UKOL SA PAG-ENDORSO NG IGLESIA NI CRISTO (INC) SA PAGBABALIK-SENADO NI GOVERNOR CHIZ ESCUDERO

 

Taos-pusong pasasalamat po, Tagapamahalang Pangkalahatan Ka Eduardo V. Manalo at sa buong Kapatiran ng Iglesia ni Cristo (INC), dahil sa inyong pag-endorso sa aking kandidatura sa pagkasenador.

Ang inyong suporta sa aking kandidatura at sa inyong pagtitiwala sa aking kakayahan, karanasan, at karunungan bilang isang lingkod-bayan ay nagsisilbing inspirasyon sa akin upang pagbutihin pa ang aking tungkulin kung sakaling ako’y muling mahalal sa Senado.

Kaisa po ninyo ako palagi sa inyong mabubuting hangarin kabilang ang pag-ibsan sa kahirapang dinaranas ng ating mga kababayan sa panahong ito ng pandemya.

Kabilang ang Iglesia ni Cristo at iba’t ibang sektor sa lipunan, sama-sama nating isulong ang pagbabago at tungo sa isang maunlad at mapayapang Pilipinas.