PINOY STUDENTS BOTO KAY CHIZ

 

Kulang isang buwan bago bumoto ang mga Pilipino sa Mayo 9, nananatili si Sorsogon Governor Chiz Escudero sa mga nangungunang kandidato sa pagkasenador na gustong-gustong manalo ng mga estudyante, base na rin sa campus mock polls na isinagawa ng hindi bababa sa 33 kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Ang mga resulta ng nasabing campus mock elections ay lalong nagpatibay sa posisyon ni Escudero bilang isa sa 12 nangungunang senatorial candidates mula sa 60 aspirante na nagnanais makapasok sa mga pinaglalabanang puwesto sa Senado.

Numero uno si Escudero para sa mga mag-aaral sa hindi bababa na tatlong unibersidad at ito’y ang La Salle University-Ozamiz, Sorsogon State University, at and Philippine National University-Mindanao campus.

Ang mga mag-aaral mula sa Adamson University, Ateneo de Naga, Ateneo Law School, Ateneo School of Medicine and Public Health, Batangas State University, Bicol University, Cagayan State University-College of Allied Health Sciences, Cor Jesu Colle of Law, Divine World College of Calapan, Far Eastern University, Gordon College-Olongapo, La Consolacion University Philippines, Mindanao State University (MSU)-General Santos City, MSU-Iligan Institute of Technology, at MSU-Main Campus sa Marawi City ay nagsabi na boboto sila para kay Escudero kung nangyari ang halalan sa mga petsa kung kailan isinagawa ang mock polls.

Si Escudero, na nag-iisang kasalukuyang gobernador na kumakandidato para sa Senado, ay patok para sa mga mag-aaral ng National Teachers College-Student Government, National University, Philippine Normal University (PNU)-Manila, PNU-North Luzon, PNU-South Luzon, PNU-Visayas, Polytechnic University of the Philippines Manila, Rizal Technological University, Saint Mary’s University, San Beda University College of Law, University of the Philippines, University of Nueva Caceres, University of San Agustin- Bacolod, University of St. La Salle, University of St. Louis-Tuguegarao, University of Santo Tomas, University of Science and Technology of Southern Philippines, at Xavier University-Cagayan de Oro City.

Sa isang opinion poll na isinagawa ng Catholic Educational Association of the Philippines, na kinabibilangan ng 1,525 paaralan, si Escudero ay top choice ng mga mag-aaral at tauhan ng mga paaralan na sumali sa survey.

Isang dating senador sa loob ng dalawang termino, sinabi ni Escudero na kapag nanalo siya uli para sa Senado ay kanyang isasaprayoridad ang paggawa ng mga batas para maging mas maagap ang pagtugon ng bansa sa pandemya, palalakasin niya ang mga lokal na pamahalaan, at kanyang sisiguruhin ang masinop na paggamit sa pondo ng taong-bayan upang makatulong sa pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya.

Nauna nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Escudero para sa Senado dahil sa magandang track record bilang isang beteranong mambabatas na aniya’y napakaimportante sa paggawa ng mahahalagang batas at reporma sa panahong nasasapul ang bansa ng mga hamong dulot ng pandemya. Ang kanyang anak na si Davao City Mayor at vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio ay personal na sinusuportahan ang pagbabalik-Senado ni Escudero.

Ang mga tambalan nina Vice Pres. Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan; Sen. Ping Lacson at Senate Pres. Tito Sotto; at Sen. Manny Pacquiao at Rep. Lito Atienza ay kinuha rin sa kani-kanilang senatorial slates si Escudero.

Ang mga alkalde mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) at Eastern Samar na nabibilang sa League of Municipalities of the Philippines o LMP ay nag-endorso rin kay Escudero.

Naghayag na rin ng pagsuporta ang mga party-list group para sa kanyang balik-Senado at ito’y ang Ang Probinsyano, Ang Kabuhayan, Agimat, An Waray, ARISE, BHW, BTS, Kusog Bikolano, KAPUSO-PM, at Uswag Ilonggo, at pati na ang pinakamalaking Federation of Free Farmers, na may 200,000 miyembro, ay  naghayag na rin ng pagsuporta sa kampanya ni Escudero.