SA TOTOO LANG

 

CHERYL COSIM (CC): There you go. Hi Governor Chiz, nandiyan ka na ba?

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hi, Cheryl. Hi, Jove. At sa ating mga televiewers, magandang hapon at pagbati mula sa Lalawigan ng Sorsogon.

CC: Yun! Sarap. Parang ang ganda-ganda ng panahon ngayon diyan, Gov.

CHIZ: Malamig, maulan, makulimlim nitong nagdaang tatlong araw.

CC: Talaga? Mayroon bang nagpapainit sayo?

CHIZ: Wala.

CC: Ay talaga? O tatawagan natin. Tatawagan natin, nagpaparinig, sana naririnig tayo ni wifey. Ayan kailangang may magpainit kay Gov. Pero mainit na, Gov, ang lokal na halalan tsaka ‘yung ating local campaign. Actually, national campaign. At lumabas na nga po itong huling survey pero tanungin muna namin kayo, kumusta ang inyong pangangampanya? Nangangampanya ka pa ba? Kailangan pa ba?

JOVE FRANCISCO (JF): Oo nga. Sige.

CC: Pang-apat.

CHIZ: Oo naman. Kahapon galing ako ng Bulacan at ngayon kailangan kong umuwi ng Sorsogon para gampanan ang tungkulin at trabaho ko bilang gobernador pa rin ng lalawigan. Bukas sana tutungo kami ng Mindanao subalit dahil sa low-pressure area napalitan kaming kanselahin ‘yun.

CC: So diyan ka muna? Ayan, trabaho ka muna diyan bilang governor.

CHIZ: Kailangan naman talaga.

CC: Pero Gov, tanungin na rin namin ‘yung bagong ‘yung lumabas na Pulse Asia Survey na nag-top 4 kayo. Kampante na ba tayong makakabalik sa Senado? Are you surprise na. actually, top 4 pero parang running 2 to, ano pangalawa hangang pang-apat, panglima pa rin ang posisyon.

JF: Ayan.

CC: So talagang markadong-markado ka, hindi ka nakakalimutan ng mga kababayan natin.

CHIZ: Well, nagpapasalamat ako doon, Cheryl, subalit ang paniniwala ko diyan sa survey bilang isang estudyante ng numero. Sino man ang mataas hindi dapat tumigil, sino man ang mababa hindi dapat mawalan ng loob basta patuloy lamang lahat mangampanya iparating ‘yung kanilang mensahe’t plataporma sa mas marami nating mga kababayan kasi sa dulo, boto pa rin naman sa araw ng eleksyon ang binibilang at hindi sa survey. Bagaman maraming survey ang kayang kunin ‘yung eksaktong litrato ng magiging kakalabasan ng eleksyon give or take a few points, importante pa rin na magpatuloy lamang ang bawat isa mataas man o mababa sa survey. Syempre ‘yung mataas Cheryl umaasa, ‘yung mababa walang dahilan naman na hindi umasa basta’t magsikap lamang tayong lahat.

CC: Pero ano ang, kasi ngayon, ‘di ba Gov, ‘di ko na tuloy alam kung Gov. Sen.

JF: Chiz.

CC: Paano kita tatawagin?

CHIZ: “Chiz” na lang, Cheryl.

JF: Ayan.

CC: Kasi ‘yung mga survey ngayon ay nagiging dahilan na rin na we’re so divided, lalo pa tayong, kapag lumalabas ‘tong mga survey ‘no. Paano ba dapat ina-apply ng isang individual, ginagamit itong mga survey na ito?

CHIZ:  Ang survey, Cheryl, ay isang snapshot lamang ng opinyon ng ating mga kababayan sa partikular na panahon. Kadalasan ang isang survey ay lumalabas, isa o dalawang linggo makalipas kunin ‘yung snapshot na ‘yun. So anumang survey halimbawa na lumabas ngayon malamang kinuha nila ‘yung opinyon o ‘yung preference ng ating mga kababayan, isa o dalawang linggo nang nakalilipas. Halimbawa, ‘yung survey na pinapakita niyo, March 17 to 21. Ang petsa ngayon ay a-siete na mahigit dalawang linggo na ang lumilipas. So ano man ang mangyari, matapos ang mga petsang ‘yan hindi naman nahuli pa, hindi pa naman na capture noong survey. So alalahanin lamang natin na ‘yang snapshot na ‘yan is, at least, 2 to 3 weeks old. Baka mamaya kasi sabihin natin may ginawa naman akong maganda, may sinabi naman akong maganda bakit ganoon pa rin ‘yung numero ko. Kasi 2 to 3 weeks old nga ang edad ng mga survey 2 to 3 weeks old. Wala namang survey na kahapon lamang nangyari nakukuha na agad ‘yung opinyon ng ating mga kababayan kinabukasan.

JF: So tama ba ‘yung sinasabi ng ilang mga ano ‘no political analyst na nakausap natin na gamitin ang mga kampo pero ipagkibitbalikat ng publiko? Tama ba?

CHIZ: Hindi naman, Jove. Ang paniniwala ko diyan bilang kanididato, bilang may kinakampihang kandidato ang dapat paniwalaan namin yung pinakapangit na survey para sa amin. Para kung hindi man totoo magsusumikap kami, ‘di kung hindi totoo, ‘di mas mataas ang makukuha naming bilang at boto. Paano kung totoo at hindi natin pinaniwalaan, wala tayong ginawa at nagkompiyansa tayo? Mas mahirap naman ‘yun. So, sa dami ng naglalabasang survey ang isang magandang polisiya ay paniwalaan natin ‘yung pinakapangit na survey para sa atin para sa gayon magsumikap ang bawat kandidato na maparating ‘yung kanilang mensahe sa mas marami sa ating mga kababayan.

JF: Kasi talagang ang kampanya talaga ay kasipagan ‘yan. Hindi ka pwedeng tatamad-tamad na kandidato kung gusto mo talagang manalo ‘no Chiz. Yung iba two times sortie dahil sa umiikot sa buong Pilipinas.

CC: Ako kasi bilang botante sana po, oo nakikita natin ‘yung mga resulta mga kapatid, ‘di ba nung mga survey, pero hindi ito rason para hindi na natin suriin ‘yung mga gusto nating ibotong kandidato, ‘di ba. Ako nga, kahit nagpapakitaan na kami Gov ng listahan namin ni Jove.

JF: Hindi pa puno.

CC: Hindi pa puno. So talagang dapat kinikilatis natin. Pero ito kung sakali, parang doon sa nakikita kong numero ngayon, although sabi nga ni Gov, ayaw niya magpakampante pero you’re running 2nd to 4th or 5th, ano po. Ano pa ang plano mo pagbalik mo sa Senado? May mga gusto ka bang isulong habang ikaw ay governor? May mga naisip ka na teka pagbalik ko, kung makakabalik ako ng Senado ito ‘yung mga gusto ko pa ulit na i-push na batas?

CHIZ: Alalahanin natin Cheryl, noong ako’y umalis sa Senado wala pa namang pandemya. Wala naman akong naiwang panukalang batas na nais kong balikan at isulong. Ang pangunahing rason o isa pangunahing rason kung bakit muli akong tumatakbo, muli akong humaharap sa dambana ng balota para maging miyembro muli ng Senado ay ang pandemyang ito. Kahit gaano kagaling, kahit gaano ako kagaling mag-tumbling, tumalon o magsirko pa bilang gobernador ng lalawigan ng Sorsogon, kung hindi naman aangat ang buong bansa may hangganan ang aming mararating. Nais kong bumalik sa Senado para makatulong sa muling pagbangon ng ating bansa gamit ang anumang talento, talino, galing o karanasan mayroon ako sa mga nagdaang panahon kabilang na ang pagiging local chief executive dito sa Lalawigan ng Sorsogon.

So, halimbawa ng mga panukalang nais kong tutukan para muling bumangon ang ekonomiya ay ang mga sumusunod: batas para magbigay ng tulong ayuda para muling makatayo ang ating mga micro, small at medium enterprises na bumubuo ng mahigit 90% ng ating ekonomiya. ‘Pag nagawa natin ‘yan, ‘pag nagtagumpay tayo diyan ibig sabihin 90% rin ng ating ekonomiya ay muling babalik, 90% ng trabahong nawala ay muli ring babalik.

Pangalawa, tutukan ang agrikultura na napabayaan sa nagdaang mga taon. Bakit? 30% ng pinakamahihirap na mga Pilipino nasa sektor na ‘yan. At sa mundo ngayon na halos lahat ay ini-import na natin bagaman agricultural country tayo dapat panahon na, na lagyan natin ng sapat na pondo ang agrikultura na wala pang 10% ng budget ng DPWH sa ngayon.

Layunin ko rin dahil ang mga wage board ay talagang hindi na makatarungan ang ginagawa. Bawiin pansamantala ng Kongreso ang kapangyarihang binigay sa mga wage board. Magpasa ng legislated minimum wage para sa bansa. Pareho man sa buong bansa o magkakaiba man kada rehiyon dahil maliwanag tila hindi naggo-grocery sa parehong pinaggo-groceryhan natin, hindi namamalengke sa parehong pinagpapalengkehan natin at hindi sumasakay sa parehong sinasakyan nating mga tricycle, jeep at bus ang mga miyembro ng wage boards para sabihin na hindi pa kailangang taasan ng sweldo ng ating mga kababayan.

Pang-apat ay ang pag-repeal ng Oil Deregulation Law. Maliwanag din makalipas ang ilang dekada hindi ‘yan tumupad sa pangako niya. At saan ka ba naman nakakita ng batas na ‘yung mayamang may-ari ng kumpanya ng langis o may-ari ng gasolinahan puwedeng magtaas kahit kailan niya gustong magpresyo samantalang ‘yung mahirap na driver at tsuper ng jeep at tricycle at pampublikong sasakyan kailangan pa magpaalam sa LTFRB o LGU para magtaas ng presyo. Hindi ba dapat ‘pag puwede ang mayaman, mas pwede ang mahirap. Sang-ayon sa prinsipyo sa batas sa wikang Ingles ika nga “that those who have less in life should have more in law.”

At panghuli, magpasa ng kahalintulad ng Yolanda Rehabilitation Bill para sa Odette-affected areas. Halos pareho ang bilang ng taong naapektuhan ng Odette at Yolanda. 3.2 million ng Pilipino humigit-kumulang ang Yolanda. 3.1 million naman humigit-kumulang ang Odette. Subalit hindi natin binigyan ng sapat na ayuda na nagkakahalaga tulad ng Yolandang Php20-B ang mga probinsyang tinamaan ng bagyong si Odette.

JF: Mabuti naman at nabanggit ‘yung Odette kasi I don’t think sapat ba ‘yung ginagawa nating pagtulong doon sa mga nasalanta doon. Pero naku, nagkulang ang oras kailangan ko ng puntahan ‘yung hot topic natin kanina, Cheryl, kasi baka mayroong panukala or isusulong na lehislatura or batas na isusulong o bill si Chiz tungkol dun sa – huwag na ‘yung social media use. ‘Yung fake news na lang kasi ‘yung breaking kanina Chiz ay ang Facebook ay ipu-pulis na, sisimulan nila ‘yung pag ano po ‘yung paglalabas ng fake news sa kanilang platform para maiwasan na ‘yung nagsususpinde na sila ng accounts at may mga warnings na sila nagbibigay. So iyun ay kumpanya na nagde-decide na siya ‘yung platform, may-ari ng platform pero sa atin ba dapat bang gawin by way of legislation or batas na gagawin?

CHIZ: Sa punto at parte ito, Jove, magiging sobrang ingat ako kaugnay ng anumang batas na tila tumatawid na sa linya ng censorship at malayang pamamahayag sa pagitan ng fake news at pagpapahayag ng sarili nilang loob at opinyon gaano man katama o mali iyon sa opinyon ng iba.  Mas pipiliin ko na ang pagkakaroon ng mas malayang pagpapahayag ng opinyon at pananaw kumpara sa gobyerno o ilang opisyal lamang ng pamahalaan ang pipili kung ano nga ba ang puwedeng sabihin, ano nga lang ba puwedeng pintasan, ano nga lang ba ang puwedeng banggitin sa ating social media platforms.  Sana huwag tayong padalos-dalos pagdating sa bagay na ‘yan dahil pag nasanay tayo na tayo ang namimili kung ano ang tama, tayo ang namimili kung ano ang puwede, tayo ang namimili kung ano ang papayagan lamang na ilabas. Baka pagdating sa dulo mauwi talaga tayo ng tondo at sa dulo wala ng boses na puwedeng ipahayag pa ang ating mga kababayan sa iba’t ibang social media platforms.

JF: Of course, may sakop ng batas ‘yung mga threat na papatayin ano naman iyon meron nang karampatang batas doon.

CHIZ: Tama ka, Jove, may batas na kaugnay ng grave threats. May batas kaugnay ng libel. May batas kaugnay ng slander na kapag lumagpas ka sa linya o nag stepping on the line na, ika nga, ikaw puwede ka ng sampahan ng karampatang kaso sa ilalim ng Revised Penal Code na hindi kailangan dagdagan pa ‘yung pagbabawal na puwedeng gawin at sabihin ng sinumang mamamayan ng Pilipinas.

CC: Maliban dito doon sa mga nabanggit niyo rin, Gov, ano.  Ito doon sa nabanggit mo pagdating sa mga MSMEs, agrikultura, ‘yung wage board, sa pag-repeal ng Oil Deregulation, ewan ko tama ‘yung pagkaka analyze ko na ito ‘yung realization ng nangyari, ginawa ng pandemya sa atin at ‘yung pagiging nasa Executive branch mo ngayon na ito pala ‘yung mas mapapakinabangan ng ating mga kababayan, mga dapat tutukan after the pandemic, ano po?

CHIZ: Higit pa, after pandemic dahil bilang gobernadora o manggagaling sa pagiging gobernador, Cheryl, ang dadalhin kong leksyon at aral ay ang maraming bagay na pakikialam ng National Government sa dapat na hinahayaan nalamang ng LGUs na magpasya at magdesisyon base sa local autonomy provision ng ating Saligang-Batas. Madalas ko ngang sinasabi sa aking talumpati, ang pagtakbo ko, ang paga-apply ko bilang—para maging kampeon ng lokal na pamahalaan dahil nakita ko kung gaano pinipigilan ng National Government ang ilan sa mga bagay na dapat hinahayaan na lamang ang mga lokal na pamahalaan.

Halimbawa, Cheryl, Jove, alam niyo ba pagnagpasa ng budget ang isang provincial government o ordinansang pinasa ng kanyang panlalawigan aba’y kailangan pala ‘yan aprubahan ng DBM.  Kung may nilagay kaming item doon na gusto namin gastusan galing sa sarili naming pera galing sa sarili naming IRA galing sa sarili naming local generated revenue kailangan pa ito aprubahan ng DBM.  Wala ito sa batas Jove, Cheryl dahil hindi ko tinuro ‘yan noong nagturo ako ng Local Government Code sa University of the Philippines bago ako tumakbo.  Ito’y matatagpuan sa mga memorandum circular na inisyu ng DBM ng COA ng DILG at wala naman talaga sa batas na pinasa ng Kongreso.  Dapat hayaan na lang ng lokal na pamahalaan ang magpasya kung paano gagastusin ang pera nila dahil malayong mas alam nila kung ano kailangan ng kani-kanilang probinsiya at siyudad kumpara sa sinumang National Government official ni hindi man lang bumibisita sa aming lugar hindi manlang tumayo sa kaniyang kinauupuan upang tanawin ang aming kalagayan at sitwasyon.  Kung National Government-funded ‘yan, subsidy ‘yan, ‘di sige susunod kami sa kanila.  Pero kung IRA ‘yan na maituturing, dapat hayaan ng lokal na pamahalaan bilang halimbawa Jove, Cheryl ang dagdag ng Mandanas Ruling sa IRA ng mga lokal na pamahalaan barangay man hanggang probinsiya ata 655 billion lamang subalit ang pinasang trabaho sa amin sa ilalim ng Executive Order 138 ‘yung devolution ng executive order ay nagkakahalaga na mahigit doble, Php1.4-T.  Hindi naman po yata tama iyon.  IRA namin ‘yun, amin po ‘yun, entitlement po ng lokal na pamahalaan iyon. Hindi naman po tama iyon. IRA namin iyon  at amin po iyon. Entitlement po ng local na pamahalaan iyon. Hindi naman po ibig sabhin na itinama ng Korte Suprema iyong share  na dapat talagang napupunta sa amin ay ipapasa na rin ng national government iyong trabaho na isalim ng batas at sa kanila naman dapat. Wala  sa kamay ng lokal na pamahalaan.

CC: Na-curious tuloy ako. Kinuwestyon ninyo ba i’yon, Gov, sa DBM? Pangit nga naman?

CHIZ: Oo, pending ngayon sa Korte Suprema ang aming petisyon dahil hindi pa rin kami pinayagan ng DBM na gastusan iyong gusto naming pagkagastuhan bilang isang probinsya na ipinasa ng Sangguninang Panglalawigan sa pamamagitan ng isang budget ordinance.

Bigyan ko kayo ng isang halimbawa, kapag gustong bumili ng kotse ng isang local government unit – ambulance man iyan, pick-up man ‘yan, pang disaster management man ‘yan, parang capacity building sa construction by administration ng mga probinsiya, siyudad at munisipyo – lahat po iyan ay kailangang aprubahan muna ng DILG. Mas alam ba nila kung ano ang kailangan naming? Sila ay in-appoint lamang kami ay inihalal. Kung may mali man kaming ginawa, papanagutan po namin iyon sa elector na bumoto at naglagay sa amin sa puwesto. Samantalang sila, upuan man nila ang request naming, tanggihan man nila ang request naming, wala naman po silang pananagutan at accountability sa aming  mga kababayan na  hinahanap at kailangan iyong mga serbisyo – halimbawa, sasakyan na nais naming bilhin.

CC: OK. Parang ano namumulat tayo doon sa flaws nung ating—and it’s sad kasi lalo na,the way i see it, Gov, napipigilan iyong growth sana o iyong mabilis na aksyon ng local government. Tapos, kapag may napansin ang national government na hindi nagagawa ng LGUs ,sisisihin iyong local government.

CHIZ: Hindi lamang iyon, Cheryl. Bilang halimbawa at bilang gobernador ng Sorsogon at marami rin akong nakakausap na gobernador at mayor ng iba’t-ibang munispyo at siyudad na malayo sa Metro Manila, karamihan ng mga polisiyang ipinapalabas ng National Government ay angkop at bagay lamang naman sa NCR at saka sa CALABARZON. Marahil, hindi naman talaga angkop at bagay sa mga probinsiya lalo na sa malalayong lugar. Halimbawa na lamang iyong hindi nila pagpayag sa face-tofaceclasses.

Alam ninyo ba, Cheryl ay Jove, na 52% ng mga barangay naming sa Sorsogon, 541 barangays, 52 % nun ay hindi pa nagkakaroon ng kaso ng COVID. Ni isa mula noong nagsimula ang pandemyang ito nitong taong 2020. Hinihiling namin, August 2020 pa lamang na payagan ang face-to-face classes. Hanggang ngayon, pilot areas pa rin ang pinapayagan ng DepEd, samantalang nakakalipas na ang mahigit dalawang taon. Ni wala pong kaso ng COVID iyong mga barangay na iyon. Bakit hindi po papayagan na mag-face-to-face simulan sa elementary shool mula sa barangay na iyon na iyong mga teacher ay nakatira din naman po doon sa mga barangay.

JF: Well, binuksan na ni Governor Chiz at ang posibilidad na sana ay mag-face-to-face na isang lugar nila. Pero, kukumustahin ko, isyu rin sa Metro Manila at least buong bayan natin ay iyong booster na puwedeng madaling mawalan ng bisa. Sa inyo ano ba ang programa  ng vaccination?

CHIZ: Below average din ang aming lalawigan, Jove, katulad ng sa ibang probinsiya. Napansin ko ang siste. Kapag mataas ang bilang ng naial covid sa isang lugar. Maraming gustong magpabakuna. Kapag bumababa ang dami at bilang ng kaso ng COVID sa isang lugar, ayaw nang magpabakuna ng mga tao dahil tingin nila ay wala nang panganib. Bagama’t nalalapit na sa 70% ang nababakunahan sa lalawigan ng Sorsogon, napakahirap ng pataasin ng kada .1% dahil napakababa na rin ng kaso dito sa aming lalawigan. Ang nakakapagtaka nga sa mahabang panahon, pinanatili kami ng IATF sa Alert Level 2, bagaman magtatatlong linggo na kaming walang kaso ng COVID ni isa sa buong probinsiya. Isa rin pala iyan, Cheryl, Jove, sana ibigay na sa local na pamahalaan ang pagtatalaga ng alert levels dahil mas alam po namin kung anong sitwasyon at kailangang gawin sa aming mga probinsiya.

CHIZ: Hindi naman, Jove. Ang paniniwala ko diyan bilang kanididato, bilang may kinakampihang kandidato ang dapat paniwalaan namin yung pinakapangit na survey para sa amin. Para kung hindi man totoo magsusumikap kami, ‘di kung hindi totoo, ‘di mas mataas ang makukuha naming bilang at boto. Paano kung totoo at hindi natin pinaniwalaan, wala tayong ginawa at nagkompiyansa tayo? Mas mahirap naman ‘yon. So, sa dami ng naglalabasang survey ang isang magandang polisiya ay paniwalaan natin ‘yung pinakapangit na survey para sa atin para sa gayon magsumikap ang bawat kandidato na maparating ‘yung kanilang mensahe sa mas marami sa ating mga kababayan.

CC: With this, napapag-usapan po natin ang booster shot. Ang plano po ng IATF, ng ating National Government ay baguhin iyong definition ng fully-vaccinated.

JF: Including that na.

CC: Kasama na iyong booster para masabing fully-vaccinated. Your take on that, Gov?

CHIZ: Mas gusto ko pa rin kaysa gagawing mandatory dahil sa pananaw ko insentiba pa rin iyan. Mas gusto ko, Cheryl, Jove, na magkumbinsihan tayo imbes na magpilitan tayo. Mas gusto ko na magbigay tayo ng insentiba imbes na magpataw tayo ng parusa sa ayaw magpabakuna dahil sa dulo. Sa dulo, alalahanin nating EUA pa rin iyan – Emergency Use Authorization. Hindi pa rin naman talaga ganap ang lahat ng pag-aaral na kailagang gawin para sa bakunang ito.

Sa dulo, alalahanin nating EUA pa rin ‘yan, Emergency Use Authorization. Hindi pa rin naman din talaga ganap ang lahat ng pag-aaral para sa bakunang ito so kailangan paliwanagan natin ang ating mga kababayan kaugnay sa kahalagahan ng pagbabakuna at gayon din ‘yung mga sinasabing kakaunti na nagkakaroon ng mga ‘di masyadong magandang epekto, subalit napakaliit lamang ng numerong iyon. Sa aming lalawigan, pinapalaganap ko ang simpleng mensahe, the best vaccine is still the available vaccine. Mas maganda nang bakunado kaysa hindi. Kung talagang mahal niya ang kanyang sarili at kung talagang mahal niya ang kanyang pamilya dahil, at least, maiiwasan na maging severe, maging malala ang kanyang karamdaman kung tatamaan man siya ng COVID dahil hindi natin alam kung kailan muli tataas ang bilang ng kaso dahil napaka-unpredictable ng virus at pandemyang ito.

CC: Punta tayo sa Senado, kung sakali man, hindi ko nga masabing kung sakali dahil ang taas ng puwesto ni Gov, nasa first half ka naman po pero may issue ka bang tingin mo ay dapat dinggin sa Senado pag nag-open na ang session, bumalik na?

CHIZ: Isang bagay maliban sa mga panukalang batas na nais kong maipasa. Hindi maaari na hindi natin malaman kung magkano ba talaga ang bili sa bakuna. Ang (inaudible) hindi aplikable sa anumang gastusin ng pamahalaan nagamit ang pondo at pera ng bayan. Wala po ‘yang lugar doon. Kailangan malaman natin dahil paano po ‘yan io-audit ng COA? Paano po gagawin ng COA ‘yung trabaho nila? Hindi po puwede. Ako din ba bilang gobernador, kung may bibilhin ako, pwede bang gamitin ‘yang NDA?

Pangalawa, ayon sa DOH, mag-eexpire daw yung mga bakuna ng Hunyo. Ganyan lang ba ang tagal ng mga bakunang binibili natin? Ganyan ba talaga ang tagal ng lahat ng bakuna sa mundo? Hindi ko alam ang kasagutan, Cheryl, Jove, at nais kong malaman. Marahil, nais rin malaman ng ating mga kababayan. Mahigit tatlong daang bilyong piso ang ginamit natin para sa pagbili ng bakuna. Siguro naman, dapat lamang, sa laki ng gastos natin, medyo matagal-tagal ang expiration date ng mga bakuna sanang ‘yan maliban na lang, uulitin ko, kung hanggang diyan lang talaga katagal ang mga bakuna sa merkado ngayon dahil bagong bakuna lamang ito.

JF: OK. Naku, ‘di syempre sinesenyasan na ko, ‘no? Pero may ipinatatanong yung ating news desk, dahil from MJ Marfori ito, ‘no? Sabi mo kase kanina, malamig ang katayuan mo diyan ngayon. Wala ba si Heart? Alam mo, kapag nasa YouTube ako, bigla na lang uma-appear ‘yung vlog ni Heart, ano? So latest ba ‘yon? ‘Yung nasa Paris siya ngayon? Or matagal na ‘yon?

CHIZ: Matagal na ‘yon, Jove. Nakabalik na siya. In fact, magkasama kami kahapon sa kauna-unahang pagkakataong mangampanya sa lalawigan ng Bulacan. Mahigit kalahati na ang kampanya at kahapon lang kami nagkasama. Pangalawang beses pa lang ata niya mangampanya dahil seympre may trabaho din siya, may sarili din siyang dapat gawin at hindi naman para saken na sabihin na mas importante yung trabaho ko kumpara sa kanya. Importante pareho ang ginagawa namin.

JF: Pinatawad mo na ba?

CC: Bakit?

JF: Kasi dun sa napanood kong vlog, hingi syua ng hingi ng tawad dahil wala kelangan ko ‘tong bilhin, kailangan ko ‘tong bilhin, kailangan ko ‘to sa trabaho. So lagi niyang sinasabi yon.

CHIZ: Jove, hindi patawad ‘yung hinihingi niya dun. Pag-unawa. Magmula nung nag-prenup kami at ang ginagastos niyang pera ay pera niya, hindi ko naman pera. Hindi tawad ang hinihingi nya kundi pang-unawa.

JF: Tama, tama.

CC: Sus, Gov. Nagpaparinig ka kanina na malamig ang panahon, magkasama lang pala kayo kahapon. Ang bilis mo namang magparinig na kailangan ng magpa-init sa iyo agad. Na-miss kaagad.

JF: It must be the weather.

CHIZ: Ganoon talaga kasi minsan mas masarap ang muling pagkikita pagkatapos minsan ng kakarampot, minsan kakaunting tampuhan, para mas may gigil, Cheryl, ‘pag nagkita.

CC: Oo nga naman. Napapanood ko ‘yan sa mga vlog nila. Pero heto, since nasa light na tayo, though, ‘pag napappanood ko ‘yung vlog niyo, nakikita ko na meron kayo, you discuss things no? Hindi away, they discusss things pero nakikita ko pa rin ‘yung kilig nyo sa isa’t-isa. Paano? Ano ang sikreto para tip na rin ‘to sa mga mag-aasawa, ‘di ba? Sa ngiti lang, kinikilig pa.

CHIZ: Siguro, Cheryl, dahil magkaiba kami ng mundo, magkaiba din ang pananaw namin sa mga bagay-bagay.

CC: Oo.

CHIZ: At dahil doon pag-uwi namin sa bahay, may dala kaming magkaibang kwento at natututo kami mula sa isa’t isa. Imbes na pareho palagi ang tingin at pananaw namin sa mga bagay-bagay dahil parehong mundo ang ginagalawan namin, dahil magkaiba kami ng mundo. Mas marami kaming natutunan sa isa’t isa at parang bagong balita, bagong bagay ang aming naririnig tuwing nag sasalita ang isa rason para, ika nga, hindi ka maumay ang isa’t isa sa ano mang pag uusap kaugnay sa anumang bagay sa ilalim ng araw.

JF: Alam mo, totoo ‘yan, kasi nagugulat ako noong dinadala niya si Heart. Halimbawa, kahit nasa Tokyo sila, ‘dun sa mga hindi talaga mga bonggang restaurant o sa ilalim ng tulay dun sila kumakain kaya lang natatakot kung minsan, ano? Pero kasi ganoon si Chiz talaga maski noong mga kabataan namin sa Quezon City, kahit sa tusok tusok sa kalye kakain kami. Pero, so OK ba kay Heart ‘yun na pinapa-experience mo sa kanya ‘yung ganun na parang mas down to earth kind of, mga lakad?

CHIZ: Oo naman. Alam mo, isa sa mga unang date namin, Jove, pinaranas ko sa kanya ang pagsakay ng jeep dahil hindi pa raw siya nakakasakay ng jeep sa buong buhay niya. At least kakaibang karanasan at date ‘yun, mura pa. At sa dulo, kumain kami ng, kung hindi ako nagkakamali, siomai at lumpiang shanghai. Bawal ko ata sabihin ‘yung restaurant diyan lang sa Quezon Avenue, na may nakasabay pa kami na mula sa television station para sa kanya ay karanasan ‘yun. Bagaman normal sa akin ‘yun, makabago at, ika nga, kakaibang karanasan para sa kanya.

CC: Oo.

JF: Chiz, ‘yung mga tsuper natin ay tataasan na daw ang singil sa pamasahe, o baka may magagawa ka pag ikaw ay nakaupo na ulit, ano?

CHIZ: Gaya nga ng sinabi ko, dapat i-repeal na ang Oil Deregulation Law, Jove, at hindi tama ‘yung pagsuspinde ng subsidiyang ibinibigay sa mga transport sector. Jove, hindi pa nakakarating sa amin sa Sorsogon ‘yan, sinuspende na agad.

JF: Korek, korek, korek!

CHIZ: Pangalawa–

CC: Election daw kasi.

CHIZ: Kailangan lamang nila humiling ng exemption mula sa COMELEC na siyang ginagawa ng bawat lokal na pamahalaan, bawat ahensya ng pamahalaan kaugnay ng continuing program na kinakailangan ipatupad maski nasa kalagitnaan ng kampanya’t halalan.

CC: Ganoon ba ‘yun, Gov? Sorry, ito pinahaba na na lahat kailangan hingan ng exemption para magpatuloy baka there’s something we can do. I don’t know, when you get back to Senate na nakita kung baka naman puwede merong hindi na kailangan ng exemption at payagan na lang magtuloy tuloy ‘yung certain services total ano naman ‘yun para sa mga kababayan like the medical services, biglang sasabihin hingi ka ng tulong kasi eleksyon. Baka may exemption na hindi na parang gawing hindi na kailangan ng exemption bagamat ituloy tuloy na lang ‘yung service?

CHIZ: Cheryl, noon tuloy-tuloy ‘yan, depende kasi sa opinyon ng mga nakaupong commissioners sa COMELEC, so minsan may maluwang, minsan may istrikto. Sa katunayan, tinatanong ko ‘yung aming mga opisyal sa provincial government “talaga bang ganito kada eleksyon?” Bawal kami magbigay ng ayuda, ng tulong sa mga  nangangailangan ng tulong medikal. Sa mga nagkakasakit, sa may namamatayan, sa kailangan pauwiin sa probinsya. Sabi nila noon naman daw ay puwede ‘yun ngayon lamang may bagong regulation agn COMELEC na sinasabing kailangan humiling ng pahintulot, hind inga ng COMELEC provincial kundi ng COMELEC Central Office bago ito’y ipagpatuloy na gawin ng isang local government unit at sinegundahan naman ng isang co-circular na nagsasabing kailangan nga ‘yun.

Itong pagbabawal ng mga ganito, Cheryl, wala sa batas ito. Lahat ng ito’y matatagpuan sa memorandum circular implementing rules and regulations na inisyu na lamang ng mga ahensya ng pamahalaan. ‘Yan ‘yung binabanggit ko kanina bagaman ginagarantiya ng Konstitusyon at Local Government Code ang local autonomy napakaraming inisyu na regulasyon ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na effectively tumatali at naglalagay ng tanikala sa kamay ng mga lokal na pamahalaan na gumalaw at kumilos at tugunan ang pangangailangan ng aming mga kababayan.

JF: Sayang, talagang pinipigilan na tayo, Cheryl.

CC: Oo. Nag extend na kami. Sabi ko dapat isang oras pero Gov, Sen, thank you for joining us and good luck, ‘di ba?

JF: We’ll see you soon!

CHIZ: Likewise, Cheryl, Jove. Maraming salamat at paumanhin kung nag-extend at sumobra tayo sa oras. Pagbati muli mula sa Lalawigan ng Sorsogon. Thank you and good evening!