ON THE SPOT

 

DANNY BUENAFE (DB): Unang tanong lang Sir, kasi nakausap namin kanina si Senator Risa Hontiveros. Siyempre nasa panglabing-isa siya, mukhang sya lang ‘yung naka-survive sa grupo ng mga senators sa posisyon. Although alam ko, ikaw, ‘di ba, you voted for Leni dahil Bicolano, so pareho kayo so ngayon. Ano ho ba ang magiging role ninyo, palagay ko ay isa ka ba doon sa mga tutulong na maging isang fiscalizer sa Senado, kasama siguro si Senator Risa Hontiveros?

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Masyadong maaga ‘yung mga usapin kaugnay niyan, Danny, Tony, dahil ang Mayoriya at Minoriya sa Senado, sa Kongreso man. Ibang usapin yan kaugnay ng pagiging administrasyon o oposisyon, lalo na pagdating sa Senado. Strictly speaking, ang ibig sabihin ng mayoriya, bumoto ka sa nanalong Senate President. Ang ibig sabihin ng mayoriya sa Kamara, bumoto ka sa nanalong Speaker. Magkahiwalay na usapin ang pagiging administrasyon o oposisyon.

DB: Sa ngayon ba, hindi pa rin napag-uusapan, no? Most likely, doon sa present mix ng mga senador, ‘yung kung sinong posibleng maging Senate President kasi ang nauulinigan namin ay si Senator Cynthia Villar ang parang mukhang namumuro na maging next Senate President.

CHIZ: May mga interesado siyempre na miyembro ng Senado pero dalawang araw pa lamang matapos ang halalan Tony, Danny, marami pang gustong matulog at magpahinga. At ang botohan naman ng Senate President ay nasa unang araw ng pagbubukas ng sesyon, mahigit dalawa’t kalahating buwan pa mula sa araw na ito at yung posisyon ng mga senador particular, kada issue naman ‘yon, Tony, Danny. Posibleng nasa administrasyon ka, nasa mayoriya ka, pero may issue talagang malapit sa puso mo na taliwas sa posisyon ng administrasyon so issue por issue. Malamang magkakaiba ang mga senador, majority or minority man sila, kaalyado man ng administrasyon o hindi.

DB: Kayo ba, nagulat doon sa resulta ng eleksyon? At so far, wala bang naging problema dyan sa Sorsogon? Tsaka, ‘yun na nga, katanggap-tanggap ba kase medyo ‘yun na nga, may mga nagpoprotesta ngayon sa COMELEC, medyo kinukwestyon ‘yung medyo daw systematic ‘yung paglalabas nung time intervals nung, ‘diba. Kasi napakabilis ng paglabas ng resulta nung transmission.

CHIZ: Alam mo Danny, Laylo man, Pulse man o OCTA man, ‘yun ang sinabing magiging resulta ng halalan na pinapakita ang napakalaking lamang para kay President-elect Bongbong Marcos. Hindi naman siguro puwedeng pagdudahan ‘yon. Ngayon, ‘yung paglabas ng resulta, magkabila na ‘yan, Danny, Tony. ‘Pag masyadong mabagal, pagdududahan. ‘Pag masyadong mabilis, pagdududahan. Saan naman lalagay ang COMELEC kaugnay ng bagay na ‘yan? Tila wala silang pupuntahan kung mabagal man o mabilis pero sa totoo lang, maraming nakatuwa, panalo man o talo na naging mabilis ang resulta ng halalan maski na sa mga lokal na mga posisyon. Wala kaming naging problema sa Sorsogon. Isang insidente lamang ng robbery na nahuli sa checkpoint na maraming baril pero maliban doon, wala pong kaguluhang naganap sa buong lalawigan ng Sorsogon. In fact, proklamado na po lahat ng local candidates namin sa lalawigan ng Sorsogon.

TONY VELASQUEZ (TV): Ilan po ba kayo na magkakamag-anak na Escudero na nanalo dyan sa Sorsogon?

CHIZ: Kapatid ko lang po ang tumakbong kongresista. Vice Governor ay first cousin ko po.

TV: Si Jun Escudero, siya po ba ay naproklama na?

CHIZ: Naproklama na rin po kahapon.

TV: Ayon. Tapos ang bagong governor na, si Buboy Hamor.

CHIZ: Yes po. Yes Tony, naproklama na rin sya.

TV: Tapos ‘yung kapatid po nyo, si Dette, Dette Escudero?

CHIZ: Kongresista ng Unang Distrito Tony, tama.

DB: ‘Yung governor, kaalyado niyo ‘yon? NPC.

CHIZ: Opo. ‘Yung governor, yung vice governor at ‘yung buong provincial board na sampu at lahat galing sa NPC.

TV: Oh, OK. Galing ng performance ng NPC!

CHIZ: (laughs)

TV: OK, wala na rin akong question dahil pahinga muna si Senator. Mag-recharge na muna kayo, Senator.

CHIZ: Maraming salamat Danny, Tony. Maraming salamat sa ating mga taga-subaybay. Magandang umaga po sa inyong lahat. Thank you and good morning.