Nakikiisa ako sa sambayanang Pilipino sa pagbibigay pugay sa ating mga nanay ngayong Araw ng mga Ina.
Ang kanilang pagmamahal at sakripisyo ay hindi matatawaran bilang ilaw ng tahanan, kasama, kakampi, kasangga, at katuwang sa pagtataguyod sa ating pamilya at ng ating bansa. Kaya’t marapat lang na buhusan natin sila ng pagmamahal, respeto at pagpapahalaga sa lahat ng panahon at pagkakataon.
May mga nagsasabing ang ating bansa ay isang “matriarchal society” na kung saan ang mga ilaw ng tahanan ay malakas ang impluwensya sa bawat miyembro ng pamilya. Kaya naman hindi nakakapagtaka na marami sa ating mga anak, lumaking maka-nanay.
Sa araw na ito, special shoutout sa aking ina na si Nanay Evie, sa aking maybahay na si Heart, at sa aking mother-in-law na si Mommy Cecile. Dalangin ko ang patuloy na pagpapala mula sa Panginoon para sa inyo at sa lahat ng mga nanay na patuloy na nakikipaglaban para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.
Happy Mother’s Day!