TUGUEGARAO

 

QUESTION (Q): Senator, recently po, the President has allowed the restoration or to reopen the Bataan Power Plant po. Puwede po ba namin makuha ang stand niyo dito regarding sa electric issue natin, lalo na summer, and of course the fuel import of oil na nadadamay ang price natin, ang price ng electricity and fuel. So ano po ang mga nakikita natin na positive outcome nitong Bataan power plant po? Thank you.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Galing lamang ako ng Bataan kahapon. Nakausap ko ang mga opisyal ng Bataan gayundin si Governor Abet Garcia. Personally, bukas ako sa anumang teknolohiya na maaaring magbigay sa atin ng sapat na supply ng kuryente pero dapat mag comply muna sya sa tatlong bagay.

Una, ano mang tinatalakay sa batas at Constitution natin dapat sundin. Pangalawa, sundin din ang regulasyon ang International Atomic Energcy Agency ng United Nations dahil requirement yun bago magkaroon ng planta ang isang bansa. At pangatlo, dapat pumayag ang lalawigan ng batas na huling buksan ‘yun.

Isa lamang ang mawala dun. Hindi din ako papayag na ‘yan ay gawin muli o buhayin muli. Ayon kay Governor Garcia, kung gagamitin nila ‘yung lumang teknolohiya na mahigit limang dekada na ang edad. Matanda lang ako ng kaunti, hindi sila papayag. Kung bagong teknolohiya ang gagamitin na masligtas baka daw pag-aralan at tingnan pa nila at baka pumayag pa daw sila. Nasa kamay nila ang pagpapasya kaugnay sa bagay na ‘yan.

Ang problema natin sa sa kuryente ay malala. Sa loob ng lima’t kalahating taon walang ginawa ni isang planta sa ating bansa. Alam mo sa tingin ko nagpapasalamat si Sec. Cusi, nagpapamisa tuwing may tatamang kalamidad rumaraming parte ng Pilipinas na walang kuryente. Nagpapasalamat sya sa kalamidad at sa pandemya dahil nagsara ang ekonomiya.

Kung normal lahat ha, walang kalamidad, walang pandemya, last year pa tayo nag-rotating brownouts. Hindi lang masyado na balance ni Sec. Cusi sa pagiging presidente nya ng PDP-Laban at hindi naasikaso ang kanyang trabaho bilang secretary ng Department of Energy.

Q: Ano pa po yung pwedeng gawin pa ng isang Senator Chiz Escudero after this coming, I’m sure naman po na mananalo at mananalo po kayo, Sir. Ano po ang puwede pa nating magawa?

CHIZ: Nung huli ako naging senador, wala pang pandemya nun. Wala akong naiwang trabaho dun na kailangan kong tapusin. Subalit ngayon na may kinakaharap tayong pandemya nagpasya ako na muling tumakbo sa pagka-senador. Bakit? Bilang gobernador, may hangganan na puwede kong magawa kung hindi aangat ang buong bansa.

Pangalawa, ito ‘yung mga sitwasyon ikanga sa Ingles na dapat all-hands on deck. Ibig sabihin, kung may maiaambag, may iaalok ka sa muling pagbangon ng ating bansa’t ekonomiya dapat may ialok at iambag mo ngayon. Nais kong ialok kung ano mang karanasan, talino, talent, at galing na meron ako sa matagal kong paninilbihan sa pamahalaan sa muling pagbangon ng ating bansa.

Q: My question is (inaudible) Land Transportation and Franchising Board we have approved the Php1 (inaudible) for the public utility jeepneys. So, what is your stand regarding this because this will be of big help to the drivers basically who have been affected by the pandemic?

CHIZ: Hindi ko alam kung may itutulong ako ngayon bilang dahil kahit ang LTFRB sa amin ngayon ay kalaban at inaaway ko palagi. Bilang halimbawa, bago pa pumutok itong pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Inaaway ko ang LTFRB na tinutulak ang pagpapatupad ng modernisasyon sa gitna ng pandemya. Hindi ko pinayagan ‘yun sa aming lalawigan.

Ang tinuro ko si Mayor Inday Sara. Sabi ko, “Kumbinsihin nyo muna ang anak ng presidenteng ipatupad ‘yan sa Davao bago niyo ako piliting gawin yan dito.” Dahil si Mayor Inday Sara hindi kumbinsidong ipatupad ang modernisasyon sa simpleng dahilan. Ang buwanang hulog nung bagong jeep ay Php37,000 kada buwan. Ano pang iuuwi ng operator? Ano pang iuuwi ng tsuper? Dagdag mo pa yung problema ngayon sa presyo ng produktong petrolyo.

Hindi makatarungan ang ginawa ng LTFRB na hindi pinayagan ‘yun dahil sino babalikat nun? Nagbigay ang subsidiyang pamahalaan dalwang piso lamang. Gaano katagal tatagal ‘yun? Hindi po puwedeng palaging nakatingin tayo sa ibang tao at hindi natin tinitingnan ‘yung sitwasyon ng ating mga tsuper.

Sa Lalawigan ng Sorsogon, nagbigay kami ng subsidiya muli sa panahong ito na tumataas ang presyo. Php500 subsidiya binigay namin sa mga stuper, sa mga driver ng tricycle man o jeep. Kung kami nga probinsya lang nakapagbigay ng ganun ang National Government pa. Bakit Php200 lang?

Q: Sir, any reaction dun sa security breach ng COMELEC?

CHIZ: Hindi ko masyadong nasubaybayan ‘yun. Nabalitaan ko lamang ‘yun. Sinabi ni Senator Imee. Umaasa ako na ito ‘yung mga nareresolbahan ng mga kanidato, partikular ang mga presidential candidates na mas kumpleto ang resources presidential candidates na mas kumpleto ang resources, kumpleto ang abogado, kumpleto ang mga watchers ngayon pa lamang sa COMELEC.

Bilang senador at kandidato sa pagka-senador, wala naman po kaming kakayanan na magtalaga ng watchers doon mismo sa COMELEC para subaybayan ang pagprint ng balota, pag-deliver ng mga makina. Kadalasan ang gumagawa po niyan ang mga partido at mga kandidato sa pagkapresidente.

Q: Kamakailan po ay naihangad po kayo bilang presidente ng inyong asosasyon. Sino? Classmate niyo daw po. Ikaw ba ay isang hakbang para sa balak niyong pagtakbo sa pagkapangulo sa susunod na taon?

CHIZ: Nahalal ako bilang presidente kamo ng ano?

Q: Asosasyon.

CHIZ: Ang naalala ko ay ako ang presidente ng klase namin sa UP College of Law at hindi ng asosasyon namin. Tumakbo na ako bilang vice president at hindi nagtagumpay. Hanggang dun na lamang ‘yun. Isang daan at sampung milyong Pilipino ang tayo. Hindi naman “Salvador” ang pangalan ko para tawaging “savior” o “tagapagligtas”. “Francis” lang ang pangalan ko. Bigay natin sa ibang mga tao ang kakayahan at pagkakataon manilbihan bilang pangulo o ikalawang pangulo.

Alam mo, nagtataka lang ako sa bigat ng problema ng ating bansa ngayon. Ang dami niyo ng gustong tumakbo bilang presidente. Sana biyayaan sila ng Diyos ng karunungan na hanapan ng solusyon ang mabibigat nating problema.

Q: One of your first efforts po is to gain tax exemption and additional exemptions for the low-earners. This Law is known as Republic Act 9504 Tax Exemption for Minimum Wages, ano po ‘yung stand niyo po dito? Considering po na ako po minimum wage earner po ako pero hanggang ngayon ay tax exempted ako. Binawasan pa rin ako ng tax.

CHIZ: Hindi dapat. Matagal na ipinatupad ang batas na ‘yan. If you’re a minimum wage earner, you only need to file a return, pero hindi ka dapat withholdan ng buwis. Bawal at illegal ‘yun. Hindi dapat nangyayari ‘yan. In fact, this is the first time that I’m hearing such a thing dahil filing ay hindi ini-exempt pero ‘yung pagbabayad hindi na dapat.

Hindi dapat ginagawa ‘yun. Anong kompanya ‘yan? Hindi dapat ginagawa ‘yun. At nasaan ‘yung W-2 Form nila na sinasubmit sa BIR bilang pruweba na nire-remit nila ‘yung binawas sa iyo? Dapat hindi nangyayari ‘yun. Hindi tatanggapin ng BIR ‘yun lalo na’t minimum wage earner ka.

Q: Sir, tulad po ng Bicol River ang Cagayan River din ay kasama sa river excavation project ng DENR ng National Government and the province is very lucky also right now because kasama ang Cagayan River for the River of Restoration Project. Our governor is talaga pong nakatutok dito in the (inaudible) aid to open or reopen the port of Aparri.

With your help sa Senate Sir, alam ko papalarin kayo muli, makakaasa ba kami na magsuporta just in case later on talagang kailangan ang suporta ninyo with the reopening of the port of Aparri and the continuous restoration of our Cagayan River. Nabalitaan niyo naman siguro ‘yung nangyari sa aming Cagayan mega flood at napakalaki pong pinsala sa amin at ayaw na po naming maulit ‘yun, Senator.

CHIZ: Isa sa mga pinapanungkala ko ay ang magkaroon ng grid or pipeline tulad ng National Transmission Pipeline para sa tubig. Hindi ba malungkot? Itong panahong ito, itong taong ito maraming parte sa ating bansa binabaha samantalang, maraming parte sa ating bansa ang walang tubig? ‘Pag tag-ulan baha, ‘pag tag-araw El Nino.

‘Yung kuwentong sinasabi nila, OK lang kung may tulo ‘yung bahay nila dahil tumutulo lang pag-umuulan. Hindi na dapat naaangkop ‘yan sa panahong ito. Layunin ko magkaroon ng National Transmission Pipeline ang tubig para madala ang tubig dun sa sobra at dalhin kung saan kinakailangan. Simply lang ‘yung konsepto.

Una na namin pinanungkala yun lang natapos na ‘yung termino ko bilang senador.  Halimbawa, sa University Belt sa Manila, sa Manila, sa Espanya. Binabaha palagi ‘yun. walang pinuntahan ang tubig. Ang simpleng solusyon, hukayin ‘yung buong football field ng UST, gawing cistern na malaki tapos ibalik uli yung football field at para makapaglaro pa rin ‘yung mga bata. Tuwing nagbabaha naka-divert lahat ng tubig at pagkatapos ‘yung tag-ulan ibobolto palabas para magamit bilang tubig dun sa area na ‘yun. Parehong konsepto ng National Pipeline ng tubig.  Kung sobra ang tubig sa Cagayan, dalhin sa ibang parte ng Pilipinas parang kuryente, ‘di ba? Ang power plant Cagayan, ang power plant nasa Batangas, nasa Quezon nadadala hanggang Sorsogon. Ganoon din dapat ang sa tubig.

Pangalawa, actually, isa sa mga rason kung bakit napakaganda ng agrikultura dito sa Cagayan ay dahil sa Cagayan River. ‘Yan ang pinakamalapit nating halimbawa sa Mekong River sa Vietnam at Thailand. Rason para magkaroon sila ng napakataas na productiveness sa agrikultura. Layunin ko na talagang buhayin po yan.

At kaugnay sa Aparri port, magkano kailangan sa Aparri port? May amount na po kayo? At sinong magkokontrol ng port? Ang lalawigan o ang PPA?

Q: Ang initial funding from PPA, pero ang aming governor, Governor Bamba is funding into joint venture with the investors from other countries, Sir.

CHIZ: Gaano pala ang gagastusin sa port? May estimate ba kayo, wala pa?

Q: Bilyon pa ‘yun.

CHIZ: (inaudible) Isang natutunan ko sa gobyerno, ‘pag may investor sobrang laki niyan. Kung hindi gaano kalaki ‘yan hindi kailangan i-invest. Kung may i-invest ibig sabihin malaki ‘yan. Pag-aralan niyo ng husto dahil kung may foreign partner kayo at hawak ng PPA ‘yan walang masyadong control ang lalawigan sa port na ‘yan. ‘Yan ang problema ko sa Sorsogon, sa Matnog Port. Kontrolado ng PPA, ng Marina, at ng Coast Guard. Wa-say kami kaugnay sa nagbyabyahe na sasakyan jan at wala ring income ang lalawigan. Tiyakin niyo ‘yan kung gagawin ninyo ‘yan na may income ang lalawigan ng Cagayan diyan at may control kayo kahit papano para kung may palpak o aberya, may kapangyarihan ang pamahalaan ang panlalawigan ng Cagayan na manghimasok at magpasya kaugnay sa puertong ‘yan.

Q: CEZA. Pananaw mo kailangan na ba i-review ‘yung batas (inaudible) dito sa economic zones sa ating bansa kaugnay po dito sa CEZA?

CHIZ: Bigyan ko kayo ng halimbawa. Galing akong Bataan meron din silang freeport sa Bataan. Inamyendahan nila ‘yung batas. Alam mo kung anong ginawa? Puwede silang magtayo ng freeport sa kada munisipyong papayag magtayo ng freeport. Maski na ang sukat ng lupa ay 150 o kaya 20 hectares lamang na maenjoy ang benipisyo ng isang freeport zone. Bubuksan nito ang pagkakataon para magtayo ng mga planta factory sa buong Bataan at magbibigay ng libo libong trabaho para sa mga tao dun.

Ang tila nawala at hindi na ang CEZA mula nung binigyan ng platform ang kapangyarihang magbigay ng lisensya sa online gaming at lumakas ang SEZA noong may kapangyarihan ay CEZA lamang sa posisyon na ang kapangyarihan ng PAGCOR ay territorial gaming lamang dahil (inaudible) ng PAGCOR. Ginawa ‘yan wala pang ibang online, wala pang internet. Subalit nang binawi ng PAGCOR sa kapangyarihang, ‘yan dun humina ang CEZA. Dun bumaba ang negosyo sa CEZA. Kung kailangan amyendahan, dapat amyendahan na natin para magkaroon uli ng sigla ang CEZA para makapag-akit uli ng trabaho at oportunidad para sa taga-Cagayan.

Q: Former Miriam Defensor left an act po, ‘yung Pandemic Preparedness Act po. Would we support this, knowing the fact, na tumama satin ang pandemic wala tayong batas talaga na solid na talagang magre-respond sa mga ganitong (inaudible)?

CHIZ: Co-author ako ni Senator Miriam at siya ang principal author. Oo, buhayin namin muli ‘yan dahil muling nangyari ang pandemya 100 years ago. Actually, 102 years ago exactly. The Spanish Flu in 1920. Lahat ng eksperto sa panahong ‘yun ay patay na at matagal nang pumanaw. Wala namang kursong nagtuturo para anong dapat gawin ng presidente, ng mayor, ng governor kapag may pandemya. Importante makaipon tayo ng datos sa pandemyang ito para hindi na natin kailangan ulitin pa ang pagkamali ng nakaraan, partikular ng pandemyang ito, kung sakasakaling mangyayari uli sa mundo at sa ating bansa ‘yan.

Q: You are both very busy with your wife apart, you in public service. How do you manage and balance your fun life with your job?

CHIZ: Walang gimik. Buhay ko trabaho at pamilya. Hindi naman ako teenager. Matanda na ako. Ang birthday pa. ‘Pag nalaman mo birthday ko siguradong hindi mo na makakalimutan. Ang birthday ko 10/10–10/10 na 69 pa. Siguro natatawa kayo dun sa 10/10 ha.

Sa edad kong to trabaho at pamilya ang aking inaasikaso kaya sapat ang oras. Bilang mag-asawa, magkasundo kami kailan man hindi sya ppasok sa pulitika. Kailan man hindi rin ako papasok sa showbiz. Walang tumatanggap sa akin dun. Pero gusto namin magkaiba ang mundo namin para magkaiba ang kwento naming dala pag-uwi sa bahay.

‘Yung kagalit niya, hindi ko kailangang ikagalit. ‘Yung kagalit ko, hindi niya kailangang ikagalit at natututo kami mula sa isa’t isa kagaya ng sinabi ko. Kung malayo man ako sa kanya, malayo man siya sa akin sa trabaho. Noong isang linggo lamang kadarating lang niya galing Paris. Noong isang linggo lamang siya’y nasa Paris at ako’y nasa Cotabato, at GenSan. Siya’y nasa Europa at ako’y nasa Mindanao at sa Asya. Minsan maganda ang LDR sa isang mag-asawa’t magkarelasyon para ‘pag hindi kayo magkasama nami-miss niyo ang isa’t isa at ‘pag nagkita kayo may pananabik, may gigil, ika nga. Mas nakakapaglakas ng relasyon ‘yun – mag-asawa man o magkasintahan.

Q: Sir, kung tatanungin po kayo ng mamayang Cagayanon ngayon, ano po ang magiging mungkahi niyo ng katangian ng presidente na dapat ihalal po?

CHIZ: Wala pa akong ineendorso na kandidato sa pagkapangulo pero kalabisan pa na hingin ito? Kaibigan ko lahat na tumatakbo sa pagkapresidente, nakatrabaho, nakasama ko, at kilala ko higit sa ordinaryong pagpanood at pagkikita nyo sa kanila sa telebisyon.

Kalabisan ba na hingin kong pagsamasamahin ang sinasabi nilang lahat? Bakit ba hindi tayo puwedeng magkaroon ng presidente na pagkaisahin tayong lahat? Na lalabanan at susugpuhin at ipapakulong ang korap sa gobyerno. Na mag (inaudible) kapag may pandemya at kalamidad at titiyakin na aangat ang buhay ng bawat isa. ‘Di ba ‘yun ang gusto nila?

Pero hindi pa puwedeng ganoong klase ang presidente natin? Hindi naman kailangang parang kabayo at pangkarerang nakapiring ang magiging presidente natin. Kung anong sinabi niya ‘yun lang. Kung korapsyon, korapsyon lang. Kung bilis kilos, bilis kilos lang. Kung pagkakaisa, pagkakaisa lang. Kung pag-aangat ng buhay gayon din. Puwede bang mangarap ako bilang botante? Na pinagsama-sama lahat ‘yun at ‘yun ang magiging katangian ng susunod na president?

Wala namang prangkisa sa slogan. Wala namang prangkisa sa magandang idea. Sana magpulutan ng aral ng mga tumatakbo ang kapwa nilang kandidato –  katunggali ngayon – dahil may mga magaganda silang pananaw para kung sino man ang mananalo, mapagtatagpi at mapagsamasama na ‘yun para sa mas magandnag Pilipinas at mas magandang buhay ngayon para sa mga Pilipino.

Q: Sir, isa rin pong tinutukoy noong isang araw ‘yung tungkol dun sa public hearing ng mga tricycle drivers sa station. Syempre durugtong ‘yung pagtaas pong gasolina at oil products. Ano po ‘yung magiging solusyon natin po dito?

CHIZ: Ang sasabihin ko dun ay pabor ako sa muling pagrebisa sa Oil Deregulation Law na klaro ang sanhi kung bakit walang kapangyarihan ang gobyerno – makialam man o manghimasok tuwing tumataas ang presyo ng petrolyo. Pangalawa, hindi naman po puwedeng ‘pag tumataas ang presyo ay hindi nila papayagang itaas ang pamasahe. Tingnan niyo na lamang kung gaano ka lugi ang ordinaryong Pilipino.

Sa sektor ng langis, deregulated ang pagpresyo ng mga dambuhalang kumpanya ng langis. Hindi puwedeng pakialaman ng gobyerno. Dati ng mayaman ‘yung mga ‘yun, ‘yun pa ‘yung hinayaan mong magpresyo at walang pakialam ang gobyerno.

Tapos, ‘yung pamasahe hindi pwedeg itaas ng walang hintulot ng gobyerno. Parang mali yata ‘yun. Parang hindi patas ang laban. Kung sino pa ‘yung mayaman, ‘yun ang hinayaan ng gobyerno. Kung sino pa ‘yung mahirap, ‘yun ‘yung tinali, kinadena, at pinusasan ng gobyerno para madagdagan man lamang ang kita niya. ‘Yun pa lamang konseptong ‘yun mali na po at hindi na tama.

Q: Any (inaudible) protection po kagaya ng (inaudible) ng ating batas na nag (inaudible) proteksyon po, tingin nyo po sa Senado ang kailangan ipasa?

CHIZ: Ang kailangang tiyakin na pinapatupad na nasa ahensya ng pamahalaan sa Executive branch ng lahat ng batas na pinasa namin kaugnay sa kalikasan kulang ang pagpapatupad at kulang ang batas.

Sa totoo lang, sampung batas lang ang binigay sa atin ng Diyos. Nakaukit pa sa bato ‘yun. Hindi pa sinusunod ng tao. Ba’t pa natin dagdagan ang ginagawa ng taong nakasulat lang sa papel na puwedeng punitin at lukutin at itapon? Kung sinusunod lang natin ang Sampung Utos ng Diyos, huwag mong aasahan may problema pa tayo ngayon. So nasa pagpapatupad ang problema kaugnay sa mga batas ng kalikasan.

Q: Sir, bilang gobernador na babalik ka sa Senado, ano pong gagawin niyo para mapalakas po ang ating local government unit, gobernador at mayor lalong-lalo na sa paggasta po sa kanilang (inaudible) approval mula sa DBM (inaudible)?

CHIZ: Papabawi ko mula sa mga ahensyang ‘yan: DBM, DILG, COA, CSC ang mga memorandum at circular na ginawa nila na tumatali sa mga kamay ng mga pamahalaan, siyudad man o probinsya, kung pano gastusin ‘yung pera namin, IRA o locally-generated revenues. Mas alam namin kung anong dapat gawin sa aming mga lugar. Wala sa posisyon ang National Government agencies na diktahan kami kung paano ito gastusin.

Bilang halimbawa, itong Mandanas Ruling dinagdagan ng IRA ng mga barangay, munisipyo, syudad, at probinsya. Sa kabuoan ang dinagdag ay 655 billion in total. Akala ng mga LGU na pagdagdagan ang IRA nila masmarami silang magagawa. Anong ginawa ng national government?

Nagpasa ng Executive Order 138, nag-devolve ang napakaraming program, activity and function ng National Government sa mga local government units. Alam niyo na hindi kasama ‘yun sa budet ng 2021? Ang total na ipinasa nilang trabaho sa mga LGU ang halaga ay Php1.4-T. Ang dinagdag ng Mandanas Php655-B lang. Sobra doble ang pinasa nilang trabaho sa dinagdag ng IRA namin. ‘Yun pa lang mali na naman.

Layunin ko bawiin ‘yun. Ibalik sa National Government ang trabahong dapat sila naman ang gumagawa at hindi ipasa naman sa lokal na pamahalaan kung saan sa dulo kulang na naman ‘yung pondo namin sa daming trabaho na pinasa sa local government unit.

Dagdag pa rito. Nais kong maipaalam sa mga lokal na pamahalaan – probinsya, syudad, munisipyo, o barangay man –  pagdating ng 2022 bababa, bubulusok pababa ang mga IRA natin. Bakit?  Nakabase po ‘yan sa internal revenue ng National Government three years ago. Taong 2020 alam naman natin na dumagdag ang pandemya bagsak ang ekonomiya. From 6% ng GDP ng 2019, bumaba ng negative -9% ang GDP ng Pilipinas. Year on year labing limang pursyento ang binaba. Bumaba din ang koneksyon, maraming nagsarag negosyo. Tinatayang bababa ng 25% ang IRA ng mga lokal na pamahalaan ng 2023 base sa IRA sa taong 2022. So ‘yung ibababa next year, mas malaki pa sa itinaas this year.

Kailangan ng paalala dahil baka next year ‘pag ginamit natin ‘yung pera para mag-create ng bagong item, hindi na natin masuwelduhan ‘yun. Baka next year, ‘pag inubos natin ‘yung pera at hindi tayo nagtabi or naglagay man lang ng savings para may surplus next year.

Baka hindi mapapatuloy ang mga programa na sinimulan na natin. Baka ginastos natin yung pera sa recurring expenditure tulad ng pagcreate ng bagong permanenting item. Hindi natin kayang isustain ‘yun sa darating na panahon bilang lokal na pamahalaan.

Sa dami ng pagi-IRA ng National Government, hindi minsan at hanggang ngayon, hindi pa rin nila sinasabi sa atin  ginigiyahan tayo ang mangyayari at nais ko sana ‘yun ang gampanan nilang papel, huwag maging masungat ‘pag may gastusin ang pera.

Q: Paano ang mga LGUs sa pagtaas ng mga presyo within that area po?

CHIZ: Alam mo, isang stratehiya ang para mabuhay muli ang ekonomiya ng isang lugar ay palakihin ang pagbabayad ng mga business taxes (inaudible) para maitayo muli ang mga negosyong nagsara.

Ang isang estratehiya para ma-improve man ‘yung koneksyon ginagamit na ‘yan sa maraming siyudad sa ibang bansa. Gamit ang GPS, makikita niyo kaagad kung ano talaga ang sukat ng mga establisyemento dahil kung may korap na mga naunang local official nag-handle na sa table kaugnay occupancy permit kung ilang metro nga ba ‘yung warehouse, ilang metro kuwadrado ba ‘yung opisina, yung building, ‘yung factory. Kitang-kita na ngayon gamit ang teknolohiya sa GPS kung ilan nga ba.

Ang siyudad ng Valenzuala ang pinakamagandang impluwensya. Halos na doble nila ‘yung real property taxes nila at income nila sa (inaudible) permits gamit lamang ang GPS kasi syempre magpadala ka muna ng inspektor. ‘Di sila-sila muna ang mag-usap pero gamit ang GPS walang usap-usapan ‘yun. Teknolohiya at kompyuter ang magpapasya para sa kanila. Discretion always equals corruption. We minimize discretion, we minimize corruption. Eliminate discretion, you eliminate corruption and that will always equal increased collections.

Q: Senator, regarding dito sa Ombudsman, kasi ako bilang isang partner ramdam ko ang hirap pagdating ng, ano po ang pwede nating gawin?

CHIZ: Maliban sa nabanggit ko kanina kaugnay sa masmataas na (inaudible) para sa agrikultura, ang ginawa namin sa Sorsogon ay ito. Tinesting namin sa tatlong palagay sa kada bayan. Binali ‘yung ugnayan ng magsasaka at ng dealer o ‘yung inuutangan niya.

Ano ‘yung problema ng land reform? Binigyan mo nga ng lupa ‘yung magsasaka wala naman siyang para makautang para sa personal niyang pangangailangan at para sa niya. So, ‘yung aanihin niya ngayong taon, sa totoo lang, inutang niya na 2 years ago pa. At kung iko-compute mo, hiniram namin ‘yung inutangan, hiniram namin bilang magsasaka, ako, mayor, gobernador, pati pulis, pati piskal hinarap namin. Kung kinompute, mo limang beses na niyang nabayaran ang inutang niya, may utang pa rin sya.

Binali namin ‘yung ugnayang ‘yun para maramdaman ng magsasaka ‘yung kita naman talaga niya. Hindi na nga nabibili sa tamang presyo, ‘di ba? Babaratin pa at gagamitin pangbayad ng utang na kumikita pa ng interes. Minsan ‘yung binayad niya pang interes lang. Hindi pa nagagalaw ‘yung principal. Dapat pasukan ng gobyerno ‘yan gamit ang lokal na pamahalaan. ‘Yun lamang ang paraan para maagpalagay mo ang kita ng magsasaka. At kung sasabihin ng Department of Agriculture na hindi nila alam ‘yun puwes wala talaga silang karapatan pamunuan ng departamento. Hindi nila nalalaman dahil bakit wala silang ginagawa kaugnay nyan sa napakahabang panahon na?

Nagawa namin ng matagumpay 80 porsyentong barangay na pinasukan namin. ‘Yung pumayag ng mga inuutangan nila, pumayag ‘yung mga trader na syempre may kasamang gobyerno na nagsasabi sa kanila, “Kung kayo magiging magkwenta sa utang ng magsasaka sa inyo mas magiging makwenta kaming gobyerno sa inyo tingnan natin kung sinong napahiya.” Sa pamamagitan ng pagkasundo, hindi naman siya lugi. Nabayaran naman siya. Ilang beses na siyang nabayaran. Tama na, tama na. Bigay na natin to sa magsasaka. ‘Yun ang kulang na hindi nababanggit na dapat gawin ng pamahalaan lokal man o nasyonal.

Sa muli, karangalan ko muli makabalik dito pero imbes na (inaudible0 ako sa aking agrikultura hayaan niyo lamang sabihin ko ang mensaheng ito. Sa halalang ito na sobrang init, nag-aaway away na ang mga kamag-anak, magkaka-opisina, o magkaibigan. Iba’t iba ang dalang kulay: red, blue, yellow, green, o ano pa man. Sana pagkatapos ng eleksyon dalanganin natin na ang kulay na dapat nating dala ay pula, asul, puti, at may kaunting dilaw. Mga kulay na sumasagisag sa ating bandila, sa Philippine flag, ika nga. ‘Yan ang dapat nating dalang kulay matapos ang halalang ito. Nakakatawa na ang mga supporter nag-aaway away pero ‘yung kumakandidato, puro magkaibigan naman sa labas ng pulitika.

Sana talikuran at kalimutan natin ‘yan pagkatapos ng May 9 dahil sino man ang mananalo, siya ang uupo at tatayo bilang pangulo sa bumoto sa kanya at hindi boboto sa kanya, ng gusto siya at ayaw sa kanya, ng minumura sya at sinisigaw, “I love you” sa kanya. Sana (inaudible) at pagsilbihan ‘yan dahil sa araw lamang ng halalan tunay tayo lamang nagkapantay-pantay, mayaman o mahirap, babae o lalaki, may puwesto o wala, nakapag-aral o hindi tig-iisa isa tayo ng boto. So sana galangin natin, bigyan natin ng kapangyarihan at karapatan ngayon dahil minsan sa tatlong taon lamang nangyayari na pantay-pantay tayo. Dalangin ko, syempre ang kaligtasan ng bawat isa at pasasalamat sa pagtanggap sa akin dahil karangalan ko makabalik dito sa Tuguegarao City, sa Lalawigan ng Cagayan. Magandang umaga at maraming salamat. Mag-ingat po sana kayong lahat.