GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Una sa lahat, magandang umaga po sa inyo. Sorry kung medyo nahuli kami dahil naantala kami ng kaunti. Galing kami kanina sa San Jose, Antique pa.
QUESTION (Q): Kumusta na po ‘yung pagtakbo natin bilang senador? Ano po ba ‘yung pinagkaiba mo sa mga ibang tumatakbo ngayon? Ano po ang lamang mo sa kanila?
CHIZ: Hindi ko alam kung anong lamang ko sa kanila. Lahat ng pagtakbo ko, hindi ko tiningnan ‘yung ginagawa o meron o wala ng sinumang kalaban ko. Sarili ko lang ang aking tinitingnan. Kumbaga, kung alam niyo na po, ang meron ako, anumang karanasan, talino, talento at galing. ‘Yun ang inialay ko sa pagtakbo ko bilang miyembro ng Senado. Dahil sa bigat ng problema ng bansa ngayon, ito ‘yung mga panahon ‘ika nga dapat all hands-on-deck. Sinuman ang may maitutulong, sinuman ang may maiaambag, dapat ialok at iambag ‘yun para mahanap natin ng solusyon ang mga problemang kinakaharap natin sa ngayon.
Q: From Bombo Radyo, Ron, gusto lang namin malaman, kasi maraming mga tumatakbong presidente na parang pare-pareho iyong mga senador na kasama nila sa grupo nila. So, kayo po saan po talaga nakalinya si Senator Chiz Escudero? Kaninong partido?
CHIZ: Ang nag-adopt sa akin si Senator Pacquiao, Senator Lacson at Vice President Robredo. Wala pa akong ineendorsong kandidato sa pagkapangulo sa simpleng dahilan. Ako lang ang tumatakbong senador na nakaupong gobernador. Nais kong makita at makilala ng aming mga kababayan lahat ng tumatakbo para makapili sila ng malaya, ng walang pressure mula kanino man partikular sa kanilang gobernador.
I reserved the right though to endorse a candidate before the elections. Matapos ma-meet ng aming mga kababayan lahat ng tumatakbo. Kaya hino-host ko po lahat ng kandidato. Nagdeklara ako ng open province sa Sorsogon province kung saan lahat ng kumakandidato, maski mga katunggali kong senador, hino-host ko po sa aming lalawigan.
Q: Hindi naman po kaila sa atin na pagtaas ng gasolina sa ngayon po. Dito po sa Roxas City, humihingi po ng tulong ang mga jeepney driver pati na ang mga magsasaka at mangingisda dito sa Capiz. Ganito din po ang sitwasyon sa ibang lalawigan ng hindi pa rin nila natatanggap ang oil or fuel subsidy. Ano po ang puwede ninyong maitulong dito, Senator?
CHIZ: Huwag kayong magalala, hindi kayo nag-iisa, pati ang mga tsuper namin sa Sorsogon wala paring natatanggap. Tila inuuna palagi ng DOTR ang NCR at CALABARZON. Palagi tayong huli. Pero para sa akin, mas nais kong tutukan pangmatagalang solusyon sa pagtaas ng presyo ng langis. Layunin ko po i-repeal ang Oil Deregulation Law. Hindi ‘yan tumupad sa pangako nya na papababain ang presyo ng produktong petrolyo.
Pangalawa, saan ka ba naman nakakita ng batas na ‘yung mayamang may-ari ng gasolinahan, puwedeng magtaas ng presyo kahit kailan niya gusto ng hindi kailangan magpaalam ng kahit na kanino. Samantalang ‘yung driver ng tsuper at jeep at tricycle, kailangan magpaalam sa LGU o hindi man sa LTFRB bago magtaas ng singil. Parang mali yata ‘yun. Kung puwede ang mayaman, ‘di ba, dapat mas puwede ang mahirap. Kung bawal ang mahirap, dapat mas bawal ang mayaman. Sang-ayon sa simpleng prisipyo sa Ingles na nagsasabing, “Those who have less in life should have more in law.”
Q: Good morning. Pinangunahan ni Francis Escudero ang Senate Bill 765 para palawakin ang paggamit ng natural gas sa Pilipinas. Paano ito magagawa, Sir?
CHIZ: Opo. Dahil mas murang pagkukunan ng enerhiya po ‘yan kumpara sa ibang puwedeng pagkunan ng fossil fuel waste. Dapat bukas tayo sa lahat ng puwedeng pagkunan ng enerhiya kabilang ang natural gas na puwedeng magbigay sa atin ng sapat na supply ng kuryente. By June, ‘pag tumuloy tuloy bumukas ang ekonomiya natin at umikot ang ekonomiya natin at magbukas ang eskwela, magkakaroon tayo ng rotating brownout sa ating bansa. At hindi maiiwasan yan dahil kulang na ang supply ng kuryente. Buti na lang, ayon nga sa ibang opisyal ng DOE, buti na lang daw tumama ‘yung Odette. Buti na lang daw may pandemya. Kasi kung hindi, kung normal ang ikot ng ekonomiya, kung lahat ng sulok ng Pilipinas may kuryente, malamang last year palang nagb-abrownout na tayo sa bansa.
Q: You are incumbent governor of Sorsogon. Did you resign before running for senator, Sir?
CHIZ: No, because the law does not require me to resign. That was the law in 2001. It was amended to allow any person running for a post different from what he is occupying, not to resign from his or her position. I’ll give you an example, si Vice President Leni, nag-resign ba bilang bise-presidente, na tumakbong president? Si Sara Duterte nag-resign ba bilang mayor, na tumatakbong bise presidente? Lahat ng tumatakbong ibang presidente, Senator Pacquiao, Senator Lacson, nag-resign ba bilang senador para tumakbong presidente? Si Mayor Isko, nag-resign ba bilang alkalde? Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inyong katanungan dahil kahit na sa Congressman Fred Castro, hindi naman nag-resign habang tumatakbo siyang gobernador. So, hindi ko alam kung sino ang nag-resign dahil iba ang tinatakbuhan niya.
Q: Sabi mo ‘yung ginawa mo sa Sorsogon, gagawin mo sa buong bansa. Ano po iyon?
CHIZ: Si Isko yata ang nagsasabi niyan. Na ‘yung ginawa nya sa Maynila, gagawin nya sa buong bansa. Hindi naman po. Hindi ko puwedeng gawin ‘yung ginawa ko bilang gobernador sa buong bansa dahil ang posisyon ng governor ay Executive. Ang ina-aplayan ko po sa pagtakbo ko bilang miyembro ng Senado ay Legislative. So ‘yung isa po nag-iimplement ng batas, ‘yung isa gumagawa ng batas. So, ang puwede ko lang siguro madala, karanasan ko bilang local chief executive na iwawasto ang ilang kamalian kaugnay sa panggigipit ng National Government taliwas sa local autonomy na nakasaad sa Constitution.
Q: ‘Yung implementation po ninyo sa Universal Healthcare ay matagumpay. So, dito sa Capiz, parang hindi kami matagumpay. Parang hindi namin nakita dito. Posible ba na matutulungan niyo kami dito sa Capiz pag senator ka na?
CHIZ: Opo. Kahit hindi pa ako mag-senador. Prototype na po ang Sorsogon na puwedeng gayahin ng ibang mga lalawigan. Sa katunayan, two days ago, binigyan ng pagkilala ng PhilHealth at DOH ang lalawigan ng Sorsogon sa pagkakaroon ng pinaka-advance na health care system na compliant sa Universal Healthcare Act. Marami kaming pinagdaanan. Dumaan kami sa butas ng karayom. Marami kaming pagkakamaling nagawa bago namin marating ang kinaroroonan namin. Hindi niyo na kailangan pagdaanan ‘yung hirap na ‘yun. Puwede niyong sundan na lamang ang aming nagawa. Para mas mabilis mapatupad ang UHC dito sa inyong lalawigan tulad ng nagawa namin sa Sorsogon. Kung nagawa namin ng dalawang taon ‘yun, mas kayang gawin ng lalawigan ng Capiz sa loob lamang ng isang taon siguro.
Q: Ang ilang empleyado ng Capiz Provincial Hospital under job orders or JO, hindi pa rin natatanggap ang suweldo nila since November. So, this is a local concern. Pero kung kayo ay makabalik sa Senado, ano ang pwedeng maitulong sa kanila para hindi na ma delay ang suweldo?
CHIZ: Ang inabutan ko po ay ganyang sistema rin bilang gobernador noong 2019. Four to 6 months delayed ang mga suweldo ng mga JO, hindi lang sa ospital pero pati sa kapitolyo. Ito ‘yung nakorek namin lahat noong kami’y nagpaayos ng ISO certification. Since last year, ISO 9001: 2015 certified ang buong pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon pati lahat ng ospital namin.
I think Sorsogon is only the 6th province out of 81 that is ISO certified and compliant. Isang solusyon ‘yun. Pero bilang suhestyon, nais kong ipayo na lagyan nila ng deadline ang pag-submit ng requirements katulad ng DTR, katulad ng pirma ng mga immediate boss nila, EO at doktor. ‘Yung hindi nakahabol iwan na para sumuweldo on time ‘yung mga nagko-comply at sumusunod sa mga deadline.
Ang nangyayari kasi sa amin dahil magkakabarkada, magkakaibigan naghihintayan hanggang lahat makumpleto. Sina-submit ng late sa accounting, sina-submit ng late sa budget kaya late din nakukuha ‘yung suweldo dahil sa antayan. Pero kung magtatakda lamang sila ng mga deadline, ‘yung sumunod sa oras may sweldo ng tama. ‘Yung hindi sumunod sa oras, talagang made-delay ang suweldo nila. Hindi na kasalanan ng kapitolyo ‘yun kung mangyayari ‘yan pero mula nung nag-ISO kami hindi na naging problema’t panggulo iyan sa aming lalawigan.
Q: What are your policies or programs that you’re planning to implement as we transition to the new normal education?
CHIZ: I will try to English because you’re an English speaker. Anyone who’s running for any position whether it be president, vice president, senator, congressman, governor, vice governor, mayor, vice mayor, or councilor, should focus on three things and three things only. Number one would be, how to enable MSMEs to recover, micro, small, and medium enterprises because they comprise 98% of our economy. If we enable them to recover then we will enable our economy to recover 98% of the way. The same is true when we start bringing back old jobs that are lost because of the pandemic. If we are able to make the MSMEs recover and stand on their own two feet again, then we would’ve been able to bring back 98% of the jobs that we lost.
Number 2: would be the agriculture. The poorest of the poor Filipinos are in that sector. For the longest time we have forgotten agriculture, didn’t give attention to it, nor did we allocate sufficient funds for it. Now is the time to do it because the average farmer, the average fisherman is getting old. Their average age is now at 58. In two years time, they will be senior citizens. The question is, who will provide food on our table? So, it’s about time we prove on a simple point, that farmers and fishermen, those engaged in the agriculture sector can actually earn enough to live a normal life and to feed their family and to provide for their needs.
Number three would be strategies on how to live with the new normal. For example, I haven’t endorsed any presidential candidate because I haven’t heard them speak. I haven’t heard any of them speak about what they would be doing. Are we still going to have lockdowns or not anymore? I would want to find out from those who are running. I don’t think lockdowns work. Lockdown never brought down the figures of COVID. In fact, COVID figures went up whenever there is a new variant. It went down whenever the surge is over. It had nothing to do with lockdowns.
Personally, I don’t think our economy and people can afford further lockdowns within this year. Going even up to next year. So, I would want them to hear, I would want to hear them on that. If you ask me, I’d rather proceed and go to a strategy whereby, there will be a shared responsibility between the government and it’s citizens in so far as how the new normal will be in handling COVID-19. They simply cannot keep on going back into a lockdown whenever numbers go up. So, those 3 things, I will be focusing on those 3 things and I hope everyone else will focus on those 3 things.
Q: Sa dami po ng iyong ginagawa sa Sorsogon, may mga campaign sorties pa po kayo, kumusta po ang love life n’yo ni Miss Heart Evangelista po?
CHIZ: Ang love life ko isa pa rin, kay Heart lang at wala ng iba. Maayos naman. Salamat sa pagtanong. Kanila nga lang umalis ako ng alas tres y medya ng umaga. Makikita ko siya mamaya pag-uwi ko hapunan na. Pero dahil magkaiba ang mundo naming, at least, magkaiba ‘yung kwento ng dala namin. So, ‘pag nagkita kami mamaya, ‘yung kuwento kong dala iba dun sa araw niya and we learn from each other in the process. In the process, ‘yung kaaway niya hindi ko kaaway. ‘Yung kaaway ko hindi rin niya kaaway. So, mas maganda sigurong ganoon. To our student and editor-in-chief, baka gusto mong pumili later on ng boyfriend o asawa na magkaiba din kayo ng mundo para may kasamang away at mas maganda ang samahan at magiging relasyon ninyo.
HOST: Thank you so much, honorable Chiz and we know na you have some engagement to attend to pa so we just want to say thank you so much pagpapaunlak po of your precious time.
CHIZ: I just want to say one thing. It has nothing to do with my complain or my visit here but just to reminder to all of you. Isa na ito sa pinakamainit na eleksyon na nakita ko. Bakit mainit? Kasi nag-aaway-away na ang magkapitbahay, magkamag-anak, magkaibigian, magkatrabaho, magkaklase. Nag-aaway dahil magkaiba sila ng pananaw sa kung sinong iboboto nila sa pagka-presidente. Sana alalahanin natin kampanya lang ‘to. Hindi kailangan mag-away at hindi magpansinan dahil ano man ang kulay na dinadala Ninyo – pula, pink, blue, white, yellow – sa dulo alalahanin natin na lahat tayo ang dinadala dapat iisang kulay lang. Kulay ng watawat at bandila natin, red, white, and blue na may kaunting yellow. Dahil sa dulo, sino man ang binoboto o sinusuportahan mo, tig-iisa isa pa rin tayo ng boto pagdating ng eleksyon. At pagkatapos ng May 9, wala namang nagbago. Pare-pareho pa rin tayong Pilipino na nakatira parin sa nag-iisang bansa.
Baliktarin natin. Sino man ang mananalo dapat pagsilbihan niya bilang pangulo na pantay ang bawat Pilipino rin. Binoto man siya o hindi, gusto man sya o ayaw, minumura man sya ngayon o sinisigaw ‘I love you‘ sa kanya ngayon, dapat pareho at pantay pa rin nyang pagsilbihan. Bilang botante, masama bang mangarap? Masama bang mangarap na ‘yung mga quality ng lahat ng tumatakbo matagpuan natin sa mananalong presidente?
Isa-isahin ko, halimbawa, gusto ni Senator Lacson hindi ba, labanan ang corruption. Gusto ni Senator Pacquiao, ipakulong lahat ng corrupt. Gusto ni Senator Marcos, pagkaisahin ang bansa. Gusto ni Mayor Isko, kumilos ng mabilis kapagka may pandemya, sakuna, at may kalamidad. Gusto ni Vice President Robredo, tiyakin na aangat ang buhay ng lahat. Hindi ba natin puwedeng makuha lahat ‘yun? Hindi ba puwedeng susunod na magiging presidente kunin lahat ng mga platapormang ‘yun? Wala namang prangkisa o monopolya ‘yung mga kandidato sa slogan nila. So, hindi ba maaring susunod nating pangulo, sinumang mananalo, lalabanan ang corruption, ipapakulong ang corrupt, sisikaping pagkaisahin ang bansa matapos ang mainit na eleksyon at kampanyahan, kikilos ng mabilis kapagka may kalamidad, pandemya, o ano mang suliranin, at titiyakin na sa lahat ng kanyang gagawin ay kung paano mapaangat ang buhay ng lahat. ‘Yun ang pangarap kong presidente. ‘Yun din sana ang hahanapin nating lahat na magiging presidente natin. Sinuman ang mananalo, sinuman ang magwawagi, ano man ang kulay niya.
Ika nga sa kasabihan sa TikTok na nakita ko, in which I would like to share with you in closing, “We don’t have to agree on anything to be kind to one another.” Hindi natin kailangan pagkasunduan lahat ng bagay. Puwede ngang wala tayong pinagkakasunduan para maging mabuti tayo sa kapwa natin at sa isa’t isa. Sa muli, maraming salamat sa oras at sa pagkakataon. Magandang umaga sa inyong lahat at ngayon pa lang ako kakain dahil busy ako kaninang umaga. Thank you and good morning!