HOST (H): So, we will start first Sir with a message.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Magandang hapon sa inyong lahat. At karangalan ko na makabisita muli dito sa siyudad ng Ormoc, makalipas ng mahigit dalawang taon mula nang nagsimula ‘yung pandemya. Pandemya at trabaho din ang dapat kong gampanan bilang gobernador ng Lalawigan ng Sorsogon. Kaya hindi ako nakabalik ng nagdaang dalawang taon. Karangalan kong sagutin anumang katanungan o paglilinaw na nais ninyo mula sa akin. Kahit tungkol sa pag-ibig, puwedeng tanungin.
QUESTION (Q): Bakit iwan natin ‘yung Sorsogon at babalik tayo ng Senado?
CHIZ: Labindalawang taon akong nasa Senado bago ako tumakbong gobernador. Sa loob ng labindalawang taong ‘yun, hindi ko naman iniwan ang aking lalawigan. Kada buwan, umuuwi ako dalawa, tatlong beses pa din at hindi magbabago yun dahil tinuturing kong tahanan ko ang lalawigan ng Sorsogon.
Kung ang tanong mo ay bakit ako tumatakbong muli sa Senado, ang kasagutan ko ay kahit anong gawin kong galing, talino, kahit magtatalon, at magtatumbling ako sa Sorsogon bilang gobernador, may hangganan ang mararating sa aming probinsya dahil sa tumamang pandemya sa atin.
Kung hindi aangat ang buong Pilipinas, may hangganan palagi ang kaya naming marating at magawa. Nakikita ko at nakita at nalaman ko ang buong bansa ay kumakaharap sa seryosong problema ngayon. At ito ‘yung mga panahong, ika nga, sa wikang Ingles na all hands on deck. Sinumang may puwedeng i-alok, sinumang may puwedeng gawin na tulong at ambag, dapat ibigay at ialok niya, ika nga, para muling bumangon ang ating bansa mula sa kalagayan niya ngayon dahil sa COVID-19. Layunin ko, kaya muli akong tumatakbo at humaharap sa dambana ng balota bilang miyembro ng Senado, ialok anumang talento, galing, karanasan at nalalaman sa muling pagbangon ng ating bansa dahil kung hindi ko gagawin ‘yan, hindi ko siguro mahaharap ‘yung sarili ko sa salamin.
Pangalawa, tatakbo ang aking kapatid. Magreretiro na dapat ako matapos ang isang termino bilang gobernador. Tatakbo ang aking kapatid bilang congressman. Hindi lang Escudero ang magaling na apelyido sa Sorsogon. Walang monopoliya ang pamilya namin kaugnay sa panunungkulan sa aming lalawigan. Prinsipyo at paniniwala ng Tatay ko ‘yan. Prinsipyo at paniniwala ko rin ‘yan. Marapat bigyan ng pagkakataon ibang mga apelyido at pamilya na pagsilbihan ang aming lalawigan. Baka kasing galing, malay natin mas magaling pa kaysa sa amin.
Q: About ito sa Excise Tax na gustong ipatigil na, Sir. The government instead of stopping the Excise Tax, magbibigay nalang daw ng Php200 na subsidy sa bawat pamilya. Any reaction to this?
CHIZ: Maliwanag na kulang. Wala pang one-third ng minimum wage ‘yan. Hindi kakasya sa isang pamilya ng lima para sa isang araw na gastusin. At ang tanong, kailan pa makakarating sa inyo? Sa Abril, sa Mayo? Ang pagbababa ng buwis na pinapataw sa gasolina, Excise Tax man o VAT, agad mararamdaman ng bawat Pilipino. Kayang babaan ang presyo mula Php8, pinakamaliit Php3, kung bawasan lamang ang excise tsaka Value Added Tax.
Ang agrumento nila, ang mayaman daw mas maraming kumonsumo ng gasolina kaysa mahirap. Kaya ‘pag tinanggal mo ang buwis, ang magbebenipisyo ay mayaman kaysa mahirap. Di ba ‘yun ang sabi. ‘Di ang bigyan lamang natin ng subsidiya, ‘di ba, transport sector, tricycle, jeepney at bus. ‘Yung bawas buwis, sa kanila lamang mag-aapply. Hindi sa may magagara at pribadong kotse. Pero bakit? Hindi ba nahihirapan din ‘yung mga police, nurse, empleyado ng pamahalaan sa kanilang pagbabyahe. Maski na may sarili silang kotse, ibig sabihin ba nun mayaman narin sila at may kaya na rin sila. One percent lang ng populasyon natin ang mayaman. 99% middle class at mahirap. Kung gagawin nila ‘yan, ma-benepisuhan man ang 1%, ang tingnan natin ang 99% na mabe-benipisyuhan pagka ginawa ng gobyerno ‘yan.
Q: In case, you’ll be back to the Senate, what would be the conventional intervention that we have to at least calm the impact or to make it sustainable for this progress?
CHIZ: Kaugnay ng kuryente? Kaugnay ng pagbangon sa ekonomiya?
Q: Related to the power sector, Sir.
CHIZ: Hindi pa nagbubukas ang ekonomiya ng Pilipinas, kulang na tayo ng kuryente. Sa totoo lang, nagpapasalamat, nagpapamisa si Sec. Cusi na may pandemya. Nagpapasalamat, nagpapamisa marahil ang Department of Energy na tumama ang Bagyong Odette at maraming mga barangay at lugar na wala pang kuryente hanggang ngayon. Dahil kung walang pandemya, kung walang bagyong malakas at kalamidad na tumama sa maraming parte ng Pilipinas, rason para walang kuryente pa sa ilang bahagi ng ating bansa. Ngayon pa lamang, rotating brownouts na tayo.
Sa loob ng mahigit lima at kalahating taon, ni isa, ni isang bagong generating power plant, walang nagawa. Tumataas ‘yung konsumo natin. Buti nalang ha at nagpandemya at lockdown sa pagkakakita nila, buti na lang “tumama ‘yung Odette.” Kasi kung hindi, ngayong taon pa lamang, brownout na tayo sigurado sa buong bansa. Rotating brownouts ibig sabihin, araw-araw may takdang brownout, kung ilang oras man ‘yan kada-araw.
Ang malungkot ay aabutin ng apat hanggang limang taon bago tayo makapagpagawa ng bagong planta na mura. So pansamantala, pupunuan ito ng diesel five power plants para wala na tayong brownout. Anong kapalit? Mataas na presyo na naman ng kuryente. Bakit? Dahil kulang sa pagpapaplano, kulang sa pag-aksyon ng maaga ng Department of Energy. Masyado yatang na-busy si Sec. Cusi sa PDP-Laban bilang presidente. At hindi nabantayan at naasikaso ang trabaho niya bilang Department of Energy secretary.
Ang susunod na administrasyon, wala pa akong ineendorso sa pagkapangulo kasi wala pa akong naririnig na anumang plataporma muna sa mga tumatakbong presidente. Bilang halimbawa, ang sasabihin ko, ang susunod na administrayon maliban sa pandemya, ang pangunahing problemang kailangan nyang hanapan ng solusyon at nais kong marinig kung anong plano nila dun ay ang problema sa kuryente. Lahat sinasabi, dapat bumangon ang ekonomiya, umikot na muli ang ekonomiya, tulungan natin ang MSMEs para gumulong na ang ekonomiya, magbukas na tayo dapat, wag na maglockdown, Alert level 0 na. Pag ginawa natin yan, madadali ang brownout sa ating bansa. Dahil ngayon pa lamang na maraming sarado, kulang na. Lalo pa pag nagbukas tayo.
So anong magbibigay ng kuryente, power ika nga sa muling pag-ikot ng ekonomiya natin? Paano ‘pag 100% capacity na ang restaurant? 100% capacity ang hotel? 100% capacity ang mga factory? Magiging problema natin at pipigil sa paglipad muli ng Pilipinas, ika nga, agila man o anong gagamitin nilang klase ng ibon, kuryente at kakulangan sa kuryente. Pero hanggang ngayon maski sa mga debate, wala pa akong naririnig na nagsasalita kaugnay sa ano ba ang plano at gagawin nila tungkol dito.
Q: So what hinders you, Sir, to endorse any presidentiable? And who would be your most likely choice?
CHIZ: Nasa edad na ako. Nakilala ko lahat ang tumatakbo. I’m 52-years-old. I was born October 10, 1969. Mahirap makalimutan ‘yung birthday ko dahil 10-10 na nga, 69 pa. Iniisip ko na natawa kayo sa 10-10, ha.
Nasa edad na ako na kilala ko lahat ng tumatakbo. Kaibigan ko ang ilang tumatakbo. Nakatrabaho ko lahat ng tumatakbo sa pagkapangulo ng bansa. Lahat sila may kakayanan. Pero tulad ng binanggit ko kanina, nais kong pakinggan ano ang gagawin nila sa ilang piling problema ng ating bansa kung sila mananalo.
Hindi ito simpleng pagsagot ng tanong sa debate. Hindi ito simpleng interview sa isang press conference. Ito’y paglalahad ng plataporma, programa at plano sa susunod na anim na taon. Siguro, sana bago dumating ang May 9, marinig natin silang lahat. Ano nga ba ang gagawin, piling problema lang sa kuryente, presyo ng produktong petrolyo, pag-angat muli ng ating ekonomiya, MSMEs particular, paano manumbalik ang sigla ng agrikultura at paano niya linisin ang corruption sa pamahalaan.
Limang bagay lang, aking hinihintay at inaantabayanan mula sa mga tumatakbo. Sa bigat ng problema ng bansa, sa totoo lang nagulat ako kung bakit napakaraming gustong tumakbong presidente. Sa bigat ng kakaharapin nilang problema, kabilang dito ang nabanggit ko.
Q: So ibig sabihin po, Sir, pagbalik nyo po sa Senado, itong limang issues na binanggit nyo po, ito ‘yung una ninyong tututukan?
CHIZ: Oo. Pero may dagdag. Bilang gobernador, nakita ko kung gaano nakatali ang kamay ng mga gobernador at mayor. Napakaraming regulasyon, hindi batas dahil nagturo ako ng Local Government Code. Wala sa batas ‘yun. Napakaraming memorandum circular, memorandum, regulation, IRR na ginawa ang DILG, DBM, DOH, Civil Service Commission, Commission on Audit na effectively tinatali ang kamay ng lokal na pamahalaan.
Paumanhin pero sa aking pananaw, gaano man kagaling, katalino, kalawak ang karanasan ng sinumang secretary ng anumang departamento, kung nakaupo lamang naman siya sa kuwarto niya sa Maynila na air-conditioned, ni hindi tumatayo malapit sa bintana para dungawin yung kalagayan natin. Paano niya malalaman kung anong kailangan namin sa Sorsogon? Paano niya malalaman kung anong kailangan niyo dito sa Ormoc? Galing kami kanina sa Tacloban. Kahapon galing kaming Borangan, galing kaming Catarman, at galing kaming Calbayog. Paano niya malalaman ang kailangan dun? Hindi naman sya nag-iikot.
Mas nais ko at dagdag sa mga binanggit mo, bigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan para maka-desisyon sa mas malawak na mga bagay. Kabilang na halimbawa, mga lockdown. Alam niyo ba na ang Sorsogon, dalawa na lamang ang positibong kaso ng Covid-19. Pero hanggang ngayon ang classification ng IATF sa amin ay Alert Level 2 pa rin. Ang Manila, ize-zero na nga nila na marahil mas marami sa amin. Alam niyo, kung bakit? Kahapon isa kami, ngayon naging dalawa. So 100% reproduction level na ‘yun. Utang na loob, ‘di ba. Mas alam ba nila ‘yung nangyayari sa amin o mas alam namin?
Pangalawa, wala sa batas, nasa regulasyon. Kailangan i-review ng DBM ang budget ng lahat ng independent cities at lahat ng probinsya. Tanungin nyo si Mayor Goma, ‘pag may inaprubahang budget ang city council, ire-review ‘yan ng DBM. Pag may ayaw sila, hindi nila papayagan ‘yung expenditure na ‘yon. Tama ba ‘yon? IRA namin ‘yun. Locally-generated revenue namin ‘yun. Wala dapat pakialam ang National Government dun. Ngayon kung grant subsidy ‘yan galing sa National Government, ‘di sige susunod kami sa menu ninyo. Pero kung pera namin ang pinag-uusapan, mas alam namin kung paano gastusin to. ‘Pag ninakaw namin, hindi namin ginamit sa tama, puwes sa darating na eleksyon, huhusgahan kami ng taumbayan. ‘Yung mga secretary, hindi naman dumadaan sa balota ‘yung mga pangalan nila. Wala silang accountability na mas malaki tulad naming mga lokal na opisyal.
Isa ito sa mga ipaglalaban ko rin kung makakabalik bilang miyembro ng Senado dahil nakita at nalaman ko ang daming best practices na maganda ang kada probinsya at siyudad. Mapapahiya ang IATF at DOH sa totoo lang. At mas dapat silang pumulot ng aral mula sa amin kesa kaming pinapasunod nila sa mga regulasyon at utos na hindi naman bagay at angkop sa aming lugar.
Q: Ito ‘yung sinasabi ni Mayor Goma, “kami ‘yung nasa ground, kami ‘yung nakakaalam”.
CHIZ: Sakto, tama ka. Isa ‘yan sa mga gagawin ko dahil nakita ko ang labis na pakikialam ng National Government sa estrahiya ng lokal na pamahalaan. Buti sana kung magaling sila palagi. Madalas hindi.
Q: Are you in favor po ba sa 4-day work week na suggestion ng government?
CHIZ: Yes. That option should be given to each local government unit, to each national government agency and to each private entity. Hindi kailangan i-require. But it should be encouraged. Bakit? Less traffic, less gastos at gamit ng gasolina at produktong petrolyo.
Pero higit sa 4-day work week, alam mo ‘yun, binubuksan na natin ‘yung ekonomiya natin, papabagalin na naman natin. Higit sa 4-day work week, dapat ireview ng Kongreso ang Oil Deregulation Law. Hindi ito tumupad sa pangakong binitiwan nya na papababain ang presyo ng produktong petrolyo. Sa papaanong paraan ire-review?
Una, bigyan ng kapangyarihan ang gobyerno para hindi siya inutil. Maglagay ng cap sa presyo ng produktong petrolyo. Itatag muli ang OPSF o Oil Price Stabilization Fund. Para bigyan ng sukli ‘yung mga kumpanya ng langis kapalit ng hindi nila pagtataas ng presyo.
Pangatlo, bigyan ng kapangyarihan ng gobyerno babaan ang Excise Tax at VAT. Kapag ka tumataas ang presyo, dapat may kapangyarihan silang babaan ‘yun. Bakit? Ang VAT ay percentage tax. Ibig sabihin po niyan, kunwari para madali mag-compute 10 porsyento. Ang bentahan ng presyo ng produktong petrolyo, Php30. ‘Di ang kikitain ng gobyerno, Php3 kada litro. Ang benta sa tao Php33. Ngayon umakyat na ng Php70. Ang inaasahang kita ng gobyerno, Php3 kung Php30 ang presyo. Biglang ang kita ng gobyerno tumaas mula Php3 kada litro, magiging Php7 kada litro. At ang presyo magiging Php77 ‘pag binenta sa taumbayan. Parang tumama pa sa lotto ‘yung gobyerno habang dinagdagan pa niya ‘yung pasakit sa Pilipino. So dapat bigyan ng kapangyarihan ng gobyernong ibaba ‘yan.
And finally, magtatag tayo ng strategic petroleum reserve. Ito’y stockpiling, imbakan ng langis. Huwag tayong bumili ngayon, mataas. Bumili tayo kapag ka mababa ang presyo sa world market. Itabi lang natin at mag-ipon lang tayo. Ilabas natin at ibenta natin sa mga gasolinahan sa murang halaga para mapasa din nila sa murang halaga. Ginagawa ito sa ibang bansa. Hindi ako nag-iimbento. Mangopya nalang tayo ng best practices sa ibang bansa. Wag na tayong mag-aral pang muli at mag-imbento dahil umuubra ‘yung ganyang sistema ng strategic petroleum reserve sa ibang mga bansa. ‘Yan ang ginagamit ngayon sa United States at ibang mga bansa pa sa Europa. Para mapanatiling mababa yung presyo ng langis sa kabila ng giyera sa Ukraine at Russia.
Q: Nabanggit nyo po ‘yung isang sa mga katangian na hinahanap nyo sa isang presidentiable, ‘yung bibigyan ng pansin ‘yung paano, kung anong magandang solusyon sa brownout. Pabor po ba kayo i-revive ang Bataan Nuclear Plant?
CHIZ: Hindi ko sasagutin kung pabor o tutol ako. Sasabihin ko, bukas ako dun. Hindi tayo dapat maging sarado sa mga teknolohiya na puwedeng magbigay sa atin ng kuryente basta ito’y ligtas, basta’y ito’y sumunod sa proseso sa tinatalaga na batas ng bansa. Dadagdagan ko pa, sa itinatalagang requirements ng International Atomic Energy Agency ng United Nations. Bago magpatayo ng nuclear power plant sa maski na saang bansa sa mundo, kailangan pumasa muna sa Internation Atomic Energy Agency, IAEA ng United Nations. Kapag ka sumunod ‘yan diyan, wala akong nakikitang dahilan para sabihin nating masama ‘yan, bawal ‘yan. Dahil maraming bansa na ginagamit ‘yan bilang mataas, malaking pagkukunan ng kuryente at mas murang pagkukunan ng kuryente.
Hindi ako kakampi dun sa mga ayaw lang dahil ayaw, dun sa takot lang dahil takot. Bukas ako at nais kong alamin, ligtas nga ba ‘yan? Sumunod ba sa proseso? At makapagbibigay ba ‘yan ng tulong na kinakailangan natin ngayong kulang na ang supply ng kuryente sa bansa?
Q: Babalik po kayo sa Sendo, legislative po ‘yung. Sa pagiging executive, kung iko-compare mo, alin po ang mas masasabi nating mas OK sa iyo, mas easy para sa iyo ang pagiging legislator kaysa sa isang executive?
CHIZ: Pareho naman, magkaiba nga lang. Pareho namang maganda. Pareho namang may kabuluhan at makabuluhan. Magkaiba dahil sa executive, kung may gusto akong gawin, magagawa ko agad hanggang sa Sorsogon nga lang. Sa legislative, may magagawa ka hindi lamang sa Sorsogon, sakop na ang Bicol Region kasama na ang buong Pilipinas. Hindi nga lang ikaw ang magpapatupad.
Sa executive, gabundok ang pinipirmahan kong papel. At bawat isang papel o dokumentong pinirmahan ko, pwedeng ibalik sa akin at sampahan ako ng kaso. Kaya nga napakaraming mayor at governor na sinasampahan ng kaso kumpara sa congressman o senador. Bata pa ‘yung asawa ko, ‘pag nakulong ako, baka iba na ‘yung tsinelas sa bahay ‘pag laya ko. Biro lang.
Kaya para sa akin, parehong makabuluhang trabaho. Kanya nga lang ang pagkakaiba ay nasa Maynila ako kapag ka ako’y nasa Senado. Iikot kada weekend o Biyernes. Kapag ka ako’y gobernador, nandun ako sa aming lalawigan. Kaya noong pandemya, mahabang panahon ang hindi ko nakakasama, nakakapiling ang aking pamilya at asawa dahil sa trabaho at panawagan ng trabaho sa Sorsogon.
Noong nakaraang linggo lamang, noong nakaraang linggo ang asawa ko ay nasa Paris. Ako ay nasa General Santos City, Kidapawan tsaka Cotabato City. Sya’y nasa Europa, ako’y nasa Mindanao. Syempre kung may pagkakataon na magiging mas malapit ako sa pamilya’t mahal ko sa buhay, mas matimbang ‘yun palagi para sa akin.
Q: Sir, most of the, of your kasama mo sa pagtakbo bilang senador is unsuspiciously compiling the Senate into a family business. Ano pong masasabi mo, Sir?
CHIZ: Kung dynasty ang pinag-uusapan mo, sa ngayon ‘pag manalo ‘yung mga lamang, may makikita kang magkapatid, mag-ina, mag-ama, diba. Ano pa bang kombinasyon ang meron dun? Sa dulo, anumang sasabihin mo tungkol sa dynasty, huwag niyo agad paniwalaan dahil produkto ako ng isang dinastiya rin. Tatay ko ang dating congressman bago ako tumakbo bilang congressman sa Unang Distrito ng Sorsogon. Tatay ko, tumakbo bilang senador pero hindi pinalad, natalo sya. Ang apelyido ko ang unang sumayad sa talaan ng dambana ng balota para maging senador. At sa pananaw at palagay ko, walang susunod na sa akin.
Ili-link ko muna sa pag-ibig to dahil ayaw niyong magtanong talaga. May kasunduan kami ni Heart, kailanman hindi siya papasok sa larangan ng pulitika. At ako kailan man hindi papasok sa larangan ng showbiz. Akala mo, tatanggapin, ‘no. Dahil mas gusto namin na pag-uwi namin sa bahay, magkaiba ‘yung dalang kwento namin. ‘Yung kagalit niya, hindi ko kagalit. ‘Yung kagalit ko, hindi niya kagalit. Natututo kami mula sa isa’t isa. Masama man ang araw niya, may tsansang maganda ang araw ko. Mapapangiti ko siya. Masama man ang araw ko, malay mo maganda ang araw niya sa mundo ng showbiz at siya naman ‘yung magpapangiti sa akin.
Pero sa dulo, taumbayan ang nagde-desisyon kung sinong mananalo. Magkapatid, mag-asawa, mag-ina o mag-ama, unawain ninyo na sa araw ng halalan, minsan kada tatlong taon tayo tunay lamang na nagkakapantay-pantay. Mayaman o mahirap, babae o lalaki, nakapag-aral o hindi, may itsura o wala, anuman ang pagkakaiba natin, pagdating ng May 9, once every three years, pantay-pantay tayo. Tig-iisa lang tayo ng boto.
At kung sinuman ang pinili ng taong bayan, anuman ang relasyon nila sa isa’t isa, taong bayan parin ang pumili sa kanila. At isang demokrasya, iisang batas lang ang sinusunod, ang gusto ng nakararami. Hindi puwedeng sabihin ng mas konti na sila ang tama at mali ‘yung nakararami. Diktadorya na ‘yun. Na kahit kaunti kami, kami ang masusunod dahil kami ang tama. Kami ang nakapag-aral, kami ang mas marunong.
Sa isang demokrasya, sinusunod natin ang mas nakararami. At walang sinumang puwedeng magsabing mali ‘yun. ‘Yun ang tama sa pananaw ng nakararami. Sa demokrasya ‘yun ang dapat nating sundin. Kung hindi tayo sang-ayon, ‘di gumalaw, kumilos, magsalita tayo para makumbinse ‘yung mas nakararami na paniwalaan yung pinaniniwalaan din natin. Sorry kung medyo mahaba ‘yung sagot, may likong pag-ibig pa.
Q: With regards to the West Philippine Sea, ano po ‘yung plano niyo sa pagbalik niyo po ng Senado?
CHIZ: Atin ‘yun. Huwag nating bitiwan ‘yung karapatan natin dun. Kahit hindi natin ma-enforce dahil talo tayo sa isang gyera laban sa China. Pangalawa, magkano lang ba ang kailangan, Php100-M? Php100-M para magtayo ng tenement at permanent structures para sa mga sundalo at pamilya nila na nakatira dun. Imbes na nakatira sila sa lumang barkong sinadsad sa islang ‘yun bilang patunay na atin talaga ‘yun.
Panghawakan lang natin ‘yung karapatan natin diyan dahil darating ‘yung panahon, malay mo, bitiwan ng China ‘yan o maging mas makapangyarihan tayo sa China. Malay mo dumating ‘yung panahong ‘yun. Dahil naniniwala akong may ebidensyang atin talaga ‘yan. Hukayin nyo lamang ‘yung mga lupa na ginamit sa base ng China, tiyak ko, halos lahat ng lupa dun na ginamit, galing mismo sa Pilipinas. Pag tiningnan ‘yun (inaudible) ng lupang ‘yun, hinukay ‘yun mula sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas at dinala lamang dun.
Dagdag pa siguro diyan, one of the (inaudible) leaders in China, believed in one thing. Hindi ko sinasabing dapat nating kopyahin pero may basehan. Pag-isipan nyo rin. Sabi nya, “Let’s agree on what we can agree today. And set aside the things that divide us or the things that we do not agree on.” Hindi porket may issue tayo laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea, dapat putulin na natin ang ugnayan sa China. Wala ng trade, wala ng pag-uusap sa ibang bagay, wala ng tulungan sa ibang bagay, hindi sila pwedeng magnegosyo dito, at tayo hindi pwedeng magnegosyo dun. Hindi naman kailangan ganun eh.
Basta’t huwag natin ibenta ang karapatan natin diyan. Tayuan natin ag pagmamay-ari diyan. Tayuan din nila ang pananaw nila ay pag-aari nila at puwede tayong magkaroon ng relasyon sa ibang bagay na puwede nating pagkasunduan. ‘Yun ang aking pananaw na dapat maging direksyon ng ating bansa. Hindi naman porket may problema tayo sa West Philippine Sea, puputulan mo na agad ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China. Hindi. Basta isa ‘yan sa mga problema. Hindi kami magbabago. Ayaw naming magbago dahil sa isang ari-arian.
I’ll give you an example. Sorry medyo mahaba. Nagkataon kasi may oras din kami. Taiwan and China are completely different countries. The official name of China is “The People’s Republic of China”. The official name of Taiwan is “Republic of China”. It’s not so much China thinks Taiwan is part of China. It’s also, Taiwan thinks that China is part of Taiwan. Hindi ito gusto na maging malaya ang Taiwan. Ang pananaw ng Taiwan kanila ang China. Ang pananaw ng China kanila ang Taiwan. Bakit? In the Communist Revolution under Mao, they drove out the Koumintang party, the ruling party in China that time. ‘Yung Koumintang tumakbo sa isang isla. ‘Yan ang Taiwan ngayon.
Ang laki ng pagkakaiba’t diperensya nila. Magkaaway, nagpapalakas ng military na baka dumating ang panahon lulusubin daw sila ng China. Pero nang dumating ang Olympic Games nag-host ang China sa Beijing Olympics. Niyaya nila ang bansang Taiwan. Sabi nila, “Sumama kayo kasi kung magka-gold medal kami, gusto namin gold medal din ang buong mundo, kasama kayo. Hindi ‘yung puwera wala kayong gold medal wala kasi kami.” Pero sa dalawang kondisyon na pumayag ang Taiwan. “Hindi niyo pwedeng gamitin bilang Olympic flag ‘pag nanalo kayo ang bandila ninyo. Mag-imbento kayo ng ibang Olympic flag. Hindi niyo pwedeng patugtugin ang pambansang awit ninyo dito sa China. Mag-imbento kayo ng Olympic hymn para kung nag-gold kayo, ‘yun ang iwagayway, ‘yun tugtugin.” Pumayag ang Taiwan. Magkaaway pa rin sila. Yun parin ang pananaw nila. “Amin yan, amin yan.” Pero nagkaroon ng ugnayan sa samahan ng palakasan ng sports.
Ngayon, there are over 300 flights a day from Taipei to Beijing and Shanghai. Noon, kung susulat ka kamag-anak mo sa Taiwan dadaan muna ng Hong Kong bago (inaudible). Ngayon diretso na. Ngayon, napakaraming investors ang China sa Taiwan. Maraming investors na Taiwanese sa China. Pero pinaghahawakan pa rin nila ang paniniwala na iyon. Posible naman ay ganoon din tayo.
H: OK, Sir. Next please.
Q: Sir, sa pagbabalik mo sa Senado siguradong direksyon, siguradong solusyon ang dala mo. Ano po ‘yung magiging “siguradong solusyon” or part ng plataporma mo na magfo-focus sa mga probinsya, especially sa mga sektor po ng mga manggagawa lalo na po sa usapin ng (inaudible) po?
CHIZ: Pabor ako at isusulong ko ang isang (inaudible0. Panahon na na bigyan ng Kongreso ang gobyerno. Hagad ko ninyo. Dinelegate lang ng Kongreso ‘yan sa mga gobyerno sa mga regional wage board, sa regional tripartite, and regional productivity board. Pero sa mahabang panahon, tila kinakampihan ang wage board sa iba’t ibang milyon na employee palagi at hindi ang employee.
Pangalawa, gusto kong ma-interview nga minsan ‘yung mga miyembro ng wage boards sa iba’t ibang probinsya. Saan ba sila namamalengke at parang murang mura naman. Ano bang sinasakay nilang jeep at tricycle? San ba sila naggrogrocery? Dahil sinasabi nilang living wage ay parang ang layo naman sa katotohanan diba? Kung hindi nila ginagawa ang trabaho nila, kailangan uli bawiin ng kongreso.
One time, one time magpasa muli ng legislative minimum wage at ipasa uli sa kanila kasama sa pagkakataong ito gawin naman nilang maskatotohanan, mas malapit sa katotohanan, mas malapit sa realidad ‘yung kanilang pinapasa na mga wage orders kaugnay sa pagkataas.
Alam niyo kung bakit? Ang Department of Labor natin, sa mahabang panahon niloloko ang sarili nila. Magkanong minimum wage dito?
Q: Php300.
CHIZ: Php325. Ang assumption kasi ng minimum wage board at ng DOLE, sa pamilya na binubuhay ng ibang tao dalawa ang nagtratrabaho. Kaya sa totoo lang, ang kinikita ng pamilyang ‘yun kung dalawa ang nagtratrabaho sa minimum wage ay Php650 a day na posibling malapit sa katotohanan at sapat sa kailangan ng mamamayan. Ang problemang realidad minsan part-time lang nga, isa lang ang nagtratrabaho. Hindi naman dalawa.
Pangalawa, alam nyo ba ang employment bumaba mula 11%, bumaba hanggang 3% sa isang iglap lamang noong panahon ng dating Pangulong Arroyo? Bakit? Binago lang nila ang depinisyon ng employment. Hindi na kasama ‘yung walang trabaho na napagod na maghanap ng trabaho kaya hindi na sila naghahanap. Hindi na daw unemployed ‘yun kasi hindi na sya naghahanap. ‘Yun lang napagod na. Sinusugan? ‘Yun ang depinisyon nila ng unemployment. ‘Yung walang trabaho na hahanap pa ng trabaho. ‘Yung walang trabaho napagod nang maghanap, hindi siya unemployed. Anong tawag dun? Tambay, ‘di ba?
So tingnan natin ‘yung datos minsan para malaman natin. Huwag agad maniwala sa mga anong nakikita. Tingnan ‘yung lohika, ‘yung rason, at pinanggalingan ng numero para masmakatotohanan.
Kaugnay ng trabaho, sorry isa pa, 98% MSME kung muli nating mababangon ang MSME, 98% ng ekonomiya babalik uli ‘yan sila. Anong ginagawa ng ibang bansa? Parang sinabi ko kanina, ‘di ba? Huwag na tayong mag-imbento, mangopya na lang tayo. Halimbawa, bansang Germany. Ano ginawa? Binigyan ng ayuda ang MSMEs katumbas ay suweldo ng mga empleyado nila hindi naman lumalampas ng sampu ang MSME para sa anim sa buwan. Hindi puwedeng gamitin sa ibang pagmamay-ari ng negosyo. Pwede lamang gamitin pangbayad sa sweldo. Para kahit hindi lugi, kahit sirado or may lockdown. Tuloy ang sweldo ng empleyado. Hindi nya kailangang magsira. Inextend ng anim na buwan pa. Naging isang taon.
Pangalawa, binigyan nila ng assistance talaga na pwede lamag gamitin din sa negosyo. Hindi pambili ng kotseng personal.
Pangatlo, parang ang Rent Control Law, nagpasa pa sila ng Rent Control Law para sa MSMEs. Nung sagana pa ang lockdown, 70% discount sa renta. Hindi puwedeng paalisin. Habang nagbubukas bumababa; 60% discount, 50% discount. Ngayon yata nasa 20% discount ang bansang Germany sa rentang binabayaran ng MSME.
Ito at ibang bagay puwede naman nating tingnan ‘yung best practice sa ibang bansa kung paano muli buhayin ang MSME sa ating bansa. Tingin ko, 90% ng negosyo sa Pilipinas ay MSME. Mababangon natin ang MSME para na rin binabangon 98% ng ating ekonomiya.
H: OK. Thank you, Sir.
Q: Sino po sa kanila ang gusto niyong makasama para at least kung pareho kayo ng pananaw?
CHIZ: Si Harry para masaya. Si Larry para ‘pag may kaaway ka, may kakampi ka. (inaudible) Nasa edad na kasi ‘yun ang kilala kong tumatakbo eh, nakasama, nakatrabaho. Kapag ikaw ay nangangarap sa halalan kung san ang tao pipili, wala kaming karapatang mamili ng mga kasama namin. Ang obligasyon ang trabaho namin. Tiyakin na magiging maayos na katrabaho ako sa kanila sino man yung mananalo. Hindi para sa akin ang mamili o husgahan kung sino ang mas may kakayahan. Basta’t pinili sila ng tao para manalo kwalipikado silang umupo maninindigan dun bilang senador. At sino man sila, kagaya ng sinabi ko, na katrabaho, kilala ko, kaibigan ko marami sa kanila hindi magiging problema sakin kung makatrabaho sila.
Tandaan mo, hindi matatalo sa halalan sa anumang pwesto sa loob ng isang taon, makalipas ng isang taon puwedeng i-appoint at makakahanap parin sila ng trabaho bilang mga secretary, director, under-secretary.
So, ang prinsipyo ko sa buhay, sa liit ng katawan ko, hindi ako nakikipag-away. Kasi ‘pag nakikipag-away ako, baka abutin ako sa tuhod, hindi na ako makakaatras. Magugulpi na ako. So, huwag na lang makikipag-away, ‘di ba? Makisama ka na lang sa lahat, basta’t hindi nababali at nagbabago ang iyong prinsipyo at paniniwala mo.
H: Thank you.
CHIZ: Hi, Sir.
Q: Ano sa tingin mo ang naging feedback ng ano, ng mga tao sa pagtanggap sa iyo sa pagbabalik mo po sa Senado?
CHIZ: Maayos naman. Hindi katulad nung dati dahil pandemya ngayon. Dati, libre at malaya ang mga taong makalapit, nakakasalamuha mo at makasama. Ngayong pandemya syempre maingat at nag-iingat tayong lahat. Hindi tulad ng dati dahil marami na rin tumatakbong artista, mas gwapo, mas magandang lalaki kumpara sa akin, at mas bata sa akin. At mula nang makasama ko si Heart, malayong mas popular ‘yung asawa ko kaysa aakin. Kaya kung magkasama kaming naglalakad, halimbawa sa mall, palaging may nagpapa-picture sa kanya at inaabot sa akin ‘yung cellphone para picturan sila. So may pagbabago.
Sabi ko nga kay Heart, “Alam mo noong bata-bata ako, Darling, ako ‘yan. Baka sa iyo inabot ‘yung cell phone?” Hindi. Hindi mangyari yun. Hindi ako seloso. Tanggap ko ang sitwasyon, kalagayan, at career ng aking asawa at ginagalang ko at importante ‘yun. Kaya nga hindi ko siya nakakasama, kasi may trabaho din siya. ‘Pag dinala ko siya dito ngayon, baka siya ang pinansin niyo, siya ang tinitingnan niyo at hindi na kayo nakikinig sa akin. Kaya kung pupunta siya dito, hayaan ko siyang pumunta ng hiwalay papunta sa ibang lugar para na lugar.
Q: Regarding naman po dun sa pagiging gobernador mo po dun sa Sorsogon. Sa pinuntahan niyo po kanina na probinsya po ng Leyte, kanina po nag-award po dun sa mga farmers sa meat farming. May posibilidad po ba, Governor, na puwedeng matanggal ‘yung kahirapan ng mga probinsyang na naghihirap dahil na rin sa farming?
CHIZ: May kasabihan tayo, “Put your money where your mouth is.” Huwag kang dakdak ng dakdak na mahal mo ang agrikultura at tutulong sa agrikultura kung wala ka namang nilalagay na pera sa agrikultura. Ang budget sa 2022 ng Department of Agriculture Php80-B lamang. Bakit ko nila-lamang ang Php80-B na parang napakalaking pera? Ikumpara mo kasi sya sa budget ng DPWH. Ang budget ng DPWH ay mahigit Php840-B. Wala pang 10 porsyento ng budget ng DPWH ang budget na binibigay natin para sa magsasaka, mangingisda, nagtatanim ng gulay at prutas. Bakit at paano tayo aasa na gaganda ang buhay ng magsasaka? This is the problem we’re facing. We never invested in agriculture. We simply ignore it. We simply let it be.
Ang mga (inaudible) na nakatanim, nakatayo pa hanggang ngayon tila 1970s at 1980s pa. Walang maski tree-planting na ginawa mula nung 1980s. Kaya mga punong nugnog na yan. Mga 40 to 50 years na. Maraming kukunti na produkto yan kumpara sa nakaraang taon. Ang irrigated nating lupain ngayon ay 1.6 million hectares na tinataniman ng palay.
Noong 1986, noong nagtakbo ang Tatay ko bilang kalihim ng Department of Ministry of Agriculture at that time. Ang irrigated nating lupain na tinataniman ng palay ay 1.3 million hectares. Ang populasyon natin mahigit 13 milyong daan lamang. Ngayon ang populayon natin 35 years after 110 million. Ang nadagdag lamang ay 300,000 hectares samantalang trumiple ang populasyon natin. Ang Thailand at Vietnam noong 1996, less than 1 million hectares ang tinataniman ng palay na irrigated. Ngayon 25 years after, ang Thailand ay may 9 million hectares na irrigated na lupain na tinataniman ng palay. Ang Vietnam 11 million. Kaya wag po kayong magtaka kung bakit number one importer na bansa ang Pilipinas, at number one at number two rice exporting country ang Vietnam at ang Thailand.
Siguro dagdag ng trivia. Ang Deputy Minister ng Tatay ko noon ay si Ding Panganiban. He was the exporter of rice nagtraining dun sa IRRI. Noong nangyari ang EDSA Revolution, tinanggal silang pare-pareho ng ating gobyerno. Noong nagritiro si Deputy Minister Ding Panganiban sa gobyerno. Kinuha siyang consultant on rice ng Thailand at Vietnam 35 years ago.
Alam mo kung anong trabaho nya sa Pilipinas noong 1986? Manager ng PureFoods basketball team. Kaya wag po tayong magtaka. Hindi natin ginastusan ang agrikultura. Hinihintay ko sinumang tumatakbong presidente sa ngayon na magsasabi na sa unang panahon na pangulohan lalagyan nya ng Php400-B ang agrikultura at papaakyaatin niya na hanggang Php800-B bago matapos yung anim na taon nyang termino. ‘Yan lamang ang paraan para mabuhay ang agrikultura, bumalik ang sigla, tumigil ang importasyon, at pakitain natin ang mga sektor ng agrikultura.
One last point, the average age of the Filipino farmer is 58-years-old. Sa loob ng dalawang taon, senior citizen na ang average age ng magsasaka’t mangingisda natin. Bakit? Pakitaan mo nga ako ng magsasaka’t mangingisda na ang pangarap para sa anak nila maging magsasaka’t mangingisda tulad nya. Lahat ng nakikilala ko sa Pilipinas ang pangarap sa anak nya maging nurse, doctor, police, engineer, abogado, propesyonal.
Sa hirap ng buhay ng magsasaka’t mangingisda hindi nya pinapangarap ‘yun sa sarili niyang anak. Ang problema tumatanda na yung mga nagbibigay pagkain sa ating la mesa. At anong mangyari sa atin? Dapat patunayan natin na kayang sa pagkayang pakitain ng sapat ang sa sektor ng agrikultura. Para mapalitan sila ng bagong henerasyon at bagong henerasyon at bagong henerasyon dahil kung hindi tuloy lamang silang tatanda hanggang silay dumanaw. Sa ibang bansa, mayaman ang farmer. Mayaman ang mangingisda. Sa Pilipinas, ‘di ba mahirap. Sa Europa at Amerika ‘pag sinabi mong farmer, taas-noo ‘yan. Sapat ang kita hindi naman siksik-liglig pero sapat ang kita at hindi mahirap o bobo ang tawag. ‘Yan ang dapat natin tanggalin dito sa Pilipinas. Makakatira din ‘yan kung bigyan natin ng sapat na budget ang agrikultura.
Q: Regarding dito sa Mandanas, pabor po ba kayo dun sa ginagawa nito sa Mandanas Ruling?
CHIZ: Lahat sa LGU pabor sa Mandanas Ruling. Bakit hindi? Tumaas ang aming IRA. Dinagdagan ng IRA ang kada barangay, munisipyo, syudad, at probinsya ng Php655-M kada buwan. Anong problema? Ang problema ay ito. ‘Yung executive order ni Pangulong Duterte on devolution ang pinasang trabaho sa LGU. Ang hlaga doble. Php1.4-T. Dinagdagan nga ‘yung IRA naming, ‘yung pinasang trabaho naman ng National Government na dapat sila gumagawa, doble ang halaga. Abonado pa nga kami. Ayan na naman kasi ang pakikialam ng gobyerno. IRA nga namin ‘yan. Amin ‘yan, so hayaan mo kaming dumiskarte kung tingin namin kailangan sa aming lugar. Hindi yung dumagdag na nga yung IRA namin dekada naman na ibibigay samin yan, aba dagdagan nyo bigla ang trabaho galing sa dapat nilang ginagawa kami ang gagawa?
Pangalawa, pagdating ng 2023 next year, babagsak ang IRA ng LGU. Bakit? Nakabase ‘yan sa internal revenue ng National Government two years ago noong taong 2020. Tumama na kami nun. Bagsak ang ekonomiya ng bansa noong 2020. Kung ang GDP natin noong 2019 ay nasa 6%, ang GDP natin ng 2020 dahil sa pandemya ay -9%. Nabawasan ng 15%.
Bumaba rin ang koneksyon, maraming nagsara. So ang tingin ko ang epekto nila bababa ng 25%. Ang IRA ng LGU pagdating ng 2023, sa paalala sa mga LGUs, huwag nating ubusin at gastusin ang binigay nating bonus ng Mandanas. Magtabi tayo, mag-save tayo para maging surplus and carry-over next year dahil next year baka hindi na natin magawa ang dati nating ginagawa.
Huwag gamitin ang Mandanas para mag-create ng bagong permanenteng item. Gastusin lamang ‘yan sa non-recurring expenditure dahil pagginamit mo yan pangrate ng isandaang item pagdating ng 2023 kulang ang boto ng LGU pang suweldo sa permanenteng item na binili nila. Nakakalungkot na sa pakikialam sa DILG, ng DLGF, ng COA, ng gobyerno hindi nila pinapaliwanag dito sa mga pamahalaan sa buong bansa. Sana mangingialam din lang, makikialam din lang ‘pag IRA sana sa tamang direksyon ang binibigay sa LGU. Hindi pagdikta sa hindi kami sangayon at hindi namin dapat gawin.
Q: Sir, ‘yung tungkol po ba sa basis ninyo. Anong goal po ninyo sa mga foreign investigators (inaudible)?
CHIZ: Hayaan mo sagutin ang tanong na ‘yan bilang individual. Nag-regrow ang Pilipinas mula sa ICC so hindi na tayo bahagi ng ICC. Bahagi man tayo ng ICC, hindi puwedeng pumasok ang ICC kung meron tayong korte, piskal, Ombudsman, at Justice System na tumatakbo, ‘di ba? Paano naman ilalayo na inutil lahat ng justice, judge, police na hindi hinuhuli ang kriminal kung talagang may krimen na nagawa. Sang-ayon sa ating batas, the president is immune from suit.
Why? ‘Pag natapos ang termino kung sino mang pangulo puwede na siyang legal na mademanda. So hindi puwedeng dahilan na walang nagsasampa ng kaso laban sa kanya ni Pangulong Duterte kaya dapat pumasok ang ICC dahil ayon sa sariling batas bawal kasuhan ang presidente. Puwede lamang siyang kasuhan pagkatapos ng term niya.
Ngayon, kung natapos ang term niya, tingin niyo meron ng nagawa sa pagsampa ng kaso? Kung tumtakbo ang kaso, sang-ayon sa TRO, hindi pa rin puwedeng pumasok ang ICC. Pero kung iniwan ang imbestigasyon na isinasagawa dun lamang pwede kang pumasok. Kaya anong nangyari? Hindi ba sa International Criminal Court iniimbestiga na sana si Pangulong Duterte? Bakit sinuspende ng prosecutor? Dahil sumulat ang DOJ at sinasabi, “We are currently conducting an investigation on the drug war. We are conducting an impartial incomprehensive investigation and we will submit to you our findings in due course.” Kaya sinuspende kasi nga nasa probisyo ng TRO papasok ang ICC kung hindi tumatakbo ang justice system ng isang bansa.
That is the fairest and most legal way I can answer that question. Given that I don’t have personal knowledge about anyone’s participation of on the relation to a crime although I agree there have been many allegations with respect to the anti-drug war being vouched by the government that time.
H: Thank you Sir. Huling question na ‘yun. You can say your message.
CHIZ: Salamat sa pagkakataon. Salamat sa panahon. Medyo malayo layo ito sa sentro ng Ormoc. Salamat at dumayo kayo dito. Karangalan kong makausap at makapiling kayo sa panahong ito.
Ang dalangin ko lamang ay ito. Sino man ang mananalong presidente, siya ang magiging presidente ng buong bansa at ng bawat isa satin. Binoto man natin siya o hindi, kinampihan man natin siya o hindi, sinuportahan man natin siya o hindi, minumura man natin siya ngayon o hindi, o sinasabi nating mahal natin siya o hindi dapat pantay niyang pagsilbihan ang bawat isa sa atin.
Tayo naman sa parte natin. Karamihan tumatakbo magkaibigan o magkakilala. Pagkatapos ng eleksyon magkagalit, mag-iinom na parang sila ay hindi magkasama. Baka naman pagkatapos ng eleksyon magkagalit pa rin ang kamag-anak, magkagalit parin ang magkaibigan, magkagalit parin ang magkatrabaho dahil lamang magkaiba ang sinupurtahan nila sa halalang ito. Huwag nating payagang manatili ang mga kulay: green, pink, red, white, o blue man. Kandidato na ang mga kanditato ngayon. Sa dulo, lahat ng kandidato manalo man sila o hindi, sa dulo lahat tayo sino man ang sinuportahan o hindi, bomoto man o hindi, ang kulay na dinadala dapat red, white, blue, at may kaunting dilaw – kulay ng bandila. Kala niyo, red na kaagad ha. May kulay na kulay ng bandila na sumasagisag sa ating bansa. (inaudible) that I find very useful ngayong panahong ito na sa daming nag-aaway away na magkaibigan dahil lamang sa pulitika. Hindi naman mahilig sa pulitika dati, ngayon nagkaiba lang ang sinusuporta nagkapersonalan na.
Allow me to share with you this quote, “We don’t have to agree on anything to be kind to one another.” Hindi man tayo magkasundo sa lahat ng bagay lalo na isang bagay lamang ang hindi natin pinagkasunduan. Hindi rason ‘yan para hindi tayo maging mabuti at hindi tayo makipagkapwa tao sa ating katrabaho, kamag-anak, kaibigan, o nakilala lamang.
Sana ‘yan ang ma nais katrabaho dito sa atin dahil isang araw lang po ang eleksyon. Matatapos at lilipas din ‘to. We have the rest of our lives ahead of us after that night. ‘Yun ang mas-importante. ‘Yun po.
At pagsamasamahin ko lamang ang lahat ng slogan, lahat ng tumatakbo, ‘di ba? Pwede naman. Ang kailangan ng ating bansa sugpuin ang korapsyon. Magkaisa tayo. Dapat mabilis ang kilos para angat buhay lahat. Kung puwede lamang sana pagsamasamahin ‘yung apat na konseptong ‘yun, wala naman memory ‘yung mga konseptong, ‘yung sa mga slogan nila. Ang kailangan natin pangulo na susugpuin ang korapsyon at pagkaisahin ang bansa, ‘di ba? Na kikilos ng mabilis at papaangatin ang buhay ng bawat isa satin. Higit pa sa kasalukuyang tinatalakay niya.
Hindi pa posible na makamit natin? Sana hindi na mangyari pagkatapos ng eleksyon. Sa uli, magandang hapon. Maraming salamat at karangalan kong makausap po kayo.