Go Negosyo para mas mapalago pa niya ang kanyang negosyo. Ms. Jophine, baka puwede mo pong ikuwento – kwentuhan kami tungkol sa mentorship program ng Go Negosyo bago natin ipakilala ang mga kasama nating Go Negosyante ngayong gabi.

JR: Sure, Love. Alam ho Ninyo, Governor, siguro alam na niyo ‘to Governor medyo suki naming ‘yung Bicol kasi very entrepreneurial ang isip ng mga taga-Bicol. At ang ginagawa ho ng Go Negosyo kasama ang DTI, ang Department of Agriculture tsaka Department of Agrarian Reform ay namimili ho ‘yang mga departamento na ‘yan ng kanilang constituents na puwede naming bigyan ng parang mini-course na business.

CHIZ: Entrepreneur in business.

JR: Opo, ang galing ho, ang galing. So, ngayon mayroon na kaming mga mahigit 16,000 na mentees na grumaduate na po sa programa ng Go Negosyo. So, sana po makarami pa po tayo habang ngayon nga ay talagang maraming gustong magnegosyo dahil na-displace sila ng pandemya.

AS: Ayan. Naku maraming salamat, Ms. Jophine. At ito na po Governor ang ating mga kasamang Go Negosyo mentee mula po sa Kapatid Mentor Me Program na nabanggit nga ni Ms. Jophine. Siya po ay walang iba kundi si Ms. Marivic Balane. Siya po ay mula sa Camarines Norte.

LA: Nice, perfect.

AS: Siya ay may-ari ng Marivic Native Products. Yehey!

LA: Hi, Ms. Marivic magandang gabi po sa inyo!

MARIVIC BALANE (MB): Magandang gabi rin.

LA: Unang-una Ms. Marivic, ikuwento niyo naman po sa amin Ms. Marivic ang inyong kwentong Go Negosyo. At bago po natin simulant yung ating tanungan kay Governor Chiz, ano po ang inyong negosyo at kamusta na po siya ngayon?

MB: Good evening po. Ang pangalan po ng aming negosyo ay Marivic Delicacies. Ang ginawa naming produkto ay ang mga kakanin dito sa amin bayan sa Vinzons, Camarines Norte. Nagsimula po ako ng ganitong hanapbuhay noong 2000 noong ipinama sa akin ng aking biyenan ang paggawa ng kakanin. Makalipas ng mga taon, pinaunlad ko po ang ganitong hanapbuhay. Ngayon may mga kumukuha na sa amin ng produkto mula sa ibang bayan at probinsya ni Governor Chiz Escudero. (inaudible) ang aming produkto.

AS: Ayan, Ma’am Marivic kayo po ba ay happy – masaya ho ba kayo ngayong gabi, masaya ho kayo?

MB: Ay masaya ho. Masayang-masaya.

AS: Aba kung kayo’y masaya, pumalakpak nga po kayo. Pumalapak nga po kayo. Ma’am Marivic, congratulations po sa inyong negosyo. Pero ano po ba ang gusto niyo pong itanong kay Governor Chiz. Ayan may kodigo Governor, may kodigo.

MB: May kodigo po.

LA: Mukhang pinaghandaan.

AS: Sige po, Ma’am Marivic.

MB: Good evening ho, Sir. Ano po ang magiging unang programa ninyo para sa aming mga negosyante na nalugi dahil sa pandemya kung kayo po ay magiging senador?

LA: Ayan ang ganda.

AS: Gov, naka-mute po kayo, governor. Ayan po.

CHIZ: Una sa lahat, magandang gabi Ma’am Marivic. Hindi ko alam kung nasa Camarines Norte kayo na nagta-Tagalog o nagbi-Bicol. Kung nasa Bicol man kayo (speaking in local language).

MB: Tagalog.

CHIZ: Tagalog. Dalawa kasi sa Cam.

LA: Oho, dalawa po.

CHIZ: Anyway, Ma’am Marivic. Tulad ng binanggit ko po kanina, layunin ko magbigay ng ayuda sa mga MSMEs para makapagpatuloy silang magnegosyo pero limitado ang puwedeng paggastusan nito partikular sa sweldo at sa raw materials lamang. Alam ba niyo na sa 1% ng 2022 ang pondo lamang ng pamahalaan para sa MSMEs ay sampung bilyon. Php10-B sa kulang-kulang Php4-T budget ng pamahalaan. Parang napakaliit yata nun. Kung 95% ang MSMEs na bumubuo ng ekonomiya ng bansa, bakit naman po wala pang 1% ang budget ay na-allocate natin para sa kanila.

Ang pinakaimportante pong batas na dapat ipasa ng Kongreso, gayundin ang Senado, ay ang taunang budget at iyan po ang marapat na maging tulay, susi at daan sa muling pagbubukas ng mga negosyong nagsara, pagbalik ng trabahong Nawala, at pag-ikot muli ng ating ekonomiya. Dahil hindi po lamang gobyerno ang gumagastos ‘pag tama ang ginawa ng paggastos ng gobyerno, sasabay po ang pribadong sektor at ‘yan ang nagpapaikot ng ating kompanya.

‘Yung mga produkto po niyo, Maam Marivic, binebenta sa Barangay La Union sa Castilla dito po sa Sorsogon. Diyan po madalas bumibili si Heart at noong nagpa-picture na miss niya na diyan at pinost niya, aba dinagsa ang mga tindahan doon na dati ay labing-lima lamang ngayon ata ay mahigit 50 na. Ang nagbebenta ng SP Crop sa Barangay La Union (inaudible) at ito ay sa gitna ng pandemya, ito’y nangyari noong pandemya.

Kaya buo ang paniniwala ko, mabigyan lamang ng tamang exposure, ng tamang merkado, ng tamang koneksyon at ng sapat na suporta. Walang dahilan po para hindi mamayagpag ang ating mga ating MSMEs gayundin ang ating mga maliliit na negosyante.

LA: Thank you!

JR: Siguro may–

LA: OK, yes Ms. Jophine?

JR: Dalawa po ang tanong ko

LA: Sige po.

JR: Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang raw materials, anong hakbang ang iyong gagawin upang kahit papaano ay mapababa ang presyo sa ating bansa?

CHIZ: Hindi ko po kayang gumawa ng batas para pababain ang presyo ng raw materials o ang presyo ng bilihin. Kung pwede lang po matagal ko na pong ginawa ‘yan, unang termino ko pa lang sa Kongreso. Pero ang sasabihin ko po ay ito, kadalasan ang pagtaas ng presyo at ng raw materials dahil iyan ay nanggagaling sa ibang lugar at dinadala sa inyo. Ang ugat ng pagtaas ay mas mataas na presyo ng gasoline o produktong petrolyo. Ngayon po higit sa anumang panahon, siguro gayundin kay Ma’am Jophine, kay Ma’am Love, gayundin kay Betong, ito na ata ang pinakamataas na presyo ng gasolina mula noong ipinanganak tayong lahat, sa kasaysayan ng Pilipinas.

LA: Opo, masakit.

CHIZ: ‘Pag tumaas ang presyo ng gasolina, magtataas na po lahat ng bagay.

LA: Truth!

CHIZ: Ang layunin ko po at planong gawin siguro ‘yun lang po ang puwede kong isabatas. Una, magpasa ng batas na muling magbabalik sa tinatawag nating OPSF, Oil Price Stabilization Fund, meron pong ganyang batas noon, ‘nong panahon ni dating Presidenteng Marcos, kung saan mataas ang presyo magbibigay ng subsidiya ang pamahalaan sa mga nagbebenta ng langis para ibenta ng mas mababa o hindi kailangan itaas. Ang problema po kasi ‘pag tumaas ang presyo ng bilihin maski na bumaba yung presyo ng gasolina hindi na po bababa yung presyo ng bilihin, hindi po ba? So, nasa interes natin na panatilihing mababa ang presyo ng gasolina.

Pangalawa, magtatag ng tinatawag nating Philippine Security Oil Reserve. Ano po ang ibig sabihin nun? ‘Pag mura ang gasoline, dapat mag-imbak ng gasolina ang Pilipinas. sa pamamagitan ng strategic reserve, para kapag panahon ng mataas na presyo ng gasolina, ‘yun ang puwede munang ipaluwal sa mas mababang halaga. Ginagawa po ‘yan ng Amerika, ng Russia at ng iba’t ibang bansa sa Europa at sa Asya para matiyak na stable ang presyo. So, hindi lang pera ang gamit, gamit din po langis mismo.

At panghuli, ito hindi na po kailangan ng batas dahil may batas na, papaalahanan, papaluin at aawayin ang BIR na babaan ang rate ng buwis sa produktong petrolyo. Binigyan po namin ng kapangyarihang ‘yan noong kami ay nasa Senado pa ako. Ano po ang ibig sabihin? Halimbawa po ang presyo ng gasolina ay Php40 kada litro at ang buwis at Php10 para mas madaling mag-compute. Sampung porsyento kada litro, ang kikitain ng gobyerno ay Php4 kung Php40 ang bentahan, ang babayaran po natin Php44. ‘Pag nagtaas po ang presyo ng langis at naging Php60 tulad dito sa Visayas, tulad sa Mindanao, ang biglang kikitain ng gobyerno na buwis ay Php6, hindi lang po Php4. Bakit naman po dadagdagan pa ng gobyerno ‘yung pasanin ng tao?

(inaudible) naming ang BIR, babaan ‘yung rate para makakolekta pa rin nila ay Php4 hindi ‘yung sa pagtaas ng produktong petrolyo para silang tumama sa lotto dahil tataas din ‘yung makukuha nilang buwis. Php4 lang po per liter ang target nilang koleksyon, ‘yun lang din dapat pa rin makuha nila maski na tumaas pa ang presyo ng produktong petrolyo. Tatlong bagay po na pwedeng gawin at dapat gawin manalo man po ako matalo bilang Senador, sana ‘yun ang gawin ng susunod na Kongreso at Presidente.

LA: Thank you, Gov!

MB: Thank you po.  Thank you very much.

CHIZ:   Thank you very much Ma’am Marivic.

LA:  Yes, Betong meron tayong good news para kay Ms. Marivic.  Tama?

AS:  Oo. Governor Chiz, gusto ko lang po sabihin ‘yung ginawa po ni Ms. Heart na nagpa-picture kay Ms. Marivic, malaking tulong nga yun kasi nakita ko lately nagpunta po siya sa sari-sari store, Gov.  Malaking tulong talaga maintroduce ng–

JR:  Actually, to the point Betong, Governor, ang GoNegosyo po on annual basis except po last year 2021 ini-inspire po ang mga Filipina entrepreneurs natin. Kasi alam mo po Ninyo, karamihan ng mga negosyante dito sa Pilipinas, ‘di ba, mga babae.  So, thank you po so please extend our sincere thank you to Ms. Heart.  Tinutulungan po niyang umangat ang mga business nitong mga babae—mga negosyanteng kababaihan sa Pilipinas.  Sana po, makasali po siya sa aming summit sa March 11 kayo din po as honorary female entrepreneur puwede po kayo.

LA:  Heart, ikaw naman.

CHIZ:  Ma’am Jophine, Love, Betong nasa Paris yata si Heart sa March 11.  OK lang kung hindi makasama kasi hindi ko rin siya makakasama.

LA:  But I believe Heart is for women empowerment.  Nakikita naman natin ‘yon.

AS:  Gov, kahit nasa Paris po si Ms. Heart, ang sasabihin niya po ay, “I left my heart in Sorsogon.”

LA: Iyon lang lagi.

CHIZ:  OK lang ‘yun, Betong, kasi kahit hindi naman kami madalas magkita nitong mga nakaraang linggo dahil sa trabaho ko at trabaho niya may bawi naman ‘yun dahil at least may miss at pagnagkita may gigil palagi.  Ikaw naman si Love

LA:  Love, love.  Ayan kinikilig si Ms. Marivic.

AS:  Oo nga.  Ms. Jophine baka meron pa po kayong gustong tanungin kay Governor.

JR:  Well, ang gusto ko lang sana, Governor, sa susunod na makita naming kayo ang tawag namin sa inyo ay “senador” ulit.

CHIZ:  Pinagsisikapan at pinagdarasal.

AS:  Ms. Jophine, Love, and Governor Chiz meron po tayong espesyal na regalo po kay Ms. Marivic.   Dahil kayo po Ms. Marivic galing kay P.A  Joey Concepcion sa GoNegosyo kayo po ay makakatanggap ng Php5,000 na pandagdag na puhunan.

LA:  Ano po masasabi niyo Ms. Marivic?

MB:  Thank you very much po.

LA:  Governor Chiz, ano po ang inyong maipapayo sa papremyong natanggap ni Ms. Marivic and of course hihingi na rin po namin sa inyo ang inyong mensahe sa ating mga MSMEs at mga kababayan na nakatutok ngayong gabi po sa atin.

CHIZ:  Maraming salamat, Ma’am Love.  Ma’am Marivic congratulations.  Pang negosyo po iyan hindi pang tong-its at hindi para sa kung ano pa man.  Tinitiyak ko sa inyo (inaudible) negosyo mas malaki pa po ang bawi at ilalago po niyan.

Sa ating mga taga-subaybay na mga nakapagtatag ng kanilang MSMEs, medium o small mga MSMEs natin, dalangin ko po ang tagumpay ninyo sa inyong negosyo.  Naunawaan ko po ang hirap na pinagdadaanan ninyo pero maniwala po kayo magtiwala at manampalataya na matatapos din, magwawakas at lilipas din ang pandemyang itong at sa muling pagbubukas ng mundo sana handa po tayo harapin ang iba at bagong hamon na maaaring ibato sa ating ng tadhana bilang mga negosyante, bilang isang lahi at bilang isang bansa.

At sana hindi kailanman kayo manahimik kaugnay at kailangan gawin ng inyong mga opisyal dahil kayo po ang aming gabay, kayo po ang aming pakikinggan.  Ika nga, kayo po ang amo at boss namin na marapat na dinidinig at pinagsisilbihan ng bawat isa sa amin.  Kaya huwag po kayong magdalawang isip na magsabi, magpaalala, bumatikos kung kinakailangan at magparating ng anumang problema’t hinaing o suhestiyon.

LA:  Thank you, Governor Chiz.  Maraming, maraming salamat.  At Ms. Marivic, maraming salamat po.  God bless you po.

CHIZ:  Maraming salamat po.

JR:  Governor, huwag po kayong magsawa sa pagtulong sa ating MSMEs.  Kailangang-kailangan po nila and maraming, maraming salamat po.  Napakalinaw mga programang maari niyong gawin at yung mga reminders ninyo dahil meron naring mga batas na ginawa niyo dati pa.

LA:  Thank you Gov.

AS:  Thank you Gov.

CHIZ:  Salamat sa inyo, Ma’am Jophine, Betong at Love.  Ma’am Marivic, magandang gabi po sa inyo at sa ating mga taga-subaybay magandang gabi at maraming salamat at mag ingat po kayong lahat.  Keep safe.